Kwento ng Tao

By Jhairusman

15.5K 262 99

Ano ba ang mga dapat pag-daanan ng isang binatilyo upang maging matanda? Nasa edad nga ba ang katandaan? Nasa... More

Chapter 1: Nalilito Lapid
Chapter 2: Amoy kahapon
Chapter 3: Pangalawang dalawa
Chapter 4: JS like that
Chapter 5: Iniwang Ibon
Chapter 7: Jasminum Sambac
Chapter 8: Patay
Chapter 9: Walis walis lang iho
Chapter 10: Paalam
Chapter 11: Tinahing Bulaklak
Chapter 12: Zombies & Vampires
Chapter 13: Hindi Naintindihan
Chapter 14: Nakakatakot na Kabataan
Chapter 15: Lahat
Chapter 16: Kaarawan
Chapter 17: Pangalawang Ibon
Chapter 18: Umiwang Ibon
Chapter 19: Babae
Chapter 20: Gandang Lalake
Chapter 21: Salu-salo
Chapter 22: Kamusta ka, Kamiseta?
Chapter 23: Dalawang Pangalan
Chapter 24: Pera at Hiling

Chapter 6: Tropa ko si Rizal

382 11 3
By Jhairusman

Chapter 6: Tropa ko si Rizal

Dumating na si Sam sa bahay namin. Nakagreen sya na long-sleeve at maong na shorts, hindi sobrang ikli, maayos, karesperespeto. May dala s’yang isang box ng buko pie at bitbit nya rin ang kanyang kulay peach na leather bag. Hindi ko maintindihan kung bakit s’ya may dalang buko pie sa gantong oras, napaka-aga pa, alas ocho palang. Pinapasok ko siya sa bahay ko at sinara ko agad ang pinto’t binata. Ayokong makita ng mga kapitbahay namin na may dalawa akong dalaga dito sa loob ng bubong. Ano na lang ang iisipin nila. Magkatabi ang dalawa dun sa mahabang sofa at ako naman ay sa lapag lang nakaupo, yun lang kasi ang upuan namin. Nagsimula na ikwento ni Kamiseta ang mga nangyari kay Sam, agad bumuhos ang mga luha ng kaawa-awang babae. Sumensyas si Sam na umalis daw muna ako ng ilang minuto, napaka-ironic no? Pinapaalis ako sa sarili kong tahanan. Tumayo ako at lumabas muna, bigla akong inantok kasi wala pa akong tulog.

Pagkalabas ko, nakita ko agad ang mga naglalarong bata sa kaagahan ng Sabado. Nakakamiss, naalala ko yung kapatid kong babae, hanggang ngayon gusto ko paring maniwalang buhay pa sya. Bigla akong nalungkot, pitong taon ko lang s’ya nakasama. Sa totoo lang, hindi ko na tanda mukha nya. Hindi ko na tanda mukha ng pamilya ko, tatay ko, nanay ko. Ang tanging natira na lang sa ala-ala ko e yung tawa ng kapatid ko, yung boses nya, boses nyang nakakalambot ng puso. Matalino s’yang bata, magaling, medyo hirap nga lang sya sa pag-pronounce ng letter “s”. Ang wirdo e, hindi ko tanda ang mga mukha nila at kung anong nangyari bakit namatay sila pero nasa memorya ko parin ang huling birthday ng kapatid ko. Masayang masaya s’ya nun ng bigla nalang nagwala ang tatay ko, pagkatapos non, blackout na. Nakakalungkot na Sabado ng umaga. Napakasalungat sa panahon, nakangiti ang araw, naglalangoy ang mga ulap sa kulay dagat na langit at nagsasayawan ang mga ibon. Bakit kailangang masaktan ng tao, bakit kailangang malungkot? Para lumakas? Para madama ang tunay na kasiyahan? Bakit di nalang tayo pinanganak ng malakas kung ganon? Andaming tanong, napakdaming tanong, nakakalito.

