My Fake Wife (2nd Version) Co...

By CatchMeStories

707K 10.5K 438

Published Book na po ito. Published ang FIRST VERSION. Limited Copies. Kung may interesadong bumili ng kopya... More

Teaser (Nasa BOOK na po ito)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Hola ๐Ÿ˜‚
Chapter 8
Chapter 9
Commercial Break (LOL)
Chapter 10
Chapter 11
Hello ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚
Chapter 12
๐Ÿ‘‹๐Ÿ‘‹๐Ÿ‘‹
Chapter 13
Chapter 14
โœ‹Skip This PageโœŒ๏ธ
Chapter 15
๐Ÿ’–Skip this Page ๐Ÿ‘โœŒ
Chapter 17
๐Ÿ˜Š ๐Ÿ’–Skip this Page ๐Ÿ‘๐Ÿ˜‚
Chapter 18
Chapter 19
๐Ÿ‘‹๐Ÿ‘‹Skip this Page๐Ÿ‘‹๐Ÿ‘‹
Chapter 20
๐Ÿ˜…Just Skip this Page ๐Ÿ˜…
Chapter 21
Chapter 21
Chapter 22
โœŒ๏ธSkip This PageโœŒ๏ธ
Chapter 23
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
๐Ÿ˜‚Skip this Page ๐Ÿ˜‚
Chapter 27
๐Ÿ˜Š
Chapter 28
๐Ÿ’—Skip this PageโœŒ๏ธ
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
๐Ÿ˜Š
Chapter 32
๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Finale
โค๏ธThank Youโค๏ธ

Chapter 16

11.2K 169 3
By CatchMeStories

My Fake Wife
By: CatchMe

Chapter 16

NAKANGITING pumasok sina Izabelle sa Golden Crown Hotel, kung saan idinaos ang thanks giving party ng pinsan niyang si Noel. Exclusive lamang iyon para sa kanilang pamilya. Dahil halos lahat ng kanilang kapamilya ay dumalo sa concert ng binatang singer.

​Pagpasok pa lang sa lobby ay sinalubong agad sila ng kanyang kakambal na si Alora. Masaya silang nagyakap nito nang sandaling nagpaalam si Carmilo na may kukunin lang.

Maya-maya lang ay dumating naman ang pinsan nilang si Rebecca kasama ang fiancé nitong si Enrique.

Kakaproposed lang nito sa pinsan nilang si Rebecca kanina sa concert din ng pinsan nilang singer na si Noel.

(Dear Readers, kung naalala niyo ang story nina Rebecca at Enrique na NOW I FOUND YOU, Kasama ang eksenang ito doon sa love story nina Rebecca, hahaha! Wala lang, related lang kasi ang mga story nila, kung naalala niyo pa ang eksenang ito, hahaha)

​"Congratulation, Ate!" sabay na bati nila ni Alora at niyakap ang pinsang si Rebecca.

​"Thank you," malapad ang ngiting sagot nito na yumakap din sa kanila.

​"Grabe ka Ate 'ah. Witness pa lahat ng tao sa proposal sa'yo ni soon-to-be-husband mo 'ah," nakangiting sambit ni Alora sa pinsan.

​"Oo nga ate, in fairness you surprised us, at ikaw na ang susunod na ikasal," kinikilig namang sambit niya.

​"Heh! Ikaw nga dyan 'eh, ginulat mo rin kami. May asawa ka na pala ng 'di mo man lang pinaalam sa amin na nagpakasal na pala kayo ng sekreto. 'Tsaka super yaman pa nang napangasawa mo 'ah. Imagine, asawa mo ang may-ari ng hotel na ito?" si Rebecca na mahina siyang kinurot sa tagiliran habang nakangiti.

Natawa naman ang kanyang kakambal na si Alora at napabaling dito ang pansin ng pinsang nilang si Rebecca.

​"Buti naman at in good terms na kayong dalawa," anito nang biglang lumungkot ang mukha ni Alora.

