Kuya

By JustPlainlyMe

4.8M 40.5K 8.8K

Puro ka kuya. Lagi ka na lang kuya. More

Kuya
take one (andrew)
take two (andrew)
take three (andrew)
take four (andrew)
take five (andrew)
take six (juniper)
take seven
take eight
take nine
take ten
take eleven
take twelve (juniper)
take thirteen
take fourteen
take fifteen
take sixteen
take seventeen
take nineteen
take twenty
Take Twenty One
take twenty two
take twenty three
take twenty four
take twenty five
take twenty six
take twenty seven
take twenty eight
take twenty nine
take thirty (last chapter)
extra
A writer's thank you note.
Announcement!
Facebook Group
ANNOUNCEMENT
tekla and tallnut's comeback

take eighteen

54.6K 500 76
By JustPlainlyMe

Masakit. Napakasakit. Kung meron mang isang bagay na gusto kong alisin sa buhay ng isang babae, eto 'yun eh. Bakit pa kailangang dumanas ang mga babae ng ganito? Sa dinami-dami naman kasi nang pwedeng mangyari, eto pa talaga! Bakit ba kasi?!

Napasinghap na lang ako nang muli na naman akong tinira ng pesteng sakit na 'to. Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto pero halos mahilo-hilo na ako sa sakit ng ulo ko. Maya-maya pa ay tumunog naman ang cellphone ko at kahit sobrang sakit na ng nararamdaman ko ay pinilit kong tumayo para makita kung ano ang dahilan kung bakit tumunog ito.

One message received.

Marahan ko munang ipinikit ang mata ko nang muli na naman akong inatake ng sakit. Huminga muna ako ng malalim at pinigil ang paghinga pagkatapos, sa pagpigil ko kasi nang paghinga ay panandaliang nawawala rin ang sakit.

Papunta na ako d'yan. Hintayin mo 'ko, mahal kita.

Napakunot ako ng noo pagkabasa ko ng text mo. May usapan ba tayo? Wala naman akong naalalang usapan ah. Gustuhin ko mang ngumiti sa huling sentence ng text mo eh di ko magawa.

Huh? Ba't ka pupunta dito? Wag kang pumunta, masakit ulo ko.

Isasagot ko sana pero halos mag-hurumentado naman ako nang makita ang senyales na wala na pala akong load. Sa inis ko ay muli akong dumapa sa kama at nahiga. Bahala na, mawawala rin naman siguro 'tong sakit na 'to pagdating mo. Itutulog ko na lang muna 'to.

"Nicole," sambit ng isang tinig na siyang gumising sa'kin sa mahimbing na pagkakatulog. Unti-unti kong binuksan ang talukap ng mata ko at tumambad sa'kin ang maamong mukha ni Mama na kanina pa ata nakatayo malapit sa kama ko.

"Bakit?" tanong ko dito. Ngumiti lang siya ng matamis bago muling sumagot.

"And'yan sa sala ang magaling mong boyfriend," turan niya pa. Napatango na lang ako at mabilis na tumayo. Nang tumayo ako ay wala na ang sakit ng puson ko, mabuti naman.

"Lalabas na lang po ako," sambit ko pa kahit halos ayokong magsalita kay Mama. Naalala ko kasi ang mga kalokohang ginawa niya sayo tatlong linggo na ang nakararaan. At hindi rin nakalagpas sa tainga ko ang sinabi niyang 'magaling kong boyfriend' na para bang inis na inis siya sa idea na boyfriend kita. Bakit ganun siya, Kuya? Actually, bati na naman kami ni Nanay eh, hindi ko lang talaga mapigilang mainis sa kanya sa hindi malaman-lamang dahilan.

"Bilisan mo na, kanina pa 'yun naghihintay," dagdag niya pa. Napailing na lang ako at nagsuklay ng buhok gamit ang kamay ko. Lumabas na rin naman si Nanay, nakatunog ata na hindi ko gusto ang presensya niya ngayon. Nang lumabas lang ako ay saka lang nakahinga na rin ako nang maluwag.

