✔Book Apart

By luxylightbringer

31.3K 1.9K 566

A love between two people from two different world. === Dahil sa kuryosidad, nakulong si Chichi sa isang mahi... More

PROLOGUE
1.Meet my disgusting Brother
2.Don't read a strange book
3.Welcome to Miroianah
4.I'm inside the book.Seriously.
5.We ran away
6.Formal meeting
7. Intruding techniques
8.A Royal Dinner
9.Ice Cream Flavors
10. A Letter for Her
11.Invitation
12.Another Dinner
13. Kidding
14.The Book's Warning
15.He miss...
16.I'm Annoyed
17.His Request
18.Sean is handsome!
19.There's a Thief!
20.He doesn't care!
21.I'm Proud of You
22.Book is not a book?
23.Kid's War
24.Too Close
25.Side Lip Kiss
26.Ruined Date
27.Stalking with Tintin
28.He ask me to dance!!
29.We're the Chosen Parents?
30.Heartaches
31.Everything has Changed
32.Shane's Tantrums
33.Hair clip
34.Merielle will come
35.Fairy godfather?
36.I'm HIS'
37.Argued Feelings
38.
39.Belle's Secret
40.TinkerShane
41.Just for You
42.Only a Friend?
43.Quarrel
44.Charlie and TinTin
45.Stress Reliever
46.Who's getting marry?
47. Rejected
48
49.The Proposal
50.The Ring which symbolizes his Love
51.The Date
52.Last Kiss
Shannon
53.Got Home
54.Cold Shake
56.Pony, Pies and Ring
57.Sean is Confused
58.Chelsea's Revenge
59.Soccer Game
60.I Am His' Again.
EPILOGUE
😊
missing chapter
missing chapter
missing chapter
missing chapter

55.The Pie Crave

363 24 6
By luxylightbringer


Nagising ako ng tanghali dahil sabado. Si Iñigo kasi hanggang ngayon kinukulit ako dahil sa Prince na sinabi ko dun sa canteen. Nagtatampo sya dahil hindi nya daw alam ang tungkol dun kaya ayaw akong patulugin kagabi.

Nag uunat ako habang bumababa sa hagdan, inaantok pa talaga ako. Bwisit kasi si Iñigo.

"Good morning Chichi!!"

"Good morn-" nanlaki ang mata ko at naibaba agad ang kamay ko sa pag uunat ng makita ang ibang ka member ni Iñigo sa team. Si Dylan ang bumati sakin na nakangiti, nandun rin si Ralph, si Jill, Mig, Niel. At si Sean na mahaba parin ang buhok at nakadekwatro.

"A..anong ginagawa nyo dito?" takang tanong ko.

"Haha!! kakatapos lang namin magpractice kaya pumunta kami dito, by the way.. ang cute ng pajama mong pony ang design tsaka yung fluffy slipper mo pero mas cute ka pag bagong gising haha!!" nakangiting sabi ni Dylan.

"s..salamat"nahiya ako sa sinabi ni Dylan at napatingin kay Sean na nakatingin din sakin pero agad syang umiwas.

"Tama na ang pambobola sa kapatid ko Dylan..."Sabi ni Iñigo na kagagaling lang sa kusina.

"Magpalit ka nga ng damit dun!" hinila ako ni Iñigo paakyat ulit sa second floor.

Nakasando at pajama pa kasi ako, malay ko bang may bisita sya?

"Magbihis ka tapos magluto kana ng tanghalian"

"wow ah? grabe ka makautos kuya" sarcastic kong sabi.

"Wala si Lola at kasama nya yung dalawang yaya kaya ikaw ang maghanda huh?" malakas nyang tinap ang ulo ko at ginulo yun.

"Psh!! ano ba!!"

"Dalian mo! Maglalaro lang kami ng video games"inirapan ko nalang sya at nagbihis na nga. Napaka under ko talaga sa kapatid ko, sana kasi nauna nalang syang pinanganak diba!?!?

