Both Sides (BXB 2018)

By Ai_Tenshi

98.1K 4.5K 423

Base sa Korean BL na Night Flight Minsan ay kinakailangan mong lumakad sa bawat sulok sa buhay upang masabing... More

NOTE:
BS Part 1
BS Part 2
BS Part 3
BS Part 4
BS Part 5
BS Part 6
BS Part 7
BS Part 8
BS Part 9
BS Part 10
BS Part 11
BS Part 12
BS Part 13
BS Part 14
BS Part 15
BS Part 16
BS Part 17
BS Part 18
BS Part 19
BS Part 20
BS Part 21
BS Part 22
BS Part 23
BS Part 24

BS Part 25: END

5.7K 281 101
By Ai_Tenshi

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Author's Note:

Ang story na ito ay base sa Korean BL na Night Flight (Ina-announce ko naman ito sa fb ko kaya hindi na rin bago LOL) . Kung napanood nyo na siya ay eto ang ipinag mamalaki kong version ko. Matagal ko na itong ginawa kaso ay nauna lang yung mga fantasy.

Sinasabi ko naman kung ang isang story ko ay may pinag basehan diba? Katulad ng Ang Tadhana ni Narding na base kay Darna. At Crossroads na binase ko sa Bangkok Love Story. Ang dalawang ito ay niyakap ninyo at minahal batay sa uri ng aral at insipirasyon na nakuha ninyo.

Kapag ako naman ang gumagawa ng kwento na may pinag basehan o gumawa ako ng sariling version ay itinotodo ko naman para sulit ang pag babasa. So kahit ikumpara ninyo sa original ay malaki pa rin ang kaibahan ng sa akin. Hindi ko pa rin siya ginaya. Kaya wala pa rin silang irereklamo, lalo na yung mga reklamador na mambabasa. LOL

Madalas romcom at fantasy ang aking ginagawa. Ngayon lang ulit ako gumawa ng seryosong drama. Sa kwentong ito, pinag tuunan ko ng pansin ang mga batuhan ng linya ng mga tauhan. Dito lang kasi tayo babawi dahil napaka simple ng ating kwento.

Noong una naboboring ako kasi gusto ko talagang ng may nakakatawang beshie at may powers pero habang tumatagal ay narerealize ko na marami pala akong dapat ituro at chance ko na ito para makapag bigay ng pananaw ko sa mga bagay bagay tungkol sa pag mamahal, sa buhay at sa iba pang aspeto nito.

Maraming salamat muli sa inyong pag mamahal at suporta! Hanggang sa muli!

******

Both Sides

AiTenshi

April 6, 2018

Part 25

Agad kong dinala sa ospital si Conor at doon ay pinuntahan na rin kami ng mga pulis upang kuhanan ng statement. Wala naman akong ibang pamimilian kundi ang isumite sa kanila ang video footage ng ginawang pang gagahasa sa akin ng grupo nila Gary. Kitang kita sa video ang kanilang panununtok at walang habas na pambababoy sa akin, may parte pang dinuduraan ako sa mukha o minumura ng paulit ulit. Sinabi ko rin na si Conor ay biktima lamang at nais lamang ng binata na ipag tanggol ako. Ang aming ginawa ay self defense lamang laban sa kanilang mapanakit na grupo.

Sa kabilang banda naman ay umalma ang pamilya ng mga suspek partikular na ang kay Gary ngunit malakas ang ebidensya laban sa kanilang anak kaya wala silang magawa upang ipag tanggol ito. Dinala nila ito sa ospital at kapag naka recover ay dadalhin na sa presinto. Samantala, labis naman ang galit at iyak ni mama sa nangyari sa akin, mag sasampa siya ng demanda laban sa mga suspek at nangako rin siya natutulungan si Conor habang nasa loob ito ng ospital.

Walang hanggang pang hihingi naman ng tawad ang aking ginawa sa mga magulang ni Conor dahil nadamay ang kanilang anak sa gusot na aking pinasok. Kung tutuusin ay wala namang talagang kasalanan si Conor una palang. Pinag tanggol lamang niya ako ng paulit ulit hanggang sa siya na mismo ang mapahamak. Tumagal ng ilang araw si Conor sa ospital ako naman ay hindi na confine dahil maayos naman ang aking katawan maliban sa mga sugat sa aking mukha at sa aking butas na pinag laruan ng maraming beses.

