Kevin's POV
"JEFF?" sigaw nung isang babae.
"Sandy?" paglilinaw tanong naman ni Jeff. Teka, kilala niya ’tong mga ito o ’yong isang babae lang talaga?
Nagsitigil na ang lahat dahil dito kay Jeff.
Napatingin ako dito sa babaeng kalaban ko na ngayon ay nakatingin na kay Jeff sabay biglang tingin doon sa dalawang kasama niya.
’Yong Sandy naman ay parang naistatwa habang hawak ang kamay ni Kiel habang nakatalikod pa sa kaniya.
Tumahimik ang paligid ng ilang sandali.
Nagulat na lang ang lahat ng mapasigaw si Kiel dahil sa pagbali nung Sandy sa braso niya sabay tulak kay Kiel at umirap kay Jeff bago tumalikod para puntahan ’yong isang babae na nakaupo ngayon sa sahig.
Kinuha ni Kiel ang isang upuan at ibinato papunta sa direksyon ni Sandy para siguro makagati. Parang bata din ’yan eh, ayaw siyang malalamangan.
"HUWAG!" sigaw ni Jeff kaso huli na ang lahat dahil nabitawan na ni Kiel ’yong upuan.
Parang nag slow motion ang paligid.
Ikinagulat naman ng lang lahat ang pagtakbo ng babaeng kalaban ko kanina sa direksyon nung Sandy pero mas ikinagulat ko ng saluhin niya ang paparating na upuan na ibinato ni Kiel.
At dahil feeling hero siya, eh ’di siya ang natamaan dahilan ng pagbagsak niya sa sahig.
"AMIRA!" sigaw nung dalawang babae.
At nawalan na nga ng malay ’yong tinawag. Tumakbo ’yong dalawang babae dun sa Amira.
Lumapit din si Jeff dun sa mga babae, kaya nagsilapitan na rin kami. ’Di naman kami chismoso.
"Kasalanan niyo ito!" Pasigaw nung Zils.
"Amira?" Nagtatakang tanong ni Jeff at tumingin dun sa Sandy. Sino ba talaga itong mga ito at kilala ni Jeff?
"Sandy, ano ba ang ginagawa niyo dito?" tanong ni Jeff dun sa Sandy.
"Uunahin mo pa ba talaga ’yang pagtatanong mo? Wala ka man lang bang balak na tulungan kami para dalhin si Amira sa infirmary?" sabi nung Sandy kay Jeff.
"At kayo tutunga lang ba talaga kayo d’yan?" turo naman sa ’min nung Sandy. Feeling close? Nakipag away sila tapos manghihingi ng tulong sa inaway nila?
"Sandy, let's go. Dalhin na natin si Mirs sa infirmary. Baka mapaano pa siya dito." Sabi nung Zils habang naluluha pa. Duguan na din pala ’yong braso nito gawa dun sa nabasag na tasa dahil sa pagbato ko ng coke in can kanina, pero inaalala niya pa rin ’yong kaibigan niya. Ganito ba talaga sila?
Lumapit ako sa kanila at binuhat ’yong Amira.
Nagulat sila sa ginawa ko, ano bang nakakagulat dun eh binuhat ko lang nam--- teka bakit ko nga ba binuhat itong babaeng ito eh kaaway namin to? Ano bang ginawa mo Kevin? Hayst!
Kung nagulat sila, huwag silang mag alala dahil pati ako ay nagulat din sa ginawa ko.
"Ang tagal niyo kasi eh, nakakahiya naman sa inyo!" palusot ko na lang at lumabas ng Cafeteria para dalhin ito sa infirmary.
Nagsisunuran din naman sila.
Habang naglalakad kami ay nakukuha namin ang atensyon ng mga estudyante dito. Hindi ko na lang sila pinansin at nagdirediretso lang.
Nang makarating kami sa infirmary ay sinalubong agad kami ng nurse dito.
"Oh, Kevin anong nangyari?" Tanong ni Ate Nika.
Hiniga ko na sa higaan ’yong Amira. Maya maya ay pumasok na rin ’yong iba.
"Ate, makiki gamot nga din po itong babaeng to oh!" sabi nung Sandy.
"Maka babae naman ito!" sabi nung Zils.
"Babae ka naman talaga ah. Anong gusto mo lalaki? Humiga ka na nga!" sabay tulak nung Sandy dun sa Zils dahilan para mapahiga yo’ng Zils.
"Aray naman! May galit ka ba sakin? Sabihin mo lang kung meron." Sabi ulit nung Zils sabay irap. Ibang klase pala tong mga ito. Kanina lang alalang ala sa isa’t isa, ngayon nag aaway na.
"Hoy ang ingay niyo ah, tumahimik nga kayo." Pag singit naman ni Kiel.
"Wala kang pakeelam!" sabay na sigaw nung dalawang babae sabay irap.
"Sshhh, H’wag na kayong mag away away. Tsaka, ano bang nangyari at halos lahat kayo ay sugatan." Tanong ni Ate Nika.
"Katuwaan lang Ate." Sagot ni Niel, magkapatid nga pala si Niel at Ate Nika kung ’di niyo naitatanong.
