A/N : Pagod na pagod ako ngayong araw . Tipong gusto ko na lang humilata pag-uwi ko kaninang 7pm. Pero nung nag-log in ako sa wattpad kanina , nakita kong HINDI NA RESTRICTED ANG 10STBAL! HUHU! THANK YOU , LORD! At eto na nga , kahit pagod, gumawa pa rin ako ng update dahil nagmamakaawa ang mga mahal kong readers. Sorry kung maikli lang. Babawi ako next chapter.
I LOVE YOU ALL! SALAMAT SA SUPORTA!
Same rules : READ BEFORE YOU VOTE. LEAVE SOME COMMENTS IF YOU WANT. DON'T MIND MY ERRORS.
Enjoy this chapter!
-
RHEA POV
"Rhea, this my Auntie Elina. Auntie, si Rhea po. Siya po yung nakwento ko sa inyo."
Isang matamis na ngiti ang binigay sa akin ng ginang. Alanganing ngiti naman ang ibinalik ko sa kanya.
"It's nice to meet you, Rhea." lumapit sa akin ang ginang at nakipag-beso. Tawang pilit lamang ang naisagot ko sa kanya. Palihim kong inapakan ang paa ni Delgado. Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Binalewala niya iyon at patay malisyang umakbay sa akin.
Kung wala lang ang tita niya sa harap ko, masisiko ko ng malakas ang sikmura niya.
Nakita ko namang kumislap ang mata ng kanyang tita. "Kayo ba?"
Napanga-nga ako. A-ano raw? Hindi rin sumagot si Delgado ngunit makahulugang ngumiti at nagkibit balikat. Namumuro na sa akin 'tong bwisit na 'to.
Nilagay ko ang kamay ko sa bewang niya. Marahas siyang lumingon sa akin na tila hindi inaasahan ang ginawa ko. Nginitian ko siya ng matamis sabay kurot sa tagiliran niya. Napangiwi siya at mabilis na inalis ang kamay sa balikat ko.
Hah! Hindi niya ako maiisahan dito dahil may tao sa harap namin.
Lumingon muli ako sa ginang na tila amuse na amuse sa aming dalawa ni Delgado.
"So, shall we start?" nakangiting tanong nito. Kumunot ang noo ko at napatingin kay Delgado. Ano na naman 'to?
Hindi ko alam kung bakit nandito kami. Hindi naman niya sinabi sa akin na mayroon kaming pupuntahang tao. Hindi ko nga rin alam kung anong sadya namin rito.
Napalunok ako. 1st day of July. Start ng second step. Hindi kaya. . .
"Ready ka na ba, hija?" muling tanong nito.
"P-po?"
"Di ba at gusto mong matuto kung paano maging beauty queen?"
Muntik ng lumuwa ang aking mata sa narinig. Beauty Queen? Saang lupalop ng kalawakan nagmula ang kalokohang iyon? Hindi pa nga nagsisink-in sa buong pagkatao ko ang pagiging normal na babae, beauty queen pa kaya? Grabe naman!
Pinilit kong tumawa at hinawakan ang braso ni Delgado. "Uhm, o-opo. Wait lang. May sasabihin lang po ako kay Ren. Pwede ko po ba siyang makausap ng sarilinan?"
Bahagyang natawa si Delgado. "Ikaw naman. Sandali lang naman kayong mag-uusap ni Tita. Alam kong mamimiss mo ako ng sobra dahil patay na patay ka sa akin."
Marahang natawa ang Tita ni Delgado at napailing. "Kids nowadays. . ." bulong nito. Nagbuntong hininga ito at ngumiti sa aming dalawa. "Okay. Sumunod na lang sa loob, hija. Ren, bawal ka, ha?" iyon lamang at pumasok na ito sa loob ng studio. Hinala ko si Delgado sa sulok, wagas na naman ang ngiti nito.
"Patay na patay ka dyan! Hindi ako patay na patay sayo, ano! Kapal! Guso patayin kita ngayon?" pinanlakihan ko siya ng mata. Tumawa lang siya at muli akong inakbayan.