Pumunta na ako sa kusina para magluto, nadaanan ko pa sila Iñigo na naglalaro sa sala ng video games. Nakita ko naman si Sean na nakaupo lang at may binabasang magazine sa couch, napatingin sya sakin kaya agad akong umiwas at pumasok sa kusina.

Kinakabahan ako pag nakikita ko sya, bakit ba ganun? Dahil ba kamukha nya si Sean??

Napabuntong hininga nalang ako. Namimiss ko na talaga sya..

"Nasaan ang baso nyo?" napatigil ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Nilingon ko sya at nakita ko si Sean na nakatayo sa harap ko.

"Uhh..nandito.." sabi ko at tinuro yung drawer para sa mga baso.

"Ah thanks.. dati kasi dito namin yan nilalagay" sabi nya at tinuro yung isang cabinet. Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Ano daw??

kumuha sya ng baso at kumuha ng tubig sa dispenser. Hindi ko maiwasang panoorin sya habang umiinom, ang cute din siguro ni Sean kung ganito ang buhok nya. Bagay na bagay sa kanya tapos pagsasayawin ko sya ng k-pop dance.

"May problema ka ba?"

"Ha?" na snap out ako ng magsalita sya bigla, tapos na pala sya uminom ng hindi ko namamalayan.

"Kanina ka pa kasi nakatingin eh" sabi nya.

"Uhh..w..wala! may naalala lang ako" sabi ko at tumalikod na para kunin yung mga ingredients sa ref.

"Okay, saan ko ilalagay to?"tanong nya at pinakita yung baso sakin. Nilingon ko aya saglit at kumuha ulit ng sangkap.

"dyan sa lababo" Dumaan sya sa gilid ko at nilagay ang baso sa sink.

Narinig ko pa ang footstep nya paalis pero bigla syang tumigil.

"Uhh..mahilig ka ba sa pony?" napalingon ako dahil sa tanong nya. Hindi ko nga alam kung bakit bigla akong kinabahan eh.

"O..oo, bakit mo natanong?"

Mukhang napaisip din sya sa tanong ko at matagal bago makasagot.

"I..I don't know either kung bakit ko natanong, sorry sa istorbo" sabi nya at umalis. Napabuntong hininga ako at sumandal sa ref. I can't imagine Sean treat me like that, para akong stranger na napadaan lang at tinanungan nya ng direksyon.

Bakit ganito ang pakiramdam ko sa Sean na yun? kaparehong pareho sa Sean na nasa loob ng libro. Hindi naman dapat kasi ako ganito except kay Sean na minamahal ko, ayoko maging cheater kung sakaling magkagusto ako sa iba. Nangako ako na sya lang wala ng iba kahit... kahit hindi sya nag e-exist.

Nagluto ako ng tanghalian kagaya ng sabi ni Iñigo, pasta lang ang niluto ko, tinatamad kasi akong magsaing.
Sabay sabay kaming kumain ng mga ka member ni Iñigo sa pagkain. Wala kasi si Lola, may mga outer activity sya pag sabado.

"Ang sarap mo naman magluto Chi!! Ang swerte ng mapapangasawa mo!" sabi ni Jill. Since sya ang medyo chubby samin, sya talaga ang malakas kumain.

"Kung magkakaron" nakangiwing sabi ni Iñigo. Napasimangot tuloy ako. Kung alam mo lang na kinasal na kami ni Sean!! tsk!!

"Grabe ka kay Chi! malay mo nasa harap nya lang yung destiny nya hehe" pabirong sabi ni Dylan. Napataas ang kilay ko, sya kasi yung kaharap ko eh.

"Ano captain? Okay lang ba yung pagkain?" tanong ng isa, si Niel.

"Masarap.." napatigil ako at napatingin kay Sean ng magsalita sya. Teka? Sya pala ang captain?

