Unwavering Love (Major Revisi...

By IamYoungLady

4.4M 16.9K 1.2K

-Formerly known as "A Cruel Husband" *El Sajano Series #1 Charmaine Serenity Salanueva is not an innocent wo... More

Unwavering Love
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16

Kabanata 4

85.1K 1K 173
By IamYoungLady

Kabanata 4

Rain

"Lala... lala... lala..." sa mahina kong tinig ng malapit ng makarating sa bahay.

Hinatid lang ako ng gwapong lalaki sa may kanto namin dahil hindi na makakapasok ang sasakyan niya. Madyadong masikip sa lugar at mga tao lang ang pwedeng dumaan.

"Lala... lala... lala..." Sumasayaw-sayaw pa ako at hindi nagkakaroon ng kahihiyan na ginagawa 'yon dahil walang namang makakakita. Sa kamay ko ay bitbit ang isang plastic na may lamang pagkain. Tumatama iyon sa gilid ng katawan. Binigay ni senyora bago ako umalis ng mansyon. Hinabol niya ako para doon.

Kaunting liwanag lang ang makikita sa aming bahay na gawa sa kawayan. Wala kaming kuryente at tanging gasera lang ang nagsisilbing ilaw. Kung hindi ka sanay sa dilim ay magkakaroon ka talaga ng takot. Lalo na naglalakad akong walang ilaw sa dinaraanan ngunit kabisado naman kaya ayos lang.

Nag-ingay ang pinto na gawa sa kawayan ng binuksan ko ito. Walang tao sa loob. Siguro ay tulog na sila. Pumunta ako sa likod bahay para mag igib ng tubig sa poso dahil nakaramdam ako ng uhaw.

"Saan ka galing?" Isang tinig sa likod ko.

"P-papa?" Nauutal na sabi ko. Pinahid ko ang tubig na tumulo sa aking labi.

Pumasok muli ako sa loob para komprontahin si papa. Binaba ko muna ang plastic na bitbit. Nakaupo siya sa upuan na gawa sa kawayan. Nasa gilid niya ay isang gasera na nagbibigay liwanag sa kanya.

"Pumunta po ako sa mga Salanueva, papa." Pagsasabi ko ng totoo. Sasabihin ko ang tunay na pakay ko doon para maliwanagan siya ngunit natakot ako dahil nag iba ang timpla niya.

Nagsalubong ang kilay nito at may kinuha sa bulsa. Nilagay niya ito sa kanyang bibig at sinindahan pagkatapos ay bumuga siya ng maraming usok. Kahit sanay akong malanghap iyon ay nakakapanibago parin ang amoy nito. Gusto kong takpan ang aking ilong dahil sa pumapasok na usok ngunit isinasantabi na lang 'yon.

"Hanggang saan mo kayang subukan ang pasensya ko, Chacha." Sinabi nito. Mahina ang boses niya pero halata ang diin sa boses nito.

"Magpapaliwanag po ako papa."

Nanatili siyang nakatingin sa akin, hinihintay ang magiging sagot ko.

"Nasa burol po ako kanina para magpahinga kaya lang ay naibato ko po ang pinaglalaruan na bato sa dumaan na sasakyan. Nabasag po iyong bintana niya kaya sumama po ako-"

"Sumama ka sa hindi mo kilala!" Sigaw ni papa sa akin. Napapikit ako sa lakas nito at halos takpan ang aking tenga. Dapat pala hindi ko na sinabi na sumama ako! Nabigyan pa ng ibang kahulugan!

Mula sa kwarto ay lumabas si mama na naalimpungatan. Kinukusot nito ang mata at bumaling sa akin.

"Nandyan ka na pala Chacha. Kumain ka na ba?" Tanong sa akin ni mama.

"Opo." Kinuha ko ang plastic na aking dala at pinakita sa kanya. "May pasalubong po ako." Iniangat ko ito para mas makita ng mainam.

Mula sa akin ay tumingin si papa kay mama na umiinom ng tubig. Lumapit siya dito at may sinabi. Mahina 'yon kaya hindi ko naiintindihan.