Mga tatlompung minuto na ang nakakalipas, nagutom na naman ako. Bente pesos lang ang laman ng bulsa ko non, naalala ko yung iniwang ATM card sa akin ng Tita ko, i-check ko s’ya pag maayos na yung kaso ni Kamiseta. Anyway, napagdesisyunan ko munang kumain sandali sa karinderya ni Aling Pie (hindi sya kaano ano ni Tina Pie) at umorder ako ng isang lugaw with egg, napansin ko na sa lahat ng kinakainan ko na ganto ay lugaw with egg talaga ang tawag nila at hindi lugaw na may itlog, paastig pa. Pinakamasarap ang patis nila Aling Pie, pero hindi yung lugaw nila. Pag naglulugaw ako, isang kilong paminta ang nilalagay ko at hindi pumapalya itong palakihin ang mata ni Aling Pie. “Utoy, makakain mo ba’ga iyan?” sabi nya sa kanyang batanggenyo accent “Aba e pagkadaming paminta ‘eh! Ano ‘gang gusto mo, champurado?!”tumawa nalang ako at inubos ang lugaw. Nagbayad na ako at nagpasalamat kay Aling Pie at napagdesisyunan ko na bumalik sa bahay.

Pagkadating ko, nakita kong tulog na si Kamiseta sa hita ni Sam. Basang basa sa luha ni Kamiseta. Hinihimas himas nya si Kamiseta sa buhok, para silang magkapatid at mas mukha pang mas matanda si Sam, hindi sa masamang tanda ha, yung mabuting tanda. Mas mukha syang Ate.Pareho pa silang nakagreen, para talaga silang magkapatid. Nakatingin sakin ng masama si Sam.

“Ano?” sabi ko. Naiirita ako sa tingin nya e.

“Anong ginawa nyo kagabi?”

“Secret.”

“Anong ginawa mo sa kanya kagabi?!”

“Wala. Ano ba?” binuksan ko yung buko pie “Penge ha.”

“Sigurado ka ha” sabi nya ng masama paring tingin sa akin. “Sige kuha ka lang.”

Umupo ulit ako sa lapag.

“Wala pa ako naiisip na plano kung anong gagawin.” Biglang sabi ni Sam.

“Mahirap, may pera ang kalaban. Kaya gumamit ng kahit sino, kahit tatay nya nagamit.”

“Naisip ko na itago muna si Kamiseta. May alam akong pwedeng tirahan nya muna, or pwede rin s’ya sa amin.”

“Di pwede.” Sabay nguya ko ng buko pie “Di mo ba naisip na pwede ka makasuhan ng kidnapping non? Sabi ko sayo, may pera si Horse.”

“Eh ano ang gagawin natin?!”

“Teka, nagiisip ako. Kalma lang.” Sinabi ko yun pero hindi rin ako makakalma.

Unang pumasok sa utak ko syempre ay ang magsumbong sa pulis. Pero ano nga bang magagawa nun? Wala kaming ebidensya e. Iniisip ko rin kung anong pwedeng gawin sa tatay ni Kamiseta. Ang komplikado. Anak ng problema nga naman oo.

“Tulungan natin s’ya.” Naluluhang sabi ni Sam. “Basilio, sige na.”

“Wag kang iiyak hoy.” Sabi ko “maaayos din natin to. Di ko alam kung pano. Pero basta.”

Grabe. Wala talaga akong maisip. Totoo, wala akong maisip na paraan. Gusto ko lang gulpihin si Horse at ipahid ang utak nya sa tulay upang patibayin pa ito lalo. Grabe, wala ako maisip. Nakakainis tong gantong pakiramdam. Yung wala kang magawa. Gusto mong makatulong pero wala ka talagang magawa. Alam mong may magagawa ka pero hindi mo alam kung ano yon. Nakakabugnot ang mga ganong pakiramdam. Kelangan ko magka-ebidensya kay Red Horse. Ano bang pwedeng gawin.

“Wala tayong magagawa sa ngayon.” Sabi ko “Lumabas na lang kaya muna tayo?”

“Tingin mo? Nag-aalala ako e.”

“Alam ko hindi ako yung tipong nag-a-aya ng ganito pero tara na.” Sabi ko “alas nwebe pasado na, bukas na ang SM.”

“Basang basa ako ng luha ni Kamiseta.”

“Okay lang yan.”

“Hindi yun okay no. Bilisan mo maligo, daan tayo sa amin muna.” Sabi nya “ wala ring damit si Kamiseta, ako muna magpapahiram sa kanya.”

