Loosing Grip

By Look_Beyond

427 12 2

"Love makes you hold on to the things you shouldn't." She said. Eyes deceive. Mind dictates. Lips lie. Heart... More

Losing Grip (ON HOLD)
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 1

44 2 0
By Look_Beyond

Thea's POV:

"Shit! Dont you dare lay your hands on her kung ayaw mong basagin ko yang mukha mo!" Isang lalaking naka itim na jacket ang nagsalita at agad na inagaw ang kamay ko sa lalaking nasa harapan ko. Mabilis niya akong nahila para mailayo at maitago sa kanyang likuran. Napaurong naman agad ang lalaking nanggugulo sakin dahil sa banta nito. Sino bang hindi matatakot sakanya? He's a gangster.

"Hindi pa tayo tapos! Letse!" Banta nung lalaki sakin bago tuluyang umalis sa harapan namin.

Napadpad agad ang atensyon ko sa kamay ng lalaking kasalukuyang may hawak ng aking kamay. Kailan ko ba siya huling nahawakan? Hindi ko pa man niya naiisip ang sagot sa sariling tanong ay bigla na lamang niya akong binitawan. Lumakad siya pa una ni hindi siya humarap sakin ng magsalita.

"Mag ingat ka nga. Lagi ka nalang napapahamak."

"I-i still love you Ace." Out of nowhere yun ang lumabas sa bibig ko. It’s been a month ng nagbreak kami and yet my feelings for him didn't fade even a little. I just can’t let go this man so easily.

"What? Ano bang sinasabi mo?" Humarap na siya sakin na may ekspresyon na parang may nakakatawa akong sinabi.

"Lagi ka paring nandyan pag napapahamak ako, you still have a ca-"

"Wait, you misinterpret it. Ayoko lang ng may nakikitang napapahamak lalo't sa harapan ko pa. So drop those thoughts out of your mind.” Seryoso niyang sabi. Ang sakit pakinggan. Ang sakit malaman. Nagsimulang mamuo ang mainit na likido saking mga mga mata.

"Ganun ba kadaling kalimutan lahat? Ganun ba ako kadaling kalimutan?!" Pinilit kong maging malinaw ang bawat salitang sinasabi ko sa kabila ng mga piyok na pinipilit kong iwasan.

"Stop, you're making a scene here." Iniwas lang ni Ace ang usapan at tuluyan ng umalis.

Isang mapait na ngiti na lang ang napakawalan ko kasabay ng mga pigil na hikbi at mga nag uunahang patak ng luha.

‘Yun na ang huli naming pag uusap tungkol samin. Naging civil kami sa loob ng school. Pinapakita naming were over yet we’re still friends.

"Thea, late na tayo tara na!" Hila hila ako ni Yen habang tumatakbo kami sa corridor. Ugh! Hindi ko siya masabayan sa pagtakbo para tuloy akong kinakaladkad. Pagpasok namin sa room isang note agad sa white board ang napansin namin.

"Absent na naman siya?! Great. Tss." Sabi ni Yen at dumiretso na sa upuan niya habang inaayos ang nagulo niyang buhok.

Nilagay ko na din syempre ang gamit ko. Automatic naman na hinahanap ng mata ko si-

"Yung walangyang ex mo ba ang hinahanap ng mata mo?" Nagulat ako ng nasa harap ko na pala si Yen at kasalukuyang kinikilatis ang aking mukha.

"Huh? H-hindi. S-si Stephy." Binigyan niya ako ng mapaghinalang tingin kaya nginitian ko na lang siya. Bumalik na siya sa upuan niya. Akala ko kukulitin pa niya ako.

"Hindi siya papasok. Tumawag siya sayo kaninang umaga, Di ba?" Nilagyan niya ng emphasis ang bawat sinasabi niya at binigyan niya pa ako ng isang matalim na tingin bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

"Thea naman,kung hindi mo kayang iuntog ang sarili mo sa katotohanan, nandito naman ako eh. Ako mismo mag uuntog sayo sa pader para sabay Amnesia. Edi problem solved ka na."

"Napaka sweet mong kaibigan." Sarkastiko ‘kong sambit.

"I know." Mabilis na napaltan ang ekspresyon niya ng nakakalokong ngiti.

Naputol ang usapan namin ng mapunta ang atensyon ng buong klase sa isang kaklase naming naghahabol ng hininga pagpasok sa loob ng room.

"Pare, nakursunadahan yung kasama natin!" Mabilis niyang saad sa mga nilapitan niya.

"Lintek! Tara." Mabilis namang nagsilabasan ang mga kabarkada niya.

