Amira's POV
*Knock knock*
"Sweetie?"
"Hmmm?" tugon ko. Nakatulog pala ako dahil sa pagod kakalaro namin nila Zils at Sands.
"Let's eat!" mom said, while she open the door and sat beside on me.
"I'm not yet hungry, mom," inaantok kong sagot.
"Are you sure? Ang sarap pa man din noong niluto namin ni Manang na sinigang na baboy."
Parang nabuhayan ako at nawala ang antok nang marinig ko ang sinabi ni mom, kaya napabangon agad ako habang mumukat mukat pa ang mata ko.
"What are you waiting for, mom? Let's go, let's eat. Masamang pinag hihintay ang food."
Napangiti na lang si mom habang hinihila ko siya.
Ang saya. Ang saya pa noong mga araw na 'yon. Noong mga bata pa kami ni kuya. Masaya at lagi kaming magkakasabay kumakain.
Kaso dumating 'yong araw na naging busy sila mom and dad. Hindi na nila kami naaasikaso kaya si manang Mellie na lang palagi ang nakakasama ko dito sa bahay pati si kuya at si Cath. Buti na lang at iniiwan nila tita at tito dito sina Zils and Sands.
Napunta pa sina mom and dad sa ibang bansa noon para sa business nila. Kaya mas lalong nawawalan kami ng time para sa isa't isa.
Until the time na mag 3rd year high school ako. Mas lalong nalayo ako sa kanila pati kina Zils at Sands. Buti na lang naintindihan nila 'yong sitwasyon ko.
*Ring ringg..
.. Zils calling...
Nabalik ako sa reyalidad nang tumunog ang cellphone ko.
"Hello?"
"Mirs, hindi ka namin naienroll," bungad sa 'kin ni Zils dahilan para kumunot ang noo ko.
"What? But why?"
"Kailangan daw ikaw mismo mag eenrol sa sarili mo," pag singit naman ni Sandy.
"Mag kasama kayo?"
"Yup! Nasa dorm 2 kami. 5 dorms building kasi mayroon dito. At sa bawat dorm may 5 rooms at sa bawat rooms may 3 beds or 2 beds. 3 beds kinuha namin para magkakasama tayo, hehe. We really miss you Mirs, haha!" paliwanag ni Zils.
"Ah, Okay!"
"Ah, Okay? Yun lang sasabihin mo? Haba haba ng sinabi ko. Wala man lang ba'ng I miss you too dyan? Kailan ko ba maririnig ang salitang 'yon sayo? Ha? I hate you, I hate you, I hate you!" parang batang pag aalburoto ni Zils.
"Yaah! Zils para kang tanga d'yan. Tumigil ka nga. Tamo, may pa-pout pout ka pang nalalaman. Para kang bata." iritang sabi ni Sands kay Zils. Natawa na lang ako, Di pa rin talaga nagbabago 'tong dalawang 'to. Lalo na si Zils parang bata pa rin. Same age lang kaming tatlo. Kung hindi niyo tatanungin parang may sariling schedule talaga 'yong mga parents namin kung kelan nila kami iaanak. Si Sands kasi ay Nov. 29, ako ay Dec. 4, si Zils naman ay Dec. 9.
5 days ang agwatan namin. Oh diba, astig.
Nabalik ako sa sarili ko ng magsalit ulit si Zils. "Oyy, Mirs, Ano? Buhay ka pa ba?"
"Maybe?" kibit balikat at sarkastiko kong sagot.
"Ano? kailan ka papasok?" Sands asked me.
"Uhm.. I don't know?"
"Anong klaseng sagot 'yan?" tanong ni Sands.
"Ewan!"
"Hayst! Ewan ka sa 'yo. Basta pagpapasok ka na update mo kami." Zils
"Ano ba'ng room number niyo?"
"Dorm 2, 108."
"Okay. See you!"
"Oy Mi--"
Di ko na pinatapos ang sasabihin ni Zils. Baka mag drama pa 'yon 'eh.
Maya maya pa ay dumating na si Manang.
"Anak, Amira, kakain na."
"Sige po, manang, susunod na po 'ko," sabi ko at bumaba na nga din ako.
