Chapter 4-The Big 5!

2.2K 52 4
                                    

VICE'S POV

Pagkatapos namin rumampa ni K. sa Red Carpet hinila ako nito papunta sa may gilid kung saan walang tao. at bigla bigla itong may kinabit sa tenga ko

"Ayan. para may contact tayo pag pasok natin sa loob."-Ang sabi niya pagkatapos nito ikabit sakin yung earpiece

"Ah. so mag hihiwalay pala tayo sa loob?"-Ang napakunot noo kong tinanong

"Yes!!!"-Maikling sagot nito habang kinakabit niya rin yung earpiece nya.

Nang bigla itong yumakap sa leeg ko at hinalikan ako. O.O after a few seconds bumitaw rin ito. napatulala naman ako sa ginawa nito.

"Huuuyyy!! *tapik sa pisngi ni V.*"-Karylle

Natauhan naman ako sa pag tapik nito sa pisngi ko.

"Bat mo ko hinalikan?"-ang tanong ko kaagad sakanya

"Haha! sorry..may robo-cop kasi sa likuran mo na nakatingin saatin kanina. syempre gumawa ako ng eksena kung bat tayo nandito! hello!?"ang sagot nito saakin na sabay hinatak na naman ako upang pumasok na kami sa loob ng White House.

Na tahimik naman ako dahil sa eksenang yun. kaloka! at na sa loob na nga kami ng White House. puno ng kaingayan sa paligid dahil sa tugtog, sa kwentuhan ng mga bisita, sa mga tawanan ng mga ito.

++++++++++++++++++++++++

VHONG'S POV

Napatingin ako sa main door kung saan dumadating ang mga bisita. at nagulat naman ako ng dumating si Karylle...pero di ito nag iisa dahil nakita ko pa na hila hila nito si Vice. teka..ok na sila!?

syaka si brad!? napa punta ni Karylle dito? kilala ko pagkatao ni Vice. ayaw na ayaw na niyang pumunta rito dahil kay Ernie...

"KUYS! si Vice at K! ohhhh!!!"-ang sabi ko kay Billy na tumitikim pa ng pagkain at napatingin naman sakin ito.

"Saan!?"-ang sabi niya sabay tingin sa paligid habang nginunguya nguya pa nito ang pagkain na tinikman niya.

Linapag ko naman saglit ang hawak hawak ko wine glass sa lamesa. at umakbay ako kay kuys Billy atsyaka namin pinuntahan ang dalawa.

+++++++++++++++++++++++++

VICE'S POV

Huminto kami sa harapan ng hagdanan. humarap sakin si K. at tinitigan ako nito sa mata kaya nag eye to eye kami nito.

"BRAD!!" Ang sigaw na nang gagaling sa likuran ni Kurba na familiar yung boses..kaya napatingin ako sa likuran ni Kurba

Nakita ko ang BillyVhong na naka akbay pa si Vhong kay Billy habang papalapit saming dalawa ni K. at napalingon din naman si K. sakanila.

"Bestie!"Bati ni Billy sakin paglapit ng dalawa samin. yinakap ako nito at tinapik tapik ang likuran ko. brotherhood na brotherhood! ganun rin kay Vhong. bumeso naman si K. sa dalawa.

"Tekaaa! (napatingin saming dalawa ni K) ViceRylle!? aba kelan pa!?"Gulat na gulat na sabi ni Billy samin habang si Vhong ay napahawak sa balikat ni Billy

"Kuys! kagabi lang yan! hahaha!"natutuwang sabi ni Vhong.

"Tekaa..kagabi takot na takot ka Vice ahh..sa mga sermon ni K. pero ngayon parang bali wala lang yung Isang Taon na pag.."sadyang pag putol ni Vhong sa sasabihin niya para asarin ako ..

"I-push mo yeeeeennn! Vhong.."ang sabi ko na inirapan ko pa si Vhong at tinawanan lang ako nito.

"Ok na kami ni Vice...right?"sa wakas nagsalita si K! tumingin naman ako dito at tumango tango na nangangahulugan na "Oo nga ok na kami ni Kurba"

ZomBaysril Radioactive (Showtime Family) *ON HOLD*Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz