Kei Academy- Return of The Pr...

Par teDU123

260K 7.6K 318

Binigyan ng pagkakataon ni Goddess Ishna si Princess Yuri na mabuhay pero sa Ibang katawan. Walang alaala mat... Plus

Chapter 1 - Resurrection
Chapter 2 - Soul in Another Body
Chapter 3 - Meet Crystal Lether
Chapter 4 - Mizo World
Chapter 5- Roommate
Chapter 6 - Trouble
Chapter 7 - Aldrin ❤️ Arriane
Chapter 8 - Mission 1.1
Chapter 9 - Mission 1.2
Chapter 10 - Return to Kei Academy
Chapter 11- She's Awake
Chapter 12 - Ex
Chapter 13-kelly
Chapter 14-Jealous
Chapter 15-Crystal Vs Kelly
Chapter 16
Chapter 17-Your Ex wants you back
Chapter 18-Back to Hazu Paradise
Chapter 19- Asking for Forgiveness
Chapter 20
Chapter 21- Is she Alive?
Chapter 22-Scary Eyes
Chapter 23-Weird
Chapter 24 - Retreat
Chapter 25-Ate?
Chapter 26 - Best Friends
Chapter 27 - Hurt
Chapter 28 - Wrongfully Accused
Chapter 29 - Punishment
Chapter 30 - Leaving them
Chapter 31- Strange Feeling
Chapter 32 - Decision
Chapter 33- Kiss Stealer
Chapter 34 - Bad Vibes
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue
Special Chapter
Kei Academy - New Generation (Book3)

Chapter 50

4.5K 123 21
Par teDU123

Nagkatinginan kaming tatlo at gumawa kami ng lubid at hindi basta basta to mahirap sirain to dahil may kapangyarihan kaming nilagay sa lubid na yon bago pa man kami pumunta kay mom punagusapan na namin to dahil alam namin na matigas si mom

Hinawakan nila ate venus at reyanne sa magkabilang kamay at ako naman nagchant na at nilabas ang ginawa naming lubid at pinulupot kay mom

"Anong ibig sabihin nito ha alisin niyo to" galit na sabi ni mom

"Sorry mom pero wala na kaming choice kundi gawin yan" sabi ni ate venus

"Aahhh ginagalit niyo talaga ako pag ako nakawala dito kahit anak ko pa kayo hindi ko kayo sasantuhin" singhal niya

May binulong naman si reyanne at bigla na lang nawalan ng malay si mom buti na lang nasalo ni ate venus

Kami naman ni reyanne ang nagasikaso sa mga tauhan ni mom at pinahinto ang pakikipaglaban walang nagawa ang mga tauhan ni mom kaya sinunod na lang kami

"Bunsooooooooo" matinis na boses ang narinig ko at paglingon ko tumatakbong si kuya aldrin at niyakap ako nang mahigpit

"Buti naman at ayos ka lang sobrang nagalala ako sayo i miss you so much baby" sabi ni kuya napahinto naman siya nang mahagip niya si kambal alam kung may galit siya kay reyanne dahil sa ginawa nito sa girlfriend niya alam ko naman na hindi gusto yun ni kambal nabulagan lang siya.

"Sorry sa ginawa ko sa inyo" nakayukong sabi ni reyanne nagulat naman siya ng yakapin siya ni kuya "kalimutan na natin yon alam ko naman na hindi mo ginusto yon" sabi ni kuya aldrin

"Salamat dahil napatawad mo ako kahit ang laki ng kasalanan ko sa inyo" sabi ni reyanne na umiiyak na

"Hahaha parehas talaga kayong magkambal napaka iyakin tawagin mo na lang akong kuya or kuya aldrin" sabi ni kuya at tumango naman si reyanne na halatang masaya

Lumapit naman sina mom at dad pati na din sina ate tinanggap naman nila sina ate venus at ang kakambal kong si reyanne dahil alam nilang nagbago na ang dalawa kung kapatid

Napahinto kami sa kasiyahan nang may malaking bilog na maliwanag ang bumaba at nawala to bigla naman lumitaw ang isang napakagandang babae na nakangiti sa amin

