Kwento ng Tao

By Jhairusman

15.5K 262 99

Ano ba ang mga dapat pag-daanan ng isang binatilyo upang maging matanda? Nasa edad nga ba ang katandaan? Nasa... More

Chapter 1: Nalilito Lapid
Chapter 2: Amoy kahapon
Chapter 3: Pangalawang dalawa
Chapter 4: JS like that
Chapter 5: Iniwang Ibon
Chapter 6: Tropa ko si Rizal
Chapter 8: Patay
Chapter 9: Walis walis lang iho
Chapter 10: Paalam
Chapter 11: Tinahing Bulaklak
Chapter 12: Zombies & Vampires
Chapter 13: Hindi Naintindihan
Chapter 14: Nakakatakot na Kabataan
Chapter 15: Lahat
Chapter 16: Kaarawan
Chapter 17: Pangalawang Ibon
Chapter 18: Umiwang Ibon
Chapter 19: Babae
Chapter 20: Gandang Lalake
Chapter 21: Salu-salo
Chapter 22: Kamusta ka, Kamiseta?
Chapter 23: Dalawang Pangalan
Chapter 24: Pera at Hiling

Chapter 7: Jasminum Sambac

642 7 1
By Jhairusman

Chapter 7: Jasminum Sambac

“Ramdam ko na yung pagod ko pero hindi parin ako makatulog. Nakaupo ako sa lapag tapos naka-sandal dun sa upuan. Si Sam naman ay yung nasa upuan. Maalat parin yung mukha, ano bang meron dito? Pagkakataon ko na sana na maka-iskor kay Kamiseta. May epal lang” sabi ni Sam na ginagaya boses ko . “Ganan iniisip mo ngayon.”

“HA?!” sabi ko na medyo naiinis na. “Ano bang problema mo ha?”

“Wala.”

“E kung magsalita ka parang sinasabi mong rapist ako.”

“Hindi naman e.”

Tumayo ako at inayos na yung buko pie na kanina pa nilalanggam. Nagtimpla na rin ako ng kape, dalawa. Tinanong ko si Sam kung gusto nya ng may krema pero ayaw nya pala ng kape. So dalawang kape na para sa akin. Ayos. Pagkaupo ko ulit sa lapag ay umipod si Sam at inanyayahan akong umupo sa tabi nya. Umupo naman ako kasi masakit narin yung likod ko. Nasa tunog na naman kami ng katahimikan. Medyo lang kasi ako nainsulto dun sa sinabi nya na ganon iniisip ko.

Lintek na ‘tong pinapanuod namin. Pinoy film na luma na. Kada minuto nalang ata may sex-scene. Naiilang tuloy ako. Naka’y Sam naman yung remote kaya di ako maka-palag. Mukhang gusto nya naman yung story, ata. Nalipad utak ko e. Pero hindi na yun mahalaga. Nilipat nya na rin yung channel at palipat-lipat. Wala talagang mapanuod na maganda sa gantong oras. Itinigil n’ya na lang sa balita.

“Bakit ka mahilig ka kape?” bigla nyang tanong.

“Masarap. Nakakakalma.”

“Diba mas nakakanerbyos daw yan?”

“Depende sa tao, siguro.”

“Sorry pala kanina.” Tumungo sya at para bang nahiya “I acted like a bitch.”

Muntik ko na madura yung kape nung nag-english sya. Di ako sanay.

“Oo, medyo.” Sabi ko “pero ayos lang, naiintindihan ko naman.”

“Alam ko na dapat to e.” Sabi nya. “bakit ba di ko pa ‘to nahulaan na mangyayari?!”

“Wag ka umiyak.” Sabi ko naman na kinakabahan na, ayokong may naiyak na babae. Awkward. Cheesy at basta. Mahirap lang kasi umiyak ang babae. Hindi mo maiintindihan kung yayakapin mo o hahayaan.

“Di naman e.” Sabay singhot “Kasi naman, nakakaawa sya. Nung yakap kosya, ramdam ko lahat ng nginig nya sa balikat. Abot buto, literal.”

“Maayos din to. Kailangang maayos to.” Sabi ko na may halong tunog paastig.

