Batavian Tears

By yhaneve

99.8K 1.8K 10

You can build the love and also make it stronger but no matter how strong your love for each other, there wil... More

The Batavian Tears
PROLOGUE
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Epilogue

Chapter Twenty

2.6K 45 0
By yhaneve


"Will you be my girlfriend."

Palagi nalang pumapasok sa isipam ko nong time na tinanong ako ni Landon about that. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya natahimik lang ako.

I didn't totally reject him, I just feel that I wasn't ready yet. Parang kakasimula ko palang ayaw ko munang mag take ng risk.

I wanted to be serious now, pero mas gusto ko mag focus muna sa sarili ko, kasi everytime na maiisip ko yong nakaraan I'm still regretting it.

Alam naman ni Landon yon kaya naman naiintindihan nya ako. I like him, noon pa mas lalong ko pa syang nagustuhan nong mga time na nagkakasama na kami. Pero hindi yon sapat na dahilan para mag move forward ako into a relationship.

"Nakapag papirma kana kay Maam Montes?" Napatingin ako kay Avonne na umupo sa may harapan ko.

Kinuha ko ang clearance ko para tignan, halos lahat ay may pirma na department heads nalang ang wala.

"Napapa sana all nalang ako sayo." Pagod na sabi nya. Natawa nalang ako nitong nakaraang araw kasi sinabihan ko na sila na magpapirma na kami kaso sabi nila masyado daw akong nag mamadali edi ako ngayon chill sila cramming.

We only have 2 days left bago magsara ang pasukan but not totally. Deadline para sa mga projects at pirma sa clearance, ang balik namin sa mismong graduation na nagpapractice na din kami every afternoon. Sabay ang ceremony ng boys at girls.

Nakita kong pumasok sila Louisse at Natasha na magkasunod. Pawis na pawis on leave daw kasi si Sir Amores dahil nanganak ang asawa, kaya hinabol pa nila ito.

Tinignan nila kung ilan pa ang hindi nila napapapirmahan, before mag lunch natapos na din sila department nalang din kaya ipinasa na namin sa adviser namin dahil sabay sabay naman na yong pipirmahan ng mga head.

They were so exhausted. Mabuti nalang at nag ring na ang bell, tamad na tamad silang pumunta sa cafeteria.

Pagka dating namin don naka pwesto na agad ang mga boys. Nang makalapit ako ay ngumite muna ako kay Landon bago umupo sinuklian nya naman ako ng ngite sabay abot ng sandwich at milkdrink.

Agad namang lumipat ang tingin nila saamin. "Hindi naman napagod at stress yan e." Avonne scoffed as she speak. Tumawa lang si Landon.

I unwrapped the sandwich tsaka kumagad. "Oh gusto mo ba?" Natatawang tanong ko kay Avonne, she just rolled her eyes at me.

Landon is just looking at me while I'm eating. Kaya naman inalok ko sya baka kain ako ng kain tapos sya di pa nakaka meryenda. "Nakakain na ako kanina." Sabi nya saakin. Nagkibit balikat lang ako.

Nagkikwentuhan sila, at para kaming may sariling mundo kaya naman nakisama kami. "Eto si Jaxon may pinupormahan na e." Sabi ni Andree.

Napatingin naman kami kay Avonne na walang reaksyon naging tahimik. "Si Andree nalang talaga ang wala pa." Pang-aasar ni Angelica.

Nangunot ang noo ni Andree sakanya. "Bakit ikaw meron ba?" Inirapan lang sya ni Angelica.

"Match maker kasi ako, Paulo at Louisse," Kinindatan naman agad ni Paulo si Louisse, lumipat ang tingin ni Andree saamin. "Camryn at Landon." Muntik na akong mabulaukan sa sinabi nya. Agad namang tinusok ni Landon ang straw sa milkdrink at inabot saakin. Ininom ko yon at ng malunok ko na ang kanina bumara na pagkain ay medyo umuubo-ubo pa ako.

Napalipat tuloy saamin ang atensyon. "Ano kelan kayo aamin?" Tanong nila saamin. Wala naman kaming aaminin e. Mabuti nga ngayon at medyo lowkey nalang ang ginagawa nilang pang-aasar saamin e.

Umiling lang sakanila si Landon, "Ano hindi parin?" Disappointed na tanong ni Andree pangite-ngite lang si Landon sakanila.

