✔Book Apart

By luxylightbringer

31.3K 1.9K 566

A love between two people from two different world. === Dahil sa kuryosidad, nakulong si Chichi sa isang mahi... More

PROLOGUE
1.Meet my disgusting Brother
2.Don't read a strange book
3.Welcome to Miroianah
4.I'm inside the book.Seriously.
5.We ran away
6.Formal meeting
7. Intruding techniques
8.A Royal Dinner
9.Ice Cream Flavors
10. A Letter for Her
11.Invitation
12.Another Dinner
13. Kidding
14.The Book's Warning
15.He miss...
16.I'm Annoyed
17.His Request
18.Sean is handsome!
19.There's a Thief!
20.He doesn't care!
21.I'm Proud of You
22.Book is not a book?
23.Kid's War
24.Too Close
25.Side Lip Kiss
26.Ruined Date
27.Stalking with Tintin
28.He ask me to dance!!
29.We're the Chosen Parents?
30.Heartaches
31.Everything has Changed
32.Shane's Tantrums
33.Hair clip
34.Merielle will come
35.Fairy godfather?
36.I'm HIS'
37.Argued Feelings
38.
39.Belle's Secret
40.TinkerShane
41.Just for You
42.Only a Friend?
43.Quarrel
44.Charlie and TinTin
45.Stress Reliever
46.Who's getting marry?
47. Rejected
48
49.The Proposal
50.The Ring which symbolizes his Love
51.The Date
52.Last Kiss
Shannon
53.Got Home
54.Cold Shake
55.The Pie Crave
56.Pony, Pies and Ring
57.Sean is Confused
58.Chelsea's Revenge
60.I Am His' Again.
EPILOGUE
😊
missing chapter
missing chapter
missing chapter
missing chapter

59.Soccer Game

405 27 7
By luxylightbringer


Kinabukasan ay hindi na muling uminit ang pangalan ko sa school, hindi ko alam kung anong magic ang nagyari pero lahat sila mukhang apologetic pa ang mukha sa tuwing nakakasalubong ko.

"Chichi!!" sinalubong ako ni Ruffie ng nakangiti.

"Hey mukhang good mood ka..." nakangiti kong bati.

"Oo naman! Anong oras ka nga pala pumasok?"

"late na.. si Iñigo kasi ang tagal" sabi ko.

"Eh!? ibig sabihin hindi mo nakita!?!" tumigil si Ruffie at hinawakan pa ang dalawang balikat ko at inalog alog.

"A..ang alin ba?" napangiwi ako sa pag alog sakin ni Ruffie. Kailangan nya ba talagang gawin yan?

"Omg! Kaninang umaga nagbanta si Sean sa mga studyante ng campus! Kung sino man ang mang bully sayo at pag isipan ka ng masama, lagot sa kanya!!" kinikilig nyang sabi at nanghampas na naman as usual.

"sinabi nya yun?" di ko makapaniwalang sabi.

"Oo realtalk!! Kung nandito ka lang hmph! Edi nakita mo sana kung oaano ka ipagtanggol ng prince charming mong gwapong soccer player?Haha!!"

Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi ni Ruffie. Pinagtanggol nya ako? Kaya ba ganun nalang ang reaksyon ng mga tao kanina?

"Ang lakas naman ng loob nya, ano naman magagawa nya?"

"Hay nagtatanong ka pa? Eh mayaman ang gwapong yun!! Kalahati ng share sa school nato sa kanila galing! Kaya malakas kapit haha"

"Ah okay.."

"eh!? ng dami kong sinabi yun lang sagot mo!?"

Hindi nalang ako sumagot at nagpatuloy sa paglalakad sa hallway. Nagpapasalamat ako sa ginawa ni Sean, pero kagaya ng sinabi ko kay Iñigo kagabi hindi na ako lalapit sa kanya. Ayoko ng makagulo, kahit masasaktan ako hindi ko na pipilitin ang sarili ko na kontrahin ang tadhana. Mahirap syang kalaro kahit kailan.

"Chi..si Sean makakasalubong natin" bulong ni Ruffie. Natanaw ko si Sean sa dulo ng hallway, nakita kong nakatingin sya sakin kaya lumiko ako ng daan.

