My Nephew-in-Law [EDITING]

By AegyoDayDreamer

2M 42.3K 3.9K

[This is under-construction! Ieedit ko dahil ang daming mali. Pero kung gusto niyo pa ring basahin, gora lang... More

My Nephew-in-Law ✔
Prologue ✔
Chapter 1 ✔
Chapter 2 ✔
Chapter 3 ✔
Chapter 4 ✔
Chapter 5 ✔
Chapter 6 ✔
Chapter 7 ✔
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Special Chapter 1
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Special Chapter 2
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Special Chapter 3
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Special Chapter 4
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Special Chapter 5
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Special Chapter 6
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Special Chapter 7
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45.1
Chapter 45.2
Chapter 46
Special Chapter 8
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE
Special Chapter 9 : Goodbye?

Chapter 26

30.8K 632 20
By AegyoDayDreamer

(SAMIRA ALMIREZ POV)

"Bakit hindi ka pa nag-aayos?" Maaga kasi kaming nag-breakfast! At dinalian ko na talaga ang paglilinis para makapag-ayos na ako agad sa first date namin ni Eli! Ayieeehhhh!!! I can't wait!!!

"Maaga pa naman ha."

 

"Mabuti nga mas maaga tayong aalis! Sige na Eli!!!"

 

"Hindi naman halatang patay na patay ka saakin noh. Sabik masyado sa date! Kaka-nine pa lang oh!" Nanonood lang kasi si Eli ng TV. "Mamaya na pagkatapos nitong palabas." Pagkatapos nung palabas? Eh kasisimula pa lang nung pinapanood niya ah!

"Sabi mo magiging sweet ka pag naging tayo! Hmfp!" Ayoko na nga! Ako lang yung mukhang masaya eh! Mahal ba ako ni Eli oh ano? Sabi-sabi siyang magde-date kami! Oh ano na!!! "Ayoko na!"

 

"Alam mo ikaw, excited ka masyado eh. Magbibihis na ako!!!" Tumayo siya at nagpunta na sa kwarto niya! Hahahahahaha!!! I won!!! Yipee!!!

So habang hinihintay siya, naglipat muna ako ng channel na pinapanood. At nakita ko yung replay ng concert ng favorite kong idol star, si Riley Dayne!!! Hwaw naman!!!!!!!!!!!!!!!!!

(ELEAZER PASCUAL POV)

Anak ng!!! Excited naman masyado si Sam! "Ang hirap talaga pag gwapo eh." Hwahahaha!!! Actually, excited na din talaga ako, kaso wala pa akong plano!

Nag-iisip pa nga lang ako kanina kung anong pwedeng ipang-surprise kay Sam! Paano kung mag-fail yung first date namin! Ayoko namang maging kahiya-hiya yung reputasyon ko sa harap niya! "Hay Sam!!!" Pag siya iniisip ko, lalo akong naba-blangko eh! "Bahala na nga!!!"

Pagbaba ko, nakatulala naman si Sam sa TV. "Uy, tara na!" At talagang nag-pose ako sa harap niya ng pinaka-gwapo kong anggulo. Tingin ka saakin Sam, gusto kong makita yung kinikilig mong mukha.

"Ay teka lang Eli ha. Mamaya na lang kaya." Chupeste!!! Wa epek ang plano kong pakiligin siya? Pinagmadali niya ako kanina tapos ngayon, siya naman ang magpapahintay! Ano 'to lokohan?

"Tara na!" Hinila ko yung kamay niya para naman ako yung tignan niya at maamaze siya sa angking sex appeal ng boyfriend niya, kaso naka-focus lang siya sa TV. "Sino ba yang pinapanood mo sa TV at mababangasan ko!!!"

 

"Si Riley Dayne yan oh!!! Hindi ko natapos yang concert na yan nung nakaraang pinalabas yan eh. Ngayon na lang yung replay."

 

"Riley???" - (@.@)

 

"Oo si Riley nga!!! Crush na crush ko talaga yan Eli!!! Alam mo bang member ako ng lahat ng fansclub niya!!! Ayiieeehhh!!! Ang gwapo ni Riley!!!" - (♥~.~)

 

"Pshhhh! Oh so?"