"Malaki na ang anak mo Alonso kaya hayaan mo siya. Mas mahirap kung ito ay magrebelde." Lumapit sa akin si mama at hinaplos ang aking mukha. "May tiwala ako sa anak natin." Sabi nito at pumasok na ng kwarto.

I am really thankful for my mother. She maybe tough sometimes but I know she just want to protect me. Ganoon naman talaga ang ina hindi ba? They're like lioness willing to trade anything to protect their cub. Kaya nga ako ay hanga sa akin ina. She isn't vocal compare to my papa but when she speak, then we're done.

Hindi kailanman sila naging marahas at pabaya sa akin. Kahit alam kong nagagalit paminsan-minsan si papa sa akin ay naiintindihan ko kung saan nagmumula 'yon.

Tumitig si papa sa akin habang lumalapit. Sinuklian ko 'yon ng ngiti. Niyakap niya ako ng mahigpit. Ang kamay niya ay dumausdos sa aking likuran hanggang sa umatras ako.

"Papa..."

"Matulog na tayo." Aniya at nauna ng pumasok sa kwarto. Nanatili ng ilang sandali ang tingin ko sa pintong kanyang pinasukan bago pinatay ang ilaw ng gasera at sumunod na sa kanya sa kwarto.

"Sasama ka sa akin mamaya sa bayan dahil mag eenroll ka na." Si mama habang namimitas ng gulay sa likod bahay namin. Tumulong na din ako sa kanya para maaga kaming makaalis. Si papa ay nasa kwarto at tulog dahil ayaw parin siyang pagtrabahuin ni mama.

Sa Dumarao Central School kung saan ako nag aral magmula elementary hanggang ngayong magse-senior high ako ay ang nag iisang public school sa buong bayan. Marami akong naging kaibigan sa kanila ngunit ng lumipat kami ng bahay ay naging madalang. Sa tuwing pasukan ko na lang sila nakikita. Hindi rin naman nila ako binibisita dahil alam ko namang may pinag kakaabalahan sila.

"May allowance na ako?" Nagtatakang tanong ko. Minsan ay nagugulat na lang ako sa kanila. Hindi naman ako nag eexpect ng makakapag aral akong muli dahil sa hirap ng aming buhay. Maituturing na bonus ko lang 'to at pagpapasalamat.

"Gagawan ko ng paraan. Hindi ka pwedeng tumigil dahil lang mahirap tayo."

"Pero pwede naman akong magtrabaho mama."

"Tumigil ka na sa mga ilusyon mo! Hindi ka magtatrabaho!"

Tumahimik na lamang ako at hindi na nagsalita. Sa tuwing inuumpisahan ko na sabihin ang mga bagay na 'yon ay tila galit na galit sila sa akin.

Wala akong nakikitang mali sa pagtatrabaho kung ito man ay legal. Gusto ko lang makatulong dahil sobra sobra na ang ginagawa nila para sa akin. Ngayon palang ay kaya ko ng masuklian 'yon. Wala naman sa edad 'yon hindi ba? Anong pagkakaiba kung magtatrabaho ako ngayon at pagkatapos kong mag aral? Pilit kong tinatago na tatanggapin ko ang kagustuhan nila pero paano naman ang kagustuhan kong makatulong? Wala ba akong karapatan para doon?

Sa parteng ito ay nanghinayang ako kay mama. Sa lahat ay suportado niya ako. Dito lang hindi. Kung sabagay hinding-hindi ko siguro sila maiintindihan.

Umalis si mama sandali para magbayad ng utang kaya ako ang nagbabantay sa mga gulay. Wala kaming sariling pwesto sa palengke dahil unang una ay wala kaming pangbayad. Pangalawa ay mas gugustuhin naman dito na lang dahil maraming chismosa doon at kung ano-ano ang binabato sa amin. Isang oras ang layo ng bayan mula sa amin. Madalas ay magpapara kami ng jeep na galing Iloilo o kaya bus pero mas mahal 'yon kaya minsanan lang.

"Uy chacha ang laki mo na, noon ganito ka pa, oh." Sabi ng isang babae di ko kilala. Mukhang ka edad niya rin si mama. Hindi ko siya pinansin at patuloy na lang sa paglalako ng gulay.

"May tenga ka diba? Bakit hindi mo ako pinapansin?!"