Naligo nanga ako at pagkatapos ng sampung minuto ay natapos na ako. Gising na si Kamiseta at Sam, nakita nila ako na tuwalya lang ang suot. Natawa naman sila at nahiya ako. Nalimutan ko talaga na nasa salas nga pala sila. Agad agad akong nagbihis. Sinuot ko na naman ang paborito kong Ryu t-shirt. Pantalon at sapatos. Suklay, sipilyo at ready to go nako. Mukhang naka-ayos narin sila. Lumabas na kami ng bahay at nilock koyung pinto. Dinala ko na rin yung ATM card ni Tita. Sumakay kami ng dalawang jeep bago makarating sa bahay nila Sam. Medyo malaki ang bahay nila. Hindi ko pa alam ang storya sa likod, kasi alam ko talaga na taga-benta lang s’ya ng sampaguita dati.

Normal naman ang bahay nila. Wala rin naman silang madaming maid pero may isa isalang kasambahay. Si Ate Eta. Umupo ako sa salas nila. Na-alala ko bigla na hindi ko pala nailagay sa ref yung binigay na buko pie ni Sam. Siguro nilalanggam na yon. Naligo na silang dalawa, dalawa yung CR, maganda sana kung isang CR lang sila at sabay pero, biro lang. Ang tagal nila maligo pareho, isa’t kalahating oras ata ako nakaupo dun sa salas nila at nanunuod lang ng TV. Pagkalabas nila ng kwarto, suot ni Kamiseta ay ang kulay pink na dress ata yun kung tawagin. Basta, tapos may herban sya, kung pano man yun i-spell. Si Sam naman ay nag-suot rin ng dress, kulay puti naman. Maaliwalas sila tignan pareho. Para silang magkapatid talaga. Nakakatuwa pero nakakalungkot. Naalala ko lang bigla ang nawala kong kapatid.

Nag-hintay kame ng bus papuntang Cubao. Hindi kami sa Cubao pupunta pero ayaw daw nila mag-jeep kasi mainit. Malamig sa bus at masarap umupo. Natural, dun kami sa tatluhan umupo. Ako sa bintana, si Kamiseta sa gitna at si Sam sa natitira. Nag-usap kaming tatlo na para bang napakaclose na namin sa isa’t isa. Biro lang, si Sam lang yung nagiimik. Madaming kwento si Sam at kami naman ay nakikinig lang ni Kamiseta. Kahit na hindi kami naimik masyado ay pinapakita naman namin na nasisiyahan kami sa kwento nya. Hindi ko alam na niligawan pala ni Million si Sam. Napatawa ako ng malakas sa bus non. Hindi naikwento sa akin ni Million yun. 3rd year daw kami non at mga September ang panahunan. Hindi daw pinayagan ni Sam si Million manligaw kasi nga may boyfriend sya non. Oo, yung walangyang yon. Pero nag-pumlit parin daw si Million sa gusto nya. Araw araw ay dinadalhan daw ng ulam si Sam, bulaklak daw at lahat. Natutuwa nga daw si Sam e, pero hindi daw talaga pwede dahil “taken” na daw si Sam. Mabuti namang daw tao si Million, medyo hindi nga lang malinis sa katawan. Andami nga daw pick-up lines non e. Meron daw yung ginamit nya pa daw yung mismong pangalan ni Sam. Sabi nya “Ang pangalan mo ay nararamdaman ko, dahil ikaw ang aking ina-aSAM.” Anak talaga ng inhinyero. Palakpak ako nun sa bus, nahiya ako pero natawa ako ng sobra. Hindi nya sinabi sa akin yon at kung sa akin man mangyari yun, na imposble, di ko rin sasabihin kahit kanino. Nakangiti rin ng madami si Kamiseta non. Sa ngayon, yun lang ang kaya naming gawin para sa kanya. Ang damayan sya.