"Ang bagal mo naman." Reklamo pa ni Paulo.

"Bakit ikaw ba speed?" Proud naman na tumango si Paulo natawa lang sakanya si Louisse. Mag t-two years na ang dalawa sana ay tumagal pa.

Bigla ng tumayo si Jaxon. "Kuha na tayo ng pagkain." Yaya nya, tumayo na kami para pumila.

Magkasunod lang kami ni Landon. "Anong sayo ngayon?" Tanong nya saakin na naka tingin sa menu.

"Parang gusto ko ng pasta lang, pero gusto ko ding mag steak tagal ko ng di nakaka kain." Sabi ko, undecided ako kung anong ioorder ko.

Natawa lang sya saakin. He said he likes it pagka pinapanuod nya akong kumakain. "Edi mag order ka ng pasta, I'll order the steak hati nalang tayo." Suggest nya.

Agad naman akong umiling. "Hindi na, kaya ka namamayat e." Pabiro kong sabi sakanya.

"Nag g-gym na ako." Bulong nya saakin. Napatingin naman ako sa katawan nya, medyo mas lumaki nga eto hindi kagaya noon na payat lang sya ngayon payat padin sya pero medyo nag mukhang malaman dahil nag s-start na mag built up ang mga muscles nya.

"Wag kang mag papa muscle ng sobra, yong katamtaman lang." Bulong ko naman sakanya.

"Ayaw mo ng may muscle?" Curious na tanong nya.

"Gusto ko soft padin." Pabulong na sabi ko sakanya tumango naman sya at napangite ako.

"Tama na yang bulungan, ano sainyo?" Saway ni Angelica saamin.

Sinabi na namin ang lunch na kukunin. Sabay na kami ni Louisse bunalik sa lamesa at hinintay sila.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano hanggang sa dumating na sila. Nasa tray na ni Landon yong pasta at isang saging tsaka walang katapusan na milk drink.

"Iba talaga pagka may jowa may taga dala ng pagkain." Sabi ni Avonne sabay lapag ng tray nya.

"Jaxon, nagpaparinig." Pang-aasar ni Natasha sakanya agad syang siniko ni Avonne.

Hindi ko din alan kung sila na nga ba o kung ano, wala namang sinasabi pero mas nauna pa silang inaasar-asar na kumpara saamin ni Landon.

Kinalabit ko si Landon at napatingin naman sya saakin. "Huh?"

"Si Jaxon ba at Avonne". Pabulong na tanong ko sakanya. Wala kasi talaga akong alam.

"Hindi nag o-open saamin yan." Napa tango nalang ako, si Avonne din hindi nag o-open kaya pano malalaman.

Nang mga susunod na araw hindi na kami halos nagkikita-kita minsan nag babaon nalang ako dahil nagkakasabay-sabay na mga estudyante sa cafeteria hindi na kami nakakabili kagaya ng sa dati kung bibili man babalik din agad kami sa room dahil wala ng upuan.

Lunch time na kaya sa may long table kami kumain, naging pwesto na namin yong tuwing tambayan or magkikwentuhan. Nasa kabilang dulo kami dahil may mga ilan pa kaming kaklase na naka upo sa kabilang side.

Nagsikuhaan na sila ng lunch boxes nila, nang nakita nila akong hindi pa tumatayo ay tinawag ako.

"Ikaw? Wag mo sabihing wala kang lunch." Tanong ni Angelica.

"Mag hati nalang tayo madami 'to," Pakita ni Natasha sa lunch nya madami nya yon nasa magka-ibang container ang kanin at ulam. "Si Louisse bibilhan ni Paulo e." Ngiseng aso naman si Louisse. Napailing lang ako, lovebirds.

"Thank you Avonne, nakay Landon lunch ko kasama nya sila Paulo lumabas ng school." Sabi ko napa rolled eye naman si Avonne.

"Syempre hindi hahayaan ng jowa na walang pagkain yan."

Dahil naka talikod ako sa pinto hindi ko nakitang damating na pala si Landon kasama si Paulo para maghatid din ng pagkain kay Louisse. Nilapag nya na yong lunch ko.

"Magkano yan." Naka-taas pa ang ulo ko para makita sya naka-upo ako at nakatayo sya, malangkad pa.