Kinuha nya ung isang cup ng kape. Napaso sya at napangiti ako ng onti. Sino ba naman kasing hahawak ng mug ng kape dun sa mismong katawan nung mug? Kaya nga meron nung hawakan e. Pero siguro medyo absent-minded din s’ya tulad ko. Hinigop n’ya yung kape at nagbuntong-hininga.

“Ano gagawin natin bukas?” tanong nya.

“Di parin ako nakakaisip ng paraan.” Sabi ko. “Matulog ka na muna, pagod kana.”

“Ikaw rin. Goodnight Basilio.”

Nung huli, ako rin ang umubos nung kape. Naisip ko bigla si Tita at tsaka yung pera na iniwan nya sakin. Labinlimang libo. Lintek na, para na akong nanalo sa isang noon-time show. Ang laki non, oo mauubos ko yon dahil ang dami ko gusto bilhin pero ang laki parin non. Pinagtataka ko kung san nakuha ni Tita yung perang yon. Di ko nga alam kung anong trabaho non e. Prostitute. Ayoko mang sabihin pero nauwi talaga siya dito ng may iba’t ibang lalake paminsan-minsan. Mabuting tao naman si Tita, mabuti pero hindi mabait. Mahigpit siya oo, inutusan nya akong magbuhat ng mabibigat na balde ng tubig at mag punas ng sahig at mag-laba, basta madami at mahirap. Pero hindi nya naman ako ginutom, hindi nya ako minaltrato. Pinapalo nya ako sa pwet pero hanggang dun lang. Hindi nya ako nabungangaan. Oo, nagpupuputak s’ya kasi lagi daw ako late gumisin, pero hanggang dun lang. Hindi nya ako minura. Sa totoo lang, ngayon ko lang yun narealize. Ngayon lang din ako nakapagisip-isip ng ganito. Oo nga, bakit ngayon ko lang yun naisip. Nasabi ko pa na ginamit nya lang ako bilang alipin at hindi nya ako mahal. Pero hindi ko narealize yung pinag-gagawa nya sakin. Pantay lang pala. Yun yung mali sa katauhan e. Pag may nagawang masakit yung isang tao, di na napapansin yung mga mabubuting ginawa. Ngayon ko lang yun narealize, andami ko nirereklamo tungkol sa iba. Andami ko parin pala di naayos sa sarili ko.

Naka-lock yung pinto ng kwarto ko. Ibabalik ko sana yung ATM Card ko at titignan ko sana yung dalawa kung nakaayos ba ng higa. Maliit lang kasi yung kama ko e. Nahiga ako sa sofa at pinikit ko na mga mata ko. Makakatulog narin.

Nagising ako mga alas nwebe na ng umaga. Nanunuod ng T.V. yung dalawa ng TV sa may unahan ko, dahil dito nga ako nakatulog sa sofa, sila naman yung nakasandal. Tumayo ako at pinaupo ko na sila sa sofa tapos pumunta na akong lababo para mag-mumog at mag-hilamos. Nakita ko na may luto narin na sinangag at itlog. Nakita ko rin na may mug na may takip na platito, kape na nalipasan na ng init. Tinanong ko sila kung bakit di nila ako ginsing para sabayan sila sa umagahan at sumagot sila na ginising nila ako pero hindi daw ako magising. Wirdo nga e. Mabilis lang ako gisingin, isang tapik mo lang sa paa ko ay gising na ako. Kinain ko na yung niluto nila at masarap naman mag-sangag. Tinanong ko kung sino yung nag-luto at pareho silang nag-“AKO!”. Ayos. Pero masarap talaga. Pagkatapos non ay hinugasan ko na yung mga pinggan. Nag-sipilyo narin ako.

Pagka-balik ko ng salas. Nakita ko yung dalawa namang nakangiti. Sa totoo lang, natutuwa talaga ako at nasa bahay namin ang dalawang to. Isa na ako sa pinakaswerteng tao sa mundo ngayon, kung hindi man ako ang pinakaswerte. Nakikita kong nakangiti si Kamiseta, magaan na sa dibdib. Sana lang makarecover na sya at di sya matrauma ng todo. Ramdam ko pa nga sa dibdib ko yung mukha nya nung isang gabi. Medyo malungkot nga lang na hindi nya narin ako ganon kinakausap simula nung dumating si Sam. Pero ayos lang yon, okay lang.

