Nanaginip ako.
Naglalakad ako sa isang pamilyar na daan. May tumahol na aso. Lumapit ito sa akin. Pamilyar sya, yumuko ako para haplusin ang puting balahibo nito. Makintab iyon at parang snow.
"Babe?"
Sa pag-angat ng tingin ko ay nakita ko ang isang lalaking nakatayo habang nakapamulsa. Hindi ko maaninag ang kabuuan ng mukha nya pero nakita ko ang pamilyar na pangisi nya sa akin.
"What are you doing outside?"
Tanong nya sa akin. Hindi ako nagsalita. Tumahol ang aso at lumapit sa kanya. Tumakbo ang aso palayo at nakita kong pumasok ito sa isang gate.
Nagulat ako ng magsimulang maglakad ang lalaki. Bago pa nya ako malampasan ay nahawakan ko na ang braso nya.
"Let go of me."
Bulong nito. Natigilan ako. Nabitawan ko ang braso nya hanggang sa tuluyan na syang makalayo sa akin.
Nagmulat ako ng mata. Hindi muna ako kumilos. Nanatili akong nakatingin sa kisame.
Nakakunot ako ng noo.
May liwanag sa kisame. Napakusot ako ng mata at huminga ng malalim. Natigilan ako sa ginawa ko. Unti unti ay humarap ako sa kanang bahagi ng kama. Dahan dahan kong muling iminulat ang aking mga mata.
Mabilis akong napaupo at nanlalaki ang matang tumingin sa loob ng kwarto.
"Hindi."
Halos pabulong na banggit ko.
Muli akong pumikit, baka panaginip lang ito.
Wala akong sa dati kong kwarto.
Pagmulat ko ng mga mata ko, babalik ako sa kwarto ni Callie.
Pero nanlumo ako dahil iyon pa rin ang nakita ko nang magmulat ako ng mga mata.
Tumayo ako ay sinuyod ang buong kwarto.
Di ko namalayan ang pagbuhos ng mga luha ko. Hindi ito totoo.
Natataranta akong lumabas ng kwarto. Nanginginig ang mga kamay ko. Nakayapak akong lumabas.
"Callie?!"
Tawag ko dito. Lumingon ako sa paligid maging sa magkabilang dulo ng hallway. Umaasa na sana nandon lang sya at nakamasid sa akin.
Pero wala.
"Venia!"
Lumingon ako sa tumawag.
"Eric?"
Nanlalaki ang mga mata nya habang lumalapit sa akin.
"Dyos ko!! Matagal ka ng pinaghahanap! Saan ka ba nagpunta? Venia!! Tatawagan ko ang mga pulis at ang mga kasama mo. Wag na wag kang lalabas ng kwarto."
Hindi ko sya pinakinggan pa at dali dali na akong nagtatakbo pababa ng building. Narinis ko syang tumawag peor hindi ko ito pinansin. Tuloy tuloy ako sa pagtakbo sa labas ng nakapaa.
Hingal na hingal ako ng makababa. Maraming tao at sasakyan sa daan. Akamang hahakbang na ako ng pumasok sa isipan ko ang isang bagay.
Saan ako magsisimula?
Hindi ko alam kung nasaan ang lugar na iyon?
Paano ako babalik?
Nanghina ang mga tuhod ko at tuluyan na akong bumagsak sa pagkakaupo. Nanginginig ang mga labi ko habang patuloy ako sa pag-iyak.
Wala ako sa sarili nang makabalik sa apartment ko. Naroon pa rin si Eric pero hindi ko sya nagawang pansinin.
Nang maisara ko na ang pinto ay napasandal ako dito at tuluyang umiyak.
Hindi panaginip ito. Nakabalik na ako. Pero hindi ko magawang magpakasaya. Ang sakit sa dibdib. Parang pinipiga ang puso ko.
Ibinalik na ako ni Callie. Ibinalik na nya ako at wala na sya.
Napasabunot ako ng buhok habang mariin pumikit para pigilan ang mga luha ko pero hindi sila nakisama.
You're a dream come true.
Napamulat ako.
Panaginip.
Hindi iyon panaginip. Totoong nangyari iyon. Pero paano nya ako nagawang ibalik dito? Balik hindi nya sinabi sa akin na gagawin nya ito. Ang unfair, hindi ako naging handa sa mga nangyari. Bakit ang sama nya? Ganun nalang ba ako kabilis talikuran?
Matagal ako nakatulala. Hindi ko pa rin lubos maisip na narito na ako.
Wala na ang kusina, ang sala, ang hagdan at wala na rin si Gabby. Wala na ako sa lugar na iyon.