​Biglang may kung anong kumurot sa puso niya nang makita ang mukha ng kakambal.

Alam niyang nakokonsensya pa rin ito at sinisisi ang sarili kung bakit naghiwalay silang dalawa noon dahil kay Anthony. Sasagot sana siya nang biglang tinawag ni Carmilo ang kanyang pangalan kung kaya't naagaw ang kanilang atensyon dito. Tumabi sa kanya ang binata at yumakap sa kanyang baywang.

​"Ahm, may I excuse my wife for a while please?" nakangiting sambit nito.

Tumango naman sina Alora at Rebecca bilang pag sang-ayun 'tsaka siya sumama sa binata.

​Dinala siya nito sa isang sulok kung saan ay walang tao at iniaabot ang isang maliit na pulang box.

​"Ano 'to?" nagtatakang napaangat siya ng tingin dito na binuksan ang box.

​"Wedding ring, baka kasi mahalata ng pamilya mo na wala kang suot na wedding ring kaya bumili na ako."

​"Wow!" bulalas niya nang tumambad sa kanya ang pares nang kumikinang na gold wedding ring. Ang isang singsing ay merong nakapalamuting tatlong maliliit na diamante na nakahelira sa gitna. Samantalang plain naman ang isang singsing.

​"Ang mahal nito 'ah," aniyang kinuha ang isa, at kinuha naman ni Carmilo ang isang singsing. Akma sana nitong isuot sa daliri nito iyon nang pigilan niya.

​"Bakit?"

​"Akin na 'yan," aniya sabay kuha sa singsing na hawak nito at ibinigay dito ang singsing na para sa kanya.

​"Ako ang pasusuotin mo nito? Ano ako? Bakla?" agad na reklamo nito na ibinalik sa kanya ang gold wedding ring na may palamuting maliliit na diamante.

​Mahina siyang napatawa at hindi pinansin ang sinabi nito. Bagkos ay inabot niya ang isang kamay nito at kusang isinuot dito ang singsing na para sa binata.

​"Bagay sa'yo," nakangiting sambit niya na itinaas ang kamay nito. "Ikaw naman ang magsuot sa akin ng singsing na 'yan," dagdag pa niyang itinaas ang sariling kamay sa harapan nito.

​Napailing na lamang ito na nakangiting inabot ang malambot niyang kamay at isinuot ang singsing.

​"Bagay ba?" malawak ang ngiting tanong niya na sinisipat ang singsing sa kanyang daliri.

​"Lahat naman nang isusuot mo bagay sa'yo," si Carmilo.

​"Talaga?" natatawang tanong niya at sasagot pa sana ito nang marinig nila ang hiyawan sa lobby malapit sa entrance. "Andito na pala si Kuya Noel," pag-iiba na lamang niya na napalingong nang makita ang pinsang singer na sinusundan ng media at mga fans nito.

Kaya hinila na lamang niya ang binata para tumungo sa event hall ng hotel na pag mamay-ari nito.

"MAMA! Papa!" Masayang niyakap ni Izabelle ang magulang ng makasalubong nila sa pagpasok sa event hall. Mahigpit na niyakap siya ng kanyang Mama pati rin ng kanyang Papa. Nagkita na rin sila kanina sa Araneta pero hindi sila nag-usap dahil sa sobrang ingay sa loob ng Araneta.

Halos mangiyak-ngiyak na rin ang kanyang Mama nang kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

​"I miss you so much, hija. Bakit hindi ka man lang umuwi sa Iloilo para bisitahin ako?" nagtatampong tanong nito.

​"Sorry, Ma. Busy kasi ako kaya 'di na ako nakauwi ng Iloilo," napayukong sagot niya. "Anyway, Ma, Pa, meet my husband, Carmilo," dagdag niya nang mag-angat ng tingin sa magulang. Naipakilala na niya ito kanina pero hindi nga sila nakapag-usap nang maayos.

