Chapter 1: Weird
Kai's POV
In a sunny morning I woke up with a bright smile on my lips. It is my first day here in the Philippines after several years living in Spain. It is a wonderful day to make an experience here in Philippines, today is my first interview and I'm not definitely sure kung makakapasa ba ako.
"Kai! Gising ka na ba?" Napalingon ako sa labas ng kuwarto ng marinig ang boses ni Tita. Agad din akong bumangon at inayos ang aking pinaghigaan, pagbukas ko ng pinto ay unang bumungad sa aking paningin ang mga kaluluto pa lamang na pagkain.
"Good morning Tita." Bati ko sa naka apron at maganda kong Tita.
"Kamusta ang tulog mo?" Bumaba ako ng hagdan at agad na dumampot ng isang fish fillet.
"Ayos naman po. Uhm, ang sarap talaga ng luto mo Tita."
"Anong masarap talaga? E ngayon mo lang naman iyan natikman. Sa 23 years mong paninirahan sa Spain ngayon mo lang iyan natikman."
"Ito naman si Tita, hayy pero kayo ang nagturo kay Mommy ng rekadong ito kaya feeling ko luto niyo rin iyon."
"Sya nga pala speaking of your Mom. Next month pa pala siya makakauwi."
"Diba ang sabi niya sa monday ang uwi niya?"
"Kai intindihin mo muna ang mommy mo. Sa ngayon focus ka muna sa pag ddj mo."
"Tita I'm not sure kung makakapasa ako sa interview, sa Spain lang ako kilala bilang DJ."
"Kai chilax. Don't worry may kilala akong radio station na may communication sa ibang bansa, kaya for sure pasok ka doon."
Napatango na lang akong kumakain ng almusal habang nakikinig sa Tita kong maganda.
"Teka nga, diba Culinary ang natapos mo? Then nagtake ka pa ng photography."
"Tita si mommy lang naman ang may gusto no'n, kaya napilitan akong tapusin. And about sa photography, wala hilig ko lang."
"Hay naku Kai, nagmana ka talaga sa mommy mo." Napangiti na lang akong nakatingin kay Tita habang pinag uusapan ang kursong natapos ko.
By the way I'm Alexa Kai Alejandro, 23 years of age. I'm the precious girl of my auntie and mom.
.
.
.
Habang naghihintay ng taxi sa tapat ng bahay ni Tita ay napansin ko ang mga bata na masayang naglalaro sa kalsada. Nginitian ko lang sila ng may napara na akong taxi dahilan para matigil ang paglalaro nila.
Habang nasa taxi ay nakatingin lang ako sa bawat building at establishment na nadadaanan ng taxi.
"Ma'am pwede po magtanong?" Napatingin ako sa driver ng taxi.
"Yes po?"
"May lahi po ba kayo?" Napangiti ako sa tanong ng driver na nasa edad 43 na.
"Pure po akong Filipino."
"Napakaganda mo hija."
"Thank you manong." Nakangiti ang driver ng taxi ng tahakin na namin ang daan papasok ng station.
"Salamat po." Agad na rin akong bumaba at napatingala sa building na may apat na palapag ang taas. RMF station, basa ko sa nakasulat.
Pumasok na ako sa loob after no'n.
"Uhm, excuse me?"
"Yes ma'am."
"I'm here for an interview."
"Ma'am akyat na lang po kayo sa 3rd floor. Pangalawang kuwarto po, nandodoon po ang interview for new DJ."
"Thank you po."
"You're welcome, ma'am." Umakyat na rin agad ako after kong magtanong.
.
.
.
"Next number 14!" Napanganga na lang ako ng makita ang mahabang pila. Kung bibilangin ay mahigit nasa 30 ang mga nakapila kaya feeling ko hindi na ako makakapasok.
Dahan dahan akong tumalikod sa pilang iyon at aktong lalakad na.
"Kai?" Napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko. Pagharap ko, isang babae ang lumapit sa akin.
"I'm Gia kaibigan ng Tita mo."
"Hi po?"
" Dalagang dalaga ka na." Napasmile na lang ako sa sinabi niya. First time kong masabihan ng dalaga sa buong buhay ko. Jerk kasi ang tawag sa akin ng mga classmates ko sa Spain dahil siguro sa attitude na ipinapakita ko sa kanila before but in reality mas malambot pa ako sa bulak, it's just my excuse to survive from bullies.
Maya maya pa ay hinawakan ni Tita Gia ang kamay ko para makatawid sa mahabang pila.
Nang makapasok kami sa isang kuwarto ay biglang sumalubong sa aking paningin ang dalawang table kung saan nagaganap ang interview.
"Guys this is Kai DJ AK of Spain." Nagsipalakpakan ang lahat ng nasa loob ng kuwartong iyon.
"Welcome to the Philippines Kai. It's a pleasure that you choose our station." Isang lalaki ang lumapit sa akin at kinamayan ako. Siguro siya ang asawa ni Tita Gia.
"But I haven't been interviewed yet."
"Haha ano ka ba? We don't need to interview you."
"Po?"
"Actually matagal na naming goal ang mahire ka dito."
"Pero?"