"Yan ka na naman. Ang sungit sungit mo na naman sa akin. Hindi ba pwedeng maging malambing ka naman?"
Napalunok ako. Agad kong tinanggal ang kamay niya sa balikat ko at lumayo. Lumingon ako sa paligid. Napamura ako ng mahina nang mapansin kong kami lamang ang nandito. Kaya pala tinutukso na naman ako ng manyak na 'to!
At hanggang ngayon ay nagpapatuloy ang kaabnormalang nararanasan ko. Wala akong magawa pag napag-iisa kami. Mas okay pa nung nandito ang Tita niya. Nakakakilos at nakakaisip ako ng normal. Ngayon, bumabaliktad na naman ako.
Muli siyang lumapit sa akin. Hindi siya umakbay pero hinapit niya ang bewang ko.
"A-ano ba! B-baka may makakita!" I hissed. Napapikit ako. Naninindig ang mga balahibo ko. Yumuko ako. Ayokong makita ang mukha niya. Baka maulit yung muntik na sanang mangyari sa gym.
Aaahh~! Ayoko na maalala 'yon!
"Sorry. Hindi ko sinabi sayo. Alam ko namang tututol ka, eh. Sandali lang naman tayo rito. Matutulungan ka ni Tita sa second step. All you need to do is listen and keep in mind all the things she will share. I'm sure marami siyang mai-a-advice sayo. Malaking tulong 'yon para sa improvement mo for this step." tinaas niya ang baba ko gamit ang hintuturo niya.
Huwag kang pipikit, Rhea. Huwag kang magpapahalata na naaapektuhan ka. Pag nanghalik ulit, sapakin mo na! Sigaw ng utak ko.
Lumunok ako bago magsalita. "Ganyan ka naman, eh. You don't want to share your strategies. Gusto mo yung may surprise effect. Kainis."
Buti na lang hindi ako nautal habang sinasabi iyon. Huminga ako ng malalim. Gano'n din ang ginawa niya.
"Okay. I'm sorry. You're right. I should start sharing my plans with you total naman medyo okay na tayo. . .pagtayong dalawa lang." humina ang boses niya ro'n sa huling tatlong salita. Namula ako at tumingin muli sa sahig.
"Sino yung babae kanina maliban sa Tita mo siya?" pag-iiba ko ng usapan.
"She was a former beauty queen. She became 1st runner up when she joined Miss International. Hindi ka kasi mahilig sa mga pageants kaya hindi mo 'yon alam."
"Eh, bakit siya pa? Ba't kailangang dalhin mo pa ako rito? Hindi mo ba kayang ituro sa akin 'yon? Saka, anong kinalaman ng pagiging beauty queen sa second step? Parang wala namang konek." humalukipkip ako at kinagat ang aking ibabang labi. Para akong batang nagmamaktol.
I heard him gave up a long sigh. "I've read some books and articles about being mature but I don't think it could be enough. I wasn't satisfied to my own research kaya naisip kong maghanap ng taong may malawak na pananaw sa maturity ng isang babae. Then, boom! Naalala kong may tita akong beauty queen. Kinausap ko siya. Kinwento kita sa kanya. Makisakay ka na lang. Just go with the flow and enjoy the experience." inabot niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. "Kayang kaya mo 'yan."
Unti-unti akong nag-angat ng tingin. Punung-puno ng encouragement ang mata niya. Tipong nagsasabing may tiwala siya sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyari pero gumaan ang pakiramdam ko. Huminga ako ng malalim at pinisil rin ang kamay niya. Napangiti siya. He leaned closer. To my surprise, he planted a kiss on my ears.
Ba't sa lahat ng pare ng mukha ko, sa tainga pa?! Argh!
Nangamatis ang mukha ko. Agad akong bumitaw sa kamay niya at bumaling sa ibang direksyon. Narinig ko ang marahang pagtawa niya.
