Kei Academy- Return of The Pr...

By teDU123

262K 7.7K 318

Binigyan ng pagkakataon ni Goddess Ishna si Princess Yuri na mabuhay pero sa Ibang katawan. Walang alaala mat... More

Chapter 1 - Resurrection
Chapter 2 - Soul in Another Body
Chapter 3 - Meet Crystal Lether
Chapter 4 - Mizo World
Chapter 5- Roommate
Chapter 6 - Trouble
Chapter 7 - Aldrin ❤️ Arriane
Chapter 8 - Mission 1.1
Chapter 9 - Mission 1.2
Chapter 10 - Return to Kei Academy
Chapter 11- She's Awake
Chapter 12 - Ex
Chapter 13-kelly
Chapter 14-Jealous
Chapter 15-Crystal Vs Kelly
Chapter 16
Chapter 17-Your Ex wants you back
Chapter 18-Back to Hazu Paradise
Chapter 19- Asking for Forgiveness
Chapter 20
Chapter 21- Is she Alive?
Chapter 22-Scary Eyes
Chapter 23-Weird
Chapter 24 - Retreat
Chapter 25-Ate?
Chapter 26 - Best Friends
Chapter 27 - Hurt
Chapter 28 - Wrongfully Accused
Chapter 29 - Punishment
Chapter 30 - Leaving them
Chapter 31- Strange Feeling
Chapter 32 - Decision
Chapter 33- Kiss Stealer
Chapter 34 - Bad Vibes
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Special Chapter
Kei Academy - New Generation (Book3)

Chapter 45

4.1K 119 17
By teDU123

~Princess Venus's POV

"Mom please wag mo nang ituloy kung ano ang binabalak mo" sabi ko sa kanya pinuntahan ko siya dito sa kwarto niya nakita ko naman na hinahasa niya ang dagger niya

"Ano bang pinagsasabi mo venus" sabi niya pero hindi naman tumitingin sa akin

"Mom alam mo kung anong tinutukoy ko" sagot ko sa kanya at umupo sa gilid ng kama niya

"Wala akong alam sa pinagsasabi mo diretsuhin mo na ako nakakainit ka ng ulo" sabi niya at nagsisimula na mairita

"May balak kang patayin si yuri diba? Narinig ko ang pinagusapan niyo ni goddess zefi. Please mom wag kang makinig sa kanya anak mo si yuri ngayon nga lang natin siya nakasama papatayin mo pa siya?" Hindi ko maiwasan pagtaasan ng boses si mom ngayon ko lang nagawa sa kanya yon dahil nakakatakot siya titig pa lang niya lalambot na tuhod mo

"Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Sa tingin mo ba kaya kong patayin ang kapatid mo? Kahit masama ako may puso naman ako pagdating sa mga anak ko. Get out of my room bago pa may magawa sayo venus bago ko pa makalimutang anak kita" singhal niya sa akin kaya dali dali akong lumabas ng kwarto niya nakahinga naman ako ng maluwag nang sabihin niya na wala siyang balak patayin ang kapatid ko

~Princess reyanne's POV

"Ano ang pinainom mo sa akin at nanghihina ang katawan ko at hindi ko magamit ang kapangyarihan ko?" Tanong niya at napapaupo

"Eclix poison" ngisi ko sa kanya at nagulat naman siya

"Walang hiya ka yuri" sigaw ni lorie na hinang hina na nakaktuwa tignan ang itsura niya na namumutla na

"Yuri? Oh dear lemme tell you something bago ka mamatay hindi ako si yuri na kaibigan niyo" ngisi ko sa kanya at lumapit at hinihiwa ang pisngi niya gamit ang dulo ng dagger ko

"Ahh" daing niya sa sakit nakakatuwa tuloy tignan na nasasaktan yan ang gustong gusto ko ang makitang nahihirapan sila at sila na mismo ang humiling na patayin sila

"Kakambal ako ni yuri" sabi ko pa at nagulat siya sa sinabi ko

"Ikaw si princess reyanne?" Sabi niya at napaupo na sa lupa at nahihirapan na siyang huminga

"Yes my dear ako nga to si reyanne na inaakala niyo na patay na. Well, patay na nga ako pero binuhay ako. Binuhay ako para patayin kayo at kaming taga felox kingdom  ang  nagmamahala sa buong mizo world" sabi ko at inapakan siya sa mukha bumuga naman siya nang dugo na labis kong kinangiti

"Alam mo bang matagal na akong bwisit sayo dahil masyado kang pakialamera? Kaya ito inuna na kita pasalamat ka nga pinaaga ko ang kamatayan mo bago pa sumugod sila mom" sabi ko at kita ko ang pagkabahala niya hindi naman siya makapagsalita dahil sa diin nang apak ko sa kanya

Pilit niya tinatanggal ang pagkakaapak ko pero wala siyang lakas nakakatuwa lang

"Oh pano ba yan hanggang dito ka na lang princess lorie" ngisi ko at pinugutan na siyan ng ulo

Sino kaya ang isusunod ko?