"Mawalang galang na ho ngunit busy po ako sa pagbebenta kung pwede po ay umalis kayo sa harap. Salamat po."

"Aba! Sumasagot ka pa! Walang galang! Walang respeto! Mana sa ina niyang magnanakaw!"

Nagpantig ang tenga ko kaya hindi ko napigilang sumagot.

"Hindi po magnanakaw ang mama ko! Wala po siyang ginagawa masama!" Sibat ko.

"Talaga lang ha! Paano mo mapapatunayan kung ang lahat ng tindera dito sa palengke ay 'yan ang mukhang bibig?" Singhal nito sa akin.

Kinuyom ko ang mga palad ko. Gusto kong manakit ngunit hindi ako pinalaki ng magulang ko mapagmataas. Pinili kong manahimik kahit pa sumosobra na sila dahil kahit ano namang pagpapaliwanag namin ay hindi sila maniniwala.

Inaakusahan nila ang mama ko sa mga bagay na hindi niya kailanman ginawa at kung tanging pananahimik namin ay ang kasagutan para tumigil sila ay aming gagawin. Pero paano kung 'yon din ang nilalaban sa amin? Wala kaming hawak na katotohanan. Ang tanging mayroon lang ay ang mga salita namin.

"Wag ka ng magsalita. Hayaan mo na sila." Sinabi ni mama sa akin.

"Pero mama-"

"Tumigil ka na." Mababa ngunit may diin na kanyang sinabi.

Kaya tayo tinuturing na mahina dahil maling mali na sa sila ngunit binibigyan pa natin ng pampatibay. Pundasyon na para gibain ang pader na pinaghirapan naming gawin. Nasasaktan ako dahil wala akong magawa. Gustong-gusto ko manakit para lamang makaganti ngunit alam kong mababaliwala lang din 'yon dahil sarado na kanilang pag iisip.

Hindi naubos ang paninda naming gulay kaya dumiretso na kami sa paaralan ko na malapit lang din sa palengke. Nakita ko ang mga classmates ko kaya nagpaalam ako kay mama na sumama muna sa kanila. Sobra ko silang namiss dahil dalawang buwan na hindi ko sila nakita.

"Chacha namiss ka namin. Kamusta ang bakasyon mo?" Si Ella. Ang maituturi kong bestfriend sa paaralan na 'to. May supermarket sa bayan ang pamilya niya kaya hindi ko lubos maisip kung bakit dito niya napiling mag aral.

Umupo kami sa lamesang pinapayungan ng malaking puno ng mangga.

"Ayos naman. Tumutulong lang ako sa kay mama. Ikaw?"

"Pumunta kami ng Manila para sa negosyo kaya lang nakakainip din dahil wala naman akong kilala doon."

"Marami bang gwapo sa Manila? Sa Ateneo o kaya naman Lasalle?"

"Huh? Di naman ako nakapunta doon saka katulad din nila tayo, Chacha! Utak mo talaga basta gwapo!" Singhal nito. Sumimangot ako ngunit nawala ng biglang may naalala.

"May nakilala akong gwapo!" Pagmamayabang ko.

Alam ko naman wala siyang pakialam sa boys dahil hater siya nito pero dahil bestfriend ko siya ay wala naman siyang magagawa kundi makinig sa akin.

"Oh tapos?"

"Kaya lang hindi maganda ang pagkikita namin kasi binato ko 'yong salamin ng kotse niya..."

Tumawa siya ng malakas kaya hindi ko natuloy ang aking paliwanag.

"Sorry ang random kasi ng joke mo." Sagot niya.

"Ito na kasi! Hindi naman siya nagalit sa akin at nagpresinta akong ipapagawa na lang pero sabi niya ay ayos lang daw. Tapos pumunta kami ng Salanueva-"

"Pumunta kayo ng Salanueva? Omg? Mayaman siguro 'yan!" Tumatango pa ako habang nagsasalita siya.

"Mayroon siyang luxurious car!"

"Oh? Pakilala mo ako, ha!"

Naningkit ang mga mata ko.

"Hindi ko siya aagawin sa'yo, duh!"

Wala naman akong sinasabi, ah?