"Use your ears. Be attentive. Goodluck."
Hindi ko siya nilingon kahit alam kong lumabas na siya. Nanatili akong nakatayo ro'n, pinapakalma ang aking sarili. Sana naman bumaba na ang lahat ng dugo ko sa mukha.
Ayokong pumasok sa studio na mala-makopa ang kulay ng pisngi.
Buti na lang hindi ko makakasama si Delgado sa loob. Bawas ang oras na pwede kaming magkasama. Ibig sabihin, less kaabnormalan at more oxygen for me. Hindi na ako mahihirapang huminga, hindi maninindig ang balahibo ko at hindi ako mag-aalala sa kamanyakan niya. Walang magnanakay ng halik rito. I sighed in relief.
Inayos ko ang aking sarili at huminga ng malalim. Sana nga ma-push ko 'to.
Tinungo ko ang pintong pinasukan ni Miss Elina. Pagpasok ko pa lamang, mini stage na agad ang nakakuha ng pansin ko. Napangiwi ako. Rarampa ba ako do'n?
May malaking shelves do'n sa gilid na may lamang mga korona. Meron ding plaques at mga sash. Sa dingding ay mga nakasabit na life-size portrait. Ang nakakuha ng atensyon ko ay yung picture ni Miss Elina na mangiyak-ngiyak at nakapikit habang inilalagay ang korona sa kanyang ulo.
Hindi ako mahilig sa mga ganyan. Ayoko ng mga pageants. Mas prefer ko ang mga sports kaysa mga cycle ng modeling, coronation nights, miss universe at kung anu-ano pa. Hindi ako interesado sa pagandahan. But seeing Miss Elina's photos makes me admire her. Ilang sandaling napako ang tingin ko ro'n bago napalingon sa likod. Nagulat pa ako nang makita kong nando'n si Miss Elina at nakatingin rin sa portrait ng may ngiti sa kanyang labi.
"My most unforgettable experience. . ." sabi niya.
"Nakakaproud po kayo." I gave her a sincere compliment. Nakakaproud makaharap ang isang taong tulad niya't lalo pa at hindi ko nakikita sa kanya ang pagmamayabang kahit may karapatan siyang magmayabang.
"I may not have won the Miss International ,at least I've reached something beyond my expectation. The feeling was overwhelming when I heared my name as one of the top 5. I told myself I'm already a winner and I'm proud of it." lumingon siya sa akin. "Ang sabi sa akin ng pamangkin ko, recently mo lang nalaman na gusto mong pumasok sa ganitong field."
Muntik na akong mapaungol. That jerk! Kung anu-ano na lang ang sinasabi. Napakagaling gumawa ng kwento. Pati ba naman tita niya ay hindi pinatawad.
Pilit na tawa ang isinagot ko. Napakamot na lamang ako sa aking kilay. Hindi malaman kung itatanggi ko ba o susundin yung sinabi ni Delgado na 'just go with the flow.'
"Mukhang nahihiya ka pa sa akin." nakangiting puna niya.
"O-opo, Miss El-"
"Oh, don't call me 'Miss.' I'm already married with two kids. You should call me 'Tita' total naman at mukhang girlfriend ka ng pamangkin ko."
"P-po? Hindi po!" depensa ko.
Kumunot ang noo ni Miss Elina. "You mean, nanliligaw pa lamang si Ren sa'yo?"
Napaungol ako. Ano bang isasagot ko? Argh~! Yari ka talaga sa akin mamaya, Delgado.
"A-ano po, eh. . .Hindi ko alam."
Tumango-tango ito. "I understand. Uso naman ang MU ngayon. Hmm, fling?"
Umawang ang bibig ko. Girlfriend? Manliligaw? M.U.? Fling? Wow naman! Ni wala nga akong experience sa pakikipag-relasyon tapos masasabihan ako ng ganyan?
"Miss Elina-"
"Tita. I want you to call me 'tita.' Ayoko talaga na natatawag akong miss."