"Goddes Ishna? Wahhh namiss kita" sabi ko at patakbong yumakap sa kanya at ginantihan naman ako ng yakap

"Nandito ako para ibigay sayo to princess yuri ipainom mo to sa totoo mong ina dahil nasa loob siya ng spell ni goddess zefi kaya hindi niyo na halos makilala ang mom niyo at parang ibang tao na siya dahil yon kay zefi hindi din ako magtatagal princess yuri kailangan na din ako sa amin gusto ko lang din sabihin na masaya ako dahil napabago mo ang mga kapatid mo at nagtulong tulong kayo para matigil ang digmaan at magkaroon ng kapayapaan dito sa mizo world" sabi niya at niyakap kami at nagpaalam na

"Nasan si mom?" Tanong ko kay ate venus habang hawak hawak ang bote na binigay ni goddess ishna sinamahan naman niya ako at sinimulan ko na ipainom ang laman ng bote na yon nakita ko na nagliwanag ang katawan ni mom at may lumabas na itim na usok na dali dali din nawala

"Hmmm" rinig kong ungol ni mom at dahan dahan napamulat ang mga mata niya "mga anak? Anong nangyari bakit nakahiga ako dito?" Sunod sunod na tanong ni mom "na control kayo ni goddess zefi kaya hindi niyo alam ang nangyayari" sabi ko at nagkwento si mom about kay goddess zefi pati na din ang huli niyang natandaan na kausap niya to hindi siya makapaniwala na napatay niya ang mom niya at pati na din kami na balak niyang patayin

"Sorry anak dahil naging mahina ako hinayaan ko siya na kontrolin ako pano na lang kung napatay ko kayo? Pag nangyari yon hindi ko alam ang gagawin ko baka ikamatay ko yon. Mahal na mahal ko kayo" madamdaming sabi ni mom at umiiyak na

"Ma wag ka nang umiyak pati din tuloy ako naiiyak na kainis" kunway parang batang sinaway si mom at napatawa na lang kami sa kanya

"Reika..... kapatid ko" sabi ni mom at lumapit kay mom (queen reika)

"Louiseee" sambit namn ni mom at yumakap na siya at humagulgol

"Kinuwento nila na napatay ko ang ating ina patawarin mo ako hindi ko alam ang mga pinaggagawa ko" hinging paumanhin ni mom

"Wag mo nang sisihina ng ang sarili mo wala kang kasalanan si goddess zefi ang may malaking kasalanan sa mga nangyayari sa atin" sabi ni mom at magkayakap pa din sila

Nagkaroon ng malaking piging at nasama sama ang lahat ng kaharian at masayanag nagsalo salo tinanggap nila ng buong puso ang felox kingdom sa wakas nagkaroon na din ng kapayapaan walang nang patayan ang mangyayari.

Princess Reyanne's POV

"Anong ginagawa mo dito at nag se senti ka diyan?" Nagulat ako nang marinig ko ang boses na yon namiss ko ang may ari ng boses na yon at bumilis ang tibok ng puso ko

"Bakit ba? Pakialam mo wag mo akong lalapit lapitan alam mong malaki ang kasalanan mo sa akin" sabi ko at inirapan ko siya

Lumapit naman siya sa akin at sumandal sa balikat ko namiss ko ang amoy niya hindi ko tuloy maiwasan amuyin siya landi lang.

"Aminin mo namiss mo ako noh? Aminin mo na kasi wala naman masama kung minsan magpakatotoo ka" sabi niya na nakangiti at hinarap niya ang mukha niya sa akin

"Oo na bwisit ka namiss na kita alis ka nga diyan baho baho mo" sabi ko sa kanya at kinagat ko naman ang lower lip ko para pigilan ngumiti

"Namiss din kita sobra. Sorry kung umalis ako bigla sa felox kingdom naguluhan kasi ako eh gusto ko masigurado tong nararamdaman ko ayaw kong maging unfair sayo gusto ko pag nakipagkita ako sayo sigurado na ako sa nararamdaman ko" sabi niya na seryosong nakatingin sa akin

"Tss hindi na ako umaasa alam ko naman ang kakambal ko ang gusto mo diba nga siya ang first love mo" sabi ko na ngumiti kahit alam kong hindi abot sa mga mata ko yon

