Ako Lang Ang Nagmahal (Publis...

By AndieHizon

185K 2.5K 92

Bettina's life was boring. Single at thirty, manang manamit and never been kissed. Pero ano ang gagawin niya... More

Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 2

16K 205 6
By AndieHizon

"YOU WHAT?" gulat na tanong ni Yelena nang ikwento niya rito ang nangyari nang nagdaang-gabi.

"I kissed a stranger," pagmamalaki niya. That was an achievement on her part. Bakit ba?

"Seriously? Ikaw?" hindi pa rin makapaniwalang tugon nito.

"Oo nga!"

"Gosh, Bettina, tao ka na," tuwang-tuwang sabi nito. Kulang na lang ay magtatalon ito. "I will tell the girls."

"Hindi ka rin mahadera, ano?" sarkastikong sabi niya rito.

"Kailangan natin 'tong i-celebrate," natatawang sabi lang nito.

Nang gabi ring iyon ay nagtungo sila sa isang bar sa BGC. Pakiramdam ni Bettina ay hindi siya bagay sa lugar. Everyone was dressed appropriately. Ang mga kaibigan niya, nagtanggal lang ng blazers ay bagay na sa lugar na iyon. Samantalang siya, kailangan niyang hubarin ang long-sleeved blouse niya para lang bumagay doon.

"Let's dance," yaya ni Gracia sa kanila.

"I don't dance. Ang tagal na nating magkakilala, parang bago ka ng bago," aniya rito.

"Noong una kitang makilala, hindi ka marunong humalik. Ngayon, nasubukan mo na. Parang ganoon lang din 'to, Bettina. Kailangan mo lang subukan."

Wala na siyang nagawa nang hilahin siya nito sa dance floor. Hiyang-hiya siya kaya halos hindi siya makagalaw. She gritted her teeth when Gracia held her hands and swayed those playfully. "Loosen up, Bettina. I-kembot mo 'yan," natatawang sabi nito.

"Gaga ka," malakas niyang sabi rito. Kung hindi niya lalakasan ay hindi siya nito maririnig. Sa kagaslawan ni Gracia ay may nabangga sila. Nanlaki ang mga mata ni Bettina nang makilala ang lalaking nasanggi ng mga kamay nila ni Gracia. It was the drunk stranger from last night!

Their eyes crossed. "Magkakilala ba tayo?" tanong ng lalaki. Halos hindi niya narinig iyon, binasa niya lang ang galaw ng labi nito.

"No," maagap niyang sagot at saka nag-iwas ng tingin sa labi nito dahil kahit malayo ito sa kanya ay tila muli niyang naramdaman ang labi nitong nakadampi sa labi niya.

"Are you sure?" mas malakas na nitong tanong.

"Yes." Hindi naman talaga niya ito kilala. Iniwan niya si Gracia at ang lalaki sa gitna ng dance floor. Nagtungo siya sa bar counter para um-order ng martini. She may not look like it but she was quite a drinker. Doon lang sila nagkakatalo ng mga kaibigan niya.

"Miss?" anang isang tinig mula sa likuran niya. Nanayo agad ang balahibo niya sa bandang batok. That mean that the man was close to her. Dahan-dahan niya itong nilingon.

"Yes?"

"I think I already saw you before," anang makulit na estranghero.

Sa pagkabigla niya ay inalis nito ang eyeglasses niya. Bumuka ang bibig niya ngunit walang salitang lumabas mula roon. "You're familiar," sabi pa nito.

Pabalang na binawi niya ang salamin sa mata at muling isinuot iyon. "Hindi nga kita kilala. Bakit ba ang kulit mo?" asik niya. Ang totoo ay nagtatapang-tapangan lang siya dahil nanginginig talaga ang tuhod niya ngayong ganoong kalapit ang pagitan nila. Para siyang hinihila ng mga mata nito.

"Magpapakilala na lang ako," imbes ay sabi nito. He grinned. "I'm Zeus," pagpapakilala nito sa sarili. His name fitted him. Zeus, the king of the gods. The Zeus in front of her looked like a Greek god.

Iniumang ang isang kamay sa harap niya ngunit hindi niya iyon agad tinanggap. "You are?"

"I don't give my name to strangers," pagtataray niya.

"But you can kiss a stranger?" tanong nito nang may mapaglarong ngiti sa mga labi.

Diyos ko!

"H-hindi ko alam ang sinasabi mo," natatarantang wika niya. The jerk remembered their kiss. Muntik siyang mapapikit sa kahihiyan.

"Talaga?" nakangising tanong nito. "Gusto mong ipaalala ko sa'yo?"