Makalipas ang ilang araw..

Muli kong pinuntahan si Conor sa kanilang bahay nag papagaling ito at pansin kong maayos na ang kanyang kondisyon. Dala ko ang isang supot prutas at kakanin para sa kanya. "Salamat dito, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya

"Maayos na, salamat sa pag tatanggol sa akin." nakangiti kong tugon

"Inabot niya sa akin ang isang dalandan at ngumiti "ipag balat mo ako."

Natawa ako at kinuha ko ito. Sinumulan kong balatan..

Tahimik..

"Anong plano mo?" tanong ko

"Ganoon pa rin, mag ttrabaho para makatulong kila nanay at tatay. Pag naka ipon ay mag aaral ako sa pampublikong paaralan dyan sa bayan. Mas mura doon at pipilitin kong makapag tapos para mabago ang buhay ko. May isang kaibigan ang nag sabi sa akin na mahalaga ang pag aaral." wika niya

"Parang ako yata iyong nag sabi sa iyo nun." ang naka ngiti kong sagot

"Hindi, yung katrabaho ko."

BASAG!

Natawa ako at napakamot ng ulo.

"Ikaw anong plano mo?" tanong niya

"Inayos ni mama yung mga papel ko sa school. Lilipat na ako sa probinsya. May isang paaralan doon na tinanggap ang aking records para wala na akong balikang subject. Siguro mga isang taon at kalahati ay makaka graduate na rin ako. Maayos naman ang paaralan doon, nasa paanan ito ng bundok at may dormitoryo. Doon nalang ako mag sstay." ang wika ko naman.

"Kailan ka aalis?" tanong ni Conor

"Sa isang linggo. Mabuti na ito para maging tahimik ang buhay ko. Siguro doon ay makaka hanap rin ako ng taong mag mamahal sa akin." ang tugon ko habang naka ngiti.

Tumango siya. "Makakahanap ka dahil isa kang mabuting tao. Mag ingat ka doon." naka ngiti rin niya tugon.

"Salamat."

Tahimik ulit..

Kapwa kami nawalan ng sasabihin sa isa't isa..

"Nga pala, noong kinuha mo ang mga gamit ko sa bag, bakit ibinalik mo ito sa akin? Tinanong kita noong pero di ka sumagot. Bakit?" tanong ko at dito nga ay nag balik sa aking isipan ang eksena noon.

FLASH BACK

Mahangin sa paligid, tuloy pa rin ang aming pakiramdaman.

"Gago mo!" ang pag basag ko sa katahimikan.

Tumingin siya sa akin "Kelan ka pa naging bakla?" ang tanong niya

"Bata palang ako ay alam ko nang ganito ako. Noong makita noon sa parke ay ninais ko na agad na maging kaibigan ka. Ilang taon na rin ang nakakalipas, at hanggang ngayon ay iyon pa rin ang nais ko. Yung mapa lapit sa iyo." ang tugon ko naman. "Bakit may masama ba sa pagiging isang bakla?" ang tanong ko naman

"Wala. Pero dapat ay alam mo ang limitasyon mo. Tamang pag kilos at maging responsable ka sa iyong sarili. Alam mo naman ang konotasyon sa mga bakla, minsan ay pinag tatawanan o ibinubukod sa iba." ang wika niya

"Ibubukod mo rin ba ako? Kaya mo ito sinasabi?" tanong ko ulit.

"Hindi, ngunit kung ako ang nagugustuhan mo ay wala akong mabibigay sa iyo dahil hindi tayo talo. Babae ang hanap ko at babae rin ang nais kong makasama." ang wika niya na nag bigay kirot sa aking dibdib. Alam ko namang hindi talaga pwede pero masakit rin pala kapag nalaman mong wala talaga. As in isinampal sa iyong mukha na imposible ang nais mo.