Umiling sya. "Ako na dyan." Sabi nya nagpasalamat lang ako, nag paalam na silang magkaibigan para bumalik na din sa room nila may practice sila, pero hindi na daw sya mag lalaro parang mag titrain nalang sya ng juniors, si Paulo ang captain ball nila pero walang maglalaro yong ibang dating varsity players lang na di pa graduating.

Natapos na nga ang huling linggo namin sa school. Pagka gising ko ng sabado mg umaga nakita ko si Lola na kausap si Alexa sa may sala.

Agad namang tumingin saakin si Alexa. "Good morning, Ate." Bati nya saakin. Binati ko din sya pabalik pati na din si Lola.

Dumiretso ako sa kusina para uminom ng gatas. "Ate sama tayo sa province kay Lola." Hindi ko alam na sumunod pala sya saakin.

Nilunok ko muna ang nainom kong gatas bago nag salita. "Saang province?" Baka mamaya sa Laguna, ayaw kong bumalik muna don.

Pumunta si Alexa kay Lola at sumunod naman ako. "Lola saang province nga yon?" Tanong nya kay Lola.

"Sa antique pero sa Boracay tayo mag s-stay para ma-enjoy nyo." Sagot ni Lola. "Uuwi kayo bago ang graduation mo, Camryn."

Agad akong umiling. "Lola 1 week lang ako."

Nagtaka naman kaagad si Alexa. "Eh Ate pagka tapos ng graduation mo pupunta tayong L.A."

Yon nga kaya one week lang dapat ako. "May pupuntahan kaming magkakaibigan e sa beach din one week napag usapan bago mag graduation." Sabi ko tumango naman si Lola mauna nalang daw akong umuwi, at sya nalang maghahatid kay Alexa bago ang graduation.

Kinahapunan nagbihis lang ako ng tshirt hindi na ako nagpalit ng pangs ko dahil nag maayos naman na.

Naka abang na si Landon sa labas ng bahay namin kakarating lang din nya kaya hindi na sya pumasok pa sa bahay.

Ngumite sya saakin pagka labas ko ng gate, naglakad na kami papunta sa park. "Ako na magdadala ng tent mo next week." Sabi nya saakin.

"Teka hindi ba iisang tent lang gaya ng dati." Nasa pang 12 na tao yong tent namin ang nag kanya kanyang tent lang ay ang mga lalaki. Ayaw mag tabi-tabi mas conservative pa saaming mga babae.

Nagkibit balikat lang sila. "Si Paulo at Louisse magkasama, si Jaxon at Avonne-" Bigla akong napatingin sakanya, si Jaxon at Avonne?

"So they're together now?" Tanong ko sakanya. Natatawa syang tumango. "5 months na sila, umamin din." Wow! Haha so dawala na lovers sa tropa.

"Edi kami lang palang tatlo magkakasama sa tent?" Tanong ko sakanya. Si Angelica fifty-fifty pero kahit na palagi silang nagbabangayan ni Andree e wala padin gusto ni Angelica seryoso e babaero si Andree.

Nakarating na kami sa park at umupo sa may laging pwesto namin dahil sa swing minsan lang kami, kaya lang syempre laruan ng mga bata yon. "Magkasama sana tayo sa tent," Tumingin sya saakin. "kung okay lang sayo.." Hindi ko pa alam ang isasagot ko, lahat sila magka relasyon na magkasama sa tent hindi pa naman kami ni Landon, pero nanliligaw sya yes.

Hinintay lang ulit namin ang sunset bago umuwi. Pagka dating ko nag pack na kaagad ako ng mga damit ko, good for 5 days.

Pagka dating sa boracay malayo kami sa may maraming tao may sariling rest house pala dito si Lolo noon, gusto pa ngang bilhin para gawing hotel accommodations kaya lang bilin ni Lolo nong namatay sya ay wag dahil pwedeng pagbakasyunan hindi naman kailangan na lahat pagkakitaan.

Sa pag sstay ko sa boracay palagi padin kaming nagkaka-usap ni Landon, tuwing gabi nga lang dahil maghapon halos di ko dala ang cellphone ko tanging gopro lang ni Alexa.

Minsan nga ay sa umaga hindi ako pinasama ni Lola papunta sa kabilang isla dahil mukha daw akong pagod na pagod, napahaba kasi ang usapan namin ni Landon ng gabing yon kaya medyo na puyat ako.

