say it again ... please?

By pawiee

38.5K 1.4K 284

Last year na nang high school para kay Pauline and almost 1 year na din syang naka get over sa break up nila... More

say it again ... please?
Chapter 1 - *first meeting*
Chapter 2 - *first conversation*
Chapter 3 - *kwek kwek*
Chapter 4 - *the genius*
Chapter 5 - *the evil plan*
Chapter 6 - *damage plans*
Chapter 7 - *selos*
Chapter 8 - *labs?*
Chapter 9 - *bestfriend advice*
Chapter 10 - *LABRAMONTE*
Chapter 11 - *my first heartbreak*
Chapter 12 - *kevin patrick allegre*
Chapter 13 - *sadness*
Chapter 14 - *kevin and pauline*
Chapter 15 - *mali ba to?*
Chapter 16 - *teddy bear & flowers*
Chapter 17 - *monthsary? date?*
Chapter 18 - *nothing on you*
Chapter 19 - *with just one smile*
Chapter 20 - *freshmen's night*
Chapter 21 - *what if*
Chapter 22 - *KISS*
Chapter 23 - *Pauline is jealous*
Chapter 24 - *the story of Andi*
Chapter 25 - *Mr. conservative and the bracelet*
Chapter 26 - *i don't want to fall*
Chapter 28 - *where to stand*
Chapter 29 - *what happen to us :(*
Chapter 30 - *happy ending*
Chapter 31 - *Hanna is back*
Chapter 32 - *Just trust me*
Chapter 33 - *please smile*
Chapter 34 - *Pauline or Hanna*
Chapter 35 - *kiss away those tears goodbye*
Chapter 36 - *just kiss me all my fears will say goodbye*
Chapter 37 - *happy day? Or sad day?*
Chapter 38 - *i know you better and i love you much better*
Chapter 39 - *bestfriend and girlfriend*
Chapter 40 - *misunderstanding*
Chapter 41 - *There would be no difference*
Chapter 42 - *Causing it*
Chapter 43- *She needed me the most*
Chapter 44 - *Date with the Lovers*
Chapter 44.5 - *Keeping it real*
Chapter 45 - *full of foul words*
Chapter 46 - *nine punishment*
Chapter 46.5 - *Nine punishment*
Chapter 47 - *-________________-*
Chapter 48 - *Timeline*
Chapter 49 - *give me this special day*
Chapter 50 - *Unexpected Coming*
Chapter 51 - *Give it*
Chapter 52 - *consequence*
Chapter 53 -*Between*

Chapter 27 - *sana ako na lang*

673 25 2
By pawiee

(AN: sorrry - sorry sa mga umasa sa update ko nung last saturday and friday sobrang busy kase nag aadjust pa sa college life so sorry talaga ...

di bale bumawi naman ako dito sa UD kong to medyo mahaba pang 2 chapters so eto na enjoy!!

VOTE.COMMENT)

------------------------------------------

Chapter 27 

*sana ako na lang*

Ren's pov

Tokwa lang mukhang bibig ng Mom ni Pauline si Gab ganon ba sila kaclose ng family nya Tss pag naman ako nandoon sa kanila hindi sila ganyan.

anak ng pusa!

Pumasok muna akong comfort room tinignan ko itsura ko sa salamin "psh mas gwapo naman ako kay Gab" inayos ko lang yung buhok ko at lumabas na ko sa comfort room.

Paglabas ko may narinig akong boses ng lalake malamang si Gab yun psh yun lang naman ang lamang nya magaling syang kumanta.

Maya-maya babae naman narinig kong kumakanta parang si Pauline pagtingin ko sa stage ayun kumakanta yung dalawa nag titinginan pa.

Naupo na ko sa table namen lahat naman sila nakatingin saken "what?" tingin tingin pa.

Ayoko tumingin sa stage pero napapatingin talaga ako.

Veda: "diba yung song na yan lage nila kinakanta together sa music room?"

Andi: "yeah, tanda ko pa nung nagbreak sila ni Gab ayaw na ayaw pumunta ni Pauline sa music room"

ganon ba kalakas impact ni Gab kay Pauline ngayon ko lang narealize hindi namen napag-uusapan yung tungkol sa kanilang dalawa ni Gab kahit lage kameng magkasama.