"Eh!? Chi saan ka pupunta!?" Hindi ako nasundan ni Ruffie dahil nakipagsiksikan ako sa mga studyante.

Ayos lang, seatmate naman kami at siguradong magkikita kami sa klase.

Napabuntong hininga nalang ako ng makasandal ako sa pader.

"Bakit nagtatago ka? Tinataguan mo si Sean no?" napatalon ako sa gulat ng may sumulpot sa tabi ko.

"Dylan?!"

"Hi Chi, ilang araw din tayong hindi nagkita" nakangiti nyang bati. Oalagi talaga syang nakangiti.

"Tinataguan mo si leader?"

"h..hindi"

"weh? haha! Nakakatawa ka.. anyway bago ko pa pala mapansin, pumoporma na pala talaga si Sean sayo.. grabe nakahalik agad sya! sayang talaga" sabi nya at ni-click ang tongue nya ng ilang beses na parang sa butiki.

"huh?"

"Pero alam ko namang olats na ako simula palang, lakas kasi mangbakod ng kapatid mo haha!! Sige papasok pa pala ako, ingat ka nalang!!"nagwave sya sakin at naglakad na habang nakapamulsa.

Napataas nalang ang kilay ko habang pinagmamasadan syang lumayo.

"minsan may pagka weird sya"bulong ko sa sarili ko.

Simula ng araw na ito ay iniwasan ko na si Sean, hindi ko nga alam kung sinasadya na o talagang palagi kaming na ku-krus ng landas. Palagi tuloy akong napapaiwas ng daan at mas nilalakad ang mahabang daan.

Hindi narin ako dumadalaw sa soccer field para hindi ko narin sya makita, minsan ay pumupunta ako pero sinisigurado kong wala sya o kaya'y aalis agad ako pag dumating na sya.

Alam kong hindi manhid si Sean at napapansin nya ang ginagawa ko, ginawa nya pa ngang messenger si Ruffie para lang makipagkita sakin pero hindi na ako pumunta.

"Chichi! una na ako ha?"paalam ni Ruffie.

"Sige ingat ka Ruffie"

Nasa locker ako para kunin ang mga libro ko, nagtaon kasing sabay sabay ang mga assignments namin.

Haist. Kung sinuswerte ka nga naman diba? Gusto ko pa naman manuod ng tv mamaya.

May iilang tao pa sa locker room, kakadismiss palang kasi at medyo maaga pa naman.

Sinara ko ang pinto ng locker at binuhat ang mga libro ko sa braso. Ang hassle talaga nito, minsan gusto ko nang gumamit ng bag na di hila na parang sa elementary.

Naglalakad ako sa corridor ng maalalang hinihintay pala ako ni Iñigo sa parking lot. Naku, maiksi pa naman ang pasensya ng masungit kong kapatid.

Binilisan ko ang lakad ko pero saktong pagliko ko ay may nabunggo ako at napaupo sa sahig.

"Ouch.." mahinang sabi ko.

"Sorry, are you hurt?"

"obvious ba?" sarcastic kong sabi at napatingin sa kanya. Napatigil ako bigla ng makita si Sean sa harap ko. Shit, ngayon nalang ulit sya naging ganito kalapit sakin simula ng lumipas ang ilang araw.

"Di ko naman sinasadya"kinuha nya yung kamay ko at itinayo. Parang nakuryente tuloy ako ng magdikit ang balat namin.

"what's with the rush?"tanong nya at pinulot at pinulot ang libro ko.

"ako na" Inagaw ko naman yun agad at pinulot narin ang iba.

"t..thanks" tumalikod na ako agad pero hinawakan nya ang kamay ko at pinigilan.

"Are you..avoiding me?" tanong nya.

"W..why do you say so?"

"Kasi lagi kang umiiba ng daan kapag makakasalubong mo ako, hindi kana pumupunta sa field tsaka hindi mo na ako kinakausap" malamya nyang sabi.

"Hindi pa ba kita kinakausap sa lagay nato?"

"Yeah, but I can feel that you are avoiding me" seryosong sabi nya.

"You're overthinking Sean, And I'm sorry if you're feeling like that, I need to go"inagaw ko ang kamay ko at naglakad agad ng mabilis. Narinig ko pa ang pagtawag nya sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa.