Boring sa bahay, niyaya ko sila lumabas ng onti. Maglakad-lakad lang sa kalsada. Pumayag naman yung dalawa. Kaya naglakad-lakad kami sa may labas. Kahit na alas-dyis na ng umaga e makulimlim parin ang langit. Hindi naman s’ya naulan pero makulimlim lang, sa totoo lang ganto ang gusto kong klima. Walang araw, walang ulan.

Madami akong pinakita sa kanila. Pinakita ko pa kung nasan yung balon na pinag-iigiban ko dati ng tubig. Nung nabanggit ko yung pinag-iigiban, nabanggit ko rin ang Tita ko. Naitanong tuloy nila, pero para bang di na sila nagulat na mag-isa lang ako sa bahay. Sabi ko ay hindi ko alam kung nasan ang Tita ko, akala ko susunod na nila itanong kung nasan yung magulang ko. Pero hindi nila ito tinanong, mabuti nalang kasi di ko rin alam kung pano ko sasabihin. Pero sa makabilang bahagi, madami pa akong pinakita sa kanila. Pinakita ko yung tindahan ni Aling Pie na sarado ngayon. “Dyan may pinakamasarap na patis, kung interesado kayong malaman.” Sabi ko. Tumawa nalang sila at tinanong kung bakit patis daw ang masarap at hindi yung mismong pagkain. Hindi ko rin alam. Naisipan kong dumalaw sa tindahan ng siopao ni Aling Hevs. Nakita ko si Aling Hevs dun at binigyan nya ako ng tatlong siopao para daw sa akin at sa dalawa ko pang kasama. Bukas daw, Lunes, ay wag ko daw kalimutang bumalik. Hindi ko kakalimutang bumalik syempre, si Aling Hevs ang tumulong sa akin para maka-attend ng JS at may utang pa ako sa kanila dahil nga nagpa-advance ako ng sweldo. Bigla namang lumabas si Heav, ang kanyang anak, at nakita ako. Ganon parin yung suot nya, yung seksi na short at sando. Kinamusta nya ako at pinakilala ko si Kamiseta at si Sam. Sabi ni Heav ay kamukha daw ni Sam yung kakilala nyang stage-performer na taga-Letran, si Mela. Sinabi ni Sam na magkapatid sila at nagkwentuhan muna sila saglit. Kami naman ni Kamiseta ay nakaupo sa tindahan at nakain ng siopao. Ang tahimik namin at pareho kaming hindi nagsasalita. Makalipas pa ang ilang minuto ay natapos na ang pag-chi-chikahan ni Sam at Heav. Nakakatuwa, talaga palang pala-kaibigan si Heav. Bumalik na s’ya sa bahay nila at kaming tatlo naman ay napagdesisyunan naring umuwi, Bago pa lumabas si Million at makita kami. Sila naman y ung nanguna sa paglakad.

Habang naglalakad ako at nakatingin sa likod nilang dalawa ay bigla akong nalungkot. Iniisip ko yung graduation, sana makita ko pa sila pagkatapos non. Sana matulog ulit sila sa ilalim ng bahay namin kahit di na kami magkaklase. Nakakalungkot, nakakainis. Lalo lang ako nag-sisisi na hindi ko sila kinausap matapos ang tatlong taon kong highschool sa school nayon. Nakakalungkot talaga.

Pagkauwi namin ay nag-ayos yung dalawa, uuwi daw muna sila kila Sam dahil mag-sisimba sila mamayang hapon ng alas-kwatro. Sabi ni Sam ay dun na muna sila matutulog sa bahay nila. Andun naman yung tatay nya daw kasi Linggo at kung dumating man ang pulis ay tatawagan nya ako. Nag-pasalamat silang dalawa sa akin at niyakap ako ng ilang segundo ni Kamiseta. Ang lalim ng mga mata nya ay hinihila na naman ako pababa. “Maraming salamat.” Sabi nya. Hindiako nakaimik at kinawayan ko nalang sila habang sumakay sila ng jeep. Mas lalo lang ako nalungkot.