Nang pakiramdam ko eh maayos na ang itsura ko eh lumabas na ako. Dahan-dahan akong naglakad palabas hanggang sa nakita kita. At kaagad namang umusok ang tainga ko nang makita kita habang suot mo ang kinaiinisan kong polo shirt mo. Trip na trip mo lang talaga 'yang suotin kapag special ang okasyon eh. Tulad nung birthday ni Tall Nut, nung exam at marami pang iba.

Hindi ko talaga siya gusto, 'yang polo na suot mo! Umiinit na naman ang ulo ko dahil 'yang Tshirt rin na 'yan ang suot mo nang minalas tayo sa pag-take ng midterm exam kung saan hindi tayo parehong pumasa. Ang sabi mo pa nga sa'kin, dahil suot mo 'yang polo na 'yan ay sweswertehin tayo. Pero ano? Bumagsak tayo, natatandaan mo ba? BUMAGSAK lang naman tayo, at ang malala pa, midterm 'yun eh. Buti sana kung prelims lang o semi-finals dahil maliit lang ang epekto nu'n sa grades natin pero hindi eh. Midterms 'yun at bagsak tayo, hindi mo man lang inalala na maaaring hindi tayo maka-graduate kung hindi natin makuha ang grade na 88 para lang makasama tayo sa graduating class.

Ugh. Kung ano-ano na naman ang pumasok sa utak ko. Pinilit kong tanggalin ang inis ko sa pamamagitan nang paghinga pero di ko talaga magawa.

"Anong ginagawa mo dito?" mabilis na tanong ko. Bigla ka namang tumingin sa'kin gamit ang mapagtanong mong mukha na para bang napaka-importante ng araw na 'to kaya dapat kong aalalahanin. Napakuyom ako, hindi mo ako madadaan sa staring game mo na ito.

"Bakit ba? Ano ngang ginagawa mo dito?" inis na tanong ko. Tiningnan mo lang ako pero halata rin ang disappointment sa mukha mo. Bakit, ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng may dalaw? Ugh, naiinis ako. Naiinis ako sa buong pagkatao mo, at kahit anong pilit kong hindi mainis, naiinis talaga ako sa'yo at sa presensya mo!

"Umalis ka na, hindi maganda ang pakiramdam ko, Kuya. Kaya pwede ba, umalis ka na lang bukas o sa sunod na araw. Wala ako sa mood para makipag-usap sa'yo at maghokus-pokus para lang mahulaan ang mga bagay na tumatakbo sa kukote mo," dagdag ko pa habang mataman na nakipagsubukan ng titig sa'yo. Hindi ka naman nagpa-awat sa pagtitig sa'kin.

"Ah, tama. Wala ka pala sa mood," nag-ngingitngit sa galit na sagot mo.

Halos mag-roll eyes na lang ako sa inis. Bakit ba galit na galit ka? Sumasabay ka pa talaga ah? Sumasabay ka pa sa badtrip ko? Hindi ba ako pwedeng maging ganito isang beses sa isang buwan na hindi ka nagagalit man lang? Kung alam mo lang kung ga'no kahirap ang pinagdadaanan ko. Lahat ng nakikita ko, kinaiinisan ko. Kahit hindi naman dapat at wala naman sa lugar, kinaiinisan ko. At kahit nga ikaw na mahal ko eh kinaiinisan ko. Pakiramdam ko, gusto ko na lang maglaho ang lahat sa mundo at matapos na ang araw na ito dahil buwan-buwan, kinasusuklaman kong pinagdadaanan ko 'tong letseng period na 'to!

"Umalis ka na, Kuya." Ayaw kong mas marami pa kong masabing masasakit sa'yo. Tama na 'tong habang napipigilan ko pa 'tong bibig ko na minsan lang sa isang buwan kung maging makati ay makaalis ka na. Mas lalo lang magiging magulo. Tumalikod na ako at maglalakad na sana papasok sa kwarto ko pero natigilan ako sa mga sinabi mo.

