GENERAL POV.
Pinagusapan ng bawat grupo ang sari-sariling strategy nila sa gagawin nila. para alam nila kung ano ang gagawin upang hindi ngumanga at safety na rin ng bawat ka-grupo sa bawat groups.
Nasa White House ngayon ang Group 1 after nila pag usapan ang strategy na gagawin nila sa task nila buong gabi sila nagpahinga para sa task nila.
Habang si Vhong,Anne at Billy nasa studio abalang abala. ang ibang Showtime Host na ka-grupo nila ay tinutulangan sila.
Si Kuya Kim naman ay abalang abala pa rin sa paghahanap ng lunas sa Virus. at may ineembento rin ito. kumbaga sa situation ngayon ay si Kuya Kim ang naging scientist at inventor nila hohoho.
7:00 am in the morning..
Naka bihis na si Vice all leather. all black. at may suot suot itong steel armor sa balikat niya at may knee pad at naka shades pa!. aba matinde!
Naka upo ito ngayon sa Living room habang nakapatong yung isang paa niya sa kabilang binti niya. upong lalaki ba...
Bumaba naman na si Eruption naka black tank top ito at naka shorts hanggang tuhod. simple geh!..
"Eruption..task natin ang pupuntahan..hindi Gym..." Ang comment ni Vice sa suot ni Mama E.
kaya umakyat ito para muling magpalit.
Sumunod na bumaba ay si Buern. naka all leather rin naman 'to. kaya pasok sa banga ang pormahan ni Buern kay Vicey.
At ang sumunod ay si K. bumaba...naka pang mafia ito..
"Yung totoo Karylle?..."sabi ni Vice sa suot ni K. na naka poker face.
Natawa na lang si K. at umakyat rin 'to upang muling magpalit.
"Pinagusapan na kagabi ang susuotin para sa task. haay!"Ang sabi ni Vice.
"Ang init naman kasi meme..leather?..ikaw may bakal ka pa sa balikat mo..bat hindi ka pa nag harness..."Ang comment ni Buern sa kasuotan ni Vice.
"Aba Si---" Naputol ang sasabihin ni Vice dahil nakababa na si Eruption. at approved na kay Vice ang kasuotan nito.
"Eruption...yung truck nasa labas na. Paki ready...Buern yung mga guns na gagamitin paki-kuha na lang sa garage then dalin mo at palagay na sa loob ng truck. Okay?" Utos ni Vice sakanila na agad sila sumunod.
Naiwan mag isa si Vice. nakatayo ito sa harapan ng hagdanan para hintayin ang pagbaba ni Karylle .
After ng ilang minuto ay pababa na si K. habang si vice ay nakatalikod. halatang naiinip na si vice kaya napalingon na ito.
"Sorry..."-Naka yukong sabi ni K.
"A-aahhhh...Its okay..So let's go..."-Vice.
Inoffer ni Vice ang isang kamay nya para alalayan ito bumaba. Naka ngiti naman tinanggap ni Karylle ang kamay ni Vice.
"Thank You.."-Karylle
Nang nakababa na si K. nakahawak pa rin si Vice sa kamay ni K. At nakatingin naman si K. sa pagkahawak nito sa kamay nya habang si Vice ay pinagmamasdan ang mukha ni K.
Pagtingin naman ni K. sa mukha ni Vice ay biglaang umiwas tingin ito kay K. At hinigpitan ang pagkahawak sa kamay nito.
"Vice..."-Ang sabi ni K. Habang tinititigan si Vice.
"A-ah..Y-y-yes K.?"-Nauutal na sabi ni Vice na sabay muling pag tingin niya kay K.
"Masakit na..."-K.
"H-ha?..ang alin..?"-walang malay na tanong ni Vice..na sabay tingin sa kamay nilang naka-holding hand..
"Sorry.."-Dagdag na sabi nito at sabay bitaw sa kamay ni K.
"May problema ba?"-Tanong ni K.
"Wala...kinakabahan lang"-Vice
"HA? IKAW KINAKABAHAN!?..."-Gulat na sabi ni K.
Tumango na lamang si Vice habang naka pout ang lips nito at naka kunot ang noo.
"Ah..eh...sa lahat ng gig ikaw ang bugbog tapos ikaw pa kinakabahan?"-takang tanong ni K.
Nag crossed arms na lang si Vice habang nakatitig sa main door ng white house.
"Ay nako..Vice..hinihintay na tayo nung dalawang yun..."-Sabi ni K. At simula na 'tong maglakad palabas...
Nang agad agad hinatak ni Vice ang kamay ni K. At yinakap ito ng mahigpit
"Kinakabahan akong mawala ka."-Bulong na sabi ni Vice.
Pagkatapos nito yakapin ng mahigpit. Hinawakan nito ang dalawang pisngi ni K.
"Dahil love love kita eh.."-Dugtong na sabi nito habang nakahawak sa pisngi ni K.
