I'm His Private Dancer

By Shettered

3.7M 52.3K 3.6K

[Completed] Who am I? I'm not perfect but i'll do my best for you. PS: Don't judge a book by its title. More

I'm His Private Dancer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Question.
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Epilogue

Chapter Twenty-four

76K 1.2K 49
By Shettered

Huminga ako ng malalim at muling naglipat ng ibang channel sa telebisyon. Hindi ko hilig ang manuod ngunit dahil sa araw na bumalik kami rito sa Puerto Galera ay ang panunuod  na ang aking libangan bilang pamatay oras.

Hindi ko na binigyang pansin ang pagsara ng pintuan, nasanay na ako sa ingay nito. Malapit lang naman sa dagat ang tinitirikan ng bahay ni Liam kaya ang hangin na binibigay ng kalikasan ang sanhi kung bakit kusa itong nagbubukas sara. Hindi rin naman kasi ito naka-seradura dahil walang magtatangkang pumasok dito sa rest house. Malayo ito sa buong Resort.

"Trix." Pinasadahan ko lang ito ng tingin at muling bumalik sa aking ginagawa. Pinakiramdaman ko lang ang susunod niyang gagawin. Umupo ito sa tabi ko at itinaas ang paa sa lamesa.

"Ano'ng ginagawa mo?" Aniko.

"Matutulog."

"Bakit dito pa? At bakit naririto ka na."

"Gusto kong magpahinga. Hindi mo ba gusto na naririto ako?" Nasa himig nito ang pagtatampo.

Nang tignan ko naman ito ay nakahalukipkip at ang mga mata'y nakatingin pa rin sa telebisyon. Heto na naman ang pagbibiro niya sa akin. Ang mga kinikilos na nagpapabago ng aking ekspresyon.

Umiling ako at muling nilipat sa ibang palabas. Bakit ba sa tagal ko nang panonood sa telebisyon na ito ay wala pa rin akong mahiligan? Sa mayayaman at may kaya lang siguro talaga nakatadhana ang kahiligan sa panonood.

"Ang aga pa para umuwi. Ano na lang ang sasabihin sa'yo ng iyong mga katrabaho, na ang anak ng may-ari ng kanilang pinagta-trabahuan ay gusto na lang matulog kaysa sa magtrabaho?"

"Ilang buwan na lang din naman ay magiging amo na nila ako." Asik nito.

"Mabuti na lang talaga at hindi na ako sa Resort nagta-trabaho, kung doon pa rin ako nakaka-panghinayang kung ang aming Boss ay walang konsiderasyon sa mga empleyado niya. Nakakaawa."

"Boss mo pa rin ako!" Muli ko itong pinasadahan ng tingin at binigyan ng nakakayamot na mukha.

"Hindi mo pa rin ba naiinitindihan ang sinasabi ko? Bilang Boss ay responsibilidad mo ang mga emplyedo niyo. Tulad na lang ngayon, ginagawa nila ang kanilang trabaho sana naman din ay gawin mo ang trabaho mo."

Matagal ito bago sumagot sa aking sinabi. Kunot-noo ang binigay niya sa akin. Wala na talagang pag-asa, hindi niya naintindihan ang aking tinutukoy. Ang gusto ko lang naman ang maka-bonding ang dati kong mga ka-trabaho. Empleyado niya pa rin ako kung tutuusin kaya ang dapat na gawin niya ay Pa-trabahun sa labas at hindi itago rito sa rest house.

Sinamaan ko ito ng tingin ng binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti. Sanay na ako sa ganyang tingin kaya umiwas na ako bago pa makaisip ito ng panibagong kalokohan.

"Tama ka, boss mo pa rin ako, Trix. Kailangan mo akong pagsilbihan," Ang mga palad niyang nagbibigay init sa akin sa oras na ito ay lumapat sa aking pisngi at pinaharap sa kanya. "Give me a dance, Trix. Sa ganoong paraan ay magagawa mo ang iyong trabaho."

Hinampas ko lang ang kamay nito na nakahawak sa aking pisngi. "Hindi ako nagbibiro Mr. Garcia. Ang trabaho ko ay tulungan ka sa trabahong opisina at hindi trabaho pang sarili mo lamang."

"Trabaho iyon ng isang nobya para mapaligaya ang kanyang iniirog." Sumilay ang mapang-akit na ngiti nito. At maya-maya pa ay umiling. "Nahahawa na ako sa pagiging matagalog mo Trix."

"Hindi naman iyan ang tinutukoy ko Liam, eh. At oras ng trabaho mo ngayon kaya hindi dapat ganoong mga bagay ang kailangan mo."