"Hindi pa naman kami close at hindi ako sigurado kung makakabalik ako dahil ayaw ni papa." Sagot ko ng tinatanong niya ako kung kailan ako makakabalik sa Salanueva. Kung ang kagustuhan ko ay masusunod ay matagal na dapat ngunit nangangamba ako na baka lalong magalit sa akin si papa.

Tinawag na ako ni mama ng matapos ang pag uusap namin ni Ella dahil mag eenroll na ako. Pumasok kami sa registrar para sa magiging subject at ng matapos ay lumabas na. Nagpaalam muli ako kay Ella ng makita siyang papasok na ng sasakyan nila.

"Mama pupunta po sana ako sa Salanueva." Panimula ko habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep.

Dumaan pa kami muli sa palengke dahil nakalimutan niyang bumili ng pataba sa lupa para sa aming munting garden. Nakakainis lang na puno ng pangungutya ang tao sa amin doon kaya nagmadali din kaming umalis.

Pumayag si mama na pumunta ako sa mga Salanueva kaya naman magiliw kong tinatahak ang lugar nila. Tatagal lamang ng sampung minuto para makarating sa kanila mula sa amin. Ang napakalawak na lupaing pagmamay-ari nila ay siyang pangarap ko. Kung iisipin ay imposible ngunit libre lang naman mangarap diba?

Mula sa malayo ay kita ko na si Manong Guard na palakad-lakad sa paligid. Bumalik tuloy sa aking isipan ang ginawa niyang pagbagsak sa akin noon. Magaling naman na ang aking sugat. Hindi na masakit 'yon. Nagkaroon lang na kaunting pasa.

Binuksan niya kaagad ang pinto ng makalapit ako. Malapad akong ngumiti biglang tugon sa ginawa niya.

Sa pinto ng mansyon ay lumabas ang lalaki na walang saplot pang itaas at tanging maong lang ang suot. Napakagat ako ng labi. Tatalikod na sana pero tumama ang mata niya sa akin.

"H-hello po. Nandito po ulit ako binibisita ang senyora." Paliwanag ko kahit mukhang wala naman siyang pakialam. Nagtama ang mga mata namin sa isa't isa. Bumaba ang tingin niya sa'kin mula ulo hanggang paa. Na-concious tuloy ako sa itsura ko!

Tumunog ang kanyang cellphone kaya sinagot niya ito ngunit ng hindi  parin inaalis ang pagtitig sa akin. Sa kahihiyang naramdaman ay dahan-dahan kong iniwas ang paningin at pumasok na sa mansyon.

Naabutan ko si senyora na inaayos ang bulaklak sa lamesa. May sunflower, daisy, tulip, roses at marami pang iba na nandoon.

"Senyora magandang hapon po!" Maligayang bati ko.

"Nandiyan ka pala Chacha! Magandang hapon din sa'yo."

"Ano pong gagawin niyo sa bulaklak?"

Nililipat niya sa paso ang ilang bulaklak. Malalago iyon at nilalagyan niya ng halaman sa gilid. Ang mga kasambahay ay nasa tabi niya at naglalagay ng lupa sa mga paso.

"Ilalagay ko sa harapan para maganda." Sagot nito.

Tinulungan ko ang senyora sa paglalagay ng mga bulaklak para sa magiging garden niya doon. Nagpresinta akong buhating ang mga paso para ilagay sa labas. Binigyan naman ako ng gloves ng senyora at ilan pang gagamitin.

Sinalansan ko ito sa isang lugar. Nilalagyan ko narin ng pataba pagkatapos ay dinidiligan ng tubig.

"Ang sakit sa likod!" Nag unat muna ako bago ulit buhatin ang isang paso.

"Do you want me to help you?" Tinig ng boses ng nasa likod ko.

Wala parin siyang pantaas pero marumi na ang kanyang maong. Nilagay niya sa bulsa ang cellphone at lumapit sa akin. Umupo siya at tiningnan ang mga nakaayos na bulaklak na aking gawa.

"Ayos lang kaya ko naman."

Dumiretso muli ako sa isang paso at nilagay iyon sa tamang pwesto. Nagulat ako ng binuhat niya ang isa at pinagsama 'yon sa mga natapos na ginawa ko. Tahimik lang siyang ginagawa 'yon. Minsan ay sumusulyap siya akin pero kaagad ako umiiwas.