"Oo aaminin ko siya ang first love ko. Pero ikaw naman ang greatest love ko ang true love ko mahal kita reyanne sorry kung natagalan ako pero sana hindi pa huli ang lahat diba?" Sabi ni aki na nakayuko hinawakan ko naman ang magkabilang pisngi niya at binigyan ko siya ng smack sa lips niya nagulat naman siya sa ginawa ko

"Kahit maghintay pa ako ng matagal okay lang dahil alam kong ikaw lang ang tinitibok nito" sabay turo sa puso ko "i love you too aki" sabi ko at niyakap siya

Bwisit hindi ko akalain na maiinlove ako sa iyakin at clumsy na lalaking to pero ganon siguro sa love walang pinipili.

"Anong drama yan? Kayo na ba?" Nagulat kami sa nagsalita si ate venus lang pala okay na sana eh istorbo lang.

"Ano ba yan ate venus kabute ka ba? At pabigla bigla ka na lang sumusulpot" sabi ko na nakasimangot

"Hahaha sungit mo talaga lil sis oo na aalis na ako ayaw mo lang paistorbo para masolo mo si baby aki eh" sabi niya na nakangisi

"Wag mo nga siyang tawaging baby dahil hindi mo siya baby" inis na sabi ko sa kanya kasi naman gusto ko ako lang tatawag sa kanyang baby noh

"Napaka possesive talaga akala mo asawa na niya diyan na nga kayo hahanap na lang ako ng mas gwapo pa diyan sa baby aki mo" sabi ni ate venus may pagka childish din pala si ate napapailing na lang ako.

Napalingon ako kay aki ng marining kong tumatawa siya kaya nakataas ang kilay kong tumingin sa kanya

"Anong tinatawa tawa mo diyan?" Inis na tanong ko sa kanya pano ba naman hindi ka maiinis diba

"Lapit ka nga baby pakayakap" sabi niya at kahit inis ako niyakap ko na din siya

"Hindi ko maiwasan kiligin baby napaka teritorial mo pala kaya lalo tuloy ako nainlove sayo" sabi ni aki at hinalikan ako sa labi at tinugon ko naman yon

"Sympre noh ayaw ko na may lumalandi sayo subukan lang nila hindi ako magdadalawang isip kalbuhin sila. Akin ka lang" sabi ko sa kanya at siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya

"Opo baby sayo lang naman ako eh hindi naman ako magpapalandi takot ko lang sayo" sabi niya na nakangiti kinagat ko tuloy siya sa balikat pano ba naman kinikilig ako eh.

——————

"Oh baka magulat na lang kami na ikakasal na kayo ha" nanunuksong sabi ni mom namula naman ako sa sinabi niya

"Ma naman" sabi ko at sinimulan ng sumubo ng pagkain

"Bakit ba matutuwa ako pag kinasal na kayong dalawa boto naman ako sa batang yon napakabait akalain mo pinagtiyagaan niya yang kasungitan mo" sabi ni mom natawa naman si ate venus kainis kaya minsan ayoko kumain dito dahil ako ang pinagtritripan

"Sympre mahal ako non eh. Ma may sasabihin pala ako alam mo ba yang si ate venus luma love life na din nakita ko siya na kinikilig sa kausap niya yung kuya ni enzo na bagong commander dito sa palasyo ano bang pangalan non? Black? Lark? Ah basta" sabi ko at binelatan ko na lang si ate venus

"Excuse me hindi ko siya type no asar nga ako sa kanya nakikita ko pa lang ang mukha niya sira na ang araw ko at hindi black or lark ang name niya blake po blake" sabi ni ate na biglang sumeryoso

"Diyan din nagsisimula yan eh sa umpisa inis na inis ka pero sa huli hahanap hanapin mo siya sabi nga nila the more you hate, the more you love" sabi ko na nakangisi hahaha nakabawi ako sa kanya ngayon akala niya ha.