"Wala ako sa office kaya ang responsibilidad mo ay ang pawalaiin ang pagod ko." Nasa himig nito ang pagtatampo.Kung hindi lang talaga ako sanay sa ganitong ga eksena ay bumigay na ako sa gwapo niyang mukha. Ako ang naaasiwa sa kanyang ginagawa. Kahit naman na magkasama kami sa bahay at sinabi nitong nobya niya na ako ay hindi pa rin mawawala ang hiya ko sa aking katawan.

"Nakakainis ka." Tumawa lang ito at humiga sa aking mga hita. Pumikit ito at bumuntong hininga. Hinayaan ko lang itong humiga at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang aking daliri. Bakas sa mukha nito ang pagod, bigla akong na-guilty sa aking pagtanggi sa kanyang kahilingan. Nagiging busy na ito simula ng kami ay umuwi ilang buwan na rin ang nakalilipas. Isang buwan na lang ay kay Liam na ipapangalan ang Resort.

"Liam, gising na." Tinapik-tapik ko ang bahagi ng kanyang braso para tuluyan na itong magising. Ungol lang ang sinagot nito sa akin at kumilos para umiba ng pwesto. "Kakain na Liam."

Dahan-dahan lang ang pagmulat nito. Inibot ang paningin at umupo rin. Madilim na ang buong kapaligiran, tanging bahay na lamang nito ang may ilaw. Hindi ko na rin ito nagawang istorbohin sa kanyang paghihimlay, kaya naman nang makita ko na malapit nang magtakip silim ay nagsimula na akong maghanda para sa aming hapunan.

"Ano'ng meron at ang dami ng mga ito."

"Kailangan ba ng okasyon para maghain ng maraming pagkain?" Sinamaan lang ako nito ng tingin nang aking ikinatawa. "Nangangayayat ka na kaya kailangan mong kumain ng marami. Minsan lang naman din ako magluto lalo na kung naririto ka lang. Minsan lang din tayo kumain ng sabay, ginagabi ka na laging umuwi kaya alam kong ngayon ka lang muli makakain ng masarap."

"Sa tingin mo?" Tumango lang ako rito bilang pagsagot. "Dadalasan ko na lang ang pag-uwi ng maaga para bumalik muli ang nawala kong muscles."

"Hindi naman iyon ang tiniukoy ko." Umiwas ako ng tingin dito ng ipakita nito ang kanyang braso at nag-pose. "Bakit hindi mo na lang kasi ako papuntahin doon para manumbalik ang nawalang mong.. hmm. Ano."

"Napag-usapan na natin 'to, Trix. Hindi pwede."

"Bakit ba kasi. Na-mi-miss ko na sila."

Dumaan ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nagsimula na lang akong kumain, gayon din siya. Walang balak magsalita kaya hinayaan ko na lang din. Sa bawat tangkang tanong ko sa kanya kung bakit hindi ako maaaring pumunta sa Resort ay nag-iiba talaga ang mood nito, kagaya ngayon.

"Trix."  Hindi ko na kailangan pang lumingon kung sino ang nagpukaw sa akin sa pagmamasid sa karagatan. Mula sa likod ay niyakap niya ako at ipinatong ang baba sa aking balikat. Konting galaw lang namin ay pwede na niya kong mahalikan kahit sa pisngi pa iyon. "Huwag ka ng magalit, para rin naman ito sa kapakanan mo kaya ko ginagawa ito."

"Bakit may dapat ba akong malaman?"

'Trixie." Gamit ang buong pangalan ko ng kanyang binigkas ay hindi ko maiwasang mapanguso. Isa lang ang ibig sabihin 'nun, sumobra na ako sa hangganan niya.

"Liam... Pwede ba kahit isang hiling lang ay pag-bigyan mo ako. Gusto ko talagang makasama ang mga kaibigan ko bigyan mo naman ako kahit isang linggong day-off."

"Sinong mga kaibigan? Five hours will be enough." Maatoridad na pahanag nito. Kumalas ako sa pagkakayakap niya at hinarap siya.

"May day-off ba na limang oras lang? Liam naman. Sina Emma, Diane at Nina naman ang kasama ko, eh."

"Ok, seven hours."

"Tatlong araw."

"Five hours."

"Ang daya naman, Liam. Isang araw."

"Ten hours. And that's final."

Tumigil ako saglit at nag-isip.Sampung oras? Kung susumain ay malaking oras na rin iyon. Ngunit kung titignan ay kulang pa iyon sa ilang linggo na hindi kami nagkita-kita. Muling kong tinitigan ang naka-kunot noo na si Liam. Walang bahid na biro ang kanyang sinabi, at sa ganyang mukha ay wala na akong magagawa sa kanyang desisyon. Bumuntong hininga at tumango bilang sagot, ayos na ang sampung oras kaysa sa wala.