Pagka-uwi ko ay umupo muna ako sa salas. Walang ginagawa, nakatunganga. Iniisip ko yung JS, kung hindi ako nakapunta nun. Malamang hindi ko makikilala si Sam at malamang puro parin ako reklamo ngayon sa buhay. Mabuti ngayon, nag-sisimula na akong bumangon. Hindi ko alam kung mula saan ako bumabangon, pero ramdam ko na bumabangon ako, hindi ko lang alam kung bakit. Sinubukan kong mag-lakad ulit at pumunta sa bahay nila Million para naman mahupa-hupa tong kalungkutan ko. Pero wala daw ang pamilya nila sa bahay nila at namimili ng kung anuman, mamayang gabi pa daw ang uwi. Wala parin akong magawa para malimutan tong lungkot ko. Lalo pa akong nalungkot nung bumalik na naman sa utak ko ang ngiti ng nakababata kong kapatid. “Kuya, kuya!” at napalingon ako sa likod. Nakita ko ang isang batang babae, madungis ang mukha. Siguro nasa anim na taon pa lamang siya. “Bili ka namang sampaguita , kuya.” Sabi nya. Napangiti ako nung nabanggit nya ung salitang sampaguita, si Sam. “Magkano ba ‘yan?” tanong ko sa bata. “Limang piso lang po isang tali.” Sagot nya. Binili ko lahat ng hawak nya. Kung sa tuwa ba o sa awa, hindi ko na alam. Tuwang tuwa yung bata nung inabot ko yung Singkwenta pesos na papel. Tinanong ko ang pangalan nya at sumagot sya ng “Jasmin po kuya.” Napakagandang pangalan. Tinanong ko rin kung nag-aaral ba sya. Nag-aaral daw sya, Grade 1. Nag-bebenta daw sya ng bulaklak tuwing walang pasok para daw sa pambaon nya. Utos din daw kasi yun ng Tito nya. Pag-katapos non ay tumakbo na s’ya papalayo, nadapa pa s’ya pero hindi umiyak at pagkabangon ay tuloy sa pagtakbo. Hindi ko ba alam kung nabawasan ba o nadag-dagan lang yung lungkot na nararamdaman ko. Bata palang ay kailangan nya na magtrabaho para sa sarili nya. Nakakalungkot.

Nag-lakad lakad pa ako ng onti pero halos lahat ng nakikita ko ay nakakadagdag lang sa lungkot ko. Mga magkasintahang magkahawak ang kamay, mga batang nagsasayaw, mga batang buhat buhat ng kanilang ama at halatang galing lang sila sa mall upang manuod ng sine o anuman. Ayoko na makakita ng lahat ng wala ako, kaya umuwi ako sa amin para tignan kung anong meron ako.

Wala rin akong nakita kundi dati kong sarili sa kwarto. Nakahiga, natutulog, nakahiga. Lungkot na lungkot ako na kahit kape ay hindi ako mapakalma. Pagkabukas ko naman ng TV ay babaatiin ka ng “Magandang Gabi, Pilipinas.” Ni Julius Babao o ni Ted Failon sa TV patrol at biglang magbabalita ng mga karumaldumal na patayan, kurakot, break-up ng mga artista at kung anu-ano pa na maiisip mo na hindi maganda ang gabi.

Sumuko na ako at humiga nalang sa kama. Na-amoy ko pa yung amoy nung dalawang babae dito kagabi. Ang bango ng kama ko at nabigyan ako nito ng onting ngiti. Naisip ko bigla na wala nga pala akong cellphone. Napatanong ako sa sarili ko kung pano ako matatawagan ni Sam pag may nangyari. Kaya agad akong bumangon at pumunta dun sa tindahan. Buti nalang at nandun pa yung number ni Sam, tumawag ako at sinagot naman nya. Sabi nya ay wag daw akong mag-alala, para namang kaya ko, at matulog na daw ako. Lalo lang akong nag-alala. Pag sinasabihan ka ng tao na wag kang mag-alala, lalo ka lang mag-a-alala. Di ko alam kung bakit ganon. Pero wala na akong nagawa at binaba ko na yung cellphone. Nag-bayad ako at bumalik na sa bahay.

Pagkahiga ko sa kama ay himalang bigla akong nakatulog agad. Walang panaginip, o kung meron man, hindi ko na matandaan.