And before she can react, his lips landed on hers. Nagsimulang gumalaw ang mga labi nito at nawala na naman siya sa sarili. Humawak ang dalawang kamay niya sa magkabilang panga nito. Ito ang gusto ng Zeus na ito? Puwes, pagbibigyan niya ito. Hindi siya magpapatalo para pagtawanan ng mga tao sa paligid nila. She was tired being pathetic in the eyes of many.

Hinigit niya ito upang mas mapalapit sila sa isa't isa. She kissed him as hard as she can. Hindi niya rin ito agad binitiwan kahit tapos na ang makapigil hiningang halik. "You like it?"

Imbes na sumagot ay muli siya nitong hinalikan. He kissed her like the way he did the other night. Tumigil lang ito sa paghalik nang pareho na silang pinangangapusan ng hininga. Idinikit nito ang labi sa kanyang tainga. "Sweet," anito na lalo ng nagpatindig sa mga balahibo niya.

"If I got drunk tonight, can I sit outside your gate?" he teased.

"No," nangingiting sagot niya.

Ngumiti si Zeus at tumalikod na ngunit tila may nakalimutan ito at muling humarap sa kanya. "You have to tell me your name," anito.

"You're still a stranger to me."

"I'll kiss you again if we bumped to each other. Hangga't hindi mo sinasabi sa'kin ang pangalan mo."

Then I won't really tell you my name. Hay! Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit parang droga ang halik nito at gustong-gusto niya? Senyales ba iyon ng pagiging inexperienced sa loob ng matagal na panahon? Nang matikman kasi niya ang labi nito ay daig pa niya ang adik at nalulong na agad.

Tumalikod nang muli si Zeus at sa puntong iyon ay hindi na muling humarap pa.

Nakataas ang mga kilay ng mga kaibigan ni Bettina nang lapitan siya sa bar counter. "Anong nangyari?" tanong ni Yelena.

"We kissed," nakangiting sagot niya.

"Bulag ba kami, ha? Natural, alam naming naghalikan kayo!" singit ni Joyce.

"Do you even know the guy?" tanong pa ni Yelena, kunot ang noo.

"He was the stranger I'm telling you. His name is Zeus, kakapakilala niya lang sa'kin."

"Ikaw ba talaga 'yan, Bettina?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Gracia sa kanya. Ngumiti lang siya. "That guy was hot. I wished I knew him before you did."

"Minsan na nga lang magka-fafa 'tong si Bettina, sisingit ka pa," sita ni Joyce kay Gracia. Binalingan siya ni Joyce. "Kapag nakasalubong mo ulit ang lalaking iyon, huwag mo ng pakawalan. Mukhang gusto ka naman."

"I don't think so. Sa tingin ko, brokenhearted iyon dahil kagabi tinawag niya ako sa ibang pangalan."

"Sabihin mo, akin na lang siya, hindi ko siya sasaktan," pabirong sabi ni Gracia kaya nagkatawanan sila.

ALA-UNA na nang madaling araw ngunit gising na gising pa rin si Bettina. Hindi siya makatulog, hindi naman siya lasing. Mas nakakalasing pa ang labi ni Zeus kaysa sa ilang kopita ng martini na nainom niya. Unconciously, maybe she was waiting for someone outside her gate. At kapag ganoong hindi siya makatulog, nakasanayan na niyang harapin ang blog site niya.

Blog Entry No. 4 (We Kissed Again)

We met again at the bar tonight. My last night's wish was granted instantly. I think the heaven was in my favor. Ang nakakatawa, naaalala niya pala ang nangyari sa pagitan namin kahit na lasing siya. He remembered me and he kissed me again.

Hahalikan daw niya ako ng paulit-ulit hangga't hindi ko sinasabi ang pangalan ko sa kanya. Kung ganoon pala, hindi ko talaga sasabihin ang pangalan ko sa kanya!

Gumaan, kahit papano, ang pakiramdam ni Bettina nang maisulat ang damdamin. Nagbasa pa siya ng ibang blogs mula sa ibang blogger bago magpasyang matulog. Binuksan niya ang closet. May isang kasuotan doon na hindi niya pa naisusuot kahit kailan. It was a low-back red satin slip from Yelena. Iniregalo sa kanya iyon ng kaibigan noong nakaraang kaarawan niya.

She tried the lingerie for the first time. Humarap siya sa salamin at napangiti nang makita ang sarili. She was like a different person. Kinuha niya ang pulang lipstick sa kanyang drawer. She bought that a long time ago but never uses it. Ngunit ngayong pakiramdam niya ay sexy siya, hindi na siya magdadalawang-isip pa.

She smiled seductively in front of the mirror. Ginulo rin niya ang buhok para makadagdag sa sexy look niya. Huhubarin sana niya ang eyeglasses nang may marinig siyang kalabog sa labas. Nagmamadaling tinungo niya ang gate at nakahinga lang nang maluwag nang makita si Zeus. Ganoon pa rin ang posisyon nito, tulad noong unang beses na makita niya.