"Torture pa yan ng turuan ni lola haha" natatawang sabi ni Iñigo. Hindi talaga sya mawalan ng sasabihing epic tungkol sakin no??

"Oo pinagtatawanan mo na naman ako"nakasimangot kong sabi at umirap.

"Actually parang natikman ko na to dati, hindi ko lang tanda kung saan"sabi nya at parang nag iisip.

Napatigil ako saglit dahil sa narinig ko. Ewan ko ba parang may epekto yung sinabi nya.

"Nako, baka sa panaginip mo lang yun.. diba nacomatose ka ng matagal?" sabi ni Ralph.

"Nope. I'm actually not" sabi nya.

"Eh? Yun yung sinabi samin eh" sabi ni Peter.

"Nakatulog lang ako ng matagal, hindi nacomatose" sabi nya.

Napatingin ako sa kanya na iniikot ang tinidor nya sa plato. Nakatulog sya ng matagal?

"what?" taas kilay na sabi ni Iñigo. Kahit ako napakunot ang noo sa sinabi nya.

"6 months akong nakatulog, that's what my parents told me"

Hindi ako makapagsalita sa sinabi nya. Ewan ko ba pero biglang may kuyente na dumaloy sa kamay hanggang sa buong katawan ko.

"Ano ka oso? pagkatapos kumain, matutulog buong winter?" si Dylan.

"I don't really know what happened, wala akong sakit at hindi rin ako naaksidente. My condition is
all good at sinabi ng doctor na natutulog lang ako"

"Nang ganun katagal?" di makapaniwalang sabi ni Mig.

"Yeah.. hindi ko rin alam na pwede yun.. My mom said dahil yun sa bahay nato, may sumpa daw" naiiling nyang sabi.

Di ko maiwasang mapalunok sa sinabi nya. Ni hindi ko na magalaw ang pagkain ko habang nakikinig sa kanya. Ngayon sinasabi nya ang mga bagay na ito, unti unting may ideyang pumapasok sa utak ko. Posible kaya?

"What do you mean by that? kayo ang dating may ari ng bahay nato?" tanong ni Iñigo.

"Yeah, nagulat nga ako dahil pag gising ko sa ibang bahay na kami nakatira.. I wonder what really happened to me, sa pagkakatanda ko kasi nagbabasa ako ng libro nun" sagot nya.

Nabitawan ko bigla ang tinidor ko dahilan para makagawa ito ng tunog. Nabaling tuloy sakin ang mga tingin nila.

"S..sorry" sabi ko at uminom nalang ng tubig.

Gusto kong tanungin kung anong libro ang binasa nya noong araw na yun. Gusto kong itanong kung nasaan sya ng mawalan sya ng malay pero umuurong ang dila ko dahil sa kaba.

Hindi ko alam, sobra akong kinakabahan sa ideyang pumapasok sa utak ko. Hindi kaya itong Sean na kaharap ko at ang Sean na nasa libro ay iisa?

Umabot na ang gabi na yun parin ang iniisip ko, kanina pa umuwi sina Sean kasama ang mga ka miyembro nila sa soccer.

Hindi ako matinag sa pagtitig sa orasan. Tanging pag tik-tak lang ang naririnig sa buong kwarto. Hawak ko ang litrato ni Belle at nasa harap ko ang libro nya.

Posible kayang ito yung binabasa ni Sean nun? Sila ang dating may ari ng bahay na ito at sinabi ni Lola na may insidenteng naganap dito kamakailan lang kaya binenta samin. Pero kasi... tauhan sa kwento si Sean..imposibleng makalabas sya sa libro unless mangyari din sa kanya ang nangyari sakin.

Nagtutugma tugma lahat pero ayokong magstick muna sa mga conclusion na nabuo ko hanggat hindi pa klaro ang lahat.

Dahil ang isa pang tanong na gumugulo sakin. Kung sya nga si Sean....Bakit hindi nya ako kilala?