Natawa ako kunwari. "Wala naman akong balak na isiksik ang sarili ko sa iyo. Okay na sa akin yun ganito. Kaysa naman malapit ka lang pero napaka layo mo sa akin." ang tugon ko.

"May maganda maidudulot rin ang pagiging malayo Juno. Kapag nakasanayan mong malayo sa iyo ang isang bagay o tao ay hindi mo na ito hahanapin pa."

"Gusto mo ba na hindi na kita hanapin pa?" tanong ko rin

Nag kabit balikat siya. "Ewan, basta ganyan ka lang. Lalaking kumilos at mag salita. Huwag kang lalambot dahil tiyak na hindi iyon magugustuhan ng mga kaklase nating makitid ang pang unawa." ang paalala niya sabay tayo sa kanyang kinauupuan.

"Teka, anong pumasok sa isip mo para pumunta rito at ibalik ang mga bagay na kinuha mo sa akin?" tanong ko sabay pigil sa kanya.

Nakatalikod lang siya at hindi na sumagot..

End of Flash back. (Scene from Part 7)

"Nakonsensiya lang ako kaya ko ibinalik, parang may bumubulong sa aking isipan na puntahan kita at isauli ang bagay na aking kinuha. Kaya iyon ang ginawa ko." tugon niya

Tumango ako "Salamat sa konsensiya mo." biro ko sabay tayo sa aking kinauupuan. "Paano? Aalis na ako. Salamat sa lahat at Pag igihan mo ang mga bagay na gagawin mo. Tiyakin mong maka bubuti sa iyo at sa ibang tao ang gagawin mong plano at pag papasya. Umiwas ka sa pakikipag basag ulo at kung naging perwisyo man ako sa iyo nito nakakaraang taon ay patawarin mo ako. Ginusto ko lang talagang maging malapit sa iyo. Nagawa ko naman iyon kaso ay hanggang doon lang. Pero salamat pa rin. Hindi ko alam kung kailan tayo ulit mag kikita pero nais kong ingatan mo ang iyong sarili." dagdag ko pa habang naka talikod sa kanya.

Huminga ako ng malalim at pilit na pinigil ang luha sa aking mga mata..

"Mag ingat ka doon." ang tanging sagot niya

Natawa ako kunwari ngunit hindi ako humaharap sa kanya, ayokong makita niya ang mga luhang pumapatak sa aking mata. "Salamat." tugon ko rin sabay lakad palayo sa kanya.

Dumaan ang mga araw, hindi na kami nag kita ni Conor. Pinilit ko ang aking sarili na huwag na siyang guluhin. Siguro naman ay sapat na ang ilang taong pag sunod sa kanya. Sapat na rin siguro iyon para kombinsihin ang sarili ko na ginawa ko ang lahat para mapalapit sa kanya. Okay na rin kung natalo ako sa bandang huli.

Tama nga si Neil, mahirap kapag sa isang straight ka nahulog dahil walang garantiya na sasaluhin ka niya. Sana nga ay uminom nalang ako ng lason sa daga katulad ng sinasabi ni Neil. Sadyang matigas lang talaga ang ulo ko at hindi ako nakinig sa kanya (Kay Neil). Nais ko kasing panindigan ang kaligayahan na aking nadarama kahit na alam kong di naman ito tatagal.

"Napangiti ka pa rin naman diba? Naging masaya ka. Kahit na hindi ganoon ang inaasahan mong ending." ang bulong ko sa aking sarili habang naka tingin sa salamin.

"Kausapin ba ang sarili. Hoy Juno, ayusin mo na itong gamit mo. At please lang kung mag boboyfriend ka sa probinsya ay huwag kang mag bibigay ng pera. Huwag mong gayahin ang katangahan ko." ang wika ni mama.

"Hindi ako ganoon ma. Wala na sa isip ko iyon. Ikaw lang naman ang may bagong lalaki."

"Si Benny? Kasing edad ko na siya kaya wala kang masasabi."

"Yung unang naging kasintahan mo si Sonny, tapos naging si Romy, tapos Johny, ngayon naman ay Benny? Fetish mo ba ang may Y ang dulo ang pangalan?"