Sabay nag look down lang si K. Dahil sa nakita ni Vice parang nagtampo ito kaya bumitaw na 'to sa pagkahawak nya sa dalawang pisngi ni K. At tumalikod.
"Ok lang kung ako lang nag love love sayo. Kaya ko naman maghintay. "-may tampong sabi ni Vice at naglakad na 'to palabas para puntahan na sila Buern.
Sumunod naman si K.
-----------------
*LAB*
Kung anu-ano na tinurok ni Kuya Kim sa zombie pero wala pa rin cure. Pero na realize ni Kuya kim na baka may kulang nang agad agad nito kinuha ang walkie talkie na nasa table.
"Vhong?..Vhong?..."-Kuya Kim
After ng ilang minuto bago mag response si Vhong
"Oh Dr.Kim?"-Vhong
"Uy! Anong Dr.Kim...hahaha Vhong kailangan ko ng mushroom?.."-Kuya Kim.
"Mushroom?..ha? Para san?"-Vhong
"Basssstaaa! Kailangan ko tsaka 2 daga na rin."-Kuya Kim.
"HA!? Ano!? DAGA!?"-Vhong
"Paulit ulit vhong? Oo daga! Dali"-Kuya Kim
-------------
*Mall*
Bumaba na ang apat ng truck.
"Walang hihiwalay guys at maging alerto!"-Vice
Nasa entrance na ang apat. Nasa unahan ang ViceRylle na sanay na sa tararararatratratarat. Habang ang dalawa na sila Mama E. At Papa B. (Anyare?) Ay nasa likuran nila Vice.
Nakahanda ang kani-kanilang armas para sa mga zombie na nag aabang sa loob.
"K. ready?.."-Tanong ni Vice na nakatingin kay K.
Bago sumagot si K. Ay huminga muna 'to ng malalim "Iiiyyyyupppp!!! Ready!!!" Sabay hugot sa katana nya. Kuminang kinang ito dahil sa talas nito.
Nang biglang may sumingit na Cellphone sa harapan nilang dalawa. "Selfie muna guys." Ang sabi ni Eruption.
Tumigin naman ng masama si Vice kay Mama E. "S-selfie?.." ang tanong nito.
"Yeah..para pag na mamatay tayo. May huling selfie tayo. "Sabi ni Mama E. na sinabayan ng pag taas ng balikat nya ng sabay.
"Noo waaay! Wag ka namang ganyan teh."Singit na sabi ni Buern na napaurong ang ulo nito.
"Oo nga! Eggzoited!? Di tayo mamamatay. Kasama nyo kami ni K. oh!"sabi ni Vice.
"Yes. We can do this guys. Kaya natin 'to! Sabay sabay tayo mag tatagumpay sa task na 'to."Dagdag na sabi ni K.
"Alright. Sorry guys."-Eruption.
"Pero...sige na nga. Selfie na! Sayang rin naman ang #OOTD ko ngayong araw na 'to"-Vice.
1..2..3 NGA NGA SMILE *click*
Pag tingin nila sa selfie group nila. May zombie sa likuran na naki selfie rin.
"DUCK!"-Sigaw ni K. kay Buern.
"Duck? Ano raw?..."-Takang tanong ni buern.
"Arrrghhhh! Pangit na! Wala na yung action scene! Duck means yuko or down!"-Sabi ni K. na may pag kahinayang dahil sa scene.
"Ohhh...."-Buern.
Patakbo na ang zombie na nasa likuran na banda sa likuran ni Buern.
"WAAAAAAIIIT!!"Sigaw ni Vice sa zombie.
Tumigil naman ang zombie.
"Okay. Take two!!!. Ready mo yung video eruption."-Mala Director na sabi ni Vice.
"Okay direk!"-sabi ni eruption sabay nilagay sa video yung camera
"Ready? Okay. ACTION!!!"-Vice
"DUCK!!!"-Sigaw ni K. Sabay hugot ng knife blade sa may knee nya na ala action star.
Yumuko naman agad si Buern nung pagkasigaw ni K.
Pagkahugot ni K. Sa blade agad agad nya tong binato sa zombie..at tumama ito sa noo ng zombie mismo.
Masyado mabilis ang pangyayaring ito.
Napahiyaw naman si Vice sa performance na ala action star ni K.
"Bull's eye!!! That's my baby!!! Hooo! Hasta La Vista!"-Hiyaw nito na may patalon talon pa at nasama sa video ang hiyaw ni Direct.Vice
"Direek! Mamaya ka na humiyaw. Trabaho muna! Cut na ba?"-Sabi ng cameraman na si Eruption.
Napatigil si Vice sa kakahiyaw. At napatingin ng masama.
"CUT!! CUT!!!"-Sigaw ni Vice na halos mapakamot ulo.
"I-edit na lang meme. Humiyaw pa kasi. Sayang arte ni K. dun noh."-Buern.
Tawang tawa naman si K.
"Ok. Edit na lang. Sa loob na tayo mag sho-shooting guys. Get ready."-Director Vice.
"Next scene."-K.
TO BE CONTINUED...