dedicated sa kanya kasi siya ang dakilang tagasuporta para mapalayas si madison sa story!..hahahah HANGBADDDD!!!!!XDDD
NOTE:
MAMAtssssssssssssssssssssssss!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! ^_^
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
[CHAPTER 47]
PART 1
-HANNAH
“HAPPPPPYYYYYYYYYYYYYYY BEEEEEEEEEEERRRRRRRRRDAAAAAAAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYy!!!!!!!!!!!!
Sigaw ko sa kwarto ni kuya ^___^
( - ___ - )zZzZzz siya
Di man lang nagising sa sigaw ko =(((
“shishi mahina ba yung sigaw ko? Bakit di nagising yung birthday celebrant?”
Ngshrugged lang si shishi…
“hmmm…na-iisip mo ba naiisip ko shishi?”
“aw!aw!aw!”
“mana ka talaga sa akin hehe…matalino”
Unti unti akong lumapit sa higaan ni kuya at kinuha ko yung unan sa bandang paanan niya at…..
HYAHhhhh!!!!!!
“gising!!!!gising!!!!gising!!!!” sigaw ko habang hinahampas ko sa kanya yung unan hihi
“aray!arraayyy!ano ba?! Sophia!!!!!!!” gising na ang hari!( ^_^ )
“HAPPY BIRTHDAY!(^ o ^ )” sabi ko sa kanya at huminto na rin ako sa paghampas ng unan
Umupo naman siya sabay gulo ng buhok niya ( O _ O ) gwapo pala ng kuya ko pag bagong gising?!
“ganda ng bati mo ah…may pahampas hampas ka pang nalalaman”
“ehhhh kasi naman di ka nagising sa sigaw ko kanina!”
“sinong di magigising kung may sirena ng bumbero sa kwarto mo?! Nakakabingi kaya ang sigaw mo!” inis na sabi niya so nagising pala siya kanina? (- . - )
Hinampas ko nga ulit ng unan
“gising ka na pala pinahirapan mo pa ako!”
“aga-aga nambubulabog ka!”
Pansin ko lang di siya Masaya.
“kuya bakit di ka Masaya? Eh di ba birthday mo ngayon???”
Kumunot naman noo niya habang nakatingin sa akin
“paano naman ako magiging Masaya eh hanggang ngayon magka-away pa rin kami ni raine!ni hindi pa nga kami nag-uusap dahil busy siya, busy kayo!bwisit!” sabi niya sabay higa at takip ng unan sa mukha niya
Yyiiiieeehhh!!!jelly jelly kuya ko!hahaha
“sus! Kuya ano naman pinagpuputok ng butchi mo dyan?eh di naman kayo? So wala kang karapatang magselos!” oopppsss!!!
Napatakip agad ako sa bibig ko dahil nabigla ako sa sinabi ko at siya napabangon ulit at ang sama na ng tingin sa akin
“anong sinabi mo?”
“ah eh hehe wala wala” sabi ko sabay iling-iling
“alam mo na no?” sabi niya kaya tumango naman ako at mahahalata mo sa mukha niya ang disappointment
“alam mo kuya…wag ka ng malungkot dyan! Ano ngayon kung deal lang yung sa inyo di ba? Atleast nagpakatotoo ka sa kanya…enjoy your day na lang ^_^”
“paano naman ako mag-eenjoy eh wala siya sa tabi ko” ganito pala pag birthday mo nagiging madrama ka hahaha
“hay nako kuya! Wag ka ngang magdrama dyan…I know you’ll be happy…you’ll have a very memorable birthday so rise up!and shine!^_^”
“ganyan ba nagagawa ng isang JUDE DANIEL RAMOS sa’yo HANNAH SOPHIA DENVER?”
>///////<
“tse!!!! Ini-encourage na nga kita eh kung ano ano pa pinagsasabi mo dyan! Baba ka na pinagluto ka ni mama ng favorite mo!^_^” sabi ko sabay labas na ng kwarto niya
Lakas ba ng epekto sa akin ng lalaking yun?hehe mukha nga! ^____^
-BAD
Ngayon lang ata nangyari to ah, walang gana sa mismong kaarawan? Bago to!
Ayaw kong lumabas ng bahay pero tinataboy nila ako sa bahay dapat daw magpakasaya ako.
Start na pala ng vacation ngayon…pang finale talaga nila yung event na yun bago mag Christmas vacation.
Naglakad lakad na lang ako at di ko namalayan sa park pala ako dinala ng mga paa ko.
Buti pa yung mga bata ang sasaya nila, walang kaproble-problema…hayyy….napatingin ako dun sa may fountain at nakita ko siya kaya nilapitan ko.