"Ah, tama. Wala ka pala sa mood sa araw na ito. Sige, aalis na ako. Pero sana naman, sa pagtingin mo ngayon sa kalendaryo, maalala mo na kung ano ang meron sa araw na 'to."

Agad akong humarap dahil ramdam ko ang pagka-seryoso sa boses mo. Minsan ka lang maging seryoso, kapag kinakabahan ka o kaya naman, nagagalit ka. Pero huli na, nakita kitang naglalakad na palabas sa gate. At wala akong lakas ng loob para pigilan ka.

Para akong zombie na naglakad papasok sa kwarto ko habang pilit na iniisip kung ano ba talaga ang meron sa araw na 'to (aside sa pagkakaroon ko ng red days) at bakit parang depress na depress ka. Hindi mo naman birthday.

Kaagad kong chineck sa kalendaryo kung anong araw na ba ngayon at nalaman kong March 10 na pala.

Diyes. Ten. Sampu. Sumunod sa siyam. Numero bago mag-labing isa. Karaniwang perfect score sa isang short quiz. Ano bang mahalaga sa ten at bakit parang halos isuka mo na ang lahat ng inis sa mundo habang nakatingin ka sa'kin.

Nasampal ko na lang ang pisngi ko gamit ang kamay ko at napukpok ko na lang din ang ulo ko nang maalala ko kung ano ang meron ngayon. Kaya ka pala gano'n. Sa sobrang damig inaalala at requirements na dapat ipasa, nawala na sa utak ko 'yun.

Ang tanga mo Juniper! Pinakamahalagang araw 'to sa lahat! Kalimutan mo na ang lahat, wag lang 'to! Sinubukan kong hindi maiyak pero bigla na lang tumulo ang luha ko at nayamukos ko na lang din ang mukha ko sa sobrang inis ko sa sarili ko. Ang lakas naman ata nang apog ko at mas inintindi ko pa itong period na 'to imbes na alalahanin kung ano ang meron ngayon sa araw na 'to.

Ang tanga ko talaga! Mabilis akong lumabas at pumunta sa kwarto ni Mama at hiniram ang cellphone niya habang umiiyak. Nakita ko siyang nakatingin sa malayo pero nang marinig niya ang mga yabag ng paa ko at pati na rin ang imipit na iyak ay bigla naman siyang lumapit sa'kin at hinimas-himas ang balikat ko.

"Nicole, anong problema mo? Magkaaway ba kayo ni Andrew? Inaway ka ba niya? Sabihin mo! Ano, sinaktan ka ba niya? Walang hiyang ba--" Hindi ko na pinatapos pa si Nanay dahil ako na ang nagsalita.

"Ma, tama na. Ako ang may kasalanan. Wala siyang ginawang mali. Ako, ako ang may mali," sagot ko habang humihikbi. Dali-dali kong pinindot ang numero mo dahil kabisado ko na 'yun. Napangiti naman ako nang mag-ring ang cellphone mo, atleast, hindi mo in-off.

Naghintay pa ako ng ilang segundo bago may sumagot, dahilan para makahinga ako ng maluwag.

"Kuya, sorry. Oo na, ako na ang tanga. Sorry na. Nasaan ka, pupuntahan kita. Sabihin mo lang kung nasaan ka. Sige n--"

"Sinong Kuya? Bakit ka nagso-sorry?" tanong ng nasa kabilang linya na agad namang nagpakunot ng noo ko. Hindi 'yun ang boses mo, boses 'yun ng bata.

"Nasaan ang may-ari ng cellphone na hawak mo?"

Hinintay kong sumagot 'yung bata pero narinig ko lang ang pagpipigil niya ng tawa.