Naabutan ko sina dad na nagkekwentuhan ng mahinahon habang kumakain.
"Oh, anak, kain na." Mom
Umupo na ako sa tabi ni mom.
"Naienroll ka na ba ng mga friends mo?" dad asked me.
"Not yet dad. Kailangan daw ako mismo ang mag eenroll."
Nagtinginan sila nina mom, sabay sabing "Ako ng bahala."
Napataas naman ang kaliwang kilay ko. "What do you mean, dad?"
"Ako ng mag aasikaso ng mga requirements mo."
"Ah, okay. Thanks!" tipid kong sagot.
"Next week ka na lang pumasok para naman makasama ka pa namin dito anak," sabi ni mom.
"Okay!" pinilit kong mag smiled kahit naiilang ako sa ikinikilos nila.
****
The days goes by. And today is Sunday.
So, papasok na ako sa R.S. University bukas.
Kaya nag pe-prepare na ako ng mga dadalhin at pasalubong para doon sa dalawa.
Aba'y tumawag ba naman sa 'kin si Zils kanina para lang i-remind 'yong pasalubong daw nila. 'Eh, wala na naman talaga akong pasalubong sa kanila dahil naubos ko na nitong mga nakaraang araw. Ang boring kasi kaya kinain ko na.
That's why, I'm go to the mall now to buy some snacks, chocolate and of course ang favorite ni Zils na marshmallows. Ano bang meron sa marshmallow at adik na adik siya doon?
I'm using my dad's car, by the way.
****
Mall
Tumatalon ako ngayon para lang abutin 'yong mallows na nakalagay sa itaas.
Bakit kasi nakalagay pa ito sa itaas? Paano 'to makukuha ng mga customers? Hindi talaga nag iisip 'yong naglagay nito dito.
"Need help?" rinig kong tanong ng isang lalaki sa tabi ko. Tiningnan ko lang siya at sinabing "No need."
So, I continued to reach this mallows.
Yes. Naabot ko na 'yong dulo ng plastic. Kaso biglang may kumuha.
"Alam mo, hindi naman masamang humingi ng tulong 'eh. Lalo na kung may nag o-offer naman sa 'yo."
I look at this guy on my right side, wearing his sweet smile. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka tsinelas lang siya pero halatang mamahalin. Nakashort din siya tsaka nakablack sando lang pero ang bango. Maganda ang labi niya. Matangos ang ilong. Maganda ang pagkakaputi. May muscle din naman. Maganda ang katawan. Maganda ang mga mata. At syempre mas matangkad sakin kaya nga naabot niya yung mallows. Well, all in all, pwede na.
Ilang segundo rin kaming nagkatitigan nang biglang ngumiti siya ng nakakaloko, kaya umiwas agad ako ng tingin.
"Kaya ko naman 'eh, I don't need any help," mataray kong sabi.
"Your welcome!" He said sarcastically, then tumalikod na siya at tuluyang umalis.
G*go 'yon ah. Talikuran ba naman ang isang magandang babaeng katulad ko. Tsk tsk tsk, very wrong. Well, whatever.
Nang makabili na ako ng mga dapat kong bilihin ay tinawag ko na 'yong mga body guards ko. Nang matapos na ang proseso ay umuwi na kami.
Dumiretso agad ako sa room ko. Si Manang lang and nandito tsaka 'yong ibang maids at mga guards. Ang dami ngang guards dito 'eh. Kaya paniguradong walang makakapasok dito ng kung sino sino.
Nasa office na naman for sure sina mom and dad. And si kuya? I don't know where he really is.
It's already 4pm and ewan ko ba kina mom kung bakit hindi pa ako pinapaalis papunta sa University. Hintayin ko daw sila. For sure malelate ako bukas. At ihahatid pa daw ako ni dad at baka daw maligaw ako. Ano ako, bata?
Si dad talaga. Nakapunta na naman ako doon once noong bata pa ako. Isinama ako ni kuya and you know what noong makauwi kami? Pinagalitan nina mom and dad si kuya. Kaya 'di na ulit naulit 'yon.
Para namang kakainin ako ng University na 'yon 'eh.
____
vote.comment.follow