Love Me Too

By Sweetmagnolia

6.9M 126K 22.7K

The story depicts the game of love and desires. Clarisse De Silva was a lawyer who was famous not only for he... More

LOVE ME TOO
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 (Final)
Epilogue

Chapter 26

114K 2.3K 307
By Sweetmagnolia

                                                          ••••

Di makapagconcentrate si Clarisse sa pagtatrabaho dahil paulit-ulit na pumapailanlang sa utak niya ang sinabi ni Pierce. Tumigil siya sa pagsusulat at pahagis na binitawan ang ballpen.

The nerve of that man!

Sabi na nga ba't mali ang desisyon niyang kausapin ito. She couldn't believe she even beg in front of him. Ayan tuloy kung anu-anong mga walang kuwentang bagay ang lumabas sa bibig nito.

What did he say? Live together like a real married couple?

Napangisi siya habang napapailing. How the hell did he come up with that silly idea? He sounded sincere and it looked like he had nice intentions...pero kung hindi niya lang alam he was spitting in her face the words 'I'll bring you to hell'. Paminsan-minsan may itinatago din namang katalinuhan ang babaerong yun. What a nice way para maitaboy siya sa pag-object niya sa relasyon nila ni Scarlet.

"Attorney..."

Napaigtad siya sa upuan at patay-malisyang muling bumalik sa pagsusulat. Yumuko siya at kunway walang narinig. Itinukod niya ang kaliwang siko sa mesa at humawak sa noo para bahagyang matakpan ang kanyang mukha.

"Attorney... may I come in?" ulit ni Lance sabay katok sa pinto ng kanyang opisina.

"S-Sure..." kabadong sagot niya habang kinokontrol na huwag gumaralgal ang boses.

"It's almost nine. Hindi ka pa ba uuwi?"

Binitawan niya ang ballpen, ibinaba ang kamay at pasimpleng kinurot muna ang kanyang hita para matauhan sa nag-iingay na namang dibdib. Saka siya nag-angat ng mukha at walang reaksiyong hinarap ang assistant.

"Not yet. Tatapusin ko ang naka-pending kong mga pipirmaha't basahin. Dalawang araw akong wala kaya't ayokong magka backlog," seryosong sagot niya sabay ayos sa eyeglasses.

Mas lalo siyang nahihirapang harapin ngayon ang assistant. Sumasabay sa bilis ng tibok ng dibdib niya ang pang-uusig ng konsensiya sa tuwing nilalapitan siya ng lalaki. Pagkatapos niyang muling mahuli ang girlfriend nito, wala na siyang balak itago ang pagtataksil ni Scarlet. But she couldn't find enough courage to tell him the truth yet. Baka siya ang unang magbreakdown pag nakita niya kung papaano ito masaktan. Pinangangambahan din niyang kamumuhian siya nito sa ginawang pansamantalang paglilihim at sisisihin dahil lalabas na parang kinunsinti niya ang mga nangyari.

"Bakit may lakad ka ba? You can leave first, I'll be staying here until I finish everything."

Hindi agad nakasagot si Lance. Pupunta sila sa music bar ni Scarlet upang dumalo sa birthday celebration ng isa nilang kaibigan. He doesn't want to leave the lawyer by herself pero gusto niya na ring makita agad ang girlfriend dahil finally ngayon lang ulit ito nagkaroon ng libreng oras.

"I-I'm going out with Scarlet tonight," he mumbled.

Pansamantalang natigilan si Clarisse pagkarinig sa pangalan ng babae. Then she responded with uncomfortable smile at dali-daling bumalik sa pagsusulat.

"G-Good to hear that. Enjoy your date." She swallowed hard without looking at him.

Bumuntong-hininga si Lance habang tinitingnan ang abogada. Though he was too happy to see her again, pero hindi nakaligtas sa atensyon niya ang kakaibang ikinikilos nito. She's treating her coldly since she cameback from her vacation. Hindi niya tuloy alam kung may nagawa siyang mali.

"Let's go out and have dinner first. You should fill your stomach if you're going to stay here for few more hours ," alok niya.

Napaangat agad ng mukha si Clarisse nang hindi namamalayang biglang nangislap ang kanyang mga mata. Her heart said yes outright... but of course she's not that careless to follow it. Muli niya kinurot ang hita at pinilit magseryoso.

"N-No need. I'm not hungry," she answered coldly instead.

"I-I'll be leaving then..."

"Go ahead."

Nabibigatan ang mga paang humakbang si Lance papalabas ng silid. He walked slowly hoping that the lawyer will change her mind. Pero wala siyang narinig mula dito kaya't bago makalabas ng pintuan ay mula niya itong nilingon. He wanted to invite her again but he hesitated. That moment he also felt a little bit weird, as if he's starting to get nervous around her.

