Chapter 2-The ZomBaysRil Hunter???

2.3K 62 3
                                    

*GENERAL POV*

Makalipas ng isang araw...

Wild na wild sumasayaw si Vice sa gitna ng dance floor. nang may humawak sa balikat nito

"Brad, tama na yan hahaha!"-Vhong

napalingon naman si Vice kay Vhong. di nito pinansin ang sinabi ni Vhong dahil sa kalasingan hinawi lang nito kamay ni Vhong at hinawakan at sinayaw sayaw nito.

"Paartyyy partyyyy Vhong!!!!"-Sigaw na sabi ni Vice.

Nang hinila na ni Vhong si Vice.

"Vhong..ano ba..ang KJ mo ngayon haa!"-Sabi ni Vice habang pilit na pumipiglas ito sa pag hila sakanya ni Vhong

Palabas sila ng Guilly's-botic ..nang palabas na sila ay napahinto si Vhong. nang nagtaka naman si Vice sa paghinto ni Vhong kaya naki chismoso na to kung ano dahilan ng kinahinto nito..

"K-Karylle!?"-Vhong.

napalaki naman ng mata si Vice at tila nagising ito at nawala ang pagkalasing nito sa nakita. biglaang nagtakip naman ito ng mukha gamit mga kamay nya.

Hindi rin makapaniwala si Karylle sa nakita nya. at napikon pa ito sa pagtakip ng mukha ni Vice. lumapit ito dito at hinila ang tenga nito palabas ng club

"A-A-aaaraayy! a-araaayy! masakit K!"-sabi ni Vice habang hinihila ni K. ang tenga nito palabas ng club. nakasunod naman si Vhong sa kanila at inaawat nito si K.

"Uy K! nasasaktan si brad!"-Sabi ng pag aawat ni Vhong.

pero di binigyan ng pansin ito ni Karylle..tila busy ito sa kakahila ng tenga ni Vice.

Nang na sa labas na ang Tatlo...binitawan na rin ni K. ang tenga nito. pagbitaw ni K. ay napa talon talon si Vice sa sakit.

"Tenga ko! tenga ko! tenga ko! waahh!"-Patalon talon na sabi ni Vice habang nakahawak ito sa tenga nya na hinila ni K.

napalapit naman si Vhong kay Vice at tinignan ang tenga nito.

"Braaad!!! nakakabit paaa! wag ka mag alala!"-sigaw na sabi ni Vhong kay Vice

naka-crossed arm naman si K. at tinititigan ang dalawa.

Napatingin naman si Vhong kay K, at nakita nito na seryosong seryoso ito. kaya tinapik nito si Vice ng siko nya.

"Brad..si K..."-Mahinang sabi ni Vhong kay Vice.

Narinig naman nito ni Vice at naramdaman ang pag tapik ng siko ni Vhong sakanya. kaya napatingin ito kay K. at napa stand straight ito pero nakahawak pa rin sa tenga nyang namumula.

Sa itsura ni Vice ngayon ay parang takot na takot sa kumander dahil sa paghimas himas nito sa tenga nyang namumula at nakayuko ito sa harapan ni K.

*Moment of silence*

Tahimik ang paligid. habang si Vice patuloy pa rin pag himas sa tenga nyang namumula at nakayuko pa rin..hindi makatingin kay K.

"Tinakpan mo pa talaga mukha mo?"-Pag basag ni K. sa katahimikan habang naka crossed arm pa rin ito at nakatingin kay Vice.

Hindi kumikibo si Vice patuloy pa rin ito sa ginagawa niya hanggang sa napahimas na ito ng batok nya at napamulsa ang isang kamay.

"Tinataguan mo ba ko?"-Sunod na tanong ni K.

pero wala pa ring kibo si Vice.

"Uhmm...Guys.."-Agaw attension na pag singit ni Vhong.

napatingin ang dalawa kay Vhong.

ZomBaysril Radioactive (Showtime Family) *ON HOLD*Where stories live. Discover now