"Hay tumigil ka reyanne manginig ka nga sa sinasabi mo kahit kelan hindi ko magugustuhan yon kahit siya pa ang kaisa isang lalaki dito sa mizo world" sabi ni ate na napipikon na

"Baka kainin mo yang sinabi mo te" sabi ko at bigla naman niyang hinampas ang lamesa

"Aalis na po ako ma nawalan na ako ng gana" inis na sabi ni ate at umalisa na sa harapan namin

"Ikaw naman reyanne ginalit mo nanaman ang ate mo hindi tuloy nakakain ng maayos hay kayo talagang dalawa" sabi ni mom na naiiling

"Kamusta naman ang lakad niyo ng kambal mo kanina reyanne?" Tanong ni mom alam kong nagaalala siya kay yuri

"Ganon pa din mom pinipilit niya maging masaya" malungkot na sagot ko sa kanya ilang buwan na kasing nakalipas pero walang ezo na nagpakita kaya si yuri malungkot at lagi na lang gusto mapag isa kaya minsan pinipilit namin siya igala kahit ayaw niya.

"Kung bakit kasi hanggang ngayon eh hindi pa siya nagpapakita sa atin yang lalaking yan baka mabaliw na yang kapatid mo ha. Sana naman pilitin niya maging malakas at wag niyang hayaan na maging mahina at ilayo ang sarili niya sa atin na at laging nakakulong sa silid niya at kahit walang ezo na dumating patuloy pa din ang buhay niya" sabi ni mom at halata sa kanya ang labis na pagaalala sa kakambal ko

"Sana nga ma, sana nga" sabi ko

BOGGSSSHHH Narinig namin na malakas na pagbukas ng pintuan at nakita namin ang galit na mukha ni ate venus

"Oh ate anong nangyari sayo bat ganyan ang itsura mo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa" sabi ko na nagtataka

"Bwisit kasing blake na yan eh nakakagigil talaga ninakawan ba naman ako ng halik agggghhh humanda talaga siya sa akin" sabi niya na nagpapadyak pa

"Hahaha di may first kiss ka na ate yieeehhh ano masarap diba?aminin nagustuhan mo ang kiss ni papa blake" sabi ko na nangaasar

"Dahil hinalikan na niya ang anak ko maghanda na kayo ipapakasal ko kayong dalawa" biglang hirit ni mom lumingon kami sa kanya at nakita ko na seryoso siya

"Mom nagbibiro ka lang diba?" Kinakabahang sabi ni ate at tanging iling ang sagot ni mom

"Gusto ko makausap si blake at sabihin ang nalalapit niyong pagiisang dibdib wag kana umangal venus" ma awtoridad na sabi ni mom

"Ano ba yan naunahan na kami ni ate best wishes ate" sabi ko na malapad ang ngiti pero si ate ang asim ng mukha

"Agghhh bahala na kayo sa buhay niyo basta hindi ako magpapakasal sa manyak na yon kung gusto mo ikaw na lang mom" sabi niya at tumalikod para lumabas

"VENUSSSSSSS WAG MO AKONG TATALIKURAN" sigaw ni mom at huminto si ate at nakita ko na napalunok siya hahaha kahit nagbago na si mom hindi pa din nawawala ang nakakatakot na aura niya

"Ehh sa ayaw ko nga mom eh bakit ba kasi? Kiss lang naman yun eh hindi naman nakakabuntis so bakit mo pa ako kailangan ipakasal sa lalaking yon?" Parang batang sabi ni ate venus na nagpapadyak pa

"Mom alis na ako may date pa kami ni baby ko eh. Bye mom bye ate" paalam ko sa kanila tumango lang si ate halatang badtrip na napapailing na lang ako susss alam ko naman na may gusto na siya don kay blake na yon pabebe lang. Hahaha
                        ———-

Next Epilogue na po. Thanks sa mga patuloy na nagbabasa nito 😘😘☺

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

29.8K 558 55
I am AC Miña. I am seventeen years old, a ordinary girl, who has an extraordinary journey when this twelve gorgeous guys arrived into my life as I en...
42.5K 930 21
A girl who live in mortal world Who live in a world full of lie Does magic really exist? They said who the f*ck would believe that Pero pano kung ma...
888K 20K 116
Isa lang akong simpleng babae na may simpleng buhay pero nagbago yon ng makapunta ako sa hinde ordinaryong eskuwelahan dito ko natagpuan ang tunay...
21M 768K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...