The Heist

By EMPriel

2.9K 208 79

Nagbalik si Rush matapos ang tatlong taong pagkakawala nang mabalitaan ang pagkamatay ng kanyang nakatatandan... More

Chapter 1: Dead End
Chapter 2: Hustle Rush
Chapter 3: Royal Flush
Chapter 4: Roll the Dice
Chapter 5: All In!
Chapter 6: Diamond Heist
Chapter 8: 6 of Diamonds - Part 2
Chapter 9: Plan B!
Chapter 10: The High Roller - Part 1
Chapter 11: The High Roller - Part 2

Chapter 7: 6 of Diamonds - Part 1

230 15 10
By EMPriel

"Attorney Rojo, Attorney Sebastian Rojo?" wika ni Senior Investigator Ronald Karingal. Kasalukuyan siyang tumatawag mula sa kanyang cellphone sa labas ng kanilang opisina.


"Yes speaking, sino 'to?" sagot naman ni Attorney Rojo mula sa kabilang linya.


"Pasensya na po sa abala sir. Tama po ba yung oras ng pagtawag ko?" tanong ng imbestigador.


"A-ah oo ayos lang. Nabalitaan ko nga na pumunta ka sa De Louvre Tower. Hindi yata tayo nagpang-abot kasi bago ka dumating ay ang araw naman ng flight ko. Na'ndito ako ngayon sa Cebu para sa mga meeting eh...ano ba ang atin?" wika ni Attorney Rojo. Napakapit naman siya sa kanyang panyo at pinahiran ang kanyang noo. Tila kinakabahan siya ngunit kinailangan niyang kumalma kundi ay mahahalata ang panginginig ng kanyang boses.


"Binuksan namin ulit ang kaso ni Ernesto dela tore, ang client niyo. Ako rin kasi ang nanguna sa pag-apila. May mga nakita kasi akong mga iregularidad. Hindi ko alam kung sobra na ang pagiging abala ko sa inyo pero...maaari po bang magtanong ng ilang impormasyon?" tanong ng imbestigador.


"A-ah oo wala namang problema. Bakit ano ba 'yon?"


"Alam ko pong medyo pribado ang last will and testament ni Mr. Dela Tore. Pero gusto ko lang din naman malaman ang ilang impomasyon na nakapaloob doon. Puwede niyo rin naman pong hindi sabihin, kung 'yon ang gusto niyo...para na rin sa ikatatahimik niya," wika ni Senior Investigator Karingal.


"Gaya ng sinabi ko rin noon. Wala na siyang kamag-anak, ang kapatid niya ay nawawala tatlong taon na ang nakakaraan. Ang last will niya...nakasulat doon na ang lahat ng mana ay mapupunta sa kanya. 'yon ay kung buhay pa nga ba siya," sagot ni Attorney Rojo. Napalunok siya ng kaunting laway at tila napangiwi at napapikit sa kanyang sinabi. Naningkit naman ang mga mata ng imbestigador at naglakad ng kaunti.


"Hangga't hindi pa dumarating ang kapatid niya, nasa akin ang pangangalaga ng lahat. Lahat ng natirang business niya ay sa akin nakapangalan," dagdag ni Attorney. Muli siyang napalunok ng laway at pinahid ang nagbubutil nang pawis sa kanyang noo. Sumenyas din siya sa waiter ng restaurant kung saan sya naroon na kung pwede ay dalhan siya ng iced tea.


"Ah ganoon po ba? Sige po naiintindihan ko po. Kung hindi niyo po mamasamain. Puwede po bang humingi ng kopya ng last will and testament niya?"


"Walang problema. Sige ipapadala ko sa'yo ngayong araw din," sagot ni Attorney Rojo.


"Sige po. Maraming salamat po Attorney. Makakaasa po kayo na ngayon...uusad na ang kaso ni Mr. Dela Tore. Salamat po sa pakikipagtulungan."


"Walang problema 'yon. Eh...alam mo na, isang taon na rin ang nakalipas. Siguro kung buhay pa siya...napatawad na niya ang mga taong gumawa noon sa kanya," may kalungkutang tono ni Attorney Rojo.