"Kaya nga nakatanggap ka ng offer from Spain. We are looking forward for this chance na maging part ka ng RMF station." Hindi na ako nakapagsalita pa sa mga sinabi ng head ng RMF.
"Kai, Andeng already contacted and informed me few months ago about you. And she said that you're looking for another job, so instead na ikaw ang maghanap ng trabaho kami ang lumapit."
"Naku si Tita talaga."
"Haha ang cute ng accent mo Kai. 'Di pa sanay ang dila mo magtagalog." Nginitian ko lang ang babaeng iyon sabay kamot sa aking batok.
Yes tama kayo ng basa, pilipit pa ang dila ko sa tagalog pero kapag nagsusulat ako mas malalim pa sa below sea level ang alam ko sa tagalog. I can make some paragraph with Filipino language like this, my point of view. Kaya huwag na kayong magtaka kung bakit tagalog ang point of view ko kahit pilipit pa ang dila ko sa pagbigkas ng mga tagalog words.
"So? We're just waiting for you."
Huh? Natigilan ako sa pag iisip ng marinig iyon. Lahat ng atensyon nila ay nakatuon sa aking kinatatayuan. Hindi na ako makakaligtas dito kundi ang tanggapin ang offer nila.
"It's my pleasure, please take care of me thank you ma'am and sir."
"Kai just call me Tita Gia, like Andrea. Okay?" Nagulat ako sa sinabi niya, ngunit nakangiti lang sa akin ang mag asawang nasa harapan ko.
"Ahm okay po."
.
.
.
"How was your interview?" Wala akong sagot na ibinigay kay Tita habang abala siya sa paglalagay ng pagkain sa mesa para sa hapunan.
"Kai?"
"Tita, diba I told you before don't use your name for me." Medyo naiinis kong sambit. Iyon kasi ang pinakaayaw ko sa lahat, yung makakapasa ako o matatanggap dahil sa pangalan ni Tita or ni Mommy. I just wanted to be independent, ayaw kong umaasa sa pangalan ng aking magulang at kamag anak.
"Kai, noon pa talaga nilang gusto na makatrabaho ka."
"Tita."
"Kai trust me, totoo ang sinasabi ko." Hindi na ako sumagot pa sa halip ay kumain na lang ng matapos sa paghanda ng dinner si Tita.
After kong kumain ay hinugasan ko na din ang pinagkainan naming dalawa.
"Aakyat na po ako." Nakatango akong umakyat patungo sa kuwarto ko.
.
.
.
Ako ang klase ng taong hindi madaling malaman ang tunay na damdamin ng iba, I just don't care what other feel, 'yun bang may pagkamanhid ako. Siguro nakasanayan ko dahil simula't sapol wala akong kaibigan or kaclose sa kahit sinong kaklase ko back in Spain, lalo na noong elementary at high school. Kanina nabanggit ko na jerk ang tawag sa akin ng mga kaklase ko. Oo jerk dahil sa attitude ko, ayaw kong ipakita na mahina ako sa loob ng school dahil posible akong mabully. Iyon din ang turo sa akin ni dad before niyang mamatay sa sakit niya but I am soft and sweet hindi lang halata kasi ang cool ko tingnan, tsaka sa ganda kong 'to magiging jerk tsk.
Unang araw ko dito sa Pilipinas, unang trabaho at unang kita ko sa isang tao na nagpakaba sa akin ng sobra kanina habang napapaligiran ako ng mga empleyado ng RMF station. Ang weird lang kasi, hindi ko maintindihan parang may something basta ang weird, ewan di ko maipaliwanag ng ayos kung anong klaseng spark yung naramdaman ko ng magtama ang mga mata naming dalawa.
It's my first time to encounter that moment, hays siguro naninibago pa lang ako. Naninibago sa bagong atmosphere, bagong bansa, bagong gagalawan at magiging part ng story ng buhay ko.
.
.
.
Someone's POV
It's weird, yeah I felt something weird the moment ng makita ko ang mga mata niya kanina. Actually kanina pa siya hindi mawala sa isipan ko, I don't know her even her name but I feel I know her well.
Napamulat ako ng mata sa mga oras na ito.
Hays paano ba naman hindi ako pinalabas ni Mommy at Daddy sa office nila habang on going ang interview kanina, maghapon akong nasa office nila habang inaaral ang mga papel na iniwan nila sa akin. Pero mabuti na lang napansin ko ang kakaibang aura sa gitna ng interview, at doon ko siya nakita.
Ang nakakatuwa lang nagkasalubong ang aming mga mata, ewan pero kahit mata ko lang yung makikita mula sa labas ng office ay napansin niya pa rin na nakatingin ako sa kanya.
And the weird one was the magnet and spark I saw from her eyes, it's new but somethings not right.
Hays makatulog na nga lang, maaga pa akong papasok bukas kahit ayaw kong pumasok sa station na 'yun. Pero hindi talaga siya maalis sa isipan ko.
Ano bang nangyayari sa akin? Bulong ko sa sarili ko, bumaling ako sa kanang bahagi ng kama at ipinikit ang aking mata ngunit hindi pa rin ako makatulog.