“hey”
“hey” bati rin niya
“di ka pa rin nagbabago, gaya gaya ka pa rin tulad ng dati”
“anong ako?ikaw kaya ang gaya-gaya dyan”
“hahahah! Pareho na lang tayo” sabi ko
“sige sige para walang away hehe” sabi naman niya
“ang aga-aga nandito ka na agad? May kakatagpuin ka ba?” sabi ko sabay upo sa tabi niya
“wala ah, namiss ko lang talaga ang lugar na toh. Ikaw? Bakit nandito ka ng ganitong kaaga?”
“grabe naman pala ang pagkamiss mo sa lugar na to…haha…pinalayas kasi ako sa bahay kaya nandito ako ngayon”
O_O siya
“pi-pinalyas ka???bakit???!!!”
“hahahhaha!!!joke lang!grabe ka naman makareact dyan sunshine”
Tama si sunshine nga kasama ko ngayon, ang kababata ko. Ang babaeng nagbigay ng pangalan kong BAD
“eh ano pala?!”
“atat lang? hehe birthday ko kasi ngayon eh gusto ko lang magkulong sa bahay pero ayaw nila kaya pinalayas nila ako sa bahay”
“birthday mo???”
“oo”
“wow!!!happy birthday brent!!!!”
Hindi ako nagulat sa pagyakap niya sa akin nagulat ako sa itinawag niya sa aking BRENT…yeah siya nga rin pala ang unang babaeng tumawag sa akin na BRENT… siya lang dati ang gusto kong tumawag sa akin niyan pero nung dumating si Raine sa kanya ko na binigay yung karapatan na tawagin ako sa kahit na anong pangalan ang gustuhin niya
Hayyy….raine!nasaan ka na ba??? Ikaw na lang ang hindi pa bumabati sa akin…ikaw na lang! ang sakit naman na hindi mo ko batiin ng HAPPYY BIRTHDAY kahit alam mo na na birthday ko ngayon.
“uyy…may problema ka ba?” kumalas na pala sa pagkakayakap si sunshine
“ah wala…”
“tara!” sabi niya at sabay tayo
“huh?saan?”
“magcecelebrate tayo ng birthday mo para naman mabawasan yang lungkot sa mukha mo..hehe halata kasing malungkot ka eh kahit nakasmile ka pa. birthday na birthday mo malungkot ka?tsk! di ko alam yung dahilan pero papasiyahin kita para naman sumaya ka”
Napangiti na lang ako sa kanya kasi tulad pa rin siya ng dati…makulit at palangiti na lalong ikinagaganda niya.
Tumayo na ako at hinawakan niya naman ang kamay ko sabay hila…
Siguro nga kailangan ko rin maging Masaya…isasantabi ko muna ang lungkot ko…magtutuos din tayo raine…haha
***
“ang saya-saya nun! Isa pa BAD!” request niya
Dinala niya kasi ako dito sa perya malapit sa park at sumakay kami sa mga rides…at gustong gusto niya talaga dun sa caterpillar, yun ang tawag nila dun sa isa sa mga rides.
“grabe ka naman sunshine, pagod na ako” sino ba naman ang hindi mapapagod eh pang-limang beses na namin yun at magiging pang-anim na pag sumakay kami ulit. Hindi halatang first time niya sa perya
“OA ka naman, parang uupo ka lang naman dun eh”
“maglaro na lang tayo dun sa may cards” suggest ko sa kanya kasi mukhang Masaya yun eh…
“sige!” sabay hila ulit sa akin papunta dun sa may cards
Tuwang tuwa naman siya sa nakikita niya pati ako natutuwa rin kasi kakaiba yung laro. Kasi ihuhulog mo yung bola dun sa parang funnel na malaki at hihintayin mo siyang mahulog dun sa mga cards na nakalatag…
“manong paano yan?wala akong barya?”natawa naman ako sa tanong niya. Naubos na kasi yung barya namin kakasakay sa mga rides
“akin na papalitan ko na lang” sabi ni manong at agad-agad naman naglabas ng pera si sunshine at halatang gulat si manong
“manong oh! Papalit itong one thousand”
“nako maam! Ang laki naman niyan…”
Napatawa na lang ako sa mga reaction nila eh
“haha manong etong isang daan na lang po ang palitan niyo…sunshine itago mo na lang yang 1k mo”
“eh???bakit??” kulit talaga ng isang to
“kasi ang laki nyan…itong isang daan na lang” tumingin muna siya sa pera niya bago niya tinago haha
“eto na sir oh” sabay abot ni manong dun sa mga barya at agad-agad naman kaming tumaya
Piso muna ang taya namin kasi 5 piso ang balik pag nanalo kami at pag limang pison bente tapos pag bente naman isang daan ang balik.