"Sabihin mo, nasaan ang may-ari ng cellphone?" inis na sigaw ko. Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mukha ni Mama pero hindi ko na lang ito pinansin dahil mas interesado akong malaman kung nasaan ka.

"Ah? Si Kuyang tatanga-tanga? Ayun sa hospital, nasagasaan!" sigaw rin niya habang tumatawa pa. Bigla naman akong nanlamig sa narinig, halos mabitawan ko na rin ang cellphone dahil sa pagkabigla. At kusa ring nagsi-tuluan ang mga luha ko na akala ko'y hindi na tutulo. Napaluhod na rin ako dahil sa pangangatog ng paa ko.

"Ale, okay ka lang?" tanong ng nasa kabilang linya.

"S-Saang hos-pital?"

"Du'n sa San Antonio Medical Cente--"

Tumigil na ang tawag, ubos na ang load ni Mama. Kaagad naman akong tumayo habang nakahawak sa poste ng kama ni Mama. Nanginginig ang buong katawan ko, ni hindi ko magawang maglakad ng diretso dahil sa matinding takot, kaba at lungkot.

Ang tanga-tanga ko. Hindi siya masasagasaan kung hindi ako naging mababaw. Hindi siya aalis kung hindi ko siya pinagtulakan. Ako ang may kasalanan.

"Pupuntahan ko siya," garalgal na sambit ko habang nakatingin sa mga mata ni Mama.

"Sige na, puntahan mo na siya."

Kaagad akong pumasok  sa kwarto at kinuha ang wallet na nasa loob ng bag ko. Hindi ko na rin nagawang magpalit ng damit sa sobrang pagka-taranta. Ang mahalaga eh mapuntahan kita. Lumabas na ako sa bahay suot ang isang malaking Tshirt at pajama. Gamit ko rin ang malaking tsinelas na hindi ko alam kung saan nanggaling. Nang makita kong may dumaan na jeep ay agad ko itong pinara at sinakyan.

"Nurse, nasaan po ang pasyente dito?" tanong ko sabay turo sa puting kamang wala nang laman. Muntik na akong maubusan ng hininga sa bilis ng pagtakbo po mula sa information desk. Mantakin niyong tinakbo ko galing ground floor hanggang fifteenth floor dahil lang sira ang elevator?

Isang mahabang katahimikan ang sumunod na mas lalong nagpalakas ng kalabog sa dibdib ko.

"Wala na po," sambit naman niya na halos winasak ang lahat ng pinaghahawakan ko. Akala ko ba, okay ka lang? Bakit ngayon ka naman nawala? Bakit ba? Iniwan mo na ba talaga ako.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang mapayuko ako at napakuyom ng palad habang masaganang umaagos ang mga luha ko. Bakit ganito? Isang buwan pa lang tayo tapos ganito. Hindi ba talaga tayo para sa isa't isa? Ayaw ba talaga ng mundo na maging tayo? Na magmahalan tayo? Napaupo na lang ako sa isang bench malapit sa nurse na pinagtanungan ko. Marahan kong tinakpan ang mukha ko habang lumuluha. Ang sakit sakit ng puso ko. Para akong dinurog sa narinig ko. At kahit anong pigil ko sa pagtulo ng luha ko ay hindi ko magawa.

“Hindi ko naman sinabing umiyak ka. Ang sinabi ko lang naman, alalahanin mo kung ano ang meron sa araw na ‘to."

Napa-angat ako ng tingin at halos lumundag ang puso ko nang makita kitang buhay. May kaunting galos sa kaliwang kamay mo at may kaunting dugo rin sa noo mo. Napahinga ako ng maluwag at mabilis na yumakap sa'yo.

"Akala ko, akala ko..." hindi ko na masabi pa ang mga gusto kong sabihin dahil pinangunahan na ako ng pag-iyak.

"Shhh, tahan na. Okay lang," sambit mo habang hinihimas-himas ang likod ko, mas lalo naman akong naiyak. Pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ang kino-comfort ako dahil mas lalo akong naiiyak kapag ganu'n.