 

"Speaking of Riley... diba taga South Grisham siya noon? Naabutan mo siya noh? Nakita mo? Anong itsura niya sa personal? Gawd!!! Si Riley!!!"

Pagpapalit niya ako sa lalaking nakikita niya lang sa TV? Hindi pwede 'to!!! Pinatayan ko siya ng TV at nagalit naman siya saakin. "TARA NA!!!"

"Sandali lang naman na yun! Patapos na!!!"

Nakakabuset na ha!!! Hinawakan ko yung mukha niya para ako yung matitigan niya. "Oh sinong mas gusto mo? Yung Riley na yun o AKO? Mamili ka!!!"

At nag-isip pa ang babae! Kutusan ko kaya 'tong malandi kong girlfriend!!! "Ahem... syempre ikaw." Ay ako naman pala eh! Hehe...

Tapos in-offer ko yung kamay sa harap ng mukha niya. Alam na kung ano 'tong hinihingi ko!

"Ano yan? May hinihingi ka?"

Langya naman talaga Sam!!! Napaka-slow mo!!! Pasalamat ka cute ka at patay na patay din ako sayo! "Kamay mo!!! Holding hands na tayo!"

 

"Ah!" Tapos inabot na niya yung kamay niya kaya hinawakan ko ito ng mahigpit. 

"Tara." Ito lang naman ang gusto ko eh. Yung ako lang yung pipiliin at iisipin niya sa bandang huli.

➳♥(-‿-)

Dinala ko si Sam sa amusement park, at syempre tuwang -tuwa naman ang bata, ay isip-bata pala! Ako naman, tuwang-tuwa din sa itsura niya!

"Sakay tayo dun Eli!" Ang tapang ha! Nagtuturo ng roller coaster, kararating pa lang namin!

"Sige dahil sayo ang araw ko, gawin natin ang kahit na anong gusto mo."

 

"Yehey!!!"

Nakikita ko lang na masaya si Sam, doble naman yung nararamdaman ko! At naisip ko na rin pala yung surprise ko sa kanya. Gagawin ko 'to dahil gusto ko lang talaga siyang mapasaya!

(SAMIRA ALMIREZ POV)

Ang sweet-sweet nga ni Eli! Lahat ng trip ko, sinusunod niya! "Bili tayo ng cotton candy!"

 

"Psh!!! Sobrang tamis niyan eh!" Nag-pout lang ako, at dahil siguro kakaiba ang cuteness ko ngayon, binilhan niya pa rin ako ng cotton candy!

"The best ka talaga, IDOL!!!" Yum!!! Sarap ng cotton candy! Tapos lahat ng nga ng rides, sinakyan namin! Kahit medyo nahihilo ako, ang saya pa rin! Hahaha!!!

Yung mainit na kamay ni Eli, yung mga ngiti at titig niya. Yun talaga ang nagpapasaya saakin ngayon. Kahit kung sa iba, simpleng date lang 'to, saakin hindi! Si Eli kasama ko eh!

"Upo tayo!"


Ang tagal namin magkasama, at hindi na nga namin napansing madilim na! "Sino yang ka-text mo ha?" Parang napapansin ko din kasi, kanina pa hindi mapakali si Eli. Pabalik-balik siyang tumitingin sa cellphone niya. "Sino yan?"

 

"Sila Argel lang."

 

"Patingin." Sisilipin ko sana kaso binulsa na niya agad yung phone niya. Ano naman kayang tinatago ng mokong na 'to? "Bakit mo tinago? Anong pinag-uusapan niyo ni Argel ha?"

 

"Wala lang... tinatanong nila kung nasaan tayo. Sabi ko basta."

 

"Ako magrereply!"

 

"Wag na! Ang kulit mo!" Tumayo siya at hinila ako. "Tara, lakad-lakad tayo ulit." Psh!

Parang kakaiba ha. Ako nga kasama ni Eli, pero panay naman ang check niya sa cellphone niya. Bakit kaya? Sino ba talagang ka-text niya? Makulit na kung makulit, pero aalamin ko kung anong tinatago nitong si Eli!

"Eli, medyo masakit na yung paa ko. Upo muna tayo ulit!" Pumayag naman siya at naupo siya sa tabi ko. This is it!!! Pinatong ko yung ulo ko sa balikat niya, tapos nilagay ko yung kamay ko sa likod niya.