Ewan ba natatakot lang siguro ako sa mga malalaman ko at dapat nga ba pag-usapan.

Umalis na ko at nagpunta sa may bar ng hotel buti at pinapasok ako hindi naman kase ako mukhang high school student.

"One blue valium please" nakakabadtrip lang oo gusto ko si Pauline pero ganto na ba kalalim yung pagkagusto ko sakanya at nagkakaganto ako.

"Hey couz" at naupo na sa tabe ko "finally i found you" eh bakit hinahanap ako ng pinsan ko "kanina pa ko paikot-ikot kakahanap sayo"

"One more blue valium" hindi ko sya pinansin at uminom ulit.

"hoi anong problema mo couz? Bigla bigla ka na lang lumayas sa party tapos nagdabog ka pa"

"what? Anong nagdabog?" hindi naman ako nagdadabog.

"oo kaya, tapos makikita kita dito nagpapakalasing" ano naman kumanta sya ng kumanta don.

"hindi ako nagpapakalasing bakit mo ba ko hinahanap?"

"a-wala hinahanap ka kase ni Pao" hinahanap eh todo titig nga sya kay Matt at Gab peste lang "selos ka ano" hanep ganon na ba ka obvious

"eh nagseselos ... Ang pinsan ko nagseselos hahahaha" tapos nagbebelat-belat lang sya don.

"tigilan mo nga ako" feeling ko namumula na ko. Tumigil naman sya at naupo na ng maayos "couz kwentuhan mo nga ako tungkol kay Kath and Gab"

"Well, Gab was the first love of Pauline" kaya pala ang laki ng puwang nya kay Kathleen "dahil sa pagkanta kanta kaya sila na develop at ang madalas nilang gawin ay ang kumanta lalo na sa music room madalas sila don. Yung kinanta nila kanina yun ang kaisa-isang kantang kaya tugtugin ni Pauline sa guitar yun lang kase ang madalas ituro ni Gab kay Pao"

psh ang panget naman nung kanta "madalas ang barkada kantahan ang libangan kaya nung nagbreak sila ni Gab naging tahimik kame oo masaya kame pero hindi tulad ng date, si Pauline tinigilan na nya lahat ng may kaugnayan sa music, pagpipiano, pakanta, pagguitar at lalo na pagpunta sa music room ayaw na ayaw nya nun. Kahit mga activities sa school hindi sya sumasali"

Ano bang ginawa ni Gab at nagkaganyan si Pauline "im glad nakilala ka nya Couz" tumingin naman saken ng seryoso si Veda

"unti-unti bumabalik ang masayahing Pauline Kathleen Montenegro"

anong ibig nyang sabihin "unti-unti sumasaya sya dahil sayo"

Bakit ako? Eh parang walang kainteres-interes sakin si Pauline feeling ko nga ang tingin nya saken ay isang nakakatandang kapatid.

Gusto ko tanungin si Veda kung bakit naghiwalay si Pauline and Gab pero ayaw bumuka ng bibig ko para magsalita.

Ang sakit lang sa dibdib sana date pa ko dumating sa buhay ni Pauline eh di sana hindi nya naranasan lahat ng yan kay Gab.

Sana nung mga panahong malungkot sya nandon ako para punasan ang luha nya at pasayahin sya.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko "ikaw couz napapasaya kaba ni Pauline?"

"yeah, she's making me happy unintentionally" ngumiti naman ng napakalaki si Veda.

"Couz payo lang medyo manhid yang si Pauline kaya paki tulak ha"

Natawa naman ako tama si Veda malaking manhid yang si Pauline sa ibang tao ang hilig-hilig nya makisali sa gulo pero sa sarili nya hindi nya maayos-ayos problema niya.

Bumalik na kame ni Veda sa venue ng party tokwa lang parang gumugulong na bola sa ulo ko yung mga sinabe ni Veda

"unti-unti sumasaya sya dahil sayo"

para akong babaeng kinikilig. Hinahanap ko si Pauline pero teka nawawala sila pati si Matt nawawala nagantay lang ako don pero nababanas na talaga ako akala ko ba ako hinahanap nya.

