Chapter 31- Strange Feeling

4.6K 131 3
                                    

*Princess Yuri/Crystal's POV

"Where we going, Miss?" Tanong ko sa kanya pero hindi pa din ako sinasagot at nakatingin lang sa dadaanan namin.

Nakalutang pala ako dahil masakit  ang katawan ko lalo na yung paa ko magkaka sprain ata ako nito

" Hey, San mo ba ako dadalhin?" Tanong ko ulit pero dedma lang.

Naramdaman ko na may malakas na barrier at itim na aura kami

Nakita ko na may malaking wall at bumukas ang malaking pinto

OMG nasa isang kingdom ako pero bakit nararamdaman ko ang malakas na aura? Darkness ang nasa isip ko

Wait nasa Felox Kingdom ba ako? Shit dito ba ako mamamatay?

Pumasok kami sa loob ng palasyo pero wala pa din imik ang kasama ko

"Dito mo ba ako papatayin? O gagawing Slave? Ikukulong?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya

Lumingon naman siya sa akin ramdam mo ang malamig na tingin niya at nakakatakot ang aura niya

Napalunok na lang ako hindi makatitig sa kanya napipi ako letsee.

"Shut the fuck up" cold na sabi niya hindi na lang ako nagsalita takot ko lang lalo na nanghihina na talaga ako

Binaba niya ako at hinawakan sa braso nagulat na lang ako nasa isang kwarto na ako. Maganda to at malaki pero parang familiar sa akin tong kwarto na to.

Weird lang dahil ngayon lang ako nakapunta dito bakit feeling ko matagal na ako nakapunta dito?

"Humiga ka" utos niya sa akin sumunod naman ako mahirap na ayaw ko pang mamatay papakasalan ko pa si crush hihi Landi talaga.

Tinutok niya sa akin ang kamay niya nakita ko na may itim na usok lumabas bigla naman ako kinabahan pero hindi na lang ako nagsalita

"Ahhhhh" sigaw ko dahil naramdaman ko ang init sa katawan ko parang pinapaso

Maya maya nawala na anh itim na usok at nawala na ang mga sugat ko  pati ang pamamaga ng  paa ko.

"Inumin mo to para tuluyan ka ng gumaling wala nang maraming tanong" sabi niya at ininom ko naman parang Masunurin na bata ang kilos ko mahirap na alam kong nasa felox kingdom ako.

"Bakit mo ako tinutulungan?" Hindi ko mapigilan tanungin siya

"Dahil alam kong kelangan mo ng tulong" sagot niya at tinignan ako nakita ko ang lungkot,sabik at pagaalala sa mukha niya at sa mga mata niya

"Hindi ko kelangan ng tulong kahit kanino" matigas na sabi ko at sinandal ang likod ko sa headboard ng kama

"Dahil ba sa mga dati mong kaibigan? Na halos patayin ka na nila?"

"Sino ka ba talaga? Tauhan mo ba sila clayford,eireka at ashley?" Kunot noo kong tanong sa kanya

"Ako ang Reyna ng  Felox kingdom at oo tauhan ko nga sila" diretsong sagot niya at napanganga ako

Reyna?? Ang kinakatakutan ng lahat maski ang mga reyna at hari ng ibat ibang kingdom may takot sa kanya at lalo na ang mga naririnig kong napakalakas na nila lalo na ang defense nila ang kaharap ko ngayon konting mali ko lang buhay ko na ang kapalit

"Anong kailangan niyo sa akin at gusto niyo akong kumampi sa inyo? Di hamak na ordinaryong estudyante lang ako sa Academy namin" tanong ko sa kany at nag smirk naman siya

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at nakita ko na parang napapaiyak siya?

Umiwas siya ng tingin "nararamdaman ko lang na malakas ka kaya gusto kong kumampi sa amin wala ng dahilan para tumanggi ka pa" sabi niya

"S-sorry hindi ko magagawa na kalabanin ko ang mga kaibigan ko" kinakabahang sabi ko at tumingin siya ng masama na pakiramdam mo na mawawalan ka ng hininga

"Kaibigan? Yan parin ba ang turing mo sa kanila pagkatapos ka nila saktan?" Kunot noo niyang sabi

Tama siya dahil kong kaibigan nila ako hindi nila magagawang saktan ako at pakikinggan nila ang paliwanag ko pero nagkamali ako sa pagkakakilala ko sa kanila

"Pag iisipan ko muna" nauutal ko pa din sabi

"Hihintayin ko bukas ang sagot mo. Aalis na ako magpapadala na lang ako ng pagkain dito sa kwarto mo"

Nakahinga ako ng maluwag ng nakaalis na siya sa kwarto.

Princess Venus's POV

"Mom nadala mo na ba ang kapatid ko dito sa kingdom natin?" Excited na tanong ko sa kanya galing kasi ako sa Academy namin

Tumango naman si mom "andon na siya sa dati niyang kwarto" sabi ni mom na mukhang matamlay

Bakit kaya? Anong nangyari bakit matamlay si mom?

"Yung tatlo mom naparusahan mo na ba sila? Ibang dagger ang ginamit nila sa kapatid ko wala sa usapan yon" sabi ko sa kanya at umupo na sa trono ko na katabi ng trono ni mom

"Oo nasa kulungan na ang tatlo bukas ko na lang sila papalayain hindi ko muna sila papatayin dahil may kailangan pa ako sa kanila" nakangising sabi ni mom

Gusto ko yang ngisi na yan hahaha alam kong matutuwa ako kung ano man ang binabalak ni mom. Bukas ko na lang pupuntahan ang kapatid ko alam kong pagod siya

Kei Academy- Return of The Princess  (Book 2)Where stories live. Discover now