"Y-You can call me anytime in case you need some help," salita niya.

"Thanks. But don't worry I'll be fine," she answered with a wry smile.

Pagkalabas ni Lance ng opisina ay agad na napahawak sa dibdib si Clarisse. Pinaypayan niya ng kamay ang sarili at paulit-ulit na huminga ng malalim. She removed her eyeglasses and leaned in her swivel chair. Minasahe niya ang noo at nag-isip ng malalim. Mukhang wala namang naitulong ang pagbabakasyon niya para makawala sa nararamdaman para sa assistant. She still feels the same way at tila mas lalo pa itong lumala.

Everything around her is getting difficult and complicated. Panahon na ba para kontrolin niya na ng lubusan ang mga nangyayari sa paligid niya? With all the troubles going on right now, she's missing her old quiet life. Meron siyang isang solusyon para bumalik sa dating tahimik na buhay. And that's to fire Lance from her firm... Pero kaya niya ba? Can she let go of a person who also brought new colors to her dull and boring life?

       

                                            ----

Pierce is drinking with two closer friends in a solemn acoustic bar. Dito niya niyaya ang mga kaibigan na noon ay parehong nagtataka. Music bar. No ladies in their arms. And they're discussing about life and future plans.

"Pare nag-away na naman ba kayo ng tatay mo at mukhang nagpapakasinte ka ngayon?"

Ngumiti ng tipid si Pierce at humitit ng sigarilyo. He's not being sentimental. Gusto niya lang uminom at lumabas, as simple as that. But... he's starting to do the things she promised to Clarisse. Kahit hindi pa ito nagbibigay ng sagot tungkol sa alok niya, he's testing himself kung kaya niya nga bang gawin ang ipinangako dito. Whenever he assumes she'll say yes, he's mixed emotions. Magiging masaya ba siya o mapapasubo lang siya? He has small amount of regret sa nabitawang mga salita. Gusto niyang sisihin ang mabangong amoy ng facial cream ng babae kung bakit siya nakapag-alok ng kasunduang hindi gaanong pinag-isipan

He responded with a shrug at saka nagsalin ng brandy sa baso. Nakuha ang atensiyon niya ng medyo may kaingayang pinagdikit-dikit na table. It has ten people in there and it looks like there's a celebration going on. Napakunot siya ng noo nang makilala ang isang tao sa nasabing mesa. Siya ang isa sa mga kasama ni Scarlet when they first met.

Unti-unti siyang nagkainteres na lapitan ito. He finally found a way to get more information about the woman he's seeing. Tatayo na sana siya to approach the person subalit bigla siyang natigilan nang bigla itong may kinawayan. Sinundan niya ng tingin ang direksiyon ng kinakawayan nito. Lumingon siya sa may pintuan at muntik niya nang mabitawan ang hawak na brandy glass sa nakita. Magkaakbay na pumapasok si Scarlet at ang assistant ni Clarisse.

Ilang sandaling tila nagyelo ang buong katawan niya. He unintentionally glared at them with incalculable disbelief as the two enter the place. Umaasa siyang sana'y nagkakamali siya ng intindi sa kanyang nakikita.

Napatingin si Lance sa direksiyon niya at nagulat din ito pagkakita sa kanya. The young man acknowledged him right away. Bahagyang yumukod ito nang may tipid na ngiti bago pa man ito tumungo sa mga naghihintay na kasama. He looked at Scarlet. Nasaksihan niya ang panlalaki ng mga mata at pamumutla ng mukha nito pagkakita sa kanya. She immediately removed Lance's arms from her shoulders. Mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib niya. Sa reaksiyon ng babae ay tila totoo ang hinala niya.

Tiningnan siya ni Lance with a calm face but an expression telling him that he's being aware of his glares. Ngumiti ito sa kanya na halatang nagpapakasibil lamang. At nang lumapit ito ay saka lamang siya unti-unting nakabawi mula sa matinding pagkabigla. He can see Scarlet hesitating to approach his table. She had difficulty taking steps as she followed Lance. Ngumiti siya and pretended to act normal. Sanay na siya sa ganitong klaseng awkward situation, kung may bigayan nga ng award baka ilang beses na siyang nakagrand slam.

"Oh Lance nice to see you here," he greeted with a fake smile.

"Good to see you too, Mr. Calderon."

Tiningnan niya si Scarlet at saka muling tumingin sa kausap. "Who's she?"

Lance gently pulled the hand of the uncomfortable girlfriend to get closer to them. "This is Scarlet, my girlfriend...Scarlet this is Mr. Pierce Calderon....A-Atty. De Silva's husband," bahagyang nag-aatubiling bigkas nito sa mga huling salita.