Maya-maya nakita ko na sya bigla naman lumapit sakanya sila Kevin and Veda balisa yung dalawa tinitigan ko lang sila ang bilis ng bibig ni Veda magsalita si Kevin naman nakikinig lang sa tabe maya-maya hinawakan naman ni Pauline yung balikat ni Veda at ngumiti, yung ngiting assurance.

Hindi na ko nakatiis nilapitan ko sya at hinatak palayo, malayong-malayo yung kameng dalawa lang ang tao.

Pauline's pov

nagulat ako biglang may humatak sa kamay ko si Ren grabe lang ang higpit nang hawak nya saken trip na naman nyang manghatak ang pinagtataka ko hindi ako umaangal na hatakin nya ko gantong-ganto sya nung halos 1 week nya kong hindi kinausap.

Bago ko pa malimutan naihagis ko na kay Veda yung bag ko kase nandon yung card nang hotel kundi magdamag sila Andi magkasama don kung nagkataon.

Bigla naman dumating yung kotse nila Ren ang galing naman ni manong.

"Give me the keys" sabe ni Ren sa driver nya na full authority yung boses.

"pero Sir baka po pagalitan ako ni Madam" natatawa ako dito kay Manong umaapela pa ibibigay din pala yung susi.

Alam nyo naman si Ren may sa halimaw.

Binuksan nya yung pinto ng shotgun seat "dyan ako sasakay?"

"subukan mo sa gulong" =_= aba nangbabara ang mokong. Sumakay naman sya sa driver's seat.

"ikaw mag dridrive?"

"hindi si manong magdridrive nakita ng nakasakay ako dito malamang ako nagdridrive Tss." aba sira ulo to ah.

*POOOOK* batukan ko nga

"aray ano ba!"

"isa pang pambabara mo" banta ko sakanya tumahimik na lang sya at hindi na ko kinausap nagsimula na din syang magdrive kinapa kapa ko yung tagiliran ko ang shonga ko lang naka gown tapos may bulsa -_-

hinahanap ko yung cellphone ko para makapaglaro akong Temple run naalala ko inihagis ko nga pala kay Veda boplox lang.

"pst Ren" kinalabit ko sya

"what?" ang sunget naman

"Can i borrow your phone?" inabot naman nya saken at naglaro na ko ng Temple Run enjoy na enjoy lang Hahaha.

"Oi ... Oi yung unggoy kyaaahhh!! ... Hinahabol ako ng unggoy kyaaahh!!" paulit ulit lang yan ang sinasabe ko

"wag ka ngang maingay" psh! Ano naman kinalaman sa pagdridrive nya nakakaapekto ba!

*toot toot*

"ano bayan lobat na phone mo nag-eenjoy na ko eh" tapos nag crossed arms ako pero hindi ako pinansin ni Ren "san ba tayo pupunta?"

"buti naman at tinanong mo nayan kanina kapa dyan nakaupo ngayon mo lang naisip tanungin eng-eng ka talaga" aba! Abnormal pala to eh sa ngayon ko lang naisip itanong

"eh pake mo saan nga tayo pupunta? Bumalik din tayo don baka magalit saken sila Mom at naiwan ko pa sila Matt" bigla naman nya tinigil yung sasakyan

"muka kang Matt, hindi na tayo babalik don" Ehhh!? Bakit topak to.

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEPP.BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPP*

Wagas naman maka busina parang tanga kase tong si Ren bigla-bigla tumigil. Maya-maya pinaandar na nya ulit.

Nakaka bingi ang katahimikan hindi ako sanay san kaya kame pupunta nitong topak na to.

Napipikit na ko inaantok na ko ... Pipikit na talaga ... Ayan na ... Ayan na.

"Nandito na tayo" halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng marinig ko si Ren magsalita.

"naman eh!" inaantok na talaga ako bigla naman lumapit saken si Ren sobrang lapit nararamdaman ko na yung paghinga nya sa mukha ko amoy na amoy ko na din yung Lacoste nyang pabango at pabilis ng bilis yung tibok ng puso ko napapikit na lang ako.