"Ang akala talaga namin ay hindi ka na namin makikita, mukhang bakod na bakod sayo si Sir Liam ah." Naka-ngiting sabi ni Diane matapos niya akong mayakap.

"Ano'ng sinabi mo at napapayag mo si Sir Liam na paalisin ka sa kulungan mo." Ani Nina.

"Sinabi nga ba o may ginawa?" Nagkatinginan silang tatlo at sabay na tumawa sa sinabi ni Emma.

"Hmp." Isnismiran ko ang tatlo at umupo na sa bakanteng upuan katabi ni Diane.

Nasa isang kainan kami rito sa may mall. Dito na nila naisipan na makipagkita sa akin, tutal naman ay inihatid ako ni Liam dito sa mall. Bukod sa paghingi ko ng araw para makasama ko ang tatlo ay humiling din ako na sana ipa-day-off niya rin ang tatlo para nama'y isang lakaran lang ang mangyari, walang maiiwan at walang malalamangan.

"Ganyan na ba talaga ang inaalagaan ni Sir, uma-attitude?" Ani Emma na ngayon ay bumalik na sa pagkain.

Naka-order na rin ang mga ito nang aming kakainin kaya naman hindi na namin kailangan pang maghintay ng ilang minuto.

"Magpaalaga rin tayong dalawa Nina. Tignan mo iyang si Trixie mukhang hiyang, nagkakalaman na." Bulalas ni Diane.

"Paanong hindi ako magkakalaman kung wala naman akong ibang gawin sa bahay kung hindi tumanganga." Aniko.

"Iyon nga ba ang dahilan?" Naka-ngising pahayag ni Emma.

"Oo naman."

"Totoo ba 'yan? Iba ang sinasabi mo sa iyong kinikilos."

"Patay tayo n'yan!" Singit ni Nina at pailing-iling pa. "Namumula ka Trix, ibig sabihin ay totoo nga na may iba pang dahilan!"

Umiwas naman ako ng tingin sa mga ito. Siguro nga ay namumula ako ngayon, pero hindi ibig sabihin 'nun ay may iba pa ngang dahilan. Sa tagal na nakasama ko si Liam ay nalilinawagan na ako sa nangyayari sa paligid at sa mga ganoong usapin kaya naman nahihiya ako.

"Nalalamangan mo na kami, Trixie! Ang dapat na kami ang nagbibigay ng plano sayo ay ikaw na ang kumikilos mag-isa. Hindi ako makakapag." Ani Emma. Tumayo ito at inisa-isa kaming tinignan. "Tara girls! Kailangan pag-planuhan ito." Hinila na ako nito, sumunod naman ang dalawa sa amin.

Nagpatiudtod na lamang ako sa kanya. Sumasakit ang ulo ko sa dami nang kanilang sinabi. May binigay din si Nina na isang cellphone at gamitin ko raw sa tamang araw. Kung saan pagod si Liam at kailangang alagaan.

"Trixie.." Mula sa aking likuran ay tinawag ang aking pangalan. Nilingon ko ito at bumungad sa akin ang isang bulto ng anino.

Gabi na nang naka-uwi kami galing Mall, at talaga namang masasabi ko na nasulit ang buong araw na nakaligtaan namin ngayong araw.

Madilim na kaya't hindi ko maaninag kung sino ang tumawag, ngunit sa boses na iyon ay isa siyang lalaki base na rin sa baritong boses.

"Ivan, ikaw ba 'yan?"  Palapit siya sa aking kinaroroonan at tama nga ang hinala ko na si Ivan ang tumawag sa akin. Maliwanag ang bandang pwesto ko kaya naman kitang-kita ko na ang maamo niyang mukha. "Ivan, kumusta na." Magiliw kong sabi rito.

"Ganoon pa rin, gwapo at walang pinagbago." Aniya. "Ikaw kumusta na? Ngayon na lang kita muling nakita, kung sabagay ayaw ka nga palang ipakita sa akin ni Liam." Tumawa ito at ginulo ang aking buhok.

"Ano'ng ibig mong sabihin sa ayaw ipakita?"

"Umamin ako kay Liam na may gusto ako sa'yo at ang mokong ay mukhang naalarma. Wala naman sigurong ibang dahilan kung bakit hindi ka na namin nakikita, natakot siguro na maagaw ka ng iba."

"Huh? Bakit mo naman sinabi 'yun." Bumakas sa akin ang takot. Takot na maulit muli ang nangyari nang nakaraan.

"Kasi iyon naman talaga ang nararamdaman ko sa'yo... noon. Pero ngayon alam ko na, alam ko na kung kanino ka liligaya at hindi ka pababayaan. Si Liam, siya ang tinutukoy ko."