"Pero hindi pa rin natin puwedeng hayaan na pagala-gala ang mga taong gumawa noon sa kanya, Attorney. Hindi pa rin kami titigil, maraming salamat po," huling sambit ni Senior Inspector Ronald Karingal bago ibaba ang tawag.


Napatulala na lamang siya sa kawalan habang nagsasalubong ang mga kilay. Napailing siya at naglakad na lamang palayo. Sa kabilang linya naman, si Attorney Rojo ay halos kainin na ang yelo ng iced tea na kaka-serve lamang sa kanya. Napatitig siya sa mga numero sa kakatawag lamang na kausap bago i-save ang number nito.


"Pambihira...paano pag nalaman nila?" bulong niya.


__________________________


Abala sa pagmamaneho si Aira sa pinahiram na kotse ni Rush sa labas ng bodega na ginawa na nilang hide-out. Isang Audi R8 ang mabilis na pinapatakbo ni Aira at dinadaanan pa ang ilang mga sasakyan at mga harang ng walang kahirap-hirap. Nagdi-drift siya at pagkatapos ay muling ipapalo sa top speed ang sasakyan. Hindi nila alintana ang ingay sa buong compound. Napapaligiran na kasi halos ng kagubatan ang bodegang iyon. Tago, maraming puno at malayo sa daan. Ang lahat ay nakatingin sa kanyang pagmamaneho. Nakatayo lamang si Rush at Leivah habang pinapanood ang pagmamaneho ni Aira. Nakasuot pa ng shades si Rush upang hindi masilaw sa papalubog na araw. Nakaupo naman si Harry at umiinom ng beer. Si Miss Amanda naman ay tila nakahiga na sa isang reclining chair ngunit pinapanood rin ang pagmamaneho ni Aira. Kumakain naman ng pizza si Bishop habang kumakalikot ng cellphone at katabi si Harry.


"She's good..." sigaw nang kaunti ni Rush dahil sa ingay ng gulong nang mapatingin sa mga nakaupo. Tumango-tango naman si Harry at itinaas ang bote ng beer na hawak.


"Sa bilis niyan, tingin mo mahahabol pa kaya tayo ng mga pulis diyan?" tanong ni Harry.


"Siguro...hindi na," nakangiting sambit ni Rush.


Agad namang kinabig ni Aira ang kotse nang mabilis sa kanilang harapan. Nagdrift ang kotse patagilid at akmang masasagasaan ang dalawang nakatayo ngunit hindi naman natinag sina Rush at Leivah. Alam nilang kalkulado ni Aira ang bawat galaw at distansya ng kotseng iyon. Sakto nga itong tumigil sa kanilang harapan. Lumabas si Aira sa kotse, pagkalabas ay hinagod pa niya ang buhok. Tila bumagal naman ang lahat nang mapatingin sa kanya. Napanganga pa si Harry at napakagat naman sa labi si Leivah habang nakatitig sa kanya. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kanila. Tumango-tango naman si Rush habang nakatitig sa kanya.


"Bakit?" nakangiti niyang sambit.


"Very nice," sambit ni Leivah. Nagkatinginan ang dalawa at nagngitian. Tila iba naman ang napapansin ni Rush sa dalawa. Medyo nawe-weirdohan kaya't napailing nang kaunti.


"Hindi ka naman pipili ng hindi subok, 'di ba?" tanong ni Aira nang tumingin kay Rush.


"Nope...I pick only the best," sagot ni Rush. Naglakad sila patungo sa mga nakaupo.


"So Miss Amanda? Handa ka na ba bukas?" tanong ni Rush. Nagdekwatro naman si Miss Amanda at tumingin sa kanya nang may taray.


"I'm always ready," sambit ni Miss Amanda.


"Na-send ko na ang schedule ni Alfred Beal para bukas. Ang lahat ay synchronized sa mga events. Nakuha ko na ang ilang address at sinend ko na rin po sa inyo Miss Amanda," paliwanag naman ni Bishop.


"Tanggalin mo na ang po sa akin, please Bishop. It's making me old," mataray na sagot naman niya.