Naramdaman ko na lang ang hangin na at wala na din si Ren sa harapan ko binuksan ko mga mata ko at pusang gala lang binuksan lang pala nya yung bintana ng kotse.

Kyaaaah! Nakakahiya sinisilip ko yung mukha nya grabe lang pagpipigil nya ng tawa pde naman nyang sabihing buksan yung bintana ang assuming ko kase.

Lumabas na ko ng kotse grabe lang pagkapahiya ko kanina Arrggg! Pinagtritripan nanaman kase ako nitong topak na to.

Nakatayo lang ako don ng mapansin ko nasa over-looking pala kame ang daming ilaw at sobrang lakas ng hangin ang sarap lang pagmasdan.

"It’s beautiful" pagharap ko sa kanya ang lapit na naman ng mukha nya saken grabe nakakamatay yung titig nya

"HA!?"

"the view, the view its beautiful" umiwas ng tingin kailangan inuulit?

Tahimik lang kame lalo naman akong inaantok sobrang lakas kase ng hangin nilalamig na ko.

"nilalamig ka ba?" sa wakas napansin din nya akala ko manhid na at hindi gentleman.

Nagnod lang ako bigla naman sya tumalikod akala ko ibibigay nya saken yung coad nya pero iba, iba ang ginawa nya.

Binackhug nya ko sa sobrang gulat ko hindi na ko makagalaw feeling ko buong katawan ko nanlalambot na once bitiwan nya ko babagsak na lang ako basta "O_O Ren"

"diba nilalamig ka? If i gave my coat to you lalamigin din ako eh kapag ganto parehas tayong hindi lalamigin"

Namula naman ako bigla ang sarap sa feeling parang protektadong protektado ako.

"i miss you" lalo naman humigpit yung pagkakayakap nya saken kumakawala ako sa pag kakahug nya kase gusto ko humarap sakanya pero ang lakas nya

"ganto muna tayo please" kapag nagsasabe sya ng please feeling ko ako ang pinaka importanteng tao sa mundo para sakanya.

Halos sumabog yung puso ko sa kilig.

Sana tumigil ang mundo sana ganto lang tayo gustong-gusto ko na ipagsigawang gusto kita, gustong gusto na kita angkinin Ren sana nauna mo kong nakilala kaysa kay Hanna.

Hindi ko namalayan pumapatak na pala mga luha ko sana laging ganto nakatalikod ako sayo para hindi mo makita kung gano ako nasasaktan nadudurog ang puso ko gusto kong lumayo Ren gustong gusto ko lumayo kasama ka.

Sana ako na lang

Sana ako na lang

Ren's pov

Nakayakap parin ako sakanya ano ba to sobrang namiss ko kase sya kahit ilang araw ko pa lang syang hindi nakakausap ng matino sobrang namimiss ko na sya.

Kanina kung ano anong dinahilan ko para mayakap ko sya ang sarap lang sa pakiramdam ng ganto sana forever kameng magkayakap hinding hindi ko sya bibitawan.

Siguro iniisip nyo duwag ako oo tama kayo pde ko namang hiwalayan si Hanna at maging kame ni Pauline pero hindi ko magawa hindi kay Hanna sobrang importante nya saken hindi ko kayang irisk si Hanna dahil lang sa one sided kong pagtingin kay Pauline.

Naputol ang pag iisip ko ng mapansin ko parang umiiyak si Pauline humihikbi sya ng mahina ramdam ko yun dahil nakayakap parin ako sa kanya.

Pilit ko syang hinaharap saken pero tinatago nya yung mukha nya bakit sya umiiyak.

"Kath are you crying?" tanong kong puno ng pag-aalala.

"hindi napuwing lang ako ang lakas kase ng hangin" pinunasan na nya yung luha nyag.

Halfhearted kong tinanggap lahat ng sinabe nya bigla namang tumunog yung cellphone ko

Veda calling...

Ayoko sanang sagutin dahil hindi pa kame tapos magusap ni Pauline.