The whole week in boracay was fun. Nandito na ako ngayon sa airport pabalik na akong Manila. "Ingat Ate." Nag-paalam na ako kay Alexa. Sya ang naghatid saakin kasama lang ang driver dito sa airport.

Mabuti naman at hindi na delay ang flight palagi pa manding delay ang cebu pacific, almost nasa 1 hour din ang byahe pabalik ng Manila. Pagka baba ng airport nag text na ako kay Landon.

To: Landon

Nasa loob na ako ng airport.

Agad naman syang nag reply.

From: Landon

Nasa parking na ako.

Sa parking na nga ako dumiretso nakita ko syang naka tayo sa gilid ng kotse nya. Nauna na kanina pang madaling araw ang iba. Yumakap lang sya saakin pagka lapit ko at kinuha ang dala kong bagahe, isang backpack lang naman yon. Iniwan ko na ang iba kong gamit sa Boracay si Alexa na daw magdadala pagka-uwi.

Pagka pasok ko sa shotgun seat, tinignan ko yong yong back seat bag lang ang nandon. "Nakuha mo gami ko?" Tanong ko sakanya. Bago ako pumuntang boracay nag pack na din ako ng isa pang bag para sa outing namin, tumango sya at tinuro yong isa pang bag habang nakatingin padin sa kalsada.

Agad ko namang nakita yong bag ko. Kasa nong sakanya may mga ilang naka plastic pa mag mga snack nakita ko yong pringles kaya naman agad ko yong inabot.

Binuksan ko yong music para kahit papano ay hindi naman boring. "Alam mong green gusto ko ha." Proud namang ngumite si Landon habang nasa daan padin ang tingin.

"May kanin at ulam din dyan kaso sa seven eleven ko lang binili, ayaw mo ng ganyan diba." Natatawang tanong nya. Tama sya ayaw ko nga kahit yong mga pagkain sa airport lasang nakulob nong unang beses na hinatidan nya ako ng pagkain gangan din sabi ko "lasang airport yong binili mo" hindi naman ako nag reklamo at kinain ko hindi ko lang gusto yong nakulob.

"Di ka napagod sa flight?" Tanong nya saakin. Sabay subo ko sakanya ng pringles.

Nagkibit balikat lang ako. "Pagka nakatulog ako mamaya edi napagod ako."

Natawa naman sya. "Ngayon kana matulog wag mamayang gabi masaya pagka unang gabi, dati nakatulog ka din." Ah oo napagod ako sa byahe non kaya 9 na ako ng gabi nagising.

May natanaw ako na starbuck at mcdo na magkasunod, tinuro ko yon sakanya. "Druve thru tayo." Tumango naman sya at agad na lumiko para pumasok sa drive thru, chicken at spaghetti lang ang inorder ko at kape sa starbuck pampagising.

3 am ako nagising para sa 6 am na flight. Kaso hindi naging effective ang kape after ng kalagating oras ay naka tulog din ako.

Ginising nalang ako ni Landon ng nasa mismong resort na kami. Wala na din ang mga gamit namin kanina pa daw nya naibaba.

"Sarap ng tulog mo kanina pa kita ginigising." Bulong nya saakin sabay ngite. Inayos ko muna buhok ko bago bumaba ng sasakyan.

Nakita ko silang lahat nasa kubo na, tanghalian na pala. "Andyan na si Camryn oh." Sabi ni Avonne.

Ngiseng aso akong tumingin sakanya sabay lipat ng tingin kay Jaxon. "Kayo ha di ko pa malalaman kung di sinasabi ni Landon saakin nong nakaraang sabado." Sabi ko.

Agad na ang reklamuhan ang iba. "Buti nga ikaw last week pa alam, kami kaninag umaga pa dahil mag sishare daw sila sa tent," Siniko naman ni Louisse si Paulo kaya napa hakbang ito palikod. "Eto naman hindi sinabi." Masamang tingin nya sa boyfriend nya.

Niyakap naman ni Angelica si Natasha. "Tayo nalang ang natira."

"Ako lang, kung aamin kayo ni Andree." Sabi nito kaya agad na nagkantiyawan.

"Kayo? Hindi manlang nagsasabi." Masamang tinignan ng dalawa si Natasha sabay tanggi.

"Eww yan magugustuhan ko?" Sabi naman ni Angelica.