*****

Ilang minuto akong nakatayo sa harap ng cr, hinihintay ko kasi si Ruffie sa loob. Napatingin ako sa box na dala ko at napangiti. Nagbake ako ng buko pie para kina Iñigo at sa mga ka team nya hindi sya blueberry dahil sobrang mahal.

Ito ang unang hakbang ko para malaman ang mga conclusion ko, alam kong mahilig sa pie si Sean at pag nagtugma ang mga pangyayaring ito, mayroon na akong konting basehan.

"Chi! tara na!"

"Ano bang ginawa mo sa loob at ang tagal mo?" taas kilay kong tanong.

"Hihi! Nag ayos lang ng konti, alam mo na... pupunta tayong soccer field.." nakangiti nyang sabi. Nailing iling nalang ako. Malamang magpapacute na naman yan kay Iñigo na hindi naman sya pinapansin.

"Tara na nga" hinila ko na sya papuntang field at saktong nagpapahinga sila sa benches, hinanap agad ng mata ko si Sean na umiinom ng tubig katabi si Iñigo.

"Hey guys!!!!" sigaw ni Ruffie at kumaway kaway pa.

"Hi Chi!!" bati ni Dylan at kumaway sakin.

"Wow Dylan, ako yung bumati tas si Chichi yung kakawayan mo dyan?"taas kilay na reklamo ni Ruffie.

"Eh wala naman kong pake sayo haha!"

"Kapal mo talaga!! wag kang kakain ng pie na binake ni Chichi ah!!"

"Pie!? Uy penge naman!!" agad na lumapit samin si Jill na unang binuksan ang box.

"Wow!! Mukhang masarap to Chi!! astig ka din ah!" nakangiting sabi nya at nakipag fist bomb sakin. Tinaasan tuloy ako ng kilay ni Iñigo. Oh kokontra na naman ang kapatid kong ito.

"Naku!! patay gutom talaga tong si Jill!!" sabi ni Ruffie.

"Sige kumuha na kayo.. para sa kapatid ko yan tsaka sa inyo"sabi ko. Nagsilapitan na ang iba at kumuha ng pies ko. Pati nga ang kapatid ko nakipagagawan pa. hahaha!!

"Oh isa isa lang Jill marami tayo tandaan mo yan"paalala ni Ralph.

"Isa pa nga lang nakakain ko eh!!" ani ni Jill.

"Isa lang talaga dahil hanggang isang piraso ka lang!"sabi ni Mig at binatukan sya.

"Si Captain wala pa?" tanong ni Niev. Napatingin tuloy ako kay Sean na nakatingin lang samin at sa pie na gawa ko.

"Sean!! Kumuha kana!! mauubusan ka bahala ka!! ang sarap pa naman nitong gawa ni Chichi!!" sabi ni Dylan.

Napatingin agad sakin si Sean at sa pie na gawa ko. Umiwas nalang sya ng tingin na hindi ko alam kung bakit.

"Uhh..s..sige kayo nalang"sabi nya.

Nararamdaman kong may ibang iniisip si Sean, nahihiya kaya sya o may iba pang umiikot sa utak nya?

Well kung ano man yun, wala na akong pake... kinuha ko ang isang box na may bawas ng slice at lumapit kay Sean.

Napatingin pa sya sakin at sinundan ako ng tingin ng umupo ako sa tabi nya.

"Buko pie?"alok ko. Tinignan nya ako ng ilang segundo at bumaba ang tingin sa pie sa dala ko.

"Uhmm.."

"don't worry wala yang lason"sabi ko.

"I didn't think that"agad nyang sagot.

"Then try it, wala naman mawawala diba?"sabi ko.

Napabuntong hininga naman sya, sign na sumusuko na sya. Kumuha sya ng isang slice at kumagat. Ganun rin ang ginawa ko at sinabayan ko sya sa pagkain.

"it's very good.. ang sarap, tamang tama lang yung lasa ng crust tsaka filling"tumango tango siya at tumingin sakin.