Bumukas ng malakas ang pinto at doon pumasok ang mga humahangos na taong kilalang kilala ko.
"VENIA!!"
Sunod sunod sila lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap.
"VENIA! Anong nangyari?"
Si Wendy. Sapo ng magkabilang palad nya ang mga pisngi ko. Hindi ako nagsalita.
Ano bang nangyari?
"Kyle, Anong nangyayari sa kanya?"
Bakas sa boses nya ang matinding pag-aalala.
"Pupunta tayo sa ospital. She needs to be check."
Boses iyon ni Kyle. Nag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang pag-aalala sa mga mata nya.
"Ayos lang ako."
Bulong ko.
"Venia?"
"Wendy, ayos lang ako. Nakabalik na ako. Walang nagyari sa akin. Ayoko sa ospital."
Pero hindi iyon nakatulong. Hindi nabawasan ang pag-aalala nila.
"Darating na ang mga pulis."
Bumaling ako sa isang naroon, si Darren. Pero anong sabi nya? Pulis?
"Bakit may pulis?"
Natatarantang tanong ko dito.
"You're nowhere to be found for about 3 months."
Sabi ni Kyle.
Nag-iwas ako dito ng tingin. 3 months. Ganoon na pala katagal.
"Saan ka ba nanggaling? Hindi ka na pupunta ng ospital. Basta kailangan mong sabihin sa aming kung saan ka nagpunta?"
Yumakap sa akin si Wendy. Nanatili akong tahimik.
Nakaupo ako sa sofa habang nakayuko at titig lamang sa hawak kong baso ng tubig.
"Miss Laurencio?"
Isa iyon sa mga pulis. Dalawang pulis ang dumating kanina. Narito rin sina Eric, Kyle, Darren at Wendy na nakayapos sa akin.
"Kumusta ang pakiramdam mo? May sumasakit ba sa'yo?"
Umiling ako.
"Naaalala mo ba ang mga nangyari bago ka nagbalik dito sa apartment mo?"
Malumanay ang bawat tanong nila. Bawat salita ay iniingat nilang banggitin. Tumango ako.
Nakaringi ako ng mahihinang pagsinghap at buntong hininga.
"Pwede mo bang sabihin sa amin kung saan ka nagpunta?"
Nang-angat ako ng tingin. Ano ang sasabihin ko? Saan nga ba ako nagounta? Saan ako nanggaling?
"Hindi ko matandaan."
"Kung ganoon, ano ang mga natatandaan mo?"
Natatandaan? Lahat ay tandang tanda ko pa. Pero mga pulis sila. Naguguluhan ako sa pagsasabi ng mga nangyari. Kailangan kong makapag-isip. Hindi ako makahinga sa ngayayari.
"Wala. Pagkagising ko, nandito na ako."
Muli akong yumuko para hindi na makita ang mga reaksyon nila.
"Nakidnap ka Miss Laurencio. Kilala mo ba kung sino iyon?"
Bumuka ang mga labi ko para magsalita pero mabilis ko iyon itinikom. Hindi ko kayang gawin. Hindi ko kayang isuplong si Callie.
"H..hindi ko sya kilala."
Wala akong narinig na kung anuman sa kanila.
"Officer, she needs some time. We will see if she's ready. Kailangan pa po nyang magpahinga."
Nagpaalam si Kyle sa mga pulis habang nasa tabi ko si Wendy at hinahaplos ang braso ko.
"You're gonna be okay, Venia. Nandito kami."
Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti.
Hindi ako iniwan nina Darren, Wendy at Kyle ng gabing iyon. Umalis si Kyle at Darren para sa makakain at mga gamit nila. Nanatili sa tabi ko si Wendy para pagaanin ang loob ko at pasayahin pero ni isa ay walang nagawa para sa bigat ng nararamdaman ko.
Ang sama ng loob ko. Ganito pala ang pakiramdam ng tinatalikuran. Masyadong masakit.
Oo, ginusto kong bumalik pero hindi sa ganitong paraan na wala akong alam. Ibinalik nya ako ng parang walang nagyari. Para akong napaglaruan, isang araw nagising ako sa kama ng iba at ngayon ay muli akong nagising sa sarili kong kama.
You're a dream come true.
Naalala ko ang mga nangyari kagabi. Planado na ba nya ang lahat ng ito. Kaya ganoon ang naging pakikitungo nya sa akin ng gabing iyon.
Naramdaman ko ang pagkabasa ng mga kamay ko. Tahimik akong lumuluha nang hindi ko namamalayan.