"bakit ayaw mo sagutin?" inagaw naman nya bigla yung cellphone ko

"si Veda pala" sinagot na nya

"Veds si Pauline to ... Oo kasama ko sya" nilayo naman nya sa tenga nya yung phone "hello Veda, oy hello"

tinignan nya ulit yung phone "Tss namatay phone mo" inabot na nya yung phone saken "tara na balik na tayo don"

Sumakay na kame sa kotse ayaw ko pa sangang iuwi si Pauline pero kailangan baka magalit parents nya saken.

Nagstart na yung engine patatakbuhin ko na sana bigla naman namatay inistart ko ulit ayaw na tokwa lang wala na palang gas.

"may problema ba Ren" tokwa lang talaga nakikisama saken ang pagkakataon.

"nawalan ng gas"

"o_o WHAAT thee!?? Ano na gagawin naten? Mapapagalitan ako nila Mom and Dad! Nasan cellphone mo tumawag ka tulong" ang bilis magsalita ni Pauline.

"deadbat" takte panong gagawin ko ala nga namang hanggang umaga kame dito wala na ding mga tindahan ang bukas para makitawag pass 12 na kase.

Naman eh ang sabe ko ayaw ko pa iuwi si Pauline hindi ko naman sinabing wag na kameng umuwi.

"ANO NA GAGAWIN NATEN? HOI REN ANO NA? REN ANO BA?! ANO NA GAGAWIN!? REEEEEN!!"

Natutulig na ko kay Pauline paulit-ulit nang sinasabe hindi pa mapakali.

"We don't have any other choice dito lang tayo until may mabukas na malapit na tindahan"

Nanahimik naman sya napag-isip isip na nya sigurong wala kameng magagawa.

Kase naman mga babae nauuna dakdak bago mag isip.

"YAAAAWWWNN -o-" napatingin kame sa isa't isa sabay pa kame humikap grabe naman kase alas dos na ng umaga.

Binaba lang namen yung mga upuan at nagsimula nang matulog ewan ko pero parang bawat sulok nitong kotse may awkwardness akong nararamdaman hindi naman kame ganto ni Pauline usually ang ingay ingay nameng dalawa.

At syempre ang dakilang babae tulog na pde na syang isali sa olympics 'Paunahang matulog' champion to kinumutan ko lang sya ng coat ko at hininaan ko yung aircon lamigin kase si Pauline.

Pinikit ko yung mga mata ko pero hindi ako matulog iniisip ko si Hanna ano nabang nararamdaman ko para sakanya?.

Hindi na kame masyado nag-uusap kapag naman mag uusap kame wala ako masabe sa kanya hindi kame ganto date nung nasa California pa kame.

Marami nagkakandarapa kay Hanna na mga lalake pero ako ginagago ko lang sya oo mahal ko siya bilang bestfriend akala ko kase sapat na yun para mapasaya ko sya malay ko bang may makikilala akong nilalang na tulad ni Pauline.

Sobrang laki ng pasasalamat ko sakanya niligtas nya ko sa kalungkutan nung mga times na problemado ako sa parents ko kapag may away sa bahay pinupuntahan nya ko at dadalhin sa masasayang lugar kahit papano nalilimutan ko ang problema kahit saglit.

Hindi nya ko iniwan lage syang ganyan para saken akala ko kame na talaga para sa isa't isa hindi ko akalain may mas hihigit pa sa nararamdaman ko para sakanya.

"Ren tulog kanaba?” Naputol ang pag-iisi ko ng marinig ko magsalita si Pauline nakapikit pa rin ako kunware tulog na ko

“Ren diba matalino ka naman paki explain naman tong nararamdaman ko sayo” anong sinasabe ni Pauline yung huling sinabe nya ang nagpa skip ng beat ng puso ko

“Sana ako na lang” sobrang hina pero tama lang para marinig ko.

Parang permanent marker na nakasulat sa utak ko yung sinabe ni Pauline “sana ako na lang” anong ibig sabihin may nararamdaman na sya saken hindi ko naman pdeng ipursue yung status namen ngayon.

Siopao lang ang hirap ng ganto sana dalawa ang puso ko :3

Continue Reading

You'll Also Like

14.5M 748K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
114K 6.5K 21
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
447K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022