Amira's POV
Kinabukasan...
"Hey Mirs, wake up!" nagising ako sa pag yugyog sa ’kin ni Zils. Haays! Istorbo sa panaginip. Makikita ko na ’yong mukha ng prince charming ko eh. Ang aga aga pa eh.
"Hmm?"
"Bumangon ka na d’yan, malelate ka n’yan bahala ka!" pangungulit sa ’kin ni Zils
"Aa, Inaantok pa ko! "sabi ko habang nakapikit sabay taklob ko ng unan sa mukha ko.
"Ah ayaw mo bumagon ha, sige!" may pagbabantang sabi ni Zils at bigla na lang umakyat sa kama ko at nagtatalon dahilan para mawala ang antok ko, haaay!
"What the? Zils ano ba?" inis kong sabi.
"Ano? Hindi ka pa ba babangon?"
"Heto na nga oh, bumabangon na!" At tuluyan na nga akong bumagon at tumayo.
"Good!" sabi niya pero tuloy pa rin sa pagtalon sa kama ko.
"Oh ba't nagtatatalon ka pa rin d’yan?" tanong ko ng hindi pa rin siya bumababa sa kama ko.
"Hehe, nag e-exercise."
"Gusto mo ba talagang sirain ’yang kama ko o ’yang mukha mo ang sisirain ko?" I said seriously and gave her a death glared.
"Hehe, sabi ko nga liligo na ako eh." Sabi niya sabay takbo sa cr "Hoy, Sands kanina ka pa dyan ah bilisan mo nga?" sigaw niya kay sandy.
"Anong kanina pa? Eh kapapasok ko nga lang. Maghintay ka!" sigaw ni Sandy.
I just rolled my eyes and sigh.
.
.
.
.
Naglalakad kami ngayon papunta sa Cafeteria para mag breakfast.
It's already 6:21am. 7:20am pa ang time namin. So, almost one hour pa ang ang meron kami.
May nagdala na kanina ng uniform ko sa dorm at sa totoo lang ayoko nung uniform, ang baduy.
So, naka black short ako ngayon, naka blazer then white ’yong panloob. Naka boots din ako na hanggang tuhod. Then, naka ponytail.
Si Zils ay naka skirt at si Sandy naman ay naka jumper na pantalon
Two weeks pwede mag free style, so until Friday na lang ito. Eh ’di sulitin na.
Oh ’di ba?
Nakuha ko na nga din pala ’yong schedule ko kahapong hapon at classmate kaming tatlo.
7:20am - 4:30 pm ang schedule namin.
Whole day. Kainis!
"Ganito ba talaga tayo kaganda at halos lahat sila’y nakatingin sa ’tin." Tanong ni Zils kaya napatingin din kami ni Sandy sa paligid at lahat nga sila at nakatingin sa amin.
"I think so!" sagot ni Sandy.
"Just don’t mind them, I'm hungry." Seryoso kong sabi at dumiretso ng Cafeteria sumunod naman sila.
Nang maka order kami ay nagpwesto na kami sa may dulo at lahat ng mga tao dito ay nakatingin na naman sa amin at nagbulong bulungan.
Ang iba ay nagtataka. Naiinis. Naka ngisi. Ang iba naman ay mukhang nag aalala.
’Yong totoo? Anong meron?
I just gave them a death glared kaya umiwas na lang sila ng tingin.
While drinking my favorite caramel coffee ay biglang nagkaroon ng natahimikan.
At naramdaman ko na lang na may mga nakatayo sa harapan namin. At nang itinunghay ko ang ulo ko. Nakita ko ang isang familiar na mukha. Kevin.
"What do you need?" seryoso kong tanong.
"It's our territory." Turo niya sa pwesto namin.
"So, what?" I said while drinking my coffee.
Lahat ng atensyon ay nasa amin na at walang sino man ang nagsasalita maliban sa ’min.
"Get out of our territory, or else ---"
"Or else what?" putol ko sa sasabihin niya sabay tayo.
"You're dead!" Napangisi na lang ako sa sinabi niya.
"Are you threatening me?"
"I am warning you!" he said seriously.
"Well, I just want you to know that I don’t care." I said habang nilalabanan ’yong tingin niya. Kung nakakamatay lang ang tingin niya for sure nakabulagta na ako dito kaso hindi eh.
"Sinusubukan mo ba talaga ang pasensya ko?" Nandidilim na ata ang paningin niya. Galit na ba siya?
"What do you think?" pang asar kong sabi sabay ngisi. Uyy, inis na siya!
Parang kami lang dalawa ang tao dito. Presensya lang niya ang nararamdaman ko. Ni hindi nga makasingit ’yong mga kasama niya pati sina Zils.
Nagulat na lang ako ng mapatingin ako sa kamay niya na may hawak na coke in can at tumutulo na ’yong coke sa baba dahil sa pagyupi ng kamay niya dito.