Pumasok muli ako sa mansyon at kumuha pa ng paso ng mga natapos ng lagyan ng senyora. Tiningnan ko ang iyon at mukhang matatagalan pa ako matapos dahil marami pa.

Kinuha sa akin ng gwapong lalaki ang buhat kong mga paso pagkalabas ko. Basa ang buhok niya dahil sa pawis ganoon din ang kanyang dibdib. Napalunok ako ng malalim. Napansin ko ang pagsulyap niya sa akin, ngumuso siya at umiwas ng tingin.

"Salamat po sa tulong niyo." Sa mahina kong boses at sa mga bulaklak lang ang tingin.

"No problem. " Maikli nitong sagot.

"Tapos na ito kaya wala ng gagawin."

"Okay. I'll just wash up."

Bumalik ako sa mansyon ng tawagin ako ng senyora para sa meryenda. May ensaymada doon at tsokolate. Kumuha ako ng isang piraso at nilagay sa aking plato. Pinaglagyan ako ng kasambahay ng inumin sa aking tasa.

"Nakapag enroll ka na?" Ani senyora.

Kinwento ko sa kanya na nagpunta kami sa bayan para doon. Ilang linggo na lang kasi at magsisimula na ang klase kaya naman hinahanda ko na ang sarili. Excited narin ako na makita si Ella, dahil siya lang naman ang bestfriend ko doon.

"Senior high na po ako senyora kaya naman lalo kong pagbubutihan ang pag-aaral ko."

"That's good! Alam kong matalino kaya naman nasisiguro kong hindi ka mahihirapan."

Bumaba ang gwapong lalaki mula sa itaas na bagong libo. Amoy na amoy ko ang pabangong gamit niya. Naka itim na t-shirt siya na hapit sa kanya balat ang kulay brown na short. Sinamahan niya kami kaagad ng senyora sa hapag.

"Marcus napagawa mo na ba ang sasakyan?" Ang senyora.

Nahirapan akong ngumuya sa tanong nito kaya napainom ng tubig. Sandali akong sumulyap sa lalaki. Nagtama ang tingin namin. Umigting ang kanyang panga pagkatapos ay sinagot ang senyora.

"Busy po si Genard kaya hindi siya makakapunta kaagad."

"Then I'll just contact a helper so they can fix your car right away."

"That's fine senyora pero kung ayaw niyo na ako dito ay aalis naman ako kaagad."

Nanlaki ang mata ng senyora. Umiling-iling ito, hindi nagustuhan ang sagot ng lalaki.

"No... no... ayos lang na manatili ko dito pero alam ko naman na abala ka sa negosyo kaya mahirap kung magtatagal ka dito."

"My brother is handling the business as of now senyora. Kaya niya na 'yon." Sumulyap ang lalaki sa akin. "I'm still fine here."

"If you say so..."

Nanatili ako sa mansyon ng ilan sandali dahil maaga pa naman. At isa pa ay gustong gusto ko na natatanaw ang bayang kinalakihan ko mula dito. Nagpaalam ang senyora na umalis dahil may aasikasuhin siya kaya naiwan kaming dalawa ng lalaki. Hanggang ngayon ay hindi ko pa siya lubos na kilala. Ilang araw na akong pabalik-balik dito. Kung sabagay, ano naman ang magiging topic namin? Nag aaral palang ako at siya naman ay mukhang may-ari ng malaking kumpanya.

Kung magsasalita ako, ano naman sasabihin ko? Kamusta buhay? Natawa ako sa sariling pag iisip ko.

Nakasandal ako ngayon sa railing ng isang balkonahe sa labas ng mansyon. Umihap ang malakas na hangin kaya inayos ko ang aking buhok.

"Matagal na kayo sa bayan na'to?"

"Hindi. Sa Iloilo kami dati kaya lang malayo ang paaralan ko kaya lumipat kami dito." Tumango siya at humigop sa tasa niyang may kape. Hinihintay ko siyang alukin ako ngunit hindi nangyari. Siguro ay naisiip niyang bata pa ako though ayoko naman talaga lasa ng kape. Nilapag niya ang tasa at tumabi sa akin.