~Princess Yuri's POV

Nagawa ko na din sirain ang spell na ginawa ni mom para hindi kami makalabas dito sa palasyo kelangan ko lang konting tiyempo para makapunta ako sa kulungan nila ate selena dahil mahigpit na pinapabantay ni mom yun bumalik na din ang dati kong mukha pati ang kapangyarihan ko pero hindi ko pa din nakakausap si goddess Ishna

Habang naglalakad ako dito sa hardin may naaninagan akong pamilyar na lalaki biglang bumilis ang pintig nang puso ko

"Ezo?" Mahinang sabi ko at pilit nililingon kung siya ba yung nakita ko

"Si ezo ba yon? Pero parang siya eh" bulong ko sa sarili ko

Tumakbo ako papunta sa lalaking naglalakad  palayo para makumpirma ko kung siya nga

"Ezo" tawag ko sa kanya pero hindi pa din lumilingon yung lalaki

"Hintay ezo" tawag ko sa kanya pero wala pa din malapit na ako sa kanya mahahawakan ko na ang kamay niya nang biglang may humablot sa akin

"Ano ba bitawan mo nga ako" inis na sabi ko at nilingon ko kung sino may gawa non

"Aki?" Sabi ko at ngumiti lang siya sa akin pero hindi ako natutuwa kung dati nahahawa ako sa ngiti niya ngayon naiinis na hindi ko na tuloy naabutan yung lalaki

"So totoo nga na ikaw si yuri? Na si crystal at si yuri ay iisa at yung kambal mo ang nagpapanggap na ikaw sa academy" sabi niya at hinaplos ako sa pisngi mabilis na tinabig ko ang kamay niya

"Wag mo nga akong hahawakan pwde ba aki tantanan mo na ako hindi na ako natutuwa sayo" inis na sabi ko sa kanya at tinalikuran ko siya

Malapit ko na sana makita yung mukha nung guy kung hindi lang ako hinablot ni aki arggghhh kainis

"Ano ba ang kailangan ko gawin para bumalik ka sa akin cry- yuri?" Nagsusumamong tanong niya nilingon ko naman siya

"Wala, dahil may iba nang nagmamay ari ng puso ko" sabi ko at umalis na ako

Pupunta na sana ako sa kwarto ko nang may narinig akong nagchichismisan uso talaga yon dito sa palasyo na to kaya lagi silang napaparusahan ni mom eh

"San kaya dadalhin yung tatlong bihag?" Chismosa 1

"Oo nga eh gusto ko pa sana tikman yung guy dami nagkakagusto don eh" parang kinikilita na sabi nung isa pang chismosa

"Kung ganon ang mapapangasawa ko kahit bigyan ko pa siya ng maraming anak" sabat naman ng isa

Lumapit ako sa kanilang tatlo at tinaasan ng kilay

"Gawin niyo ang trabaho niyo hindi chismis ang inaatupag niyo gusto niyo bang parusahan ko kayo ha?" Sigaw ko sa kanila naka bow naman sila

"Sorry po mahal na prinsesa hindi na po mauulit" parang maamong tupa ang mga mukha nila natatakot na maparusahan

"Umalis na kayo bago ko pa kayo tapyasan ng dila" sabi ko at nagmadali sila umalis sa harap ko

Kelangan ko puntahan sila arriane sigurado ako sila yung tinutukoy nung tatlong chismosa na yon

Nagteleport na ako papunta sa kulungan himala wala munang bantay kinabahan naman ako iba kasi nararamdaman ko parang may hindi magandang mangyayari

"Ate selena?"tawag ko at pumunta ako sa kulungan nila pero wala akong nakitang ate selena pati na din sila arriane

"San sila dinala?" Kinkabahan bulong ko sa sarili ko

"Kelangan ko sila mahanap" sabi ko at nagmadali nang umalis

Takbo

Takbo

Takbo

Halos kalahating oras na ako naghahanap hindi ko pa din sila makita kita san ba sila dinala?

May narinig akong yabag papunta sa pwesto ko kaya madali akong nagtago sa gilid kaya hindi ako nakita

"Sayang pre hindi ko man lang natikman bago patayin yung dalawang prinsesa na yon" nanghihinayang na sabi nung isa

"Kaya nga eh ako din hindi man lang natikman nitong junior ko kung alam ko lang pinuntahan ko na sila kagabi pa" mga bastos talaga so dalawa lang pala sila dahil sa inis ko  tinira ko sila ng dagger ko at sinunog ko ang katawan nila dapat lang sa mga manyak na tulad nila

Pinuntahan ko yung pinanggalingan nila pero dead end naman yon walang pinto akong nakikita imposible naman yon

Palinga linga ako kung meron ba akong makikita na kakaiba pero wala naman dahil sa inis ko napasabunot ako sa buhok ko kelangan ako ni ate selena kelangan ko siyang iligtas

Bwisit bwisit wala talaga akong kwenta hindi ko man lang sila magawang iligtas

Dahil sa inis na nararamdaman ko pinagsisipa ko ang pader nagulat ako nang may tunog akong narinig at laking gulat ko nang nabukas yung pader

Hindi kaya dito sila dinala? Ano naman klaseng lugar to? Ang dilim dahan dahan akong pumasok at may hagdan pababa nagpalabas nman ako ng medium fireball para makita ko ang daan

Creepy ha! Sana nandito sila. Ililigtas ko kayo ate selena sana hindi pa ako huli. Napahinto ako nang may narinig akong sumisigaw

"AHHHHHH TAMA NAAAA" napatakbo ako nang marinig ko ang familiar na boses na yon

Ate selena????

Continue Reading

You'll Also Like

39.2K 919 46
This is the Book 2 of Falling Inlove with my Enemy. Ako Nga pala si Alena Anak ni Gusion at Lesley at Ako ang Prinsesa ng Assassin World.
78.6K 4.4K 63
Encantasia Academy, ang paaralan na kung saan ay dadalhin si Eliana sa isang mahiwagang paglalakbay sa kanyang buhay upang malaman ang katotohanan ng...
156K 4.1K 37
Isang babae na namuhay magisa. Umaasa sa tulong na bigay ng mga taong di niya kilala. Hanggang sa dumating ang araw na tuluyan na siyang namuhay ng...
138K 3.7K 74
Photo Not Mine! She is a cold person because her parents died, and her brother is lost. She is the Queen and King of Gangster World, she has no mercy...