Steal You (YouSeries #1)

By Thirteenth_Daughter

15.6K 301 16

I am the most famous and highest paid model of Victoria Secret. A woman of class, beauty and intelligence. I... More

Intro
1 - Vienna Jackson
2 - Reception
3 - Thick Faced
4 - Site
5 - Legally
6 - Reality
7 - TimeZero
8 - Business Proposal
9 - Gym
10 - Birthday
11 - Mindlessly
12 - Annoyingly
13 - La Isla
14 - Sea Urchin
15 - Closer
16 - Drunk
17 - You and I
19 - The End
20 - Trace Villas
21 - There
22 - Airplane
23 - Abroad
24 - Paris
25 - The Past Had Passed
26 - Party
27 - Catch Up
28 - Coffee
29 - Orphanage
30 - Late Night
31 - Early Morning
32 - Dense
33 - Miami
34 - Work
35 - Apologize
36 - The Ring
37 - Rumors
38 - Photoshoot
38.2 - Photoshoot
39 - Intruder
40 - Issue
41 - Fight
42 - Bliss
43 - Disappearance
44 - Where It Ended
45 - Gathering
46 - After
47 - Birthday
48 - Say My Name
Epilogue
You Series

18 - Revelation

300 5 1
By Thirteenth_Daughter

Alas dose ng hapon kami nagising ni Brent at sobrang kalat ng bahay nya. Hindi nahugasan ang mga dishes kagabi, nagkalat ang feathers ng mga unan at natumba ang single chair. May mga gamit ding nahulog at nabasag.

"Oh, god. Ang kalat." Bumangon ako at hinampas ang tiyan ni Brent para bumangon din sya.

Nagsimula kami sa mga natumbang gamit. Niligpit ko rin ang mga kalat sa kwarto nya at pinulot ang mga feathers.

Tinatawanan namin ang mga kalat na ginawa namin dahil kagabi. Parang dinaanan ng bagyo ang condo!

Habang naghuhugas ako ay narinig kong bumukas ang pintuan kaya lumingon ako "Brent, tapos ka na sa mga basag?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Akala ko si Brent, pero nang makita si Auntie at Jonnah sa pintuan ay nawala ang ngiti ko. Napalitan ng sobrang kaba ang puso ko na nagsimula akong manlamig at manginig.

Bakit sila nandito? Nasaan si Brent?

Anong sasabihin ko kung bakit ako nandito? Na naglinis lang ng bahay nya? Na nakitulog? Nakikain?

"Jon. . . " Yun lang ang lumabas sa bibig ko.

"Anong ginagawa mo dito, Vienna?" May diin sa pagkakasabi nya. Nakakuyom din ang kamay nyang nasa magkabilang gilid.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam ang sasabihin or irarason ko. Bakit nga ba ako nandito? Kasi tinawagan ako ni Brent para puntahan sya imbes na si Jonnah ang pinapunta nya?

Nang hindi ako sumagot ay kinuha nya ang damit na nasa kamay ni Auntie. Damit ko iyon na naiwan nung pumunta ako dito kay Brent at may nangyari sa aming dalawa.

Napapikit pikit ako at nagsimulang magluha ang mga mata. Wala mang may nagkumpirma ay pareho na silang may ideya sa mga nangyayari.

"What the fuck, Vienna?" Yun ang lumabas sa bibig ni Jonnah matapos maproseso ang lahat.

Nanatili akong tuod na nakatayo sa gilid sink habang pinapanuod ang reaksyon nila. Umiling si tita na parang disappointed sya sa akin ngunit halata din ang disgutso sa mukha.

Si Jonnah naman ay namula ang mukha, siguro sa galit or pagpipigil ng luha. Siguro both. Humigpit ang hawak nya sa telang hawak habang nanginginig ang mga kamay.

Ramdam na ramdam ko ang galit nya kahit ilang metro ang layo nya sa akin. Ramdam ko ang sari saring emosyon na sobrang nagpakaba sa akin.

Galit ba sya? Sobra.

"You are so disgusting!" Dinuro nya ako. "I knew something was fucking up with you two! "

Naisip ko si Trace, sinabi kaya nya? Nagbigay ba sya ng hint? Wala namang ibang nakakaalam tungkol samin ni Brent kundi siya lang.

Dahil sa sinabi nya ay nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Disgusting? Alam ko. Hindi yun kailanman nawala sa isip ko.

"You. . ." Nanginginig ang mga kamay na dinuro nya ako, "disgusting rat! Bestfriend kita! Wala kang utang na loob!"

"I was there with you the whole time you needed someone! Oh my god, di ko inaakalang manunulot ka sa akin! I trusted you because you are my bestfriend! Pero ano to?! What the fuck are you doing?!"

"This is horrible, Vienna! I can't. . . I swear to God I want to slap you!"