"Sige po, Miss - ay este, Tita Elina."
"Good." inakay niya ako papasok pa sa isang pinto. Tumambad naman sa ang may kalakihang set ng sofa na kulay beige. Pinaupo ako ni Miss Elina sa tapat niya.
"Don't worry. Hindi naman kita bibiglain. Sinabihan rin ako ni Ren na advice lamang ibigay ko sayo for now. Magsisimula tayo sa pinaka-importante hanggang sa pinaka maliit na detalye."
Tango lamang ako ng tango kahit hindi ko masyadong naiintindihan.
"At ang uunahin natin ngayon ay ang pinaka importanteng parte sa lahat."
Pinipilit kong maging attentive. So far, I'm doing good. Ginigising ko ang diwa ko kahit hindi ko pa rin ma-gets ang dahilan kung anong koneksyon ng maturity sa pagiging beauty queen.
"Unang-una sa lahat at ang pinaka importanteng sangkap ng pagiging isang beauty queen ay ang maturity."
Eh? Hindi ba pagiging maganda at sexy? Hindi ba pagrampa sa stage ? Hindi confidence?
Maturity raw ang unang-unang rule sa pagiging beauty queen!
Hindi ko alam 'yon, ah! Sabagay, ano na bang alam ko sa field na 'to? Wala!
Mukhang mali ako ng akala.
At tama si Delgado. Marami akong matutunan sa kanya.
Mataman akong nakinig sa mga sinasabi niya. Malinaw niyang in-explain ang lahat ng experiences niya. At ako, nga-nga. Hands down.
I should treat Delgado later.
-
Lutang ang isip ko nang sunduin ako ni Delgado sa studio ng tita niya. Punung-puno na naman ang utak ko. Shems. Ganito yung naramdaman ko nung nag-briefing si Shai bago siya umalis.
Pero this time, hindi ko mapagkakailang na-enjoy ko ang pakikinig kay Tita Elina. Wow. Ang astig niya.
"How was it? Sinunod mo ba ang payo ko? Nakinig ka ba kay Tita?" tanong ni Ren nang nasa kotse na kami. Nilingon ko siya. Nakakunot ang aking noo.
"Ang galing ng tita mo." tila wala sa sariling sabi ko. Marahang natawa si Ren. Nagsimulang paandarin ang sasakyan niya.
"Magaling talaga ang angkan namin."
Okay. Binabawi ko na ang sinabi ko. Masmalamig pa sa aircon ng kotse ang pagmamayabang ni bagyong Delgado.
Hindi ko na siya inimik. Nahulog ang isip ko sa malalim na pag-iisip. Kalahating minuto na kami sa daan nang magsalita ulit si Delgado.
"Rhea, what are you thinking?"
"Gusto kong maging tulad ng tita mo." mahina kong sabi.
Tumigil ang sasakyan sa tabi. Tumingin sa akin si Delgado na parang isang himala ang sinabi ko.
"G-gusto mong maging beauty queen?" gagad niya.
Umiling ako. Kumunot naman ang noo niya. "Eh, ano?"
"Gusto kong maging mature tulad niya." napalunok ako. Hinawakan ko ang manggas ng t-shirt niya. "T-tutulungan mo naman ako, di ba?"
Ilang sandaling nakatulala sa akin si Ren. Hindi makapaniwala. Nanlalaki ang mata at nakaawang ang bibig. Pagtapos ay pagak itong tumawa.
Tumitig siyang muli sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at pinisil 'yon.
"Yeah." mahina niyang sagot. "I assure you."
Umiwas ako ng tingin. Yung puso ko tumindi ang pagtibok. Parang gustong kumawala. Parang bolang tumatalbog. Parang gustong magwala.
Huminga ako ng malalim at pinisil pabalik ang kamay ni Delgado.
Nag-drive siya ng isang kamay lang ang gamit. Paano niya ginawa 'yon? Hindi ko alam.
Basta ang alam ko lang. Hawak niya ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa dapat naming puntahan.
>>next update