"Huwag mo akong biruin ng ganyan, Ivan."

"Kailan ba ako nagbiro sayo, Trixie? Sa bawat sinasabi niya sa akin at sa kanyang kinikilos ay alam ko ang gusto niyang ipahiwatig. Kaya naman susuko na ako d'yan sa puso mo. Maaaring ginusto kita bilang ikaw, pero ngayon gusto kita pero bilang kapatid na babae na lang."

Magaan kong tinanggap ang yakap niya sa akin. Masaya ako sa mga sinabi niya. At sana ay totoo ang sinasabi niya sa akin. Kahit naman na nobyo ko si Liam ay masarap din palang  pakinggan kung sa iba manggaling ang pagpapahalaga sa akin ni Liam.Ngayon alam ko na kung bakit niya ako hindi pinapaalis sa bahay ay para protektahan.

"Salamat, Ivan."

Maganda ang umaga para sa akin ngayong araw na ito. May kung anong liwanag ang pumapalibot sa buong pagkatao ko. Ang  pakiramdam na kumpleto at may kukumpleto pa sa buong araw na dadaan ngayon.

Hindi mawaglit sa aking labi ang ngiti. Tinignan kong muli ang paper bag na hawak ko kung saan naroroon ang tanghalian na aking pinagluto para kay Liam. Pinagluto ko na siya ng kanyang pananghalian para ma-motivate na itong magtrabaho at hindi na muling iwan ang Resort para lang makakain.

Dahil sa aking okyupadong pag-iisip ay napa-upo ako sa buhangin pati na rin ang paper bag na hawak ko ay tumilapon din. Mabuti na lang ay naka-tupperware  ang mga laman nang paper bag at hindi nasayang. Matapos akong tulungan ng lalaki sa paglalagay ng gamit sa loob ng bag ay tinulungan ako nitong itayo.

"Salamat po." Pahayag ko sa lalaki. "Pasensiya na rin po Sir, hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko. Salamat po muli."

Nakatingin lang ako sa mukha ng lalaki na hanggang ngayon ay hindi mawala ang pagtitig sa aking mukha. Napa-kamot na lang ako ng ulo ng wala akong makuhang sagot mula rito matapos ang ilang minuto. Mukhang hindi ako ang may kasalanan kung bakit ako napa-upo, kundi ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

Tumalikod na ako mula rito at dumaretso na nang lakad. Anong oras na rin at malapit nang magtanghalian.

"Sha-shana.." Kumalabog ang puso ko nang tawagin ako ng lalaki, naramdaman ko na lang din na nasa likuran ko na ito at mainit na naka-hawak sa aking braso.

Iniharap ako ng lalaki at niyakap. May kung anong pagtataka sa aking isipan sa nangyayari. Pahigpit ng pahigpit ang pagka-yakap sa akin. Ngunit ang yakap na iyon ay para bang bubuo sa aking pagkatao.

"Shana." Muling tawag nito at inilayo ako sa pagyakap niya.

Bahid ng pagtataka ang rumihistro sa aking isipan. "Nagkakamali po yata kayo Sir, Trixie po ang pangalan ko."

"Hindi. Hindi. Alam ko na ikaw si Shana. Ako 'to si Sean ang kapatid mo."

Tinanggal ko ang pagkakahawak nito sa aking balikat at umisang hakbang palayo sa lalaki. "Karen po ang pangalan ng aking kapatid, Sir, at wala po akong kapatid na lalaki at wala rin po akong kilalang Sean. Sorry po Sir pero hindi ako ang hinahanap niyo."

"Kahit anong tanggi mo ay alam ko na ikaw si Shana. Kakambal kita." Hindi ko na pinansin ang sinabi nang lalaki at tumalikod na sa kanya at hindi na lumingon pa.

Nasapo ko na lang ang dibdib ko sa sobrang bilis ng kanyang tibok. May parte sa puso ko ang natatakot sa kanyang kinilos at may parte sa aking puso ay ang pangungulila. Nalilito ako. Sino siya? At bakit ganoon na lamang ang takot ko nang umalis sa kanyang mga bisig at umalis sa kanyang harapan.

 

Shana? Saan ko nga ba narinig ang pangalan na 'yun?

Continue Reading

You'll Also Like

5.1M 102K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
392K 9.9K 39
(Completed) WARNING: SPG | Mature Content |R-18| "Alam mong hindi puwedeng mahalin pero minahal mo pa rin. Alam mong maraming tutol sa inyo sa huli p...
50.8K 1.2K 27
Highest wattpad ranking: #128Vampire Republished: Written by Gazchela Aerienne "Kung minsan, sa gitna ng panganib mula sa mundong hindi tayo kabilang...
1M 28.4K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...