Hindi naman nagpatalo itong si Andree. "Hoy mas nakaka diri ka nga dyan." Sabay kuha pa ng alcohol. Binato sya ng plastic na kutsara ni Angelica.

Maya-maya ay tumigil na din at nagsimula na kaming kumain. After ng kainan nagpalipas muna kami ng ilang oras. Nakaramdam ulit ako ng antok kaya napahikab ako, napatingin naman saakin si Landon.

"Antok ka?" Tanong nya. Tumango lang ako. "Paulo pahiram ng susi ng kwarto." Sabi nya sa kaibigan.

"Oy ano na yan makaka-score na ang virgin papa natin." Pang-aasar sakanya ni Andree minura nya ito.

"Tutulog lang si Camryn, napagod sa byahe." Sabi nya. Naglakad na kami papunta sa hotel room ng may pahabol na sigaw si Andree.

"Tulog lang ha!" Narinig ko pa ang tawanan nila. Inakbayan naman ako ni Landon na umiiling. "Mga sira-ulo." Hinigpitan ko lang pagyakap sa bewang nya.

Nagising ako nang may naka dagan saaking tiyan. Nakita ko si Landon na natutulog sa tabi ko habang naka yakap saakin. Tinignan ko ang oras, mag aala singko na.

Tumagilid ako para mas makita pa mukha ni Landon. Napaka tangos talaga ng ilong ang pupula pa ng pisnge, ganda ng pagkaka korte ng kilay at makakapal na pilik mata, dinaig pa ako na babae e.

Sinuklay sulay ko ang medyo wayvy nya na mga buhok. Gumalaw sya at napatingin saakin. Ngumite sya at yumakap pa ng mas mahihpit at siniksik ang ulo sa leeg ko.

"Ala singko na." Pabulong ko na sabi.

Inangat nya naman ang kamay nya para tignan sa relo kung anong oras na. "Napahaba tulog mo." Sabi nya saakin.

"Anong ako pati ikaw." Bumangon na ako at tumayo, gumulo ulit ang buhok ko.

Magpapalit na ako mg dami kasi mag nanight swimming daw kami. Nagpalit ako ng two piece swimsuit, sa boracay ko isinuot ang mga bikini ko. Pinatungan ko nakang ng short at hanging shirt.

Isinuklay ko muna ang buhok konat nag puyod ng pony tail. Pagka tabas ko nasa bihis nadin si Landon naka swimming trunk sya at sando shirt.

"Labas na tayo." Yaya nya. Pagka labas namin nakita naming naglalampisaw na ang iba. Dumiretso muna kami sa cottage nagsisimula nang mag ihaw si Jaxon pero kaka simangot.

Nilapitan sya ni Landon. "Bakit parang binagsakan ka ng langit at lupa." Walang gana nyang binigay kay Landon ang pang ihaw.

Agad nyang tinuro ang dagat at nakita kong naka two piece triangle bikini si Avonne, she looks sexy there. Maliit ang bewang nya at malaki ang balakang.

"Hayaan mo na alangan naman mag pajama at jacket yan habang naliligo." Sabi naman ni Landon sakanya. Tama, tsaka sexy naman si Avonne dapat nyang maipakita yon.

Humalikipkip si Jaxon. "Sige pano kung si Camryn ang sumuot ng ganyan." Teka bakit nadamay ako. Tumingin at kay Landon, nakita ko syang pinasadahan ako ng tingin.

"Naka t-shirt at short naman yan, diba?" Sabi nya saakin. Anong t-shirt at short, no way!

"Huhibadin ko 'to mamaya." Simpleng sabi ko.

Ibinalik ni Jaxon ang tingin mulankay Avonne papunta kay Landon. "Oh diba sabi ko sayo e."

Iniabot ni Landon pabalik kay Jaxon ang iniihaw sabay lapit saakin. "Huhubadin mo yan?" Tanong nya. Tumango naman ako, malamang huhubadin ko 'to.

"Maayos naman na yang panligo wag mo na hubarin." Malambing na sabi nya saakin. Pero umiling lang ako.

"Hindi naman ako naka bikini gaya ng sa kanila naka swimsuit na ako, sa boracay ko sinuot yong bikini." Paliwanag ko pa. Napabitaw naman sya saakin at masama akong tinignan. Oh anong problema neto?