Nakangising inabot ni Pierce ang kamay sa namumutlang babae habang tinititigan ang mga matang di makatingin ng diretso sa kanya. She nervously reached out her hand at naramdaman niya agad ang panlalamig ng palad nito. Hinawakan niya ito ng mahigpit to tease her even more.

"Hi Scarlet nice to meet you. Lance, you've got an awesome girlfriend here."

"H-Hi n-nice to meet you t-too..." napapalunok na sambit ni Scarlet.

Napansin ni Lance ang mga ngisi at kakaibang titig ni Pierce sa girlfriend. Naalarma siya knowing how womanizer he is. He also noticed na medyo natatagalan na ito sa pakikipagkamay sa babae.

"We'll leave you now. We'll go to our table to greet our friends," wika niya sabay di nakatiis na kusang inalis ang kamay ng kasintahan sa halatang mahigpit na pagkakahawak ng lalaki.

"Okay. Enjoy."

"Thanks."

Hinabol ng tingin ni Pierce ang dalawa. And while staring at their back, pinuno niya ng alak ang baso at sabay inom dito ng diretso. Rage is slowly building in his chest. Gusto niyang magbasag sa mga sandaling iyon. Nag-iinit ang kanyang mga pisngi sa galit.

"Pare that woman looks familiar," mahinang sabi ng isa niyang kasama. "Hindi ba siya yung babaeng nakilala mo sa bar at nauto mong ilabas?"

"Whoah don't tell me nakatisod ka na naman ng may sabit!" komento naman ng isa.

Hindi niya pinansin ang panunukso ng mga kasama sa halip ay diretso lamang siya sa pag-inom. Tila sasabog ang dibdib niya sa halo-halong nararamdaman. Galit, insulto...at selos. Ngayon niya naiintindihan kung bakit hindi masabi-sabi ni Clarisse ang dahilan ng pagtutol nito kay Scarlet. It's all about that man! Pinagmukha siya nitong tanga para huwag ang assistant nito ang magmukhang tanga sa mga mata niya! Ano lang ba ang kahit simpleng 'stop fucking my assistant's girlfriend'!

Muli niyang pinuno ng alak ang baso.

"Woah pare take it slowly," awat sa kanya ng kasama.

Hinawi niya ang kamay ng kaibigang pumipigil sa pag-inom niya at dire-diretso pa ring inubos ang laman ng baso. Alam niyang mas dapat siyang magalit kay Scarlet for not telling him her real situation pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit mas malalim ang nararamdaman niyang galit sa mga sandaling iyon sa pekeng asawa.

Nilalamon siya ng selos and he's starting to dislike the assistant even deeper. He couldn't believe that they're meant to share two women. But the irony is, both of these women made them look stupids.

"It's getting boring here. Let's invite some ladies," salubong ang kilay na sabi niya sa mga kasama sabay sindi ng sigarilyo.

He has no plan of leaving the bar. He'll punish Scarlet right there and then. Sagad-sagaran sa buto ang nararamdaman niyang pagkakainsulto sa kanyang pagkalalaki.

Samantala, napansin ni Lance na simula nang dumating ay hindi na komportable ang girlfriend. Sinubukan nitong magpaalam umuwi ngunit pinigilan lang ito ng mga kaibigan at pinilit na manatili pa ng kaunting oras. She said she's not feeling well although kanina lang ay okay na okay naman ito. She's uneasy lalo na pag napapatingin sa mesa ng asawa ni Atty. De Silva. He's thinking na baka hindi naging maganda ang impression sa girlfriend ng nasabing lalaki kaya naaasiwa ito.

"Babes if you're not really feeling well, we can go home now. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa mga kaibigan natin," nag-aalalang aya niya.

"W-We can stay a little bit longer Babes. I-I'm feeling better now...."

Taliwas sa reaksiyon ng girlfriend ang sinabi. Namumutla at tila naiiyak ang hitsura nito habang nakatingin sa table nina Pierce. Napipilitang lumingon siya sa mesa ng lalaki out of curiousity, kahit pa kanina niya pa iniiwasang tumingin sa direksiyon nito dahil ayaw niyang masira ang kanyang gabi.

He saw Pierce kissing again another woman. He smirked in disbelief hanggang sa unti-unti na namang namuo ang galit sa kanyang dibdib. Anong klaseng lalaki ang nagpapakasarap kasama ang ibang babae samantalang ang asawa ay nag-iisa sa opisina sa kalagitnaan ng gabi habang nagtatrabaho? Napainom siya ng alak sa nakita until he remembered the reaction of Scarlet. Siguro ay nashock ang girlfriend dahil sa di inaasahang asal ng asawa ng taong hinahangaan nito.