"Oh? Ba't hinihingal ka?"taas kilay na tanong ni Iñigo ng makapasok ako sa kotse.

"Nothing"sagot ko nalang. Nailing nalang sya at pinaandar na ang kotse.

"Sa Friday na yung game namin, manood ka ah? First game ko yun and you as my sister, dapat suportahan mo ko" sabi nya.

"nangingimbita ka ba o nanguutos?"

"Pareho" nakangisi nyang sabi.

"Marami ka namang fans, walang kwenta boses ko dun"

"At yan ang linya ng mga walang pakeng kapatid" nakasimangot nyang sabi.

"Joke lang!"biro ko. Napangiti naman sya ng maliit at umiling iling.

*****

Dumaan ang ilang araw at dumating na ang pinakahahandaang araw ng kapatid ko, ang unang game nya sa school. Excited na sya sa bahay kanina pa dahil mukhang uhaw na uhaw na talaga sya sa paglalaro.

Busy ang lahat para sa soccer game mamaya, marami pa ngang nag cutting para gumawa ng mga banner nila. Ako naman, inubos ko lang ang oras sa pagbabasa ng libro sa garden. Wala kasi kaming teacher sa buong morning period dahil wala namang sumipot kahit isa.

"Uy..senti mode si Ate"umupo si Ruffie sa tabi ko.

"Hindi ka ba excited sa laro mamaya?"

"Siguro.." sagot ko.

"Hay... pustahan hindi ka makausap ng matino ngayon" nakasimangot nyang sabi. Natawa nalang ako sa sinabi nya..

"Anyway.. alam mo na ba yung nangyari kay Chelsea?" umiling iling ako at napakunot ang noo.

"Na expel sya ng dalawang linggo, tapos pinagbakasyon sya sa Europe ng 2 weeks ng magulang nya bilang parusa, Anong klaseng parusa yun!?!? Kahit ako hindi ko iko-consider na parusa yun!!" parang batang nagrereklamo si Ruffie habang nakakunot pa ang noo nya. Natatawa tuloy ako.

"Naku kung ganun kayaman ang magulang ko, palagi nalang kitang bubullyhin para makapag around the world ako!!" napasimangot ako sa sinabi nya. Kahit kailan talaga.

"Syempre joke lang! haha!"

"ayos ka din ah" natatawa kong sabi at nagbasa nalang ulit.

Si Ruffie naman ay naglettering sa cartolina ng pangalan ng kapatid ko. Imbes na kuya nya ang i-cheer nya si Iñigo talaga ang ginawan nya ng banner.

"Ano yun?" pareho kaming nagkatinginan ni Ruffie ng makarinig kami ng hiyawan ng mga tao sa di kalayuan.

"M..malapit na magsimula!!" nagpanic si Ruffie at tinapon lahat ng art materials nya sa bag.

Malapit lapit din ang soccer field dito, hindi namin namalayan ang oras dahil maganda rin itong librong binabasa ko habang si Ruffie at abala sa pagko-combine ng colors.

"Haist!! wala pa ngang color yung heart eh!!" iritang sabi nya habang kinakamot ang ulo.

"Haha!! dalian mo na!!" Kumaripas kami ng takbo ni Ruffie.

Pagkadating namin sa soccer field, napuno na halos lahat ng bleachers.

"Chichi dali! dun dapat tayo sa harap!!"

"Hey!"hinila ako ni Ruffie at binunggo nya pa ang mga tao.

"sorry..sorry..pasensya na"ako naman ang tagapasensya sa mga taong nabubungo nya. Haist ang babaeng ito talaga walang pakielam sa paligid nya.😑

"Kakapasok lang mga kalaban nating school! Infairness ang gwapo ng ilan sa kanila"nakangiti nyang sabi at nanghampas na naman. Hobby nya yun so I'm used to it.

"Gwapo talaga hanap mo?"

"Hindi yun maiiwasan! wag ka ngang umaktong parang hindi babae" sabi nya habang abala sa paghahanap ng mga gwapo.

"whatever.." I just rolled my eyes at naupo nalang sa upuan.

"And here comes our school's undefeatable soccer team representative... The Black Eagles!!"