"Uhmm...sige," natatawang sagot naman ni Bishop.


"Ang time of arrival niya ay 10:15 ng umaga sa NAIA terminal 4. Pero marami ka pang options sa mga susunod na araw. May isang linggo pa tayo," paliwanag muli ni Bishop nang mapatingin kay Rush.


"Okay...let's call this a day," wika ni Rush bago maglakad papasok sa malaking bodega. Nagtayuan naman ang iba pa at sumunod sa kanya.


"Matanong ko lang...ikaw bata ka. May magulang ka pa ba?" tanong ni Harry kay Bishop. Ngumiti lamang ang bata at tumitig nang diretso.


"Wala na po...umalis ako sa amin. Para na rin siguro sa seguridad nila," sagot ni Bishop.


"Oh gosh. That's so sad," sarkastikong sagot naman ni Miss Amanda.


"Hindi mo na tinapos ang pag-aaral mo?" tanong ni Harry.


"Hindi naman po kailangan. Ang iba nga diyan nakapagtapos ng pag-aaral, pero hindi naman talaga yumayaman," sagot niya.


"Hmm...may punto ka," sambit ni Harry. Napangisi na lamang si Aira at napailing.


"Sabagay," sambit ni Aira.


"Eh ano ba kasi ang pinag-gagawa mo at kinailangan mong umalis sa inyo," tanong muli ni Harry. Hindi naman sumagot si Bishop. Si Rush naman ay tumalikod at sumandal sa mesa.


"He is the one responsible for the hacking of BPI and BDO servers. Kung bakit nagshut down ang BPI ng ilang araw at nagkapalit-palit ang mga figures ng mga bank accounts," wika ni Rush. Nanlaki naman ang kanilang mga mata at napatingin sa batang lalaki na ngayon ay nag-aayos naman ng isang maliit na touch screen na LCD.


"I-ikaw ang may gawa no'n?!" namamanghang tanong ni Leivah.


"Ginulo ko lang naman ang mga bank accounts. Pinagpalit ko lang naman ang mga pera ng mga nakapagtapos sa mga hindi. Para malaman nila kung gaano dapat sila kayaman...o kahirap. Para balansehin ang lahat."


Magkasalubong ang mga kilay ni Bishop nang sabihin iyon. Tila may poot sa kanyang puso na hindi maalis. Nakasimangot siya ngunit matapos ang ilang segundong katahimikan ay ngumiti rin siya at humarap sa kanila.


"That is why maybe...he left. Kung matuklasan ng lahat na hindi lang glitch sa system ng mga bangko ang naranasan nila na gaya ng ipinalabas nila sa mga balita noon, siguradong wala ngayon si Bishop sa harapan  natin. O baka mas malala pa, madamay ang mga taong mahalaga sa kanya," paliwanag muli ni Rush.


"Okay...I'm impressed already," wika ni Miss Amanda.


"Kung ganito ang mga magiging kasama natin, siguradong hindi nga tayo papalya," sambit ni Harry.


"Isa pa lang naman talaga ang walang napatunayan sa grupo na 'to eh," sambit muli ni Miss Amanda.


"Sino naman 'yon?" tanong ni Harry.


"Sino pa ba? Edi ikaw..." buwelta ni Miss Amanda.


"Aba hinahamon mo ako ah? Sige...patutunayan ko sa'yo. Maghintay ka lang," sagot naman ni Harry.


"Okay...break it up guys. I'll see you in the morning," awat naman ni Rush. Kinuha niya ang kanyang abuhing jacket at ipinatong sa kanyang balikat. Ang kanya namang shades ay isinabit niya sa kanyang dibdib.


"Miss Amanda. Be ready okay?" dagdag niya.


"Walang problema..." sagot ni Miss Amanda habang nakangiti. Inabot naman ni  Aira ang alarm ng Audi habang siya ay naglalakad palayo.


"Ohh...and you can stay as long as you like...hindi lang ito ang hideout natin. Treat this one as your home. Basta 'wag niyo lang uubusin ang laman ng ref," paalala ni Rush. Tumalikod siya para sabihin lamang iyon at muli nang tumuloy sa paglalakad. Tila matalim naman ang pagkakatitig ni Leivah sa binatang umalis.