Nagpahinga muna si Sam sa pagkuwento at natahimik kami ng ilang minuto sa bus.Sa mga minutong yon, nalungkot na naman ako. Naisip ko pa na malapit na kami mag-paalam sa isa’t isa. Parang gusto ko tuloy ulitin ang highschool. Kakausapin ko si Sam, si Kamiseta. Di ko alam kung bakit ba ngayon ko lang yun naisip. Nagisip nalang ako ng iba’t ibang bagay para maaliw ang utak ko. Inisip ko kung bakit walang nagtitinda ng kape sa bus, gusto ko talaga ng kape ngayon. Hindi ko alam kung ano ang meron sa kape. Sobrang sarap nya talaga. Ayoko ng may krema, nalabo mata ko pag may krema e, hindi ko rin alam kung bakit. Napatingin ako sa t-shirt kong si Ryu. Sana kasing tatag nya ako, antagal nyang tiniis ang satsui-no-hadou sa loob nya hangga’t maovercome nya yon. Gusto ko lang talaga makapagbato ng isang hadouken sa buhay ko bago ako mamatay. Andami ko pang naiisip, sila Rizal, kurtina, tape. Lahat. Bago kami dumating sa SM ay ang sakit na ng ulo ko kakaisip.

Pagkapasok namin ng mall ay agad akong nagutom sa amoy. Hindi ko alam sa inyo pero nagugutom ako sa amoy ng SM Department Store dito sa Calamba. Sinamahan ko yung dalawa na tumingin tingin ng damit. Bumili si Sam ng bagong dress na kulay itim, para daw maiba naman. Ibibili nya rin sana si Kamiseta, pero ayaw naman nya. Okay na daw yung pinahiram, cute daw. Cute nga. Pagkatapos non ay kumain kame. Libre ni Sam. Burger nalang kinain ko kasi busog ako. Kumain na ako ng kanin at itlog, lugaw at itlog at buko pie. Nag-libot libot lang kami sa mall, kumanta kami sa videoke. Magaling silang kumanta pareho, pinilit nila akong pakantahin. Kumanta naman ako, at napasarap din. Kumanta ako ng Across the Universe ng The Beatles, The Boxer ng Simon & Gafunkel at syempre Salamat ng the Dawn. Kumanta si Sam ng Real love ng The Beatles, My heart will go on ni Celine Dion at tawa ako ng tawa nung kumanta sya ng As long as you love me ng Backstreet Boys. As in tawa ako ng tawa kasi nasayaw sayaw pa sya. Si Kamiseta naman ay kumanta ng Masdan mo angKaligiran ng Asin, Anak ni Ka-Fredie at Tukso ni Eva Eugenio. Nagulat kami nung mga ganong kanta ang kinanta nya. Kakaiba.

Pagkatapos non ay nagdesisyon muna silang mag shopping ng underwears kaya hindi na ako sumama, pero medyo gusto ko kung tatanungin nyo ako. Nag-laro muna ako sa Tom’s World ng Street Fighter IV. Naiinis ako kasi Street Fighter IV parin ang meron sila dito. Ano ba Tom’s World. May Super Street Fighter Arace Edition ver. 2012 at Street Fighter IV palang kayo? 2008 payang lintek nayan. Pero hindi naman naging malaking bagay yon kasi talo na naman ang Ryu ko sa Fei-Long ng kalaban. Kainis, di na ako gumaling sa larong to. Nag-basketball nalang ako, yung coin-operated machine din na ishoo-shoot mo yung bola, alam nyo nayon. Tapos nung nag-sawa ako, naalala ko na yung ATM Card. Kaya pumunta ako sa may ATM machine at ayun, chincek ko kung magkano yon. Nagulat ako sa laman, kagulagulantang na 15,000 php! “Tangina” sabi ko. Tapos pumunta ako sa phone booth ng SM sa may CR. Agad kong idinial ang binigay na number ni Tita sa akin. Sumagot na sya.

“hello Tita?” sabi ko

“Oh, ikaw pala.” Sagot nya ng mahinang boses “ano problema?”

“Tita, ang laki nung pera! Grabe naman!”

“Oo, sayo yan. Gamitin mo sa pag-graduate mo.” sabi nya at inuubo ubo pa “o s’ya sige. May gagawin ako, magiingat ka dyan. Babalik ako pag okay na. Sige na.”

