Both Sides (BXB 2018)

נכתב על ידי Ai_Tenshi

98.1K 4.5K 423

Base sa Korean BL na Night Flight Minsan ay kinakailangan mong lumakad sa bawat sulok sa buhay upang masabing... עוד

NOTE:
BS Part 1
BS Part 2
BS Part 3
BS Part 5
BS Part 6
BS Part 7
BS Part 8
BS Part 9
BS Part 10
BS Part 11
BS Part 12
BS Part 13
BS Part 14
BS Part 15
BS Part 16
BS Part 17
BS Part 18
BS Part 19
BS Part 20
BS Part 21
BS Part 22
BS Part 23
BS Part 24
BS Part 25: END

BS Part 4

3.4K 178 6
נכתב על ידי Ai_Tenshi


Bcover by: Godwin Dalumbay

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Both Sides

AiTenshi

March 6, 2018

Part 4

Araw ng Huwebes, umpisa ng midterm examination. Maaga akong pumasok dahil nga bawal ma late, may pag ka halimaw yung prof naming si Sir Madrid lalo na yung pa exam niyang halos overload ang mga tanong na kinakailangan mong kabisaduhin ng word by word ang bawat lecture para makapasa. Hindi naman ako kolelat sa klase, hindi rin ako star na sobrang talino. Kumbaga ay nasa gitna lang ako, sakto lang at madalas napag uukulan ng pansin.

Nag lakad ako sa hallway ng 3rd floor, wala pang masyadong tao maliban kina Gary at mga kabarkada ni Conor na nakatambay sa CR at naninigarilyo.

"Hoy, pahiram ng lecture!" ang wika ni Gary noong makita akong dumaan sa palikuran.

Napahinto ako at napatingin sa kanila. Dito ko nakita ang ginagawa ng ilang mga kabarkada nila, nag susulat na ng sagot ang mga ito sa test booklet. Isang uri ng pandaraya ito na kung saan ay naka kuha sila o nang umit ng test paper sa faculty room at sasagutan na nila ito sa test booklet. Sa oras ng examination ay kunwaring mag sasagot sila ngunit naka handa ang booklet na may sagot sa kanilang bag, kukunin nalang nila ito upang ipasa.

Iyan ang madalas modus ng barkada ni Conor kaya nakaka kuha sila ng mataas ng score sa mga exam kahit hindi pumapasok o nakikinig. Wala e, barkada lamang niya ang may lakas ng loob at may tapang na gawin ang mga ganitong bagay.

"Ano pang tinitingin tingin mo diyan? Pahiram na! Kulang yung lecture ko e, paano ko makapag rereview niyan." ang wika ni Gary

Hindi naman ako umimik, agad kong kinuha ang aking notebook sa bag at inilahad ito sa kanila. "Kompleto ba ito?" tanong niya

Tumango ako..

"Ayos! Nga pala, kung ano man yung nakita mo ay silent ka lang. Kundi ay malilintikan ka sa amin. Okay?" tanong niya ulit.

Hindi ako umimik. Tumango lang ako at mabilis na umalis sa kanilang harapan. Agad akong dumirets sa classroom upang mag basa pa ng mga natitirang lecture.

Noong araw na iyon ay nag simula ang aming midterm exam. Kahit papaano ay nasagot naman ako at alam kong papasa ito. Iyon nga lang ay talagang itinuloy ng grupo nila Conor ang tangkang pandaraya sa exam kahit alam nilang malaki ang chance na mapahamak sila ay pilit pa rin nila itong ginawa.

Alas 5 ng hapon noong makalabas ako sa campus. Habang nag lalakad ako sa kalsada ay bigla na lamang may nag suklob ng sako sa aking mukha at isang malakas na hampas sa likod ang tumama sa aking katawan dahilan para mapaluhod ako at napanandaliang panawan ng ulirat.

Tahimik..

Naramdaman kong binuhat ako at dinala kung saan na parang isang karneng baboy.

Agad nilang inalis ang sako sa aking mukha at dito ay natagpuan ko ang aking sarili sa ilalim ng tulay na madalas tambayan ni Conor. Sa aking tabi ay ang dalawang kaklase ko na puro pasa ang mukha, halatang dinukot rin sila upang dalhin dito sa lugar na ito. "Anong ginagawa ko dito? Anong kasalanan namin?" ang tanong ko sa kanila.

"Nag mamang maangan pa kayo, sino sa inyong tatlo ang nag suplong na sa amin na nandaraya sa exam?!" ang galit na tanong ni Gary

At dito ay nag balik sa aking isipan ang eksena kanina sa classroom kung saan na huli ang grupo nila sa ginagawang pandaraya. Last subject na noon, ngunit hindi pa rin sila naka ligtas.

Flash back

"Ipass na iyan. Ubos na ang time natin." ang nag aapurang wika ng aming prof

Agad naming ipinasa ang mga booklet sa kanya at noong mapunta ito sa kanyang kamay ay agad niyang hinahanap ang pangalan ng grupo ni Conor.