"mahilig ka sa pies.." actually statement yung sinabi ko at hindi patanong.

"Yeah, pano mo nalaman?"

Mahilig nga sya sa pies!? one point para makakapag justify ng conclusion ko!

"Uhh..kasi sa pananalita mo, at kung pano ka tumingin sa pie.. There is some cravings in your eyes kanina" sabi ko. Medyo natawa sya sa sinabi ko at kumagat ulit sa pie.

Palihim tuloy akong napangiti. Napatawa ko ba talaga sya?

"Nakakatawa yung cravings sa eyes na sinabi mo, actually yes.. nacrave ako bigla ng makita yung pies mo" sabi nya.

Unti unting natutuwa ang sistema ko, siguro dahil nakakausap ko sya ng ganito ngayon, nung nakaraan kasi medyo hindi sya palasalita.

"Mahilig ako sa pies pero may pinakafavorite ako sa lahat-"

"the blueberry pie" I cut his sentence. napatingin sya sakin sa sinabi ko, halatang nagulat pa sya.

"manghuhula ka ba?"

"Nope. I just thought that.. masarap ang blueberry pie kaya hindi na ako magtataka" sabi ko.

"Yeah, but a kind of expensive" he seconded.

Humangin ng medyo malakas kaya nilapad nito ang buhok ni Sean. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa kanya. Ang tangos ng ilong, ang nipis ng labi at haba ng pilik mata ng magandang mata nya. Kamukhang kamukha nya ang Sean na minamahal ko sa loob ng libro.

At nakikiusap ako sa tadhana na sana kahit imposible... sana sya ang nasa harap ko ngayon.

"Nakatingin ka na naman sakin.." pabiro nyang sabi kaya napaiwas agad ako ng tingin.

"m..mahaba ba talaga ang buhok mo?" yan nalang ang lumabas sa bibig ko para iwasan ang topic.

"Nope. hindi ako nakapagpagupit mula ng makatulog ako, next time I'll cut it.. I kinda miss my haircut" sabi nya.

"bagay sayo ang buhok mo, pero mukhang mas bagay kung maiksi" sabi ko.

"Really?" napahawak sya sa buhok at binrush yun paitaas. Shit ang cool nya tignan.

"Ehem.." pareho kaming napatingin kay Iñigo na nasa harap na pala namin.

"Hindi pa ba tayo magp-practice ulit? naghihintay na sila oh" tanong ni Iñigo.

Napatingin kami sa mga ka member nila na lahat ay nakatuon saming dalawa. Lahat sila ay nag iwas agad ng tingin at kunwari ay may ginagawa.

Ang weird nila tignan.

"Ah oo nga sorry"tumayo si Sean at hinarap ako.

"May tatlo pang natira, ano ng gagawin mo dyan?" tanong nya at tinuro ang box.

"uhh..pwede mong iuwi kung gusto mo?" sabi ko.

napangiti naman sya bigla na agad nagpakabog sa puso ko. Si Sean lang ang nakakagawa nito sakin wala ng iba.

"If it is okay with you, thanks chichi" tinalikuran na nya ako at pumunta na sa field kasama ng iba pa.

Si Iñigo naman ay tinitigan muna ako at pinagningkitan ng mata bago tumakbo sa gitna. Nailing iling naman ako at natawa lang.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

91.7K 2.2K 50
In this world I can choose to; conquer and destroy, do bad deeds, kill like just eating on my daily life, etc, etc... Instead of doing all those bori...
3.8M 227K 77
"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." 🖇 COMPLETED Date Starte...
46.3K 2.4K 34
After encountering the mysterious truck-kun, Lumina, a simple call center agent was reincarnated as Juliet Lucienne who happens to be the Villainess...
731 13 2
❗Under Major Revision❗ Refrain from reading, Thank you. SYPNOSIS: LUNA ALCAZAR, a college student, who was frustrated of how the story of Brighid end...