Pagkagising ko ay tamang reklamo na naman ako sa buhay. Kung siguro kadalasan ang tao ay nag-darasal at humihingi ng pasasalamat ay ako naman ay puno ng reklamo. Wala lang, gusto ko lang magreklamo kasi para gumana utak ko siguro. Wala akong kaso sa mga dasal ha, mag-dasal lang kayo kung dyan kayo masaya. Hinihiling ko na pagkalabas ko sana ng kwarto ay andun yung dalawa at nanunuod ng T.V. pero wala. Nalungkot ako, di na ako nag-almusal dahil sobrang late ko na naman.

Pag-dating ko sa eskwelahan ay wala na si Red Force at Kurmuchi na binubully si Bully. Magandang pangitain. Wala rin si Kamiseta at si Red Horse na magkasama. Sa totoo nga, walang tao sa labas ng school e. Bigla kong na-alala na late na ako. Kinabahan ako bigla at nanakbo na ako sa room.Nakita ko si Sam pero hindi nya kasama si Kamiseta. Na-trashtalk ako ng teacher ko pero hindi ko pinapansin hangga’t magsawa sya. Nung nagsawa sya ay binato ko ng papel si Sam at hindi sa ulo tinamaa, sa pisngi at mukhang nabadtrip sya. Hindi ko na pinansin at umarte akong tulog. Hinintay ko nalang mag-reccess.

“Relax.” Sabi nya “kasama s’ya ni Ate.”

“Sa bahay nyo?”

“Oo, wala namang pasok si Ate ngayon e.”

Medyo kumalma na ako. Alam ko namang mapagkakatiwalaan si Mela at hindi nya papabayaan si Kamiseta.

Tangina, nakita ko na naman si Red Horse. Nag-iinit ang dugo ko pero hawak ako sa braso ni Sam, at sumesenyas na wag daw. Pigil na pigil ako sa galit ko. Nakita ko si Million na kasama si Tina Pie, sila na palang dalawa. Mukha nga. Buti naman, natuwa ako para sa tropa ko. Pero nawala rin yung tuwang yon nung nakita ko na dun papalapit si Red Horse. Binubulas nya si Million, at si Million naman ay natawa lang. Alam nyo, kahit ganan si Million na parang tatanga tanga ay alam nya naman kahit papano ang tama sa mali. Pinaalis nya si Tina don pero pinigilan ni Red Horse, nabwisit naman si Million at tinulak nya si Red Horse. Tapos hinawakan ni Fortune at San Mig si Million at sabay sinuntok ni Red Horse sa mukha. Yung ketchup na laging nasa collar ni Million, dugo na.

Putangina, putangina putangina. Yaan yung nasa utak ko. Nandilim paningin ko at bigla nalang ako sumugod. Tangina, wag na wag mo babastusin kaibigan ko. Nahagilap ko agad sa leeg si Horse at bigla ko tong sinuntok, napaurong sya sa suntok ko tapos sinundan ko ng sipa sa mukha. Tadyak na nga yon e. Tapos nung tumaob na s’ya ay sinunggaban ko parin ang pagmumukha nya at pinudpod pa to ng suntok ko. Kita ko na na dumudura na sya ng dugo pero hindi ko alam na nasa likod ko na pala si Fortune at San Mig. Sila ang gumanti para kay Red Horse, nasuntok nila ako sa mukha at nakaganti naman ako. Pero hindi pa sapat ang lakas ko parapataubin silang dalawa kaya yung nangyari kay Red Horse ay nangyari din sakin. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Sunod nalang na nangyari na ay nasa Office kame ng Guidance Councelor. Kailangan daw makausap ang magulang ko kung hindi, ie-expell ako. Wala akong pakealam sa expulsion. Tinadyakan ko ulit yung dibdib ni Red Horse kahit nasa harapan ako ng guidance. At tuluyan na nilang tinawag ang security para palabasin ako sa school.

Umuwi ako na duguan ang labi at sugat sugat ang mukha. Buti nalang talaga at nandun yung security kung hindi, baka kung ano pang inabot naming dalawa ni Red Horse. Nanginginig parin ang mga kamao ko. Hindi masakit ang mga natamo kong sugat kumpara mo sa galit na nararamdaman ko. Kitang kita ko yung pag-suntok nya sa matalik kong kaibigan na wala namang ginagawang masama. Habang naglalakad ako ay pinag titinginan ako ng mga tao. Pinunasan ko ang mga dugo sa mukha ko at hinubad ko yung polo. Baka kasi makita pa ako ng mga pulis dito at pagkamalang kriminal.