 "Tara makigulo."

"Sino daw kaaway?" bulung bulungan ng mga kaklase ko. Napatigil sila sa mga sari-sariling gawain. Marami ang nagsilabasan para maki usyoso.

"Yen, wag ka ng sumunod." Alam ko na nasa isip ng babaeng to. Hindi ko alam sakanya pero enjoy na enjoy siya pag may nakikitang nag aaway. Dream niya nga daw na magsuntukan ang dalawang lalaki para sa kanya. Seriously? Psh.

"Thea, Babalitaan nalang kita." Paalam ni Yen sabay labas ng room.

"Hoy!Teka." Iniwan niya ko. Iilan lang ang mga naiwan dito.

Maya maya’y napagdesisyunan kong pumunta ng banyo sadali. Palabas na ako pero agad din akong napa atras at bumalik sa upuan ko. Papasok kasi ng room si Ace at ayaw ‘kong magkasalubong kami paniguradong makikita niya ko.

        

Tahimik sa loob kaya malalaman mo kung may papasok. Pakiramdam ko huminto siya malapit sa likuran ko kaya lalo akong nataranta. Kung anu ano na lang ang kinutingting ko sa bag ko. Nakahinga ako ng makita ko sa peripheral vision ko ang pagdaan niya sa gilid ko. Umupo na siya at tumungo sa lamesa niya.

      

Hindi ko na napansing diretso na ang mga mata kong nakatingin sa kanya. May mga pasa siya sa kaliwang braso. May laban siguro siya kagabi. Teka? Bakit ko ba siya pinapakialaman? Break na kami. Wala na dapat akong pakialam pa. Lumabas na ako at pumuntang banyo. Pagkatapos, babalik na sana ako ng madaanan ko ang isang    Vendo machine.

"Kailangan niya ito." Naghulog ako ng barya at pumili na ng drinks tapos dumaan din ako sa clinic at bumalik na sa room.

Si Ace nalang ang natira dito. Lumapit ako sa upuan niya. Natutulog siya. Ipinatong ko yung dala kong Espresso at Ointment sa natitirang espasyo ng lamesa niya. Lumuhod ako sa tabihan niya para mapantayan ko siya. Nilagyan ko ng ointment yung mga nakikita kong sugat sa kanyang mukha at braso. Buti nalang hindi siya nagising.

Lagi ko itong ginagawa sa kanya noon. Nung una hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya iwan ang pagiging gangster at maging isang normal na estudyante matalino naman kasi siya pero sabi niya parte na daw iyon ng buhay niya.

Napunta ang atensyon ko sa talukap ng kanyang mga mata na nahaharangan ng kanyang buhok. Ang matangos niyang ilong at ang mapula't malambot niyang labi. Huh? Anong sabi ko? Inalog ko agad ang ulo ko. Ano ba itong naaalala ko. Pinagmasdan ko lang siyang matulog. Ang amo ng mukha niya. Napangiti nalang ako ng mapait kasi pinupuri ko pa rin yung taong umiwan sakin at nakakatanga kasi yung epekto niya sakin malakas pa din.

"Nasaktan mo ko pero hindi naman ibig sabihin nun wala na akong nararamdaman para sayo, Kung naririnig mo lang. Eto oh! Ganto lang ako kalapit sayo pero ang bilis ng tibok ng puso ko." bulong ko.

Tinanggal ko yung buhok na humaharang sa mata niya ng bigla niyang imulat yung mga mata niya. Ilang segundo o minuto ko atang pigil pigil ang paghinga ko sa gulat. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Yung utak ko nag hang, yung puso ko nagpatak ata sa pantog ko. Hinihintay ko siyang magsalita pero wala ni isa samin ang kumikibo. Tumayo na ako bigla at tumalikod.

"Salamat." Narinig kong sabi niya. Lumabas agad ako ng room. Kinapa ko agad ang nagwawala kong puso. Nakangiti din pala ako? At teka, Salamat daw? Posible kayang kanina pa siyang gising? Hindi baka nagkataon lang. Eh bat niya sasabihing salamat at bakit naman siya magtutulog tulugan? Ugh!

"Thea, ginagawa mo? Okay ka lang?" Sabi ng isa kong kaklase. Inuumpog ko kasi yung ulo ko sa pader.

"Ah oo, nagiisip lang ako." Tiningnan niya lang ako na parang nawi-weirduhan sakin. Inayos ko ang sarili ko at tinuloy na ang paglalakad ko. Hahanapin ko si Yen.

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1M 32.9K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...