_______________________


Madilim na nang pumunta si Rush sa isang sementeryo. Dala ang ilang mga puting rosas, suot ang jacket at umakyat sa isang mataas na hagdan. Nakaparada lamang ang pulang sasakyan sa paanan ng hagdan na iyon. Ninais niyang dalawin ang himlayan ng kanyang nakatatandang kapatid. Madilim ngunit dahil sa liwanag ng buwan ay nakikita niya ang kanyang nilalakaran. Isang itim na kotse naman ang pumarada sa di kalayuan at tila nagmamanman. Nakapatay ang mga headlights nito at halos walang ingay ang makina kaya't hindi napapansin ni Rush na mayroong ibang tao doon. Maya-maya pa ay nag-ring ang cellphone ng binata. Napatigil siya upang sagutin iyon kahit ilang dipa na lamang ay makikita na ang isang nitso kung saan nakapatong doon ang isang estatwa ng anghel, ang himlayan ng kanyang kapatid.


"Hello?"


"Si Leivah 'to. Wag kang lilingon. Mas mabuti rin siguro na huwag mo na munang puntahan ang libingan ng kapatid mo," wika ni Leivah mula sa kabilang linya.


"Leivah? Na'ndito ka?" bulong ni Rush. Hindi nga siya tumalikod. Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. Tiningnan ang nitso ng kanyang nakatatandang kapatid ngunit nilagpasan niya lamang iyon at lumayo pa nang kaunti.


"Pasensiya na kung sinundan kita. Naniniguro lang. May itim na kotse sa ibaba mo. Huminto at parang nagmamanman," sagot ni Leivah. Hindi pa rin lumingon si  Rush. Lumuhod lamang siya sa isang nitso ng taong hindi niya kilala. Umarte na naroon siya para dalawin ang nitsong iyon.


"Hindi ito ang unang beses," sambit ni Rush.


"Oo. Kahit sa cafe ay napansin ko na 'yon. Mukhang may nagbabantay sa'yo."


"Hindi ako...kundi sa kapatid ko. Ang alam nila ay matagal na akong nawawala at hindi pa rin bumabalik," paliwanag ng binata. Narinig naman ni Rush ang mahinang pag-ugong. Senyales na papaalis na ang itim na kotseng nagmamanman sa paligid.


"Umalis na..." sagot naman ni Leivah. Napapikit naman si Rush at ngumiti.


"Okay...you can come out now," sambit ng binata. Binaba niya ang tawag, mula naman sa mga anino sa kanyang kanan ay lumabas si Leivah. Suot ang isang itim na leather jacket at nakapusod ang buhok sa likod.


"Binabantayan mo rin ang mga galaw ko...tama ba?" wika ni Rush. Nakaluhod pa rin at tila inaayos ang mga inilapag na rosas sa nitso ng taong hindi naman niya kilala.


"Sa uri ng trabaho ko, dapat din akong mag-ingat. Alam mo naman siguro 'yon. Hindi ako puwedeng magtiwala sa kahit na sino. Kung trabaho, trabaho lang dapat," paliwanag niya.


"Naiintindihan ko. You can stick around if you like. Minsan masarap ring isipin na may nagbabantay sa akin," sagot ni Rush. Ang ngiti sa kanyang mga labi ay pumawi at napalitan ng pait. Tumayo siya at sa pagkakataong iyon ay nagtungo sa nitso ng kanyang namayapang kapatid. Inilapag niya ang kaisa-isang puting rosas at hinimas ang kanyang pangalan na animo'y kanyang nililinis. Tumayo naman si Leivah at tinitigan ang pangalan sa nitso. Nakaramdam rin siya ng pait sa pagkakataong iyon.


"Magbabayad silang lahat. Ang gumawa nito kay kuya...silang lahat," bulong ni Rush. Napalunok naman ng kaunti si Leivah at umiwas ng tingin. Patuloy naman sa paghaplos si Rush sa pangalan ng kanyang kapatid sa nitso.