"Bakit hindi mo pa pinapagawa yung sasakyan mo?" Kumunot ang noo niya nang bumaling sa akin.

May mali ba akong nasabi?

"Hindi naman ako nagmamadaling umuwi." Aniya.

Tumango ako.

"Taga dito ka sa Dumarao?" Tanong ko. Alam ko naman na hindi siya dito nakatira. Gusto ko lang talagang humaba ang pag uusap namin.

"Hindi."

Tuwing tinatanong ko siya ay hindi ko malaman kung napipilitan ba siyang sagutin ako o sinasagot niya lang dahil makulit ako.

Tumingin ako sa malayo na kita ang buong bayang nilakihan ko. Bumuntong hininga ako. Inalala nasa bayan na 'to kahit wala akong gaanong kaibigan ay may nakilala ako na magiging parte ng pagkatao ko. Nagpapasalamat ako dahil hindi ko kailanman hiniling na ganito ang buhay na mayroon ako. Mahirap kami pero masaya ako kaya sapat na sa akin 'yon.

I know that the world is cruel to us. We blame it continuously but I realized that we should just focus to the things that makes us happy. Ang buhay ay napakamisteryo at maiksi na lamang. Mas maganda kung bigyan na lang ng importansya ang mga bagay na mas nakakatulong sa atin.

"Ihahatid na kita." Aniya. Kulay kahel na ang ulap sa labas. Nagpaalam ako sa senyora na maaga akong uuwi dahil baka pagalitan na naman ako ni papa.

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya kaya hinayaan ko siyang samahan ako.

Sabay naming tinatahak ang pababang kalsada at kahit araw-araw akong dumadaan dito ay ngayon lang ako kinabahan ng husto. Pakiramdam ko kasi ay pinagmamasdan niya kung paano ako maglakad.

"Pwedeng magtanong?" Di napigilang tanong ko. "Bakit napadpad ka dito sa bayan namin? I mean wala namang magaganda na lugar dito bukod sa burol na lagi kong pinupuntahan." Matagal siyang walang naisagot kaya naisip ko na sana hindi na lang ako nagtanong. At isa pa maalala niya lang kung anong ginawa ko sa bintana ng sasakyan niya.

"I told you. I went to a party."

"Pero ngayon ka lang nakapunta dito? Hindi sa akin palaisipan na magkakilala kayo ng senyora dahil mayaman ka... pero..." kinamot ko ang aking ilong, curious got the best of me.

"I am supposed to go to senyora after the party. Hindi naman sana ako magtatagal dito but it happened."

"Why? What happened?" Nagtatakang tanong ko.

Umawang ang bibig niya. Tinitigan ako. Kinalaban ko ito at hindi nagpatalo pero masyadong malalim 'yon para kayanin.

Humagikgik siya. Nanlaki ang mata ko. Ito ang unang beses kong narinig na tumawa siya. Umawang ang bibig niya at napahinto bago tumikhim.

Madiin na tinikom ko ang aking bibig para hindi mapakawalan ang nagbabadyang tawa. Magsasalita muli sana ako ng umulan ng malakas kaya napatakbo kami sa isang puno ng mangga habang nakahawak sa aking ulo. Pinagpagan ko ang sarili sa konting patak ng ulan na tumama sa aking balat. Tiningnan ko siya at kumpara sa akin ay mas basa.

"Nabasa ka po." It was understatement. Bumakat ang t-shirt niya sa kanyang balat kaya halata ang magandang hubog nitong katawan. Hindi ko naiwasan na mapatingin doon.

"I'm fine."

Tumila ang ulan at nagbalak kaming tumuloy na muli ngunit lumakas ito dahilan na manatili kami sa puno.

Umupo ako doon at kahit basang basa na ay hindi ito alintana. Ngayon na lang ako naging masaya tuwing umuulan. Because rain reflects the pain. Bakit nga ba sa tuwing bumubuhos ito ay nanunumbalik ang sakit? As if the sky is sharing its pain to us.

"What are you thinking?" He asked me all of a sudden. 

Tumabi siya sa akin at mariin akong tiningnan.

Malapad akong ngumiti.

"Wala. Tara na." Anyaya ko ng tumila na ang ulan.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 52.9K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
29.4M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...