Both Sides (BXB 2018)

By Ai_Tenshi

98.4K 4.5K 423

Base sa Korean BL na Night Flight Minsan ay kinakailangan mong lumakad sa bawat sulok sa buhay upang masabing... More

NOTE:
BS Part 1
BS Part 3
BS Part 4
BS Part 5
BS Part 6
BS Part 7
BS Part 8
BS Part 9
BS Part 10
BS Part 11
BS Part 12
BS Part 13
BS Part 14
BS Part 15
BS Part 16
BS Part 17
BS Part 18
BS Part 19
BS Part 20
BS Part 21
BS Part 22
BS Part 23
BS Part 24
BS Part 25: END

BS Part 2

4.8K 222 27
By Ai_Tenshi

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Both Sides

AiTenshi

March 3, 2018

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan, dito ay bumalikwas ako ng bangon at tinungo ko ang aking cabinet. Dito ay kinuha ko ang isang kahon ng sapatos at binuksan ko ito.

Nasa loob ng kahon ang isang sirang relo at lumang kabiyak tsinelas. Ito ang mga bagay na nag papa alala sa akin na ng nakalipas. Mga panahong nais kong balikan at nais kong baguhin.

Part 2

Isang text message ang gumising sa akin. Kung bakit kasi nakalimutan kong isilent ang aking cellphone bago matulog, hindi pa naman maganda ang aking kondisyon kapag naiistorbo sa pag kakatulog.

"Lunch?" ang text message ay galing ay Neil.

Siya ay aking pinaka malapit na kaibigan. Alam niya ang lahat ng tungkol sa akin. Mula sa istorya ng aking buhay hanggang sa aking buong pag katao. Nakilala ko siya sa isang group chat sa social media at dito ay naging malapit kami sa isa't isa. Hindi kami, hindi ko siya kapareha pero nag tatalik kaming dalawa o dala lamang ba ang tawag ng laman hanggang sa kapwa kami makaraos.

Halos isang taon na kami sa ganitong set up, hindi namin nagugustuhan ang isa't isa. Basta parausan lang, gamitan at kapag tapos na ang lahat ay balik na ulit sa normal. Well, much better iyon kaysa sa "kantot kalimot" set up na usong uso ngayong sa social media. Makikipag meet, makikipag sex at kinabukasan ay hindi na kayo mag kakilala. Iba ang sa amin ni Neil. Bagamat batid kong hanggang doon lamang iyon.

Sinubukan naming mahalin ang isa't isa pero wala talaga. Hanggang ganoong set up lamang kami at sa tingin ko ay hindi na iyon hihigit pa.

"Late ka." ang wika ni Neil noong makita ko itong kaupo sa isang kainan.

"Katatapos lang ng klase ko." ang sagot ko naman.

"At kakatapos mo lang rin sundan yung old friend mong straight" ang wika niya

"Kaibigan ko si Conor, mabuti nga at pumasok na ang gago." ang sagot ko sabay kuha sa menu.

"Alam mo, hindi ka naman mahahalatang liko e. Lalaking lalaki ang dating mo, kilos at pananalita. Walang makaka amoy sa isa kang malansang isda. Sige lang tuloy mo lang iyang ginagawa mo. Alam ko naman na kaya ka nag enrol doon sa all boys school ay hindi dahil mura ang tuition fee kundi nandoon yung taong sinusundan mo." ang dagdag pa niya

"Doon lang available ang kursong nais kong kunin." pag tatanggol ko.

"C'mon mas pinili mo doon dahil nandoon ang interes mo. Kahit na ang kapalit nito ay pag kakasakit mo sa bato sa pigil sa sarili mong ihi dahil nahihiya kang gumamit ng cr doon lalo na kapag maraming kasamang lalaki dahil baka tumayo ang manoy mo at mabuking kang silahista." ang pang aasar niya habang natatawa.

Natawa rin ako "Walang kinalaman ang pag ihi ko sa pag aaral ko. May mga cubicle naman, doon ako pumapasok para mas maging komportable ang pag ihi ko." ang sagot ko naman

"Anyway pag katapos natin kumain ay punta tayo sa flat ko. Wala yung pinsan ko ngayon, pwede tayo doon" ang yaya niya sabay kagat sa kanyang labi.

"Pass muna ako. May klase pa ako hanggang alas 5 ng hapon. Kaya babalik pa ako sa school pag katapos nitong lunch."

"Pati ba naman sa sex ay li-low ka na rin? Ano bang epekto sa iyo ng straight mong friend? Hindi ka naman napapaligaya noon katulad ng ginagawa ko sa iyo. Baka naman iyang pag titig mo sa kanya ay may kalakip nang adiksyon. Mahihirapan kang maka get over sa ganyang sitwasyon."