____________________________


"All set?" tanong ni Rush nang pumasok siya sa warehouse na kanilang hideout kinabukasan ng umaga. Naabutan niyang handa na ang lahat. Humarap si Bishop at itinigil ang kaniyang ginagawang pagkalikot sa isang aparato na mistulang salamin na nakapatong sa mesa at nakakabit ang usb port sa computer. Si Leivah naman ay tumingin patalikod habang nakaupo sa upuang umiikot, makikita ang umbok ng kanyang dibdib sa itim na t-shirt na suot. Pinalobo at pinaputok niya pa ang bubble gum na nginunguya. Abala naman sa pagkalikot ng lock si Harry at tila may isang alambre siyang ipinapakita kay Miss Amanda. Tumigil naman si Miss Amanda sa pagkokolorete sa kanyang mukha habang suot ang isang pulang dress. Si Aira naman ay itinigil ang pagpapagulong sa isang gulong ng kotse. Marumi ang kanyang mga kamay na napupuno ng grasa habang hawak ang isang pa-ekis na liyabe. Suot niya ang isang puti ngunit nadumihan nang sando.


"Everyone okay? Nag-almusal na ba?" tanong muli ng binata habang dala ang dalawang kahon na naglalaman ng kape at mga pagkain.


"Hindi ko alam na ganyan ka pala ka-thoughtful Rush..." wika ni Miss Amanda.


"You have no idea," sambit ni Rush. Napangiti naman ang lahat.


"So...what's your big game Miss Amanda?" tanong ng binata.


Ipinatong niya ang kahon sa mesa. Nauna namang kumuha ng kape si Harry at Bishop. Nginuso naman ni Aira ang binuksang kahon ng donut habang pinupunasan ang kanyang maruming kamay gamit ang isang basahan. Kumuha ng isang piraso si Leivah at marahan iyong isinubo sa bibig ni Aira.


"Well...I can see you all get along," pansin ni Rush.


"Hindi ito bahay ni kuya, Rush.. This is just a work. After this, who knows? Magkakahiwa-hiwalay na rin naman tayo. Don't take this too personal," paalala ni  Miss Amanda, tila pinasaringan niya si Harry dahil tinitigan niya ito sa mata. Nagkibit balikat naman si Harry at ngumuya na lamang ng donut na pasalubong ng binata.


"Ang eroplano na sinasakyan ni Alfred Beal ay nasa ere ngayon at palapag sa NAIA Terminal 3, isang oras pagkatapos ngayon. Galing pa ang private jet niya mula England...asahan na natin ang napakaraming security na nakapalibot sa kanya paglapag pa lang ng eroplano. Ang una niyang destinasyon ay ang The Manila Peninsula sa Makati. Hindi pa man sigurado ay sabihin na  nating doon nga ang diretso niya. Magpapahinga muna siya sa hotel, pero hindi rin ibig sabihin noon ay magpapahinga talaga siya. Ang confirmed ko lang ay may mga escort service na nakaabang na agad sa loob ng Manila Peninsula o kung saan man pagdating niya pa lang. 7 pm ng gabi ay aalis siya at pupunta sa Big Dome para manood ng PBA. Iyon ang sigurado. 11 onwards, siguro ito pa yung bakante at pagkakataon ni Miss Amanda dahil pupunta siya sa Embassy para sa isang party," paliwanag ni Bishop.


"Okay...your play? Miss Amanda?" tanong ni Rush.


"Well, what I can only do is to seduce him until he gives in," wika ni Miss Amanda na tila nang-aakit pa. Napataas naman ang kilay ni Rush habang nakangiti at tumatango-tango.


"The only problem is the escort service...kung ang mga babaeng iyon ang piliin  niyang makasama...buong araw?" sambit naman  ni Aira.


"Deary...you almost forgot who I am. I am Amanda Wright, the artist. I am confident, hindi niya ako ipagpapalit sa kahit na sino pa. No one can resist me," sambit ni Miss Amanda. Tila nabulunan naman si Harry sa kanyang sinabi.