"Katuwaan?" tanong ni Ate Nika.
"Basta ate, long story."
"Hayst! Ewan sa inyo, magpagamot na nga lang kayo. Teka, transferees kayo ano?" tukoy ni ate Nika dito sa mga babae.
"Ah, Yeah." tipid na sagot nung Sandy.
"Ang gaganda niyo naman."
"We know that ate, but thanks, hehe!" Nakangising sagot nung Zils.
"Tss, akala mo naman ay totoo." Sabi ni Kiel.
"Kiel," suway ni ate Nika. Close siya sa aming lahat.
"Anong pangalan nyo?" tanong ni ate Nika doon sa dalawa.
"I’m Zils."
"Sandy."
Tipid na sagot nung dalawa.
"Eh siya?" tukoy ni ate Nika dun sa Amira at lumapit sa tabi nun at hinimas himas pa yo’ng buhok nito.
"She's Amira, we’re bestfriends!" sagot ni Sandy.
"Obvious nga. Nakakatuwa naman, namiss ko tuloy ’yong mga friends ko." Nakangiting sambit ni ate Nika.
"Nasaan na po sila ate?" tanong ni Zils.
"First, h’wag na nga kayong mag “po” sa ’kin. And second, ’yong mga friends ko? Minsan na lang kami nagkikita kita eh. Mga busy na kasi, you know, may sari sariling buhay na. Sana nga hindi nila makalimutan ’yong friendship namin eh. Naalala ko tuloy nung mga katulad pa namin kayo. Kung pwede lang ulitin ’yong nakaraan, uulitin ko eh. Kaya kayo pahalagahan niyo ’yong friendship niyo ha? Mag enjoy kayo hangga’t magkakasama kayo. Huwag niyong hayaang masira ’yang good relationship niyo." Sabi ni ate Nika pero nagulat na lang kami ng magsalita si Sandy.
"Hoy, Zils napapaano ka?" tanong ni Sandy kay Zils na nagtaklob ng unan.
"Wala."
"Weh? I know you, Zils." Sabi ni Sandy sabay higit ng unan kay Zils. Nagulat na lang kami ng makitang umiiyak si Zils. "Oh ba't ka umiiyak d’yan? Anong drama ’yan?"
"Wala nga."
"Zils!" May pagbabantang sambit ni Sandy sa pangalan ni Zils.
"Fine. Uhm... Ano kasi... Kasi..."
"Kasi?"
Tumingin muna sa amin yung Zils tapos may binulong kay Sandy.
"Sir*ulo, hindi mangyayari ’yon at hindi ko hahayaang mangyari ’yon. At kayo rin ni Amira, subukan niyo lang talaga!" May pagbabantang sabi ni Sandy sabay palo kay Zils.
"Aray." pag-inda ni Zils.
"Halika nga rito," sabi ni Sandy at nagyakap sila ni Zils.
"I love you!" sabi ni Zils kay Sandy kaya tinulak siya ni Sandy sabay sabing "Ang corny mo."
"Aray naman, wala man lang bang I love you too? Wow ha ang sweet mo talaga Sandy kahit kailan." Sarkastikong sabi ni Zils.
"Ang drama mo kasi," sabi ni Sandy at tumawa silang dalawa. Mga baliw.
"Ang sweet nila ano? Ganiyan din kami nung mga friends ko noon," sabi ni ate Nika samin.
"Uhm... Ate, kamusta na ang lagay ni Amira?" tanong ni Sandy.
"Okay na naman siya. Mamaya magigising na rin siya."
Napatango naman yung dalawang babae.
"Sandy." Tawag ni Jeff kay Sandy.
"What?"
"Ano bang ginagawa niyo dito?"
"Ano pa ba? Infirmary to Jeff, common sense."
"Hindi. I mean, dito sa University, bakit kayo nandito?"
"Baka mag aaral, Jeff, university kasi ito eh ’no?" sarkastikong sagot ni Sandy.
Sinamaan siya ng tingin ni Jeff at umirap lang naman si Sandy.
"Let's talk about it later."
"Wala ka man lang bang balak na sabihin sa ’min kung kaano ano mo ’yang mga ’yan, Jeff?" Tanong ni Kiel.
"At wala ka man lang bang balak na i-inform kami na ngayon ka pala uuwi?" Niel
"At wala ka din talagang balak na sabihin sa ’kin na kagrupo mo ’yang mga gag*ng yan?" Sandy
"At wala ka talagang balak pagsabihan ’yang mga gag* mong kaibigan dahil sa ginawa nila kay Amira?" Zils
"Eh kayo? Alam niyo ba ’yong salitang hinay-hinay lang? Mahina ang kalaban." Reklamo naman ni Jeff.
"Sumagot ka na lang!" sabay sabay na sabi nung apat.
"Okay, okay!" sabi ni Jeff habang naka taas pa ang kamay na tila sumusuko. "First, Sandy is my cousin. Second, it's a surprise. Third, now you know. And lastly, ano bang nangyari at bakit kayo nag away away ha?" sagot ni Jeff, pero bakit may tanong?
Magsasalita pa sana si Zils ng biglang...
_____
Vote.Comment.Follow me