Chapter 33- Kiss Stealer

4.7K 142 4
                                    

*Princess Yuri/Crystal's POV

Nagising ako ng maramdaman ko na may humahaplos sa buhok ko

Unti unti ko minulat ang mata ko at may naaninangan ako na magandang babae may konting silver anh buhok parang familiar siya sa akin

"Who are you?" Tanong ko sa kanya at ngiti lang ang sagot

Kabwisit lang diba? Tinatanong mo pero ngiti lang ang sagot.

"Hey tinatanong kita. Sino ka ba?" Naiinis kong sabi sa kanya at sinandal ko ang likod ko sa headboard ng kama

"Princess Venus" tipid na sagot niya

"Bakit andito ka sa kwarto ko? May kailangan ka ba sa akin?" Tanong ko sa kanya

"Gusto ko lang makita ang dinala ni mom kahapon dito na curious lang ako. Sabi nila malakas ka daw" seryosong sabi niya

"Gagamitin niyo ako laban sa mga kaibigan ko?" Walang gatol kong sabi sa kanya

"Kaibigan? Meron ka ba non?" Sabi niya at tumayo na sa kama

"Tsk"yun lang ang nasabi ko

"Parehas nga kayo ng ugali ng kakambal mo" bulong niya pero hindi ko naman narinig

"Ano may sinasabi ka? Lakasan mo kasi hindi yung para kang bubuyog  na bu-bulong bulong diyan" inis kong sabi

"Baka nakakalimutan mo prinsesa ang kinakausap mo pwede kitang patayin anomang oras" malamig na sabi niya at nagpalabas ng nakakatakot na aura

Napalunok naman ako. Mahirap pala galitin ang isang to. Naman crystal wag mo dalhin ang pagka maldita mo dito kung gusto mo pang humaba ang buhay mo

"A-ah hehe s-sorry mag be behave na po ako" nauutal kong sabi

"Bumangon ka na diyan hinihintay ka na ni mom sasabay ka sa amin kumain" sabi niya at lumabas na ng kwarto

Muntikan na ako don buti naman at lumabas na. Ngayon ko lang din natuklasan na hindi ko magamit ang powers ko dito sa felox kingdom parang may pumipigil maliban lang ang darkness hindi ko maintindihan bakit meron akong darkness power?

Nadatnan ko na nakaupo na si Queen rei? reiza? Reika? Nakalimutan ko na kung ano ang pangalan niya medyo lutang kasi ako kahapon eh.

Umupo na ako at pinagsilbihan naman kami ng mga maid niya. Katabi ko naman si princess venus. Kinakabahan tuloy ako parang hindi ako makakakain ng maayos.

"Ano na ang desisyon mo crystal?" Pambasag ng katahimikan namin habang kumakain

Tumingin naman ako sa kanya at kay venus na naghihintay ng sagot ko

Well tama nga sila wala na akong kaibigan maliban kay yuri. Wala naman mawawala sa akin parang mababait naman sila. Hindi tulad ng naririnig ko sa mga prof namin

"Kakampi na po ako sa inyo" sabi ko at tutok sa plato ko

"Tama lang yang decision mo na kumampi sa amin. Hindi ka mabibigo iturin mo na kami na pamilya mo" sabi ni venus at pinisil ang kamay ko at nakangiti

Tumango na lang ako. Tama wala na akong pamilya dito sa Mizo World ngayon meron na.

"Ahem.. Crystal gusto ko sana na mag aral ka sa Academy natin para ma enhance ang skill mo makakasama mo din si venus don dahil isa siya sa nagtuturo sa academy" sabi ng reyna at tumango na lang ako. Wala naman akong magagawa

-Rezo Academy

Nandito na ako sa Rezo Academy. Maganda din dito parang sa Kei Academy lang at sabi ni Ate Venus mahigpit din dito.

Lakad...

Lakad...

Lakad...

Nang biglang may tumalsik sa mukha ko potek Pagtingin ko Cake ang tumapon sa maganda kong mukha

Bwisit mapapatay ko kung sino man may gawa nito

Biglang may tumatakbong lalaki palapit sa akin. Emeged ang gwapo niya at mabango pa kahit medyo malayo maaamoy mo. Letsee First day mo pa lang crystal Landi mo na

"Sorry miss beautiful natapunan kita ng cake kasalanan kasi ng kasama ko eh" sabi niya hindi naman ako makapagsalita napipi na ba ako? Nakatingin lang ako sa mukha niyang gwapo

"Miss" winawagayway niya pa ang kamay niya at don lang ako natauhan

"A-a ehh okay lang" sabi ko na nahihiya pa. Anong okay crystal? Ang dugyot mo na kaya. Hindi ikaw to asan na ang pagka brat mo?

"Teka lang" sabi niya at kinuha niya ang panyo niya sa bulsa niya at pinunasan ako. Feeling ko namumula ako kakahiya

"Ayan okay na" sabi niya na nakangiti

"E-ehh sige mauna na ako" sabi ko at naglakad na papalayo sa kanya

"Wait lang miss may dumi ka pa" sabi niya at hinila niya ang braso ko

"Ha? Akala ko wala na?" Sabi ko at nakakunot na ang noo ko

"Eto oh sa lips mo" sabi niya at bigla niya akong hinalikan at dinilaan ang gilid ng lips ko bago pa ako magsalita kumindat siya at nag teleport na

Waahhh naisahan ako don. Gwapo nga manyakis naman.

Badtrip talaga. Makita ko lang siya hindi niya magugustuhan ang gagawin ko.

--------------------

A/N: Hi guys sensya na ngayon lang nakapag UD busy kasi eh. Wala na akong maisip hehe sabaw na kasi utak ko. Thanks sa mga nagbabasa Love you guys 😘😘😘

Kei Academy- Return of The Princess  (Book 2)Where stories live. Discover now