"Now you know, why Atty. De Silva is not being open about her marriage. Please don't tell her regarding what you saw today," ika niya sa gulat na gulat na babae.

Napapangangang tumango si Scarlet habang hindi namamalayang nangingilid na ang mga luha sa nakikita. Tila binabarena ng paulit-ulit ang kanyang dibdib. Pierce is extremely flirting with the woman beside him na para bang walang mga matang nakatingin sa kanya. Alam niyang hindi siya dapat magpakita ng kakaibang reaksiyon dahil nasa tabi niya si Lance ngunit hindi niya kayang kontrolin nang buong-buo ang sakit na nararamdaman. Gusto niyang manugod at manakit ng babae sa mga oras na iyon.

Nawala ang atensiyon ni Lance sa girlfriend at pansamantalang napako ito sa ginagawang pakikipaglandian sa ibang babae ng asawa ng attorney. Ni hindi man lang nito binigyan ng kahihiyan ang asawa sa harap ng mga taong nakakakilala sa babae.

Tumayo si Pierce at nakita niyang patungo ito ng CR. Kanina niya pa ito gustong komprontahin pero nagpipigil lamang siya. But now, he found a chance to talk to him. Tumayo siya para sundan ang lalaki sa banyo but Scarlet held his wrist.

"W-Where are you going Babes?" tanong nito na para bang kinukutuban sa gagawin niya.

"I'll just go to the comfort room."

"P-Pwede bang mamaya na."

Sinagot niya lang ng ngiti ang babae at sabay alis ng kamay sa pagkakahawak nito sa kanya. "Sandali lang ako Babes."

Di siya nagpapigil sa girlfriend. Sumunod pa rin siya sa banyo at doon ay naabutan niyang naghuhugas ng kamay sa sink si Pierce. Tinabihan niya ito at kunway naghugas din ng mga kamay sa katabing sink. He looked at him in the mirror. Tumingin din ito sa kanya at ngumisi.

"It looks like you guys are enjoying the night," ngingiti-ngiting wika nito.

Lance smirked. "It seems that you're enjoying it more," sarkastikong sagot niya.

Pierce just smiled at nagkunwaring hindi apektado sa narinig. He took some tissue paper and wiped his hands.

"Attorney is still in the office right now, working alone. Hindi mo man lang ba siya susunduin?"

"Nakita mo na ba akong sumundo sa kanya?" kaswal na sagot ni Pierce.

"Why do you keep doing this to your wife? Wala ka ba talagang respeto sa asawa mo?" di na napigilang sumbat ni Lance.

Pierce gave the younger man a sarcastic smile. "You're with your beautiful girlfriend right now pero bakit mukhang ibang babae ang nasa isip mo," nakakaloko ngunit nagtitimping tugon nito.

"Because your shameful actions make me think about her!" diretsong sagot ni Lance.

Nagpanting ang mga tenga ni Pierce sa narinig. He grabbed Lance, itinulak niya ito sa dingding at saka diniinan ng braso ang balikat nito. Itinutok niya ang mukha sa pakialamerong lalaki at binigyan ito ng nakakahiwang mga titig.

"When it comes to reading people, I can say na papunta ka pa lang papabalik na ako," gigil at namumula ang mukhang ika niya sa lalaking gumaganti rin ng matatapang na mga titig. "Ngayon, magkalinawan nga tayo, ... may gusto ka ba sa asawa ko?"

Lance turned speechless. He was momentarily struck by the question. Bigla siyang nahirapang maghanap ng isasagot. He wasn't really sure about his feelings for the lawyer pero isa lang ang sigurado niya sa nararamdaman sa mga oras na iyon. Na hinding-hindi siya mananahimik at magsasawalang-kibo kapag merong nagtangkang manakit sa abogada. Nakahanda siyang ipagtanggol ito sa sinuman...kahit pa sa mismong asawa nito.


Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 358 13
"-and I am a living example of the fact that, a student and a teacher aren't meant for and will never end up with each other. They may come into our...
239K 7.1K 16
Though snob and uptight, Gian cannot help but be popular since he became a member of a band. He loves to play the drums but somewhat hates the fame...
4.2M 82.6K 43
Barkada Babies Series #1 This is published under PHR. Visit their online store to get a copy of the ebook version. Price: 142php ------ Hanggang sa...
1.9M 46.6K 52
(blame me once side story) si Luke Castro na inlove din sa kanyang bestfriend mula pagkabata na si PJ, pero wait lalake rin pala si PJ........handa n...