"Wala ka bang respeto? Sa akin at sa sarili mo? Wala ka bang kahihiyan? Wala ka bang isip? Sa lahat ng pwede mong sulutin, yung boyfriend ko pa! "

"Malandi ka! Ever since we were young, malandi ka na! Kaya mo nga pinili magmodel ng nakatwo piece lang, diba!"

"How can you do this to me, huh? I treated you like my own sister!"

Tuluyan na syang humagulgul. Sa lahat ng sinumbat sa akin ay nakayuko ko iyong tinanggap. Hindi ako nanlaban, or nanumbat din. Pinakinggan ko lang lahat ng masasakit na salitang sinabi nya.

Totoo naman, e. Malandi ako, dahil sinulot ko si Brent kahit alam kong sila na. Sinulot ko sya kasi naiinggit ako, kasi hindi ko kayang maging masaya para sa kanila.

Sorrysorrysorrysorrysorry

Paulit ulit iyon sa utak ko pero hindi ko naisatinig. Sobra pa sa pagiging magbestfriend ang turingan namin, kung may label pang sobra sa magkapatid ay ganun kami kung itawag. Sa higit dekada naming magkasamang lumaki, siguro di nya ineexpect to.

"I hate you! Bakit si Brent pa?!"

"I love him."

Natigil ang pagiyak nya sa sinabi ko. Mahal ko si Brent kaya nagtitiis ako sa mga masasakit na salitang sinabi nya. Mahal ko si Brent kaya pinili ko maging kabit!

"What are you talking about, hija? You love him? This is ridiculous! May girlfriend yung tao!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Auntie.

Si Auntie ang naging nanay ko sa panahong wala si Mamá at Papá. Sya ang nagalaga sa akin. Sya ang pumalit sa posisyon ng parents ko.

Kaya feeling ko pati ang pamilya ko sinasaktan ko.

"Auntie. . . Dati palang mahal ko na sya, college pa lang pinapangarap ko na si Brent. "

Tumawa ng pagak si Jonnah, "Inggitera ka talaga. "

"Hindi mo ba kaya maging masaya para sa kanila? Hindi mo ba sinubukan magmove on?"

"Auntie..! Mahirap po! "

"Hindi yun magiging Mahirap kung sinubukan mo, Vienna!" Sigaw ni Jonnah.

"Edi, subukan mo, Jonnah! Hindi mo alam kung paano ako nasaktan nun! Kasi kahit ikaw walang pakealam sa nararamdaman ko para sa kanya! "

"Maswerte ka dahil sayo sya napunta, samantalang ako nanatiling kabit at sideline lang! Pampalipas oras at libog nya lang! "

Dahil sa nasabi ko ay may nabuong imahe sa utak nya dahilan ng pagsugod nya sa akin at marahas na paghila ng buhok ko. Agad akong napa aray sa sakit.

Sinabubutan at hinila nya ang buhok ko sa kung saang direksyon at walang ibang ginawa si Auntie kundi tingnan lang kami.

"Wh-what--! Jonnah! Vienna!" Nagmamadaling pumunta si Brent sa amin at pinigilan kami. Nakatowel lang sya at halatang katatapos lang maligo.

Sinampal ako ng malakas ni Jonnah at natamaan ang mata ko. Kinapa ko ito kaya nagkaroon ng pagkakataon si Jonnah na puruhan ako sa mga sampal at suntok nya. Umabot kami sa sahig sa sobrang pagaaway.

"Tama na!" Sumigaw si Brent at niyakap si Jonnah palayo.

Agad namang syang nasampal ni Jonnah sa mukha, "hayop ka! Manloloko!" At magkabilaan itong sinampal sampal.

Naluluha ang mga mata ko dahil natamaan ni Jonnah kanina kaya kahit nananakit ang braso ko sa mga kalmot ay tumayo ako.

"Wala na bang paglalagyan yang kalibugan mo, tangina ka!" Sinipa nya si Brent.

"I'm sorry." Sinubukang hawakan ni Brent si Jonnah pero pumipiksi sya na parang nandidiri, "Hindi ko sinasadya."

Number one common line ng mga lalake kapag nahuli. Hindi raw sinasadya. So yung pitong buwang relasyon namin ay hindi sinasadya?

Napatawa ako ng mahina.

"Mahal mo ba talaga ako?" Humihikbi nyang sambit at pilit na binabawi ang braso, "Kung mahal mo ako hindi ka bibigay sa isang katulad nyang paghuhubad ang alam!

Muli, ay nasaktan nanaman ako sa sinabi ni Jonnah. Kung sa ibang tao pa nanggaling ay matatanggap at makakaya ko pa, pero si Jonnah na ang nagsabi sa harap ko.

Ibang sakit yun.