"Wala ka bang nagugustuhan? O nililigawang iba? Wala ka bang lovelife na seryoso?" ang tanong ko naman

"Ayoko ng love life. Sa panahon ngayon ang mga katulad nating baliko ay hindi sineseryoso. Iyan ang realidad ng buhay Juno. May iba nga diyan mag meet, mag s-sex at magiging sila. Pero pag gising bukas ng maga ay wala silang matandaan. May iba naman ay hindi nakokontento sa isang karelasyon, hanggang kayang isiksik sa bayag niya ang isang tao ay gagawin niya para may reserba siya. Parang raffle lang, the more entries you send the more chances of winning. At eto ang pinaka malupit, yung taong sweet sa harap mo at sweet rin sa iba. Sige nga, paano mo pag kakatiwalaan ang isang tao kung lahat ng ginagawa niya sa iyo ay ginagawa rin niya sa iba? Kaya ayoko ng ganyang set up. Ikaw kung mag lolove life ka ay humanap ka ng lalaking lalaki rin ang gusto. Huwag doon sa straight dahil para kang bumibili ng karneng baboy sa hardware store!" ang wika niya

"Alam ko naman ang mga ganyang bagay. Pero ang sa akin lang ay matagal na tayo sa ganitong set up. Hindi ka ba naguguilty o napapa isip na lumagay sa seryosong relasyon?" ang tanong ko naman

"Alam mo Juno, yung mga sex nating dalawa ay kapwa natin ginusto. Tumuwad ka, tumuwad rin ako. Kinabayo kita, kinabayo mo rin ako. Patas lang! Give and take lang tayong dalawa. Para sagutin ko ang tanong mo, sa tingin ko ay mag hahanap nalang ako ng magandang trabaho kaysa mag hanap ng lovelife. Kalokohan lang iyan eh. Huwag mong sabihin sa akin na ngayon ka pa nandiri sa ginagawa natin? Yung pag sesex ng walang relasyon para makaraos? Sus, natural nalang iyan. 2018 na, kahit saan ka mag punta ay maraming ganyan." ang sagot naman niya sabay tungga sa bote ng softdrinks.

"Wala naman akong sinasabing nandidiri ako. Pero siyempre ay naniniwala pa rin ako na balang araw ay mag kakaroon ako ng seryosong relasyon."

"Walang masama sa paniniwala, ang masama ay mabulag ka sa pinaniniwalaan mo kahit alam mong imposible itong mangyari. Oh, ikaw ang taya ngayon dahil late ka." ang tugon niya naman.

"Nang utak ka pa e." natatawa kong sagot. Napakamot ako ng ulo at agad na binayaran ang aming pag kain.

Alas 2 ng hapon noong makabalik ako sa campus. May isa pa akong subject na natitira kaya naman agad akong nag lakad sa second floor. Noong mapadaan ako cr ay napansin kong naka tayo si Conor at ang kanyang kabarkada sa bungad nito. Para siyang hari na nilalagyan ng sigarilyo sa bibig at may tiga sindi pa ito.

"Pare huwag mo nang pansinin si Sir Madrid, matapang lang naman iyon pag nasa classroom. Gusto mo ba kuyugin natin mamaya pag uwi niya?" ang tanong ni Dino isa kong kaklase na kadikit ni Conor.

"Huwag na, hayaan nyo siya." ang sagot ni Conor habang bumubuga ng sigarilyo.

"Oo nga, huwag na. Pero alam mo pare nakasabay kong umihi si Sir Madrid, puta kaliit ng titi! Supot pa yata!" ang wika ng isa tapos ay nag tawanan sila.

Samantalang napatingin naman sa akin si Conor at pinag masdan ako nito. Agad ko namang binawi ang aking tingin at ipinag patuloy ko ang pag lalakad. Baka kasi maya maya ay saniban nanaman siya ng masamang espiritu at habulin nanaman ako.

Sa loob ng classroom ay napapalingon ako sa kanya samantalang siya naman nag bibitiw ng masamang tingin sa akin kaya naman agad ko rin itong binabawi. Hindi ko alam kung anong iniisip niya bagamat ramdam kong malapit na akong mamuro katitingin.

Binawi niya ang kanyang tingin at muling dumukdok sa kanyang desk.

"Siguro naman ay walang homosexual sa inyo. Sayang ang pag kalalaki ninyo kung hindi ninyo gagamitin sa tama. Alam ninyo noong sinaunang panahon ay hindi uso ang ganyang kasarian, kaya ang mga tao noon ay madaling dumami o mag reproduce dahil babae at lalaki lang ang nag sasama. Ngayon ay kung ano anong kasarian na ang nauuso." ang wika ng guro habang abala ito sa pag didiscuss.

"Syempre walang bakla sa amin sir! Lahat kami ay barako! Diba mga pare?!" ang sabad ni Gary

Tawanan ang lahat..