"BLACK EAGLES I LOVE YOU!!!"

"YAAHH BLACK EAGLES!!"

Pumasok ang buong nila Iñigo, napatakip pa ako ng tenga dahil sa lakas ng sigawan lalo na ang mga babae.

"WOOOHHH GO BLACK EAGLES!! GO IÑIGO!!!" Nagulat ako sa patayo at pagsigaw ni Ruffie. Nangibabaw ang boses nya sa tenga ko dahil sa lakas.

Napukaw tuloy ang tingin samin ng kapatid ko. Tumingin sya sakin at maliit na ngumiti at bahagyang nagwave.

Nagtilian tuloy agad ang mga katabi ko. Lalo na si Ruffie at inalog alog na naman ako. Akala ko ba nagmo-move on sya?

"YAAHH!! IÑIGO!!"

"DYLAN BABY!!"

"RALPH I LOVE YOU!!"

Kung sino sino nang mga players ang naisigaw ng mga tao, halos lahat ata sila na mention na ng mga katabi ko.

"Teka sino yung isa? bago? Ang gwapo!!!"tilian ng mga babae.

"Hindi sya bago!! Sya yung nawalang player dati!! si Sean Darelle Cliforde!! KYAHH!! SEAN ANG GWAPO MO TALAGA!!"

Agad akong napatingin sa field at nahagip ang isang lalaking medyo nauuna sa kanila. Nung una hindi ko sya nakilala dahil sa buhok nya pero ng marealize ko kung sino sya ay agad na tumibok ang sobrang lakas ang puso ko.

"OMG nagpagupit sya!?!? Ang gwapo nya lalo!!"

"KYAAHHH SEAN GALINGAN MO I LOVE YOU!!"

He cut his hair, at sobrang bagay sa kanya. My eyes already stucked in him, hindi ko na matanggal ang tingin ko sa kanya. Dahil sa itsura nya ngayon... mas lalo kong naalala yung mga nangyari samin sa loob ng libro.

Inililibot ni Sean ang mga mata nya habang naglalakad hanggang sa magkatagpo ang mata namin dalawa.

Bigla syang tumigil habang nakatingin sakin that cause my heartbeat to beat so rapidly. Ilang araw ko syang hindi nakita, hindi ko alam kung anong pinagkaabalahan nya, araw araw hinahanap sya ng mata ko sa school pero ni isang anino nya hindi ko nakita mula ng araw na huli kaming nag usap sa corridor.

"Bakit sya tumigil?"

"May problema ba sya?"

"Girl nakatitig sya sayo.." bulong ni Ruffie at siniko siko pa ako.

Naiwanan na sya ng mga kasama nya pero sya ay nanatiling nakatayo parin habang nakatitig sakin.

Halos isang minuto din ang pagtititigan namin ng bigla syang ngumiti sakin tsaka naglakad na ulit.

"KYAAHHHHH NGUMITI SI SSEAN ANG GWAPO NYA!!"

Narinig ko ang sigawan ng mga babae sa likod ko pero tinalo ng tibok ng puso ko ang lakas ng sigaw nila.

"Kyaahh!! Chi!! Para sayo ang ngiti na yun!!" siniko siko at ni Ruffie habang ako ay hindi maiwasan ang pag ngiti.

Nagsimula ang na ang laro at sa una palang ay pumapabor na sa amin ang kapalaran.

Nagpakitang gilas agad si Iñigo at sya pa ang unang nakascore, napaka buena mano nya pero sa bawat puntos nya ay namumula ang braso ko dahil sa hampas ni Ruffie. 😒

"Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko!! Ang galing talaga ng kapatid mo!!" kinikilig na sabi nya na halos pasigaw na.

Nakatutok lang ako sa laro lahat sila magagaling kaya kami agad ang umaabante sa laban pero sa isang tao lang talaga ang hindi maiwasang hindi kayang lubayan ng mata ko. Sa buong laro sa kanya lang nakatuon ang mga mata ko. Si Sean.

"Tingnan mo, tumingin na naman sya sayo at ngumiti!! Nakakakilig talaga kayo!! Kayo na ba!?!?" bulong ni Ruffie and for the nth time at hinampas na naman ako.

Hindi na ako magtataka kung puro black and blue na ang braso ko sa susunod na araw.