"Huwag mo nga akong echusin dyan. Maging masaya ka nalang dahil masaya ako." ang wika nito habang isinisilid ang damit ko sa maleta. "Pero alam mo kung di ka happy na aalis ka ay susuportahan naman kita. Kahit anong gusto mo ay doon ako. Huwag ka lang magiging babaihan ha. Ayokong makikitang naka makeup ka. Lalaki ka pa din at pilitin mong huwag lumambot. Nalulungkot lang ako dahil mag isa nalang ako dito."

"Ma, huwag kana malungkot dahil nandito naman si San Chai." ang wika ko sabay abot ng poster ng meteor garden sa kanya. "Diba ikaw ang nanay niya. Kamukhang kamukha mo oh, pati boses niya"

"Nang asar ka pa eh! Halika nga dito!" ang wika ni mama sabay yakap sa akin ng mahigpit.

Masaya na si mama sa buhay niya, kahit alam niyang malabong makahanap na siya ng tunay na love life. Tanggap ko na rin na hindi na sila mag kakabalikan ng aking ama dahil kapwa na nila pinalaya ang isa't isa. Sadyang may mga baso lang talaga na maka bubuti kung iiwanang may lamat lupang hindi na ito mag resulta sa tulayang pag kasira o pag kabasag. Pero mahaba pa naman ang buhay, lahat ay posibleng mangyari. Kung ano man ang tinakda ng pag katataon para sa akin ina at sa akin ama ay magaganap kung iyong ang nararapat. Sa huli ay ayoko pa ring mag salita ng tapos.

Kinabukasan ang aking pag alis, naisipan kong puntahan ang lugar kung saan kami madalas tumambay ni Conor. Naalala ko pa noong birthday ko, dito kami sa ilalim ng puno kumain ng tanghalian at pinag mamasdan ko siya habang naka higang natutulog.

Gusto ko siyang yakapin noon..

Pero natakot ako..

Tahimik..

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang nakatanaw sa luntian paligid. Malamig pa rin ang hangin ngunit kakaiba ito dahil tila nag babadya ng pag ulan. Halos ilang araw nalang ay patapos na ang tag araw kaya't nag sisimula na pag ulan.

Minsan naiisip ko kung tama bang nakilala ko si Conor, kung tama bang naramdaman ko ito. Isinisigaw ng aking puso na tama ngunit bakit masakit?

Kapag mga sitwasyon na magulo ang aking isipan ay hinahanap hanap ko si Neil at ang kanyang mga wagas na payo. Sa social media ko na lamang siya nakikita at ngayon ay nag aaral siyang mabuti para sa kanyang full scholarship doon sa paaralan sa probinsya. Dati pa rin ang gago, mahilig pa rin mag trip at makipag sex sa iba't ibang tao ngunit ang huli sinabi niya sa akin ay mayroon siyang nagugustuhang isang lalaking malapit sa kanilang tinitirhan. Mabuti naman kung ganoon, baka sakaling mabago rin ang kanyang pananaw tungkol sa larangan ng pag ibig.

Masaya ako, kung ano man ginagawa niya ngayon..

Kinabukasan..

Bitbit ko ang lahat ng gamit ko habang nag hihintay sa terminal. Madalang ang bus na umaalis patungo sa malayong probinsya kaya't kinakailangan ko pang mag hintay ng susunod na byahe.

Habang naka upo ako sa isang silyang pahingahan at naka masid sa paligid ay tumutog ang isang magandang awitin na nag igting ng aking damdamin.

Both Sides Now

Hayley Westenra

BS Themesong

Rows and floes of angel hair
And ice cream castles in the air
And feather canyons everywhere
I've looked at clouds that way

But now they only block the sun
They rain and snow on everyone
So many things I would have done
But clouds got in my way

I've looked at clouds from both sides now
From up and down, and still somehow
It's cloud illusions I recall
I really don't know clouds at all

Moons and Junes and Ferris wheels
The dizzy dancing way you feel
As every fairy tale comes real
I've looked at love that way

Habang pinapakinggan ko ang naturang musika ay napag tanto ko na ang buhay nga pala ay mayroong iba't ibang sulok. Mayroong maganda, may pangit. May maliit, may malaki. May masaya, may malungkot. Tahimik, Magulo. Nanalo, natatalo. Halos lahat ng ito ay pinag daanan ko dahil pabalik balik ako sa bawat sulok ng buhay. At ang nakakatuwa ay balanse ito ang bawat sulok ay nag bibigay sa akin ng ibayong kalungkutan at kasiyahan. Pero ang sabi nga nila, "kahit saan sulok ka pa mapunta ay dapat alam mo kung paano sumakay sa magulong agos nito." Iyan naman talaga ang tunay na pag lalayag.