Pagka-uwi ko ay binuksan ko agad ang isang bote ng super dry. Nanginginig parin ako at tsaka ko lang naramdaman yung sakit ng mga sugat ko. Pikit ang kanang kong mata dahil napuruhan ako don. Black-eye, oo. Tuloy tuloy paring nagdurugo yung mga sugat pero wala akong ginagawa. Hayop. Tangina.

Mga alas-sais na ng hapon. Dumating si Million,at Sam sa bahay. Agad lumapit sa akin si Sam at tinakpan ng panyo ung mga naagas na dugo sa noo ko. Hindi naman sobrang naagas e, OA lang sya. Hindi na namin kinainlangang mag-usap ni Million. Nag-bukas nalang s’ya ng beer para sa aming dalawa at uminom. Nakaupo lang s’ya don at pagka-tapos ng sampung minuto ay nag-paalam na s’ya at uuwi na daw. Kami nalang dalawa ni Sam yung natitira sa bahay. Pinapauwi ko na’sya para matignan na si Kamiseta kung anong ginagawa pero titigil daw muna s’ya don ng ilang oras dahil baka daw kung anong gawin ko. Hindi ko s’ya makumbinsi na uupo lang ako dito at manunuod ng T.V. kaya hinayaan ko nalang. Kumuha s’ya ng alcohol at bulak sa kabinet namin. Sabi ko wag na kasi ang korni tignan pag s’ya pa yung nagpupunas ng mga dugo ko. Pero pinilit n’ya parin. Pagka-tapos nya punasan ang mga dugo ko at lagyan ng alcohol ang mga sugat. May kinuha s’yang kulay dilaw na papel sa kanyang bag at inabot ito sa akin.

“Community Service?” sabi ko. “One week?!”

“Oo.” Sagot naman nya. “Kung ayaw mo ma-expel ay gawin mo yan.”

“Teka, anong gagawin ko dito?” sabi ko na nagtataka. “At pano mo nakausap si Guidance Councelor para dito?”

“Wala lang, pinaliwanag ko lang sa kanya yung nangyari.” sabi nya. “Tumulong sa pagpapaliwanag si Million at Tina.”

“Pasalamatan mo sila ha.” Sabi nya sakin.

“Pasabi mo nalang kay Tina.” Sabi ko. “At kay Million naman, bayad nya ‘to aba.”

“Ikaw pumiling magkipagsuntukan dyan e.”

“Tingin mo ba may pagpipilian pako non?” sabay inom ng beer. “Para yun kay Kamiseta at sa kaibigan ko, kulang pa nga yon kung tutuusin.”

“Tingin mo ba ganon talaga ang sagot?” sabi nya at nagsimula na s’yang mag-ayos. “Naiinis ako sa ginawa mo, alam mo ba. Oo, siguro tama nga na pinagtanggol mo yung kaibigan mo kay Red pero kalokohan yung ginawa mo. Hindi pag-ganti ang sagot sa ganon, alam mo yan. Tama na pinagtanggol mo si Million kay Red, pero hindi ko gusto yung ginamit mong paraan. Pano kung hindi lang yan ang inabot mo? Tatlo sila dun, tatlo!”

Tapos tumayo na sya. Hindi naman ako makaimik.

“Ayusin mo yung sarili mo.” Sabi nya. “Wag ka munang magpakita kay Kamiseta, baka lalo lang yung malungkot pag nabalitaan nya yang nangyari sayo.”

“Babalikan kita dito ng hapon, pagkatpos ko sa school para tignan ko kung ginagawa mo ba yang Community Service. Bukas tayo magsisimula.” Sabi nya ulit. “at itigil mo na yang pagiinom mo, magpahinga kana.”

Di man lang ako nakapag-pasalamat sa ginawa nya. Nakita ko yung sampaguita na binili ko kay Jasmin kanina. Kinuha ko to at tinignan. Malungkot parin ako pero medyo nabawasan na kasi nalaman kong may taong nag-a-alala na sakin. Masarap pala sa pakiramdam. Sam. Babawi rin ako sayo. Sana. Siguro. Ewan. Ang korni.

Continue Reading