Enjoy na enjoy kami lalo na si sunshine kasi lagi siyang nanalo samantalang ako laging talo -.-
“waaaahhh!!!ang galing galing nanalo akong isang daan!haha” siya
Nag-stop na akong maglaro kasi ubos na barya ko kaya pinapanuod ko na lang siyang maglaro.
***
Naglalakad na kami palabas ng peryahan kasi gabi na.. 10 na ng gabi at hindi ko namalayan ang oras.
“ang saya-saya! Huy BAD ulitin natin to ah!hehe” sabi niya
“oo ba?! Ang daya nga eh! Ako may birthday tapos ikaw tong enjoy na enjoy” sabi ko naman
Nag-stop siya sa paglalakad at nagsalita
“hindi ka ba nag-enjoy?”
“haha!ano ka ba?! Enjoy na enjoy kaya ako! Kasi ikaw laging panalo ako laging talo”
“okay lang yun! Laro lang naman yun! Ako naman talaga ang talo pagdating sa tunay na buhay ^_^” naguluhan naman ako sa sagot niya
“huh?”
“ah wag mo ng pansinin yun!hehe….tara kain tayo!”
Nakarating kami sa may fishball-an at makikita mo talaga sa mukha niya yung kasiyahan.
“manong masarap ba yang mga puti na nagbro-brown??”
Puting nagbro-brown???O.o?
“mam ano pong tinutukoy niyo?” mukhang pati si manong naguluhan din sa kanya
“ah eto po! Aray!” mukang tanga kasi tama bang hawakan yung fishball habang nakasalang sa mainit na mantika?
“okay ka lang? yan kasi!kitang mainit hawak ka ng hawak pede namang ituro lang…” sabi ko habang hawak yung daliri niyang napaso
“malay ko ba? Si manong kasi eh” sabi niya sabay kuha nung kamay niya
“haha!si manong pa talaga sinisi…fishball tawag dun sa sinasabi mong puting nagbro-brown” sabi ko sa kanya at si manong napakamot na lang ng ulo
“ahhh fishball pala yan???eh pano naging fishball eh di naman yan isda. Eh anong tawag dito sa brown na to tapos dito sa orange? Bakit magkakaiba ng hugis yung fishball??may bilog na bilog tapos may flat?”
( - ___ - ! )
Hindi pa ba to nakakatikim ng street foods??
“eto pangtusok oh…kumain ka na lang dyan ah” sabi ko sa kanya. Si manong napapatawa na lang sa amin
“eh anong kukunin ko??”
Kinuha ko nga sa kanya yung stick pangtusok at ako na ang nagtusok
“eto fishball tapos etong isang to tawag dito squid balls at ito pang isang puti chicken balls naman tawag tapos kikiam naman tong brown” sabi ko habang nagtutusok ako…pero isa isa lang ah…at siya tango lang ng tango
“ano naman yung kulay orange??”
“ah kwek kwek tawag dyan, gusto mo ba?” tumango lang siya kaya nagtusok din ako ng isa lang..hehe
“anong gusto mong sawsawan?”
Tumingin tingin naman siya dun sa sawsawan tatlong sawsawan kasi yung pagpipilian matamis, suka at yung matamis na maanghang.
Tiningnan niya ng tatlong beses paulit-ulit -.-
“hoy, ano na?”
“eh? Ano ba masarap?”
(_ _ )
***
“ang sarap!!!!” sabi niya habang ngumunguya ng fishball
“dahan-dahan naman daw…”
“masarap kasi eh manong isa pa nga po”
Tuwang tuwa naman si manong kasi kami ang umuubos ng paninda niya
“sir ang sweet niyo naman ng girlfriend niyo”
Napaubo naman ako at napahinto naman sa pagkain si sunshine
“nako manong nagkakamali po kayo!*iling-iling* di po kami magkaibigan lang po kami..haha” sabi niya
Shet! Oo nga pala! Si Raine! Kinalimutan na talaga ako T^T
“oo nga manong di po kami…” sabi ko sabay ngiti
“ay pasensya po…para kasi kayong magkasintahan eh…ang sweet niyo”
“hehe nako manong wag kang ganyan baka di na kami bumili ulit sa inyo” sabi ni sunshine
“mam di na kayo mabiro haha”
“ahahahaha manong imposible pong mangyari yun kasi tingnan niyo naman po paubos na yung paninda niyo dahil sa kanya”
“tama po kayo sir haha”
“hmmmp!”
Tumawa na lang kami ni manong dahil sa reaction ni sunshine
***
“thanks ah” sabi ko sa kanya
“para saan?”
“sa pagcecelebrate ng birthday ko…pinasaya mo talaga ko”
“dapat ako magpasalamat sa’yo kasi first time kong maransan pumunta sa perya tapos kumain ng fishball, squid ball, chicken balls, kikiam at kwek kwek at dahil yun sa’yo!”