"Ka-kasalan ko ang lahat," patuloy ko habang humihikbi. Umiling ka lang at kumalas sa yakap. Hinawakan mo gamit ang dalawang kamay mo ang pisngi ko at marahang pinisil ito habang pinupunasan gamit ang hinlalaki mo. Mataman ring nakatutok ang mata mo sa mata ko.

"Tama na, walang may kasalanan okay?"

Tumango lang ako pero hindi pa rin ako natigil sa paghikbi. Hinawakan mo naman ang kamay ko at inaya na akong bumaba. Walang nagsasalita hanggang sa  makalabas tayo sa hospital.

Hindi ka pa rin bumibitaw kaya du'n ko na lang iminwestra ang lahat ng konsentrasyon ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko.

Sumunod lang ako ng sumunod kung saan ka pupunta. Kahit katabi lang kita, okay na ako. Hindi mo lang alam na halos mawalan na ako ng bait nung sabihin nung epal na nurse na wala ka na.

Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa makarating tayo sa isang camp site. Madilim na nu'n, kitang-kita na ang mga bituin sa langit at hindi na gaanong makita ang daanan sa dilim. Tumigil tayo sa isang puno ng mangga pero nanlaki ang mata ko nang makita kung ano ang naroon. Isang malaking picnik setting and naroon. Simple pero maganda ang dating.

"Plano ko sana, dito tayo magce-celebrate kaninang hapon. Kaso ayun, minalas." Malungkot ang boses mo kaya nalungkot rin ako. Hindi ko na rin napigilan ang maluha ulit.

"I'm sorry, sinira ko ang lahat."

"Ayan ka na naman eh," untag mo. Napayuko na lang ako sa sobrang inis sa sarili. Gumalaw ka naman at umupo sa nakalatag na piknic mat.

"Halika dito, dali," alok mo. Nag-isip muna ako pero hinila mo na ang kamay ko kaya napaupo na lang ako sa tabi mo. Nang makaupo ako ay marahan mong hinawakan ang kamay ko, pinisil -pisil ito, nilaro-laro at gumuguhit-guhit ng kung ano-ano sa palad ko.

"Happy monthsary," sabi ko habang nakatingin sa'yo. Ngumiti ka lang at masuyong tumingin sa mga mata ko.

“Kanina, inis na inis ako. Halos isumpa ko na nga ang buong mundo dahil ‘yung bagay na importante sa buhay natin, kinalimutan mo. Nainis ako kasi ilang linggo ko ‘tong hinintay samantalang ikaw eh kinalimutan mo lang ‘tong mahalagang araw na ‘to.”

Hindi ako nakasagot. Tama ka naman eh. May mali ako at hindi ako sasalungat sa mga sinabi mo. Muli akong yumuko habang pilit na tinatago ang pagluha ko.

“Pero kanina, nung masasagasaan na ako, tumigil ang pag-ikot ng utak ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, para akong nastock sa kinatatayuan ko. Ang isip ko nun, okay lang naman na mawala ako, ni hindi mo nga pinapahalagahan kung ano ang meron tayo eh.”

“Alam mong hindi totoo ‘yan.”

Ngumisi ka lang at ngumiti ng mapait habang tumitingin sa itaas.

“Pero nung maalala kita, automatic na nakagalaw ako. Pumasok sa utak ko na kapag natamaan ako ng rumaragasang jeep na ‘yun, mamamatay ako. Kapag namatay ako, iiyak ka. At kapag umiyak ka, isusumpa ko ang sarili ko at kung pwede pa nga ay bumangon pa ko sa pagkakahiga ko sa kabaong para lang patahanin ka. Ayaw na ayaw kong umiiyak ka kasi mas nasasaktan ako. Kaya tumahan ka na.”

Pinilit ko namang tumahan pero hindi na ata titigil ang pagluha ko.