Maya maya ay lumapit ang guro sa kinalalagyan ni Conor na noon ay halatang wala sa loob ang pag aaral dahil naka dukdok lang ito sa kanyang lamesa.

Maya maya ay bigla na lamang niyang hinampas ng libro ang ulo ni Conor dahilan para matayo ito. "Tamad! Ang katulad mo ay walang asenso!" ang bulyaw ng guro.

Hindi naman sumagot si Conor, tumayo ito at kinuha ang kanyang bag saka mabilis na lumabas na classroom.

Tila sumakit ang ulo ng aming guro at napahawak nalang ito sa kanyang ulo. "Grabe talaga ang mga kabataan ngayon, kundi tanga at bobo ay mga sira ulo at tamad mag aral. Kayo ha, malapit na ang finals! Kapag hindi kayo umayos ay babagsak kayong lahat sa akin!" ang sermon nito.

Halos hindi na namin natapos ang aming lesson noong araw na iyon dahil halos isang oras na nag sesermon si Sir Madrid na tila dinaig pa ang araw ng linggo kung saan nag sesermon ang pari sa misa.

Alas 5 ng hapon, habang pauwi ako ay napansin kong nag kakagulo sa bungad ng eskinita nila Conor, huminto ang taxi na aking sinasakyan. "Sandali lang boss, nag kakagulo doon sa gilid." wika ng taxi driver

Agad naman akong luminga linga upang makita kung anong kaganapan doon ng biglang makita ko si Conor na tumatakbo na tila may humahabol sa kanya.

Aalis na sana ang taxi na aking sinasakyan ngunit nakita kong palapit si Conor at hinahabol siya ng grupo ng mga kalalakihan.

Hindi na ako nag dalawang isip..

Binuksan ko ang pinto ng taxi "sakay!" ang sigaw ko.

Mabilis pa sa kidlat ay sumampa si Conor sa loob ng sasakyan at dito ay agad na pumaspas ang taxi palayo sa eskinita.

Lilinga linga si Conor, pawis na pawis at may tama sa gawing sintido. "Ano bang nangyari? Bakit hinahabol ka nila?" ang tanong ko pero tila wala siyang naririnig. Tuloy tuloy lang siya sa pag linga at pag silip sa bintana na parang napapraning na baka may humabol pa sa kanya.

"Huy, ano bang nangyari?" ang pang uusisa ko.

Pero wala talaga..

"Dito nalang ako." ang wika ni Conor dahilan para huminto ang taxi. Bumaba siya sa ilalim ng isang tulay at nag tatakbo patungo sa loob nito. Hindi na ako nag dalawang isip, agad kong binayaran ang taxi at sinundan siya kung saan man siya mag pupunta.

Kubli ang ilalim na tulay na ito, may mga sirang dram at kung ano anong tambak kaya tiyak hindi siya makikita kaagad kung may humahabol man sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyayari ngunit batid kong kailangan niya ng tulong. "Ano bang nangyayari Con? Bakit hinahabol ka nila?" tanong ko

Lumabas si Conor mula sa kubling dram at tumingin ng masama sa akin. "Anino ba kita? Bakit parati mo akong sinusundan?" tanong niya.

Ngayon lamang ulit niya ako kinausap kaya't medyo naninibago ako.

"Gusto ko lang malaman kung kailangan mo ng tulong." ang sagot ko naman.

"Sagutin mo ang tanong ko, bakit parati mo akong sinusundan? Simula pa noong labing dalawang taong gulang tayo ay nakabuntot kana sa akin. Ano bang kailangan mo?" ang tanong niya habang lumalapit sa akin..

Napako ako sa aking kinatatayuan at napatitig lamang ako sa kanyang mukha.

Maya maya kusang gumalaw ang aking kamay at inilagay ko ito sa kanyang sugat sa ulo.

Iniwas niya ang kanyang mukha at tinabig palayo ang aking kamay. "Bakit parati mo akong sinusundan ha?" tanong niya ulit.

Hindi ako kumibo, bagkus ay hinawakan ko ang kanyang kamay at sinabing "gusto kita."

Sabay halik sa kanyang pisngi..

Nabigla siya sa aking ginawa kaya naman itinulak niya ako at isang malakas na suntok ang tumama sa aking mukha dahilan para mapa saldak ako sa lupa.

Isa pang suntok ang kanyang pinakawalan na tumama naman sa aking ulo at sa iba pang parte ng aking katawan..

Maya maya ay tila nahimasmasan siya sa pag suntok sa akin. Bahagya siyang lumayo. Ako naman ay marahang bumangon at hinimas ang aking mukhang tinamaan ng kanyang kamao.

Humarap ako sa kanya at ngumiti..

"Sana ay ibulsa mo ang aking munting sikreto." ang wika ko sabay lakad palayo sa kanya..

Itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

632K 21.6K 93
Magandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni F...
3M 77.3K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
1.3M 19.1K 41
Dice and Madisson