​"Nice to meet you, son." Nakipagkamay ang kanyang papa at niyakap ito. Ganoon din ang kanyang mama na sinabihan pa silang perfect sa isa't isa.

​"Tama nga ang sinabi ni Alora na napaka-gwapo ng asawa mo anak," ang kanyang mama.

"Dapat lang. Aba, maganda yata ang dalaga ko," natatawang sabad naman ng kanyang Papa.

Tumawa lamang ang binata at nagpapasalamat sa mainit na pagtanggap ng kanyang magulang dito. Ipinakilala din niya sa iba pa nilang kamag-anak ang binata at muling bumalik sa table ng kanyang magulang.

ALAS-dos na ng madaling araw natapos ang party ng pinsang singer ni Izabelle. Kaya mag-aalas tres na sila nakarating sa bahay ni Carmilo.

Sumama naman ang kanyang magulang kina Alora para doon tumuloy sa bahay ng kanyang kakambal at asawa nitong si Anthony. Kahit na inalok ang mga ito ng binata na sa hotel na matulog ngunit tumanggi ang kanyang magulang.

​"Carmilo.." mahinang tawag ni Izabelle.

​"Yes?"

​"Salamat nga pala sa pagsama mo sa akin. Hindi mo lang alam kung gaano kalaki ang naitulong mo sa akin sa harap ng pamilya ko," napangiti siya dito at napayuko.

​"Okay lang 'yun. No worries," nakangiti ring sagot ng binata. "Matulog ka na para makapagpahinga ka," dagdag pa nito.

Napangiting tumango siya at may gusto pa sanang sabihin dito pero nakahiyaan na niya. Kaya nagpasalamat na lamang siya ulit at pumasok sa nakalaang kwarto para sa kanya.

NAPABUNTONG-hiningang sinundan ni Carmilo nang tingin ang likod ng dalaga. Saka pa siya tumuloy sa kanyang kwarto nang tuluyang mawala ito sa kanyang paningin.

Pabagsak siyang nahiga sa kama nang makapasok sa sariling kwarto. Inilagay pa niya ang dalawang kamay sa ilalim ng kanyang ulo saka napabuntong-hininga.

​Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kanina nang umiyak si Izabelle habang kinakantahan ng pinsan nitong singer. At tulad nang dati ay parang sinusuntok ang kanyang puso pagnakikita niyang umiiyak ito.

Gusto niyang ikulong ito palagi sa kanyang bisig para pawiin lahat nang hinanakit nito. Gusto niya rin itong alagaan para hindi na muling masaktan pa. Dahil mas higit siyang nasasaktan 'pag nakikita niyang nasasaktan ito.

​Muli siyang napabuntong-hininga at napatayo. Humakbang siya papalapit sa veranda ng kanyang kwarto. Hinawi niya ang nakatakip na kurtina at binuksan ang glass sliding door. Sumalubong sa kanya ang malamig na simoy ng hangin nang lumabas siya at tumayo sa hindi kalakihang veranda ng kanyang kwarto.

Dito siya palaging nakatayo pag magulo ang kanyang utak. Tulad ngayon, nagugulohan siya sa kanyang nararamdaman para sa dalaga. Posible kayang napamahal na sa kanya si Izabelle?

He shook his head and took a deep breathe. Pinakiramdaman niya ang sarili. Oo, inaamin niyang naiinis siya sa dalaga kung minsan. Merong time pa ngang napupuno na siya dito dahil sa katigasan ng ulo nito. Pero isang ngiti lamang nito ay biglang nawala ang galit niya na tila bula. Ano ba ang meron sa dalaga na nagawa nitong lituhin ang kanyang utak?

Muli siyang napabuntong hininga habang nakatanaw sa kawalan.

Continue Reading

You'll Also Like

128K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
Mรญo By Yiling Laozu

General Fiction

84.8K 2.3K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mรญo, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
6.6M 135K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
118K 2K 22
They say that love could turn your life into new... They say that love can break you into pieces... They say that love will lead you back... And They...