Sa aking karanasan, nakita ko rin ang mag kaibang sulok ng pag ibig. Tungkol sa taong nag mamahal at nag lalaan ng pag papahalaga para sa isang taong hindi siya gusto. At tungkol sa taong pinag kakalooban at nakalatanggap ng pag mamahal PERO hindi naman niya ito gusto. Halos mag kabaligtad lamang, nag bibigay at tumatanggap. Pareho ring mapanuya kung iyong iisipin.

Walang iniwan sa sitwasyon namin ni Conor. Sa aking sulok ay minahal ko siya ng lubos. Ngunit sa kanyang sulok ay tila walang pag mamahal. Pero gayon pa man ay naging masaya ako, napangiti ako kahit sa sandaling panahon lang. Okay na ako doon, ayoko nang humiling ng kahit ano.

Lahat naman tayo ay may kakayahang pasayahin ang ating sarili. Pero iba pa rin ang kasiyahan kapag may isang taong nag bibigay sa atin nito. Marahil ay iyon lang ang pinang hawakan ko. At ngayon ay halos patapos na ito. Isang nakakatuwang bagay na isiping marami na akong pinag daanan sa buhay ngunit batid kong hindi naman dito nag tatapos ito. Ano nga bang alam ko sa buhay kung hindi ako masasaktan o mahihirapan.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan..

Tuloy pa rin ang musika sa paligid ng sakayan.

Tears and fears and feeling proud
To say "I love you" right out loud
Dreams and schemes and circus crowds
I've looked at life that way

But now old friends are acting strange
They shake their heads, they say I've changed
Well something's lost, but something's gained
In living every day


Dito ko napansin na parating na ang bus na aking sasakyan patungo sa probinsya kaya naman agad kong kinuha ang aking gamit.

I've looked at life from both sides now
From win and lose and still somehow
It's life's illusions I recall
I really don't know life at all

I've looked at life from both sides now
From up and down and still somehow
It's life's illusions I recall
I really don't know life at all

Habang nasa ganoong pag lalakad ako ay mayroong tumawag sa aking pangalan.

"Juno!" ang boses na aking narinig dahil para mapahinto ako.

Pag harap ko ay nakita ko si Conor na nakatayo sa aking likuran. Hingal na hingal ito at pawis pawis. Tila ba may hinahabol na kung ano.

"Ikaw pala. Aalis na ako." ang naka ngiti kong tugon. "Mag ingat ka dito. At mag aral kang mabuti." ang wika ko sabay talikod sa kanya. Tila mas lalo pang bumigat ang aking pakiramdam noong makita ko siya kaya naman mas mabuting umalis na bago pa bumugso ang aking emosyon.

Mabilis akong lumakad palayo sa kanya ng bigla niyang hawakan ang aking braso dahilan para mahinto ako sa pag lalakad. "Bakit?" tanong ko

Napayuko siya..

"Huwag kana umalis." Bulong niya, mahina ito at hindi ko marinig.

"Ano?" tanong ko habang naka kunot noo.

Huwag kana umalis, huwag kana lumayo. Please." ang tugon niya na may lungkot sa kanyang mata.

"Bakit sinasabi mo iyan?" ang tanong ko

Natahimik siya habang naka yuko. Dito ay naramdaman ko may pumatak na tubig sa kanyang braso.

Luha ni Conor..

"Bakit?" tanong ko ulit..

"Huwag kana umalis.." ang ulit niya..