"Sa boracay ka nagsuot ng kagaya kay Avonne?" Madiin na tanong nya, tumango ulit ako. Anong problema don, diba? Malamang beach yon.

Masama nya lang akong tinititigan, napatingin ako sakanya ang itsura nya parang manghihigop ng kaluluwa. Ah alam ko na, tsaka ko lang narealized, ang possessive naman. Yong mga nagigung fling ko noon pagka ganto suot ko mas natutuwa sila, pero si Landon iba nagagalit pagka nai-expose ang balat ko.

Agad ko naman syang niyakap pero ganon padin itsura nya. "Hey, walang tao don private yong lugar namin." Pagkukumbinsi ko sakanya. Ibinaba nya ang tingin saakin. Bakit kasi ang tangkad, hindi naman ako kaliitan average height nga ang meron ako e 5"4 feet sadyang tangkad lang sya kasi nasa 6"3 feet ata ang height nya.

"Sure ka walang lalaki don." Paninigurado nya pa. Iniisip ko kung wala ba talaga.

"Ay meron pala." Sabi ko sumama itsura nya at huminga ng malalim na lara bang pinapakalma ang sarili. "Yong life guard kasi." Paliwanag ko pa. Sabay tawa naka rolled eyes sya saakin.

He pinched my nose. "Alam mo pano ako pikunin." Sabi nya na mas lalo kong itinawa.

Parang okay naman na sya. "Hubadin ko 'to ha. Sasama na ako sa mga girls." Bago pa sya maka sagot naihubad ko na ang hanging shirt at short ko tsaka mabilis na timakbo papunta sa dagat.

Nagbabasaan lang kami. Lumapit ako sa may pwesto ni Avonne. Tsaka ako bumulong sakanya. "Yong jowa mo masama timpla dahil sa suot mo nadamay pa ako antagal ko tuloy bago naka alpas."

Tumawa lang sya. "Hayaan mo sya, pagka kami lang naman gustong gusto nya din, baka nga tanggalin nya pa." Natigilan ako at medyo nag loading la sa sinabi nya bago ko narealized kaya hinampas ko sya.

"Ikaw ha, don't tell me..." Pinanliitan ko sya ng mata ang ngumite lang sya saakin. Sabay lapit at bumulong. "Ano ka ba nasa 21st century na tayo, basta protection lang. Pa-virgin ka." Natawa naman ako sa sinabi nya. Sabagay parang di ko din naramasan, pero bago pa ako makapag isip ng kung ano-ano nakaramdam ako ng maiinit na palad sa tyan ko. Kahit hindi ko na tignan alam kong si Landon yon. Ihinilig ko naman ang ulo ko sakanya.

"Tapos na kayo mag-ihaw?" Tanong ko. Nginuso nya si Jaxon na naka hawak na din kay Avonne.

Magkakasama na kaming lahat sa dagat nasa magkakabilang dulo. Medyo malayo-layo ang pweri namin ni Landon sakanila.

"Sana everyone may jowa." Sabay na sigaw ni Andree at Angelica. Nagkatinginan naman kami ni Landon, kasi hindi la naman kami.

"Ligawan mo na kasi si Angie, Andree." Natawa naman kaming. lahat ng magsimula nanamang magbangayan ang dalawa.

"Let's swim." Anyaya sakin ni Landon. Paroo't parito kami minsan ay nasisid pa. Pagka ahon ko hingal na hingal ako. Agad na yumakap saakin si Landon habang pinupunasan pa ang kanyang mukha.

Kinawit ko naman ang mga kamay ko sa leeg nya. "I like you.." Hinihingal na sabi ko sakanya. He just looked at me intensely then he kissed me it was just a peak at inulit nya pa but this time he kissed me and it's different now. I respond to his kisses humiwalay kami sa isa't-isa na hinihingal.

"Will you be my girlfriend?" This is the second time he asked me that question. I looked into his eyes, he did not change his expression pero parang  nagsusumamo ito ngayon na para bang natatakot na mabigong muli.

———
Eto tong unang beses na nagsulat ako at umabot ng 3.6k na words ang normal na pinupublish ko sa watty is 1.2k-1.4k words lang nag enjoy ako na sulatin 'to hehe. Enjoy po. 💙

Continue Reading

You'll Also Like

92.1K 1.4K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
20.7M 510K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]