Isang nakaka hiyang pang yayari at sa kabilang banda ay nakaka kaba rin ito. Noong makuha niya ang mga booklet ng naturang mga pangalan ay isa isa niya itong pinunit sa aming harapan. "Akala niyo ba ay hindi ko alam na nandaya kayo? Wala talaga kayong kadala dala, lalo na ikaw Gary. May katungkulan ka pa naman bilang class representative, ikaw rin ang nangunguna sa kalokohang ito." ang wika ng guro

"Lahat pangalang tatawagin ko ay sumama sa akin sa faculty room." ang dagdag pa niya at doon ay isa isang binasa ang pangalan ng mga kagrupo nila.

Napayuko ang mga kaklase namin dahil sa takot. Samantalang sina Gary naman ay masama ang tingin sa akin siguro ay ako pinag hihinalaan nilang nag timbre sa aming guro tungkol sa kalokohan nilang ginagawa.

End of flashback

"Putang ina, nag mamaang maangan ka pa?! Kayong tatlo lang naman ang naka kita ng ginawa namin sa CR. Sino nag timbre sa inyo?" ang gigil na tanong ni Gary

Maya maya ay hinawakan nila ang dalawa kong kaklase at pinag susuntok ang mga ito hanggang sa bumagsak sa lupa.

Maya maya ay sa akin sila lumapit. "Umamin kana, ikaw ba ang nag sumbong?" ang tanong ni Gary

"Wala akong alam sa mga sinasabi mo!" ang sigaw ko

Isang malakas na suntok ang tumama sa aking mukha. "Putang ina, huwag mo akong sigawan. Babasagin ko mukha mo eh!" ang galit na sigaw ni Gary sabay suntok sa aking sikmura dahilan para mapaluhod ako.

"Wala akong aaminin! Wala akong kasalanan! Bakit kasi kayo mag aral ng mabuti para hindi kayo napapahamak!" ang sigaw ko habang nakatukod ang kamay sa lupa.

"Sasagot ka pa e!" ang sigaw ng kaibigan nila at doon isang malakas na sipa ang aking tinamo.

Maya maya hinilahod nila ako patungo harapan ni Conor na noon ay naka upo sa isang silya habang abala sa panonood ng video sa cellphone. Wala itong paki alam sa mga binubugbog na tao sa kanyang paligid. Naka tawa pa ito at enjoy na enjoy sa kanyang pinanonood.

"Boss upakan mo ang mga tarantadong ito." ang wika ni Gary habang inilalapit kami sa kanyang harapan.

Napahinto si Conor sa kanyang ginagawang panonood at saka humarap sa amin, partikular sa akin.

Ilang minuto rin siyang nakatingin sa akin kaya naman tumingin rin ako sa kanya..

Tahimik..

Binawi niya ang pag tingin sa akin at muling ibinaling ang tingin sa pinapanood ng video clip. Tumawa ito at muling nag enjoy. "Hayaan nyo na iyan. Ayokong mag aksaya ng lakas sa mga taong bahag ang buntot." ang wika niya kaya naman binitiwan ako ni Gary at gayon rin ang iba kong kaklase.

"Huwag kayong mag susumbong ha. Malilintikan kayo sa amin, pati nanay at tatay ninyo ay malilintikan rin. Ganito, bibilang ako ng tatlo, kailangan ay wala na kayo sa aming paningin..

Isa..

Dalawa..

Takbo!!!" sigaw niya at doon ay mabilis kami nag tatakbo palayo sa naturang tulay na iyon. Isang malakas na tawanan pa pinakawalan nila na wari'y nang aasar at nang iinis.

"Sino ba ang nag sumbong?" ang tanong ko sa dalawa kong kklase noong makalayo kami sa tulay

"Hindi namin alam, sa pag kakaalam ko ay matagal nang inoobserbahan ni Sir ang kilos nila at alam rin niya na nandadaya ang mga ito sa exam. Siyempre ay alam rin iyon ng buong faculty." ang sagot nila na hindi maitago ang takot.

Natahimik lang ako at inayos ang aking sarili. Sumakay ako ng taxi at iniwan ang aking dalawang kaklaseng nag lalakad sa kalsada.

Pilit kong ikinubli ang pasa sa aking mukha bagamat alam kong may kalakihan ito. Paulit ulit rin bumabalik sa aking isipan ang pag tingin ni Conor kanina, tila ba wala akong nakitang pag mamalasakit sa kanya o wala lang talaga siyang paki alam dahil para itong isang batang tuwang tuwa sa kanyang pinanood.

Matapos ang lahat, wala pa rin akong nagawa upang ipag tanggol ang aking sarili..

Itutuloy..

המשך קריאה

You'll Also Like

225K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
307K 7.9K 39
OLSG II: I'LL NEVER GO
310K 10.5K 46
Walang discreption kasi wala naman akong maisip! Basahin nyo nalang! Kung ayaw nyo din you'll miss the 1/4 of your life.CHAR!