Maya maya ay nag simula na itong humikbi sa aking harapan. "Ayoko nang maging mag isa. Huwag kana umalis dahil nalulungkot ako."

Ang basag niya ng kanyang emosyon at nag simula na itong umiyak.. Ipinikita niya sa akin ang kanyang pag tangis. "Ayoko nang maging malungkot, huwag mong dalhin ang kaisa isang liwanag na tumatanglaw at nag ttyagang samahan ako."

Humagulgol na siya..

Napangiti ako at dito ay sumagi sa aking ala ala ang isang eksena na aming usapan.

FLASH BACK

"Umiiyak ka rin pala."

"Dati noong hinahanap hanap ko ang kompletong pamilya. Kapag umiiyak ako sa ilalim ng ulan ay walang nakaka kitang umiiyak nga ako." tugon niya

"Hindi naman totoong walang nakaka kita sa iyo na umiiyak ka sa ilalim ng patak ng ulan. Nag kataon lang na walang paki alam ng mga tao sa paligid mo dahil mas pinili mo ang ulan kaysa sa balikat na maiiyakan." naka ngiti kong tugon.

Natawa rin siya..

"Pero hindi na ako marunong umiyak ngayon. Matigas na ko tol!" ang pag yayabang niya

"So paano ka iiyak?" tanong ko naman

"Kapag umalis ang taong mahal ko ay iiyak ako ng todo. Yung hagulgol!" ang wika niya

"Kaya pala noong umalis ako dati ay tumawa ka ng malakas dahil hindi mo ako mahal." pag mamaktol ko

End of flashback (Scene from Part 22)

"Napaiyak kita ngayon." ang naka ngiti kong tugon sabay yakap sa kanya ng mahigpit..

Niyakap rin niya ako habang patuloy siya sa pag iyak. "Parating akong nag iisa. Ikaw ang lang bukod tanging tao na nanatili sa tabi ko sa lahat ng oras. Huwag mo akong iiwan.. Please.." ang bulong pa niya.

Lalong humigpit ang aking pag yakap..

Noong mga sandaling iyon ay naukit sa aking puso't isipan ang bagong imahe ni Conor, ang kanyang mukha na masaya bagamat may luha sa kanyang mga mata. Ito ang unang beses na ang pinaka matigas na taong nakilala ko ay muling umiyak sa aking harapan. Kasabay nito ang pag babago ng aking desisyon na manatili sa tabi ng taong aking minamahal.

Mula noong araw na iyon ay nag bago ang aming samahan ni Conor, ang sabi niya sa akin ay nakakaramdam siya ng pag iisa kapag wala ako sa kanyang tabi bagamat makulit raw ako na parang isang kabute na kusang sumusulpot sa kanyang paligid ay hinahanap hanap raw niya ito. Alam kong natutunan na rin niya akong mahalin at hindi ko alam kung ano ang magiging resulta ng samahan sa mag susunod pang panahon.

Walang mapag sasabi..

Basta ngayon ay mag kasama kaming dalawa at kapwa kami masaya. Hindi ganoon kadali ang buhay, maraming problema at pag subok na tiyak mag bibigay balakid sa aming samahan.

Pero alam kong nandito kami para sa isa't isa.

Sa ngayon, ay iyon ang mga bagay na aking pinang hahawakan.

Sinasabi nila na mayroong dalawang sulok ang buhay, ngunit kahit saang parte ka pa mapunta ay tiyak na mag tuturo ito ng mahalagang aral na hinding hindi mo makakalimutan.

WAKAS..

Continue Reading

You'll Also Like

3M 183K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7K 470 44
Ito ay continuation ng Book 3: The Last War. Ang Ruins of God ARC ay ang pagsisimula ng panibagong yugto sa buhay ng mga bidang tauhan. Dito magbubuk...
68.6K 4.2K 67
It started as a normal day for Encio Padilla, an orphan who resides in Bahay Kalinga and who aspires of becoming a writer in the future. On his way t...
69.5K 3.8K 56
"Minahal kita dahil ikaw ay ikaw." BECAUSE I LOVE YOU by FRANCIS ALFARO ALL RIGHTS RESERVE, 2020 COPYRIGHT, 2020