“Shhh, tahan na. Wala na akong pakialam kung monthsary natin ngayon. Alam mo ba ang mas mahalaga sa’kin ngayon?”

“A-no?”

“Ang katotohanang mas tatagal pa tayo sa monthsary. Aasawahin pa kita, araw-araw tayong mag-cecelebrate. ‘Yun, ‘yun ang tunay na celebration. Hindi naman natin masusukat ang tatag ng relasyon sa monthsary lang di’ba? Mahal kita, ‘yun ang mahalaga.”

Unti-unting lumapit ang mukha mo sa mukha ko hanggang sa mapapikit na lang ako sa sumunod na mangyari. Isa lang ang alam ko, kapag ginagawa natin 'to, pakiramdam ko, ako lang ang mundo mo. Du'n pa lang, jackpot na ako.

Hindi ko alam kung anong ginawa kong mabuti sa past life ko at binigay ka sa’kin ng Diyos.

Hindi ko rin alam kung pagkatapos ba nito ay magiging masaya pa ba ako. Sabi raw kasi, kapag sobrang saya mo, kakambal niyan ang sobrang kalungkutan. Ah basta, wala akong pakealam. Habang kasama kita, masaya na ako. Habang kasama kita, buo ang mundo ko.

--

Author's Note: Heya, people of the world. Sana po, magpatuloy po kayo sa paglalagay ng inyong mga kumento, suhestiyon o puna. Du'n ko po kasi nakikita kung alin ang mga points to improve at points to empower ko. Para rin po iyon sa pagpapaganda ng kwento.

I hope, you'll like this chapter. It was unexpected, the last part, kasi ang plano ko talaga eh major-major na away sila but it turned out na ganito. Dapat kasi, after nung pag-alis ni Andrew eh LQ sila, 'yung sigawan to the max pero hindi nangyari.

Siguro talaga, sobrang mahal lang ni Andrew si Juni na kahit ganu'n na ang nangyari ay nakuha niya pa ring maging cheesy. Ewan ko po ba, ang adik rin talaga ng mga characters ko, 'yung tipong kapag tinatype ko ang pov nila, parang sila mismo ang nagsasalita. Sila mismo ang nagde-decide sa scene, ganu'n. Ang weird nga eh. Hindi naman kasi ako usually ganito, sanay akong planado ang kwento hanggang ending, pati ang mga twist ay planado, dito lang hindi.

Hanggang ngayon, hindi ito 'yung tipong planado, normal lang ang flow ng kwento, on and on. Type lang ng type pero nakakabuo naman ata ng may sense na istorya kahit puchu-puchu.

May tanong rin po pala ako, hanggang ngayon ba, natatawa pa rin kayo sa kwentong ito? Yung totoo po ah? Hahaha

So, ang haba na ng note ko, ganon? Pero kung binabasa mo pa rin ito hanggang sa linyang ito, maraming salamat sa'yo! Hahaha. Dabest ka babe. Mwamwa!

Salamat sa suporta! Sana'y patuloy pa rin kayong tumutok, hindi ko man ito planado, alam kong marami pang dapat abangan sa kwentong ito.

Thankyou!

Lovelovelove,

Sharmaine

Continue Reading

You'll Also Like

156K 3.1K 37
She is Krsytal Jimenez .. perfect .. good girl and Loyal ... BESTFRIEND Ni Michael Clemente na inlove na inlove sa kanilang science teacher na si Ms...
545K 13K 49
Sanggol pa lang si Elise ay binili na siya ng isang mayamang lalaki para pakasalan. Si Cedrick na ubod ng gwapo at walang pakialam sa agwat ng edad n...
368K 5.7K 53
She's a princess, but she acts like a knight! Boyish type of girl! One of the boys! Yan si Sherley Monteverde. Habang buhay nalang ba siyang magiging...
862K 29.2K 63
Meet Margarette. The typical nerd, anti social, unpopular and introvert student of Brentville. Para sakanya, kontento na siya sa atensyon at pagmamah...