Binaba nya na yung telepono. Di parin ako makaget-over dun sa pera. Anlaki masyado non para sa taong tulad ko. San naman kaya nakuha ni Tita yon? Kinakabahan ako bigla. At bigla namang dating ng dalawang babaeng kasama ko. Nag-yaya sila na pumunta sa bahay ng tropa ko, si Rizal. Kaya ayun, nag tungo kami. Wala ng kabagobago don at kahit sila ay naboringan narin. Kaya umalis kami para maglakad-lakad nalang. Sabi ni Kamiseta ay gusto nya daw muna pumuntang simbahan upang magdasal, kaya pumunta kami. Nag-paiwan nalang ako sa labas ng simbahan, hindi ko trip magdasal. Mga ilang minuto ay lumabas na rin naman sila. Umiyak na naman siguro si Kamiseta habang nagdadasal. Siguro nga.Oo, atheist ako. Pero hindi ako bad atheist tulad ng iniisip nyo na sinasamba ko si Satanas at nang-gagahasa ako at tinatali ko ang mga babae. Hindi ako ganon. Hindi ako yung tipong sinisisi sa dyos yung lahat ng problema ko sa buhay. Pero di na mahalaga yon, lahat naman tayo may sariling paniniwala. At dahil don kaya di tayo magkasundo. Hapon na non, mga alas singko ng hapon, nagdesisyon na kaming umuwi. Nag-bus ulet kami pauwi at tulog ang dalawang magkapatid, oo para talaga silang magkapatid at si Sam pa yung ate. Ako naman ay inaantok pero hindi makatulog. Ewan ko ba. Parang gusto ko silang panuoring dalawa na magkapatong ang ulo’t tulog na tulog. Pagod na pagod sila siguro. Ilang beses ko ring nakitang nakangiti si Kamiseta. Sana naman nakatulong ang ginawa namin para sa kanya.

Dun kami bumaba sa bahay nila Sam. Nandun na yung Ate nya na galing sa school, pinakilala nya ako at ang pangalan nya ay Mela, Gumamela. Kamukha sya ni Sam, pero mas maganda si Sam para sa akin. Pero hindi ko alam sa inyo, baka mas matipuhan nyo si Mela. Mas matangkad sya ng onti kay Sam pero mas maliit ng onti sa akin. May taling sya sa baba ng kaliwang mata at maikli ang kanyang buhok. Nakakahiya man ay sumabak narin ako sa kanilang dinner. Ang sarap ng ulam nila, Kare kare at kare kare. Kare kare kare kare.Nagkwentuhan din kami. Sa Letran-Calamba pala napasok si Mela sa kursong Computer Engineering. Bihira lang ang babaeng Com Eng kaya bilib ako sa kanya. Tapos non ay inex-cuse nya ung sarili nya dahil madami pa daw s’yang gagawin. Bineso nya si Sam at Kamiseta, tapos ngiti lang sa akin, luge.

Pagkatapos non ay nagsabi na akong uuwi na ako. Pero nag-alala ako kay Kamiseta at Sam. Kung nagsumbong na ang tatay ni Kamiseta sa pulis. Malamang isa na sa mga unang suspek si Sam dahil malapit na kaibigan nya iyon. Kaya nagsuggest muna ako na sa-amin muna ulit matulog si Kamiseta, kung pwede. Pinaliwanag ko naman sa kanila yung naisip ko. Pumayag si Sam pero kailangan daw na kasama sya. Kung ayaw ko daw pumayag ay maghohotel nalang daw sila.

“Ano ba?” sabi ko “di ko naman gagalawin yan si Kamiseta. Pangako!”

“Alam ko.” Sabi nya “pero gusto ko rin s’yang protektahan no.”

“Ay nako” nayayamot na ako non.

“Sorry” naiiyak na si Kamiseta “Wag na kayo mag-away. Kasalanan ko naman to e.”

Tinignan ako ng masama ni Sam. Tapos niyakap nya si Kamiseta. Humarap sya sakin at sinabi ng pabulong “Ikaw kasi!”.

“Bakit ako?!” sabi yan ng mukha ko. “Oo na, tara na sa bahay!”

At nagtungo na nga kami pauwi. Pagkauwi namin. Nanuod lang ng onting T.V. at natulog na si Kamiseta. Kaming dalawa nalang ni Sam ang gising. Medyo nagkainisan talaga kami kanina.

Gusto ko na matulog pero hindi ako inaantok. Lintek na.

Continue Reading