"Wala ka bang bahay kaya rito ka lagi nagpapalipas ng kalasingan?" tanong niya sa lalaki. Tulad ng dati ay front niya lang iyon. Noon lang itong nag-angat ng tingin. His playful smile was automatically vanished when he saw her. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. His eyes stopped on her chest. Wala nga pala siyang bra, shit!

Itinakip niya ang mga braso sa dibdib. "Umuwi ka na," aniya sa lalaki saka akmang tatalikod nang mahagip nito ang braso niya. Tumayo ito at pumasok sa loob ng bakuran niya. Isinara nito ang gate at isinandal siya roon. "Trespassing na 'to," banta niya sa lalaki.

"Hanggang dito lang ako," anito. His thumb touched her cheek. "I didn't know that a woman in a sexy lingerie will look hotter with her eyeglasses on," mahinang wika nito.

Bettina looked into his eyes and she saw an intense desire there. Hindi kaya nakikita niya lang sa mga mata nito ang sariling damdamin? Sapagkat sa mga sandaling iyon, ang nais niya lang ay muling matikman ang halik nito, ang muling mahawakan nito. Kay Zeus lamang siya nakadama ng ganoong klaseng intesidad.

Habang tumatagal na naaamoy niya ang lalaki ay lalo siyang nanggigigil. He was using a men's cologne. Cool Water ang unang pumasok sa isip niya nang maamoy ito mula pa noong nasa bar sila o maaaring kaamoy lang ng pabangong iyon.

"Tell me your name." That was more a plea than a command. Umiling si Bettina. Lumapad ang ngiti ni Zeus. "You wanted me to kiss you, huh?"

At tulad ng nais niya ay hinalikan siya nito. She loved the feeling of being free and she can only feel that when she was with him, when he was kissing her. Wala silang pakialam kahit kumalat pa ang lipstick sa mukha nilang dalawa. They just kissed like there was no tomorrow.

His tongue entered her mouth and she wrestled his with hers. Sa lakas ng intensidad na nagmumula sa kanilang dalawa ay dumidiin na ang pagkakasandal ng likod niya sa gate. She can feel something hard on her belly and it made her somewhat scared.

His hand started moving and she didn't stop him because it felt so good. Isinabit niya ang mga braso sa balikat nito bilang suporta sa nangangatog na niyang mga tuhod. He touched her bosom, gently massaging it. Manipis ang telang nakapagitan sa palad nito at sa dibdib niya. Ang isang kamay nito ay nakarating sa pang-upo niya, pumipisil. Lahat ng iyon habang ang labi nito ay sinisiil siya ng halik.

Maya-maya pa ay tumigil ito sa paghalik sa kanya. "I have to go," paalam nito. Muntik mapanganga si Bettina sa pagkabigla. "Ang sabi ko, hahalikan kita ng hahalikan hangga't hindi mo sinasabi sa'kin ang pangalan mo. Pero baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at hindi lang halik ang maibigay ko sa'yo."

Nais mapahiya ni Bettina sa sarili. Iyon ang ikatlo nilang pagkikita pero kung makatugon siya ay parang sampung taon na silang magnobyo. "Good night," imbes ay sabi niya.

"I'll see you again."

Hindi na tumugon pa si Bettina. Ikinandado niya agad ang gate nang makaalis na si Zeus. She was trying to justify her actions. Kahit ano naman siguro ang mangyari ay tao pa rin siya. Promdi siya, oo, pero hindi naman bawal sa mga promdi ang magkaroon ng adventure paminsan-minsan, hindi ba? Dumiretso siya sa kanyang computer.

Blog Entry No. 5 (Sigh)

Have you ever felt that you're a different person from who you are before but only with a certain someone? When I am with him, when he is kissing me, hindi ko na alam kung ako pa rin ba 'to. It was like my soul was wandering somewhere else at may pumapalit na ibang kaluluwa sa'kin. A braver, bolder, fearless soul.

Because of him, I am starting to forget who I really am. Or is this really me? Am I just hiding this side of me for a long time? For the longest time, I am afraid to show my desires and in just a snap of a finger, he freed me.

Parang ang estupido, ang landi ng dating. Kissing someone you barely knew was stupid, right? But he made me feel human.

After reading her entry, she went to her bed. She wiped her face and see lipstick stain in her palm. Napilitan siyang tumayo upang maghilamos. Napailing habang nakangiti na lang siya nang makita ang sarili sa salamin. Para na siyang clown sa kumalat na lipstick sa kanyang mukha. 

Continue Reading

You'll Also Like

606K 21.8K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
108K 6.1K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
53.2K 1K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...