Parang ewan naman yung reaction. "Ganyan ka ba pag masaya, biglang nagiging sweet?" Yung ngiti ni Eli!!! Ahahahaha!!! Pamatay-ipis!!! So nginitian ko lang din siya. "Teka... naglalambing ka ba, o may kailangan ka lang ulit?"

 

"Nauuhaw na ako eh."

 

"Kanina mo pa ako inuutusan ha."

 

"Diba sabi mo gagawin mo lahat ng gusto ko."

 

"Tsk!" Tapos pinitik niya yung noo ko. Aray ko!!! Jusmio!!! Sadistang Eli 'to! "Sandali ha!" Pero umalis naman siya at bumili na nga ng inumin ko. At nung medyo malayo na siya saakin...

"Hehehe..." Nasabi ko bang magaling akong mandekwat ng gamit! Ahahaha!!! Success kasi at napuslit ko yung cellphone ni Eli! Ngayon malalaman ko na yung pinag-uusapan nila ni Argel. So I checked his inbox and...

.

 

.

 

.

 

Ako -  (◐.̃◐)

 

"Oh juice mo." At napatigil siya nung makita niyang nakatigil lang din ako habang nakatingin sa phone niya kaya hinablot niya ito. "Paano mo nakuha 'to? Binasa mo?"

 

"Sino yan?"

 

"Wala!"

 

"Wala? Sabi mo si Argel ang ka-text mo?" Ang saya-saya na eh! Ang perfect na ng araw na 'to para saakin! Tapos ito lang ang malalaman ko? Hindi ko mapigilan ang sarili kong magalit! "Sino nga yan Eli? Sino yang babaeng yan?"

 

"Wala ka nang pakelam kung sino 'to."

 

"So babae nga yan? Sino yan?"

 

"Bakit ka ba kasi nakikialam ng cellphone! Hindi pa nga tayo mag-asawa pinapakelaman mo na ang privacy ko!"

 

"Buti nga at pinakelaman ko, para malaman kong nambabae ka pala!" Tinulak ko si Eli, nakakaasar siya! Hindi ko akalain na ganito siya!

"Teka nga... let me explain!"

 

"Explain mo mukha mo!" At sa asar ko, ginamitan ko siya ng fore fist technique dahil magaling na ako dun! Nung pagka-iwas niya saka ako tumakbo. Halos isang buwan pa lang nga kami tapos nagawa na niya akong lokohin.

Ang sakit pala. Ang sakit sa pakiramdam! Ayokong nang makita si Eli! Hindi ko kakayanin yung sakit at galit sa ginawa niya.

◤(⋋▂⋌)◥

Pero kahit na galit na galit ako kay Eli, wala pa rin naman akong choice kundi ang umuwi sa bahay niya. Ni hindi man lang niya ako sinundan kanina nung tumakbo ako paalis. Guilty ba talaga siya? Na nambababae siya? Ano bang kasalanan ko Eli at ginanito mo ako?

"Welcome back." Ang bati ni Rinoa.

In-enter ko na yung password ng bahay at pagpasok ko, nakabukas lahat ng ilaw sa bahay. Nauna bang nakarating si Eli? Nauna akong umalis sa kanya ha, bakit ang bilis naman ni Eli?

Kinalma ko yung sarili ko. Kahit ano pang paliwanag ni Eli, wag mong papakinggan Sam! Huling-huli na siya eh, nambababae!!! So dahan-dahan kong binuksan yung pinto at nagulat ako sa naabutan ko...

"Sino ka?"

 

"Ha? Si... Si Eli?" Wala pa si Eli dito? So sino 'tong babaeng ito? At kakilala niya si Eli. "OMG. Ikaw ba..."

OMG talaga!!! Bakit ang ganda ng babaeng ito? At kaanu-ano ito ni Eli? Teka... "Ikaw ba yung ka-text ni Eli kanina?"

 

"Yep... that's me." She smiled innocently.

So siya nga? Siya nga yung babae ni Eli? Ano namang laban ko sa babaeng ito? No wonder gusto rin siya ni Eli.