Seriously, umagang umaga, coke? Mukhang paborito niya ang coke ah.
Nagtitimpi na ito for sure.
Sorry ka na lang. Kung matigas ka mas matigas ako!
Nagulat na lang ang lahat pati ako nang ibato niya ’yong coke in can sa lamesa at eksaktong sapul sa kape ni Zils kaya tumama ’yong tasa sa wall. Kasi nga malapit kami sa wall sa may window glass. Naging dahilan ’yon ng pagkabasag ng tasa at natapon ’yong kape kay Zils. Nagulat na lang ako ng makita kong dumurugo ’yong braso ni Zils.
Napakabilis ng pangyayari. Napanganga na nga lang ang lahat.
"Oh my gosh, Zils are you okay?!" may pag aalalang tanong ni Sandy kay Zils.
Hindi na nagawang sumagot ni Zils dahil sa gulat.
Tiningnan ko ng masama si Kevin.
"What the hell is your problem?" galit kong sabi sa kaniya at itinulak siya ng malakas dahilan para mapaurong siya, pero seryoso pa rin ang mukha niya.
"Let's just say, nagkamali ka ng kinalaban mo." He said seriously.
"Really? Pwes, tingnan natin kung tama ang kinalaban mo?" sabi ko sabay suntok sa mukha niya.
Nagulat ang lahat sa ginawa ko.
Pinusan niya ang gilid ng labi niya dahil sa pagsuntok ko. Ngumisi lang siya sa ginawa ko. Exciting to!
"What the f*ck did you really want? Fight or trouble?" tanong ni Sandy sa kanila.
"Well, what will you choose?" Kevin askedbme habang nakatitig sa ’kin ng masama.
"Both!" I said seriously sabay sipa ko sa kaniya pero nakailag siya.
At nagsimula na nga ang gulo sa pagitan namin.
Apat sila laban sa aming tatlo. Boys over flowers. How cool?
Nakabalik na rin si Zils sa sarili niya na tila ba nawala kanina. Narealize siguro niya na nasa Earth pa rin kami. At parang balewala na lang sa kaniya ’yong nangyari sa kaniya kanina. Ni hindi nga niya iniinda ’yong sugat niya eh.
Walang umaawat sa amin, nanonood lang ang lahat. May hawak pa ngang pop corn ’yong bakla sa dulo. Oh ’di ba? Nahagip pa ng mata ko. Action movie talaga ’to eh.
Nagulat na lang sila ng ibato ko ang upuan. Hindi mapagkakailang magagaling din ang mga ito. Pero syempre, magpapatalo ba kami? Of course not.
"’Yan lang ba ang kaya mo?" mayabang na tanong ni Kevin sa akin, "Did you know the word, no one can drag me down?" sabi niya sabay sugod sa ’kin.
"Of course, it's my vocabulary, no one can drag me down!" matapang kong sagot at sumugod din sa kaniya.
Nagulat na lang ako nang makita ko sa Zils na napaupo sa sahig. Mukhang pinuro ng mga kasama niya si Zils. Mapagsamantala.
Hindi ko siya mapuntahan dahil sugod ng sugod sa ’kin si Kevin.
Kaya si Sandy ang tumulong sa kaniya kaso kaso pinagtulungan nung tatlo si Sandy.
Nakita kong bumangon ulit si Zils at nagpatuloy sa pag laban.
Nagsisilabasan na din ang mga tao dito sa Cafeteria dahil sa takot na madamay pa sila.
At wala pa ring sino man ang umaawat sa ’min. Maging ang mga nagtitinda dito ay tanging panonood lang ang nagawa.
Kaya nag patuloy lang kami.
Nagulat na lang ako ng maglabas si Kevin ng shurikens at ibato sa ’kin buti naka iwas agad ako.
"Blind." Sabi ko sabay ngisi. Inis na inis na siguro ito sa ’kin.
May nakita akong bote. Nagulat sila ng basagin ko ’yon. Nilito ko lang naman si Kevin sa pamamagitan ng bawat paggalaw ko.
Maya maya lang ay umikot ako sa likod niya at sinugatan ko siya sa braso. Pasalamat siya at sa braso ko lang siya sinugatan.
"Ugh!" pag-inda niya.
Tumingin siya sa ’kin ng masama at nginisian ko lang.
Susugod pa sana siya sa ’kin ng biglang may pumasok sa pinto ng Cafetria at nagsalita.
"Hey guys, hindi niyo man lang ako ni-inform na may trouble pala dito. Abot pa ba ak ---" naputol ang sasabihin niya ng biglang magsalita si Sandy.
"JEFF?" pasigaw na sabi ni Sandy.
_____
A/N:
Ano na kaya ang mangyayari?
May nagbabasa pa ba?
vote.comment.follow me