“hehe ganun ba? Eh di quits tayo”
“tama! Ang sarap talaga nung fishball!!!gusto ko pa tuloy kumain ng ganun pero gabi na heheh”
“oo nga, next time na lang…”
“tama next time na lang..marami namang next time eh…”
Bumalik ulit kami dito sa may fountain kasi daw nandito na yung sundo niya
“thanks pa rin dahil sinamahan mo ako”
“no, I should be the one to thank you because you choose to spend your birthday with me ^_^ okay bye na nandyan na yung mga sundo ko ehhehe happy birthday brent…happy birthday my BAD”
niyakap niya ako pero mabilisan lang at tumakbo agad siya papunta dun sa kotseng nakaparada
“nga pala! Tsaka na yung regalo mo ah!” sigaw niya sabay pasok sa kotse
May pagkaadik din pala yung babaeng yun!
“hayyy…anong oras na ba?”
Nilabas ko naman cp ko at pagkatingin ko gulat na gulat ako dahil
100 messages received!
11:00 pm na pala isang oras na lang matatapos na birthday ko…tss!
Umupo muna ako sa may hagdan malapit sa fountain at nagsimulang basahin yung mga messages
Unang-una sa lahat ng messages ay yung message ni Sophia
“NASAAN KA??!!!!”
Sampung beses lang naman na ganun yung text niya
Sunod na message ay kay JD kailangan talaga magkasunod din sila?-.-
“bro, where are you?”
English version lang pala
Anong problema ng mga to?kailangan sunod sunod silang magtext sa akin?
From: VIN
“dude! Nasaan ka na? san tayo ngayon??alam kong hinahanap mo na kagwapuhan ko kaya puntahan mo na lang ako ah hahaa”
--______--
Kahit kailan talaga makapal ang mukha ng isang yun.
From: Bea
“Hoy! happy birthday!”
Isa pa to! -.- hanggang text ramdam na ramdam pa rin ang pagiging basagulera niya.
From: kylie
“Psstt!! Happy birthday!!!!!!!pakain ka ah!!hahaha”
From: CJ
“Happy birthday!”
Words coming from mr.silence…hahaha
Scroll scroll scroll
Wala siyang text ???tss! kinalimutan nga talaga ako ng isang yun!
From: Madison
“Hey babe! Just joking…happy birthday BAD. Bar tayo para icelebrate natin birthday mo =))”
Okay the rest puro happy birthday na lang ang laman..grabe nakakapagod pala talaga magbasa ng sang damakmak na messages sa isang upuan lang…
(simply: kaya nga ako di ko binabasa eh!XD)
( -__ - ) sadyang tamad ka lang kasi
(simply: ikaw na masipag BAD!-.-)
Hahahha
(simply: BACK TO THE STORY NA LANg!)
Scroll down….wait!scroll up!
From: Hannah nerd (yan pangalan niya sa cp ko siya naglagay niyan eh)
“Hoy!!!!!!!!!!!!!!!!asan ka na!!!!!!!!!!!!!!! kanina pa ako text ng text sa’yo di ka nagrereply! Nakakailang tawag na ako sa yo ah!”
Kasalanan ko bang nakasilent pala cellphone ko. May 50 missedcalls din kasi akong natanggap haha yung iba galing kay Sophia at kina Vin at JD tapos may isang number din na nagmisscall siguro naubusan sila ng load
Binasa ko muna yung ibang mga messages hanggang sa makarating ako sa pang-100
From: Hannah nerd (mahal na mahal talaga ako ng kapatid ko, tinatadtad ako ng mga messages eh)
“Anong oras na?!!! pu---“
Di ko pa natatapos basahin yung text ng biglang may tumawag sa akin at ang tumatawag sa akin? Walang iba kundi siya. Yung number lang na nagmisscall sa akin kanina
“helo?”
“asan ka?”
“nandito sa kinauupuan ko”
“tsk!”
“bakit ba?” medyo inis kong sabi
Sinagot naman niya ako at di ko na tinapos yung sinasabi niya dahil agad kong pinatay yung tawag at agad-agad akong tumakbo…
1 hour na lang matatapos na birthday ko pero ano toh?!!!!ano bang nangyayari??? Bakit kasi ngayon ko lang nasagot yung tawag! Tanga tanga naman talaga eh.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------
PART 1 finished! Ang saya-saya! Tamang pabitin lang!hahahah….
Anong say niyo sa ating birthday DATE para kay BAD at SUNSHINE! Atleast hindi si MADISON di ba? Dapat tayong magsaya!hohoho
Party!party!!!!^O^
5:42 pm
07/01/12
-simplystreetfoods!