Hindi ko pinansin si Ruffie, tumutok nalang ako kay Sean. Kanina ko narin napapansin, sa bawat puntos na nagagawa ni Sean at sumusulyap sya sakin at bahagyang ngumingiti, kahit hindi halata pero halos manginig na ang buong katawan ko sa kilig na nararamdaman ko at tinatago ko lang sa buong laro.

Ang hirap itago ng nararamdaman mo lalo na kung sobrang lala na nito. Naiisip ko minsan kung gaano na kalala itong feelings ko kay Sean kasi pakiramdam ko araw araw lalo pa yatang nadaragdagan.

Sa huling segundo ay nagwagi na naman ang team nila Sean. Kagaya ng sinabi kanina, undefeatable sila.. sa limang sunod sunod na taon ay sila palagi ang panalo. Sabi nila malaking kawalan si Sean dahil mula ng sumali sya sa team palagi na silang nananalo. Napakagaling nya talaga, napakagaling nilang lahat.

"Congrats guys!! Napakagaling nyo!!!" energetic ang boses ni Ruffie ng makababa kami sa bench ng team nila.

"Kami pa ba Ruffie!? haha!!" Sagot ni Dylan.

"Nako sumagot ang mayabang!!"asar nyang usal.

Lahat sila masaya sa pagkapanalo nila. Nagtatawanan at nag aapiran pa sila. They are as lively as ever.

Nilapitan ko naman si Iñigo na umiinom ng tubig, napatingin sya sakin at ngumiti.

"Lil bro!!"sabi ko at ginulo gulo ang buhok nya kahit hirap ako dahil mas matangkad sya sakin.

" Stop that!"iritable nyang sabi at hinuli ang kamay ko.

"What will you say? Ang galing ng kapatid mo diba?"

"Yeah yeah, magyayabang ka na naman.." sabi ko at naparoll eyes. Natawa naman sya at ang dinama ang pagkakataon para guluhin ang buhok ko.

"Ako Iñigo!? Narinig mo ba yung cheer ko kanina!? Ang galing galing mo!!" Nanginginang pa ang mata ni Ruffie habang kaharap si Iñigo

"Yeah, thanks for your support Raffa.." nakangiti nyang sabi.

"Nya!! It's Ruffie! hmph!!" nakasimangot si Ruffie at kinagat kagat ang labi nya.

"Okay Ruffie haha!!"nagkorteng puso ang mga mata ni Ruffie at kinilig na naman dahil sa pagtawa ng kapatid ko.

Pero napawi na naman ang ngiti nya ng kumapit si Kristine sa kapatid ko para i-congratulate at mabilis na hinalikan ito sa labi.

"Kyyaahhh!! Sa harap ko pa talaga sila nag ganyanan!!"Ngumuso si Ruffie at nagdrama na naman kaya napailing nalang ako. Haist. Sabi nya kasi mag m-move na sya diba?

Sa gitna ng pagsasaya nila ay nahagip ng mata ko si Sean na nakaupo sa gilid. Nakayuko lang sya habang nakatingin sa daliri nya.

Ang singsing namin... suot nya.

Umangat ang tingin ni Sean pero bago pa magtama ang mata namin ay humarang na sa harap ko si Dylan.

"Chichi! Kagaya ng sabi ni Iñigo dun sa bahay nyo ang victory party ah!!"

*****

Continue Reading

You'll Also Like

89.4K 4.5K 81
Family Series #1 Sebastian Mortem's family is labeled as the villain because of their ruthless and merciless behavior. Then there's Diara Fabriaza Je...
Blood By Morrigan Dierdre

Mystery / Thriller

6.9K 358 51
What if you wake up one day, and realized that everything has changed? Would you accept it? Started: 05-13-20 Ended: 06-16-20
Life Begins At 81 By Chin

Historical Fiction

24.5K 10.2K 40
Life Begins Series #1 Cassandra Monteclaro is an eighty years old woman. She lives her life alone, no husband, no child, and not even for once experi...
47.8K 3.2K 24
Matapos magising sa tatlong buwang pagka-comatose si Charlie ay hindi niya alam bakit tila kulang na ang pagkatao niya kahit na hindi naman siya na w...