"Alam ko. I'm sorry, please. Hindi na mauulit." Niyakap nya ito.

Napaluha ako sa nakita. Ano bang ineexpect ko? Na ipaglalaban nya ako? Na ako ang kakampihan nya? Sa huli pala, kay Jonnah parin ang bagsak nya. Kumbaga, pagsubok lang ako sa relasyon nila.

Ang tanga tanga ko talaga.

"Hindi, Brent. Hindi na mauulit, kasi ayoko na."

Nagangat ako ng tingin.

Halata ang gulat sa mga mata naming tatlo na nanonood. Umawang ang bibig ni Brent na parang hindi makapaniwala sa narinig, "A-ano?"

"Narinig mo ako, ayoko na. "

"N-no."

"Anong no?! Anong no, ha?! Pinapalaya na kita para magsama na kayong dalawa. Diba gusto mo yan?!"

"Jonnah pakinggan mo naman ako, please! H-hindi ko sya gusto! Naaawa lang ako sa kanya!"

Ouch.

Gusto kong isigaw na hindi ko kailangan ng awa nya. Pero ano ba naman yan, sinisigaw ng isip ko na at least may nararamdaman sya sa akin. Kung hindi dahil sa awa nya, hindi sya magiging akin.

Siguro nga kaya ganun ang trato nya sa akin, hot and cold. Parang walang boyfriend, kasi wala naman syang pakealan sa ginagawa ko dahil awa lang ang nararamdaman nya.

"Wala akong pake. Ayoko na marinig ang explanation mo. Tapos na tayo, Brent."

"Babe--! Please wag!" Pagsusumamo ni Brent.

"Magsama kayong dalawa ng kabit mo! Pareho kayong dalawa, mga basura! Wala na kayong lugar sa buhay ko!"

"Gagawin ko ang lahat, please! Hear me out! Magbabago ako para sa'yo, Jonnah! I promise that. Wag mo lang akong iwan please."

Pagod na tumingin si Jonnah kay Brent, "You should have thought about changing before I caught you bedding my best friend." Bumalik ang tingin niya sa'kin, "Please lang, wag na kayong magpakita sa'kin."

"I'm sorry." I croaked.

"Are you happy, huh? Magkakatuluyan na kayong dalawa!" Hinakawan ni Auntie ang balikat niya at pinapakalma siya, "I can't believe... of all people. Ikaw pa?" Suminghal siya.

Hinablot nya ang braso mula kay Brent at umalis. Sumunod naman sa kanya si Auntie. Naiwan kaming dalawa ni Brent sa kusina habang humihinga ng malalim at nakayuko.

So what now?

Humarap ako sa sink at sinimulang hugasan ang sugat sa braso. Naginit nanaman ang mga mata ko.

Alam na nila, siguro wala na rin kami ni Brent. Kasi klaro na sa akin na hindi nya talaga ako mahal, e. At napapagod na rin ako ipilit ang sarili ko sa kanya.

May lumabas na hikbi sa bibig ko, hanggang sa naging hagulgol iyon. Tumulo ang luha sa sink at humalo sa dugo na mula sa sugat ko.

Ano ng gagawin ko? Wala na si Brent, wala na rin si Jonnah. Sino nalang ang meron ako ngayon? Sino nalang ang pupuntahan ko ngayon?

Wala.

Dahil sa kagagahan na ginawa ko, walang natira sa akin kahit na sarili ko.

Mygod, ano ba tong pinasok ko. Na foresee ko naman na sobrang lala ng magiging karma ko, pero hindi ko naforesee ang sobrang sakit na mararamdaman ko. Akala ko kaya ng dibdib ko, akala ko ang iisipin ko lang ay ang paghihiwalay namin ni Brent.

Kaso hindi.

Sobrang sakit. Kasi nawalan ako ng dalawang bestfriend, ng mga taong importante sa akin. Ano nalang ang iisipin at sasabihin nila Myra? Nandidiri rin kaya sila sa akin? Ayaw na kaya nila sa akin?

Siguro.

Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila.

At siguro hindi na rin nila ako tatanggapin bilang kaibigan. Sobrang pagtataksil ang ginawa ko, e. At hindi lang naman kami ni Jonnah ang madadamay, kundi kaming lahat.

Tumunog ang cellphone ko. Mga text messages.

Myra: Ano tong nalaman ko, Vienna! You better explain this issue ASAP!

Raffy: Vienna, anong ginawa mo?!

Fred: Shit. That's bad, Vienna. You should apologize.

Trace: Are you okay?

Oh, fuck.

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
348K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
1.1K 55 30
CAGAYAN SERIES #1 Karissa Maeve Mazekeen Ramos Gonzales ________________________________ DATE STARTED: February 22, 2022 DATE FINISHED:
368K 6.3K 56
Naheartbroken. Nagtravel. Nagmahal