Then my tears started to fall. Nanlulumo ako... sobrang sakit! Sobrang sakit ng mga nangyayari ngayon!

"Sam!!!" Aba't nasa likod ko na pala si Eli. Hindi ko man lang naramdaman na nandito na siya. At paglingon ko sa kanya... hindi naman siya nakatingin saakin kundi dun sa isa pang babae. "Ishy!!!"

 

"ELI!!!" At nagyakapan pa sila sa harap ko!!! Walang hiya ka Eli!!! Lapastangan ka!!! Harap-harapan mong pinapakita saakin na balewala lang akong girlfriend mo! Ni hindi man lang niya napansing umiiyak na ako!!! "Gosh!!! Namiss kita!!!"

Namiss? Magsama silang dalawa!!! Lalayas na ako sa bahay na ito!!! Hindi ko kaya 'tong ginagawa nila saakin!

"Teka lang Sam..."

Tinawag ako ni Eli pero hindi ko siya pinansin. Dumirecho ako sa kwarto pero pagbukas ko sa pintuan...

Ako - (O_o)

 

"Oops!" Anong ginagawa ng lalaking ito sa kwarto ko? "Nakabalik na pala kayo?"

 

Ako ulit - (o_O)

 

"Kuya Riley!"

 

"Eli!!!"

Si... si Riley? Si Riley Dayne? Si Riley dayne na idol star? Si Riley Dayne na idol star at idol ko!!!

"Uwaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!"

 

"Oh kalma lang!!!" Napaatras sila pagkasigaw ko.

Magkaakbay sina Riley at Eli. Tapos lumapit na yung babae, at yung babae naman yung inakbayan ni Riley!

"T... teka... s... si... R... Riley... eh... eh..."

*inhale... exhale...*

Hindi ako makahinga!!! Hihimatayin na yata ako at nung babagsak na sana ako... "Sam!!! Kumalma ka nga!!!" sinalo ako ni Eli!

"Eli... anong ginagawa ni... ni..." Hindi ko agad mabanggit yung pangalan ni... "... Riley? Si Riley!!!"

 

"Ay... die-hard fan ko pala girlfriend mo eh."

 

"Shut up!!!"

Anong kaguluhan 'to? Anong ginagawa ng isang idol star dito?

"Look at me Sam! And listen to me." At tinignan ko naman si Eli. Teka lang, nakakalimutan ko na yung galit ko sa kanya. "Si Kuya Riley, high school friend ko yan. Senior lang siya saakin."

 

"High school friend?"

 

"And that girl is Ishy. His secret girlfriend."

Napatingin ako kay Riley at sa babaeng nagngangalang Ishy. "Hello Sam! At last, nakilala ka rin namin!"

 

"Naku-kwento ko saamin nitong si Idol eh." At kinawayan nila ako...

Mygaly!!! Si Riley, may secret girlfriend pala? And so that means hindi rin nambababae si Eli!!! Hindi niya ako niloko!!! "Uy!!! Ano ba Sam? Okay ka lang?"

Paano ako magiging okay Eli!!! Teka lang ha, itutuloy ko lang ang pagkahimatay ko...

.

 

.

 

"Sam!?"

Panaginip... panaginip lang ba 'to?

o(≧o≦)o

(A/N: Sina Riley Dayne at ang secret girlfriend niyang si Ishy ay mula sa kwentong BOYFRIEND IN DISGUISE. On-going po yan at sa blog ko lang po mababasa. ---> aegyodaydream.blogspot.com)

Continue Reading

You'll Also Like

5.3M 55.5K 57
(AIRED ON TV5: WATTPAD PRESENTS- Nov. 9, 2015) Isang amazonang out of this world kung magsalita na si Elle Gomez ay niligawan ng dalawang almost perf...
524 387 85
[C O M P L E T E D] Sabi nila, sa RPW daw ay walang totoo. Lahat daw ay peke. Lahat ay roleplay lang. Noong una, iyon din ang paniniwala ko. Pero 'di...
97.1K 2.8K 37
[COMPLETED] BOOK 2 OF RED RIBBON (Rated PG-13) Alex Farr was just an ordinary girl before until she entered showbiz. Fame. Fans. Spotlight. Nasa kany...
106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...