"Puwede ba tayong magpustahan? Kahit ngayon lang Rush! Hindi na kakagatin ni Alfred Beal 'tong gurang na 'to" wika ni Harry na tila nang-aasar.


"Eh paano kung kumagat siya?!" inis na sambit ni Miss Amanda. Natatawa pa rin si Harry habang umiiling.


"If kumagat siya, you'll be out of this team!" pagbabanta ni Miss Amanda.


"Okay guys...stop it. Naniniwala naman ako sa'yo Miss Amanda. That will be your play," awat ni Rush.


"Kung sakali lang na may mangyari, ako na ang magbabantay sa kanya. Tutal ako lang naman ang may kakayahan na  maglabas-masok sa kahit na anong lugar. Handa na rin ang mga gagamitin kong damit," wika ni Harry. Sinusubukang maging seryoso pero natatawa pa rin.


"Roaming ako...kung may mangyaring mas malala, nasa paligid lang ako..." sambit naman ni Aira.


"Okay...good. Bishop. Toys?" tanong ni Rush.


"Fake ID's na may confirmed and recorded identity. Mayroon  tayong 2 way communication na pwede kong ikabit sa kahit na anong network gaya ng cellphone, makausap lang si Miss Amanda. Ang gagamitin niyo po...Miss Amanda at kayo po, sir Harry, ay ang earphone na ito para marinig kami mula sa kabilang linya," wika ni Bishop habang inilalapag ang isang maliit na maleta. Binuksan niya iyon at makikita ang dalawang maliliit na earphone. Nasa ibaba naman ang tila isang maliit na wireless mic.


"Skin toned color, battery ay tatakbo ng walong oras lang," sambit ni Rush. Tumango naman si Bishop habang nakatingin sa kanya.


"Finger and hand print scanner para sa biometric lock ng case na gagamitin para sa Bloody Mary," wika ni Bishop. Tinanggal niya ang salamin na nakakabit sa  computer dahil sa USB chord. Makikita ang isang tila salamin lamang na bagay na nakakabitan ng mga maliliit na linya ng kuryente sa likod nito. Agad iyong umilaw at nakasulat ang mga katagang: Upload.


"Mukha lang itong ordinaryong salamin kung lalagyan ng case at isasama sa mga gamit ni Miss Amanda. Pero ito ang mag-ii-scan ng fingerprints ni Alfred Beal at direktang iu-upload sa system ko para makuha natin ang biometrics code," paliwanag muli ng batang si Bishop. tumango naman si Harry, Miss Amanda at Rush.


"Okay! Let's do this!" sambit ni Rush nang ipalakpak niya ng isang beses ang kanyang mga kamay at tumalikod. Muli namang kumilos  ang lahat at ipinagpatuloy ang kanilang mga ginagawa.


__________________________


10:13 AM - NAIA Terminal 3


Isang maliit na jet ang lumapag sa airport sa terminal 3 ng NAIA. Agad iyong pinalibutan ng  apat na armored cars na pawang mga itim at malalaki ang katawan. Luminya sila sa hagdan sa bababaan mismo ng dumating na bisita. Nakasubaybay lamang si Rush mula sa itaas ng terminal, suot ang kulay puting longsleeves at shades. Nakasuot rin siya ng earphone at tila nagso-soundtrip lamang. Minamanmanan niya ang mga  susunod na mangyayari. Sa labas naman ng terminal 3 ay nakaabang si Aira. Pinipiga niya pa ang manibela na hawak habang nakatulala sa screen kung saan makikita ang kuha ng CCTV na nakatutok sa dumating na eroplano. Agad niyang nilihis ang manggas paitaas upang makita ang tumatakbong oras mula sa kanyang relo.


"Ang tagal naman yata?" sambit ni Miss Amanda na sa pagkakataong iyon ay nakasakay sa  likod ng itim na kotse na minamaneho ni Aira. Katabi niya naman si Harry na tila pinaglalaruan ang isang maliit na padlok. Binubuksan at isinasara niya iyon gamit lamang ang isang maliit na alambre at isang kamay.


"Patience guys...patience," bulong naman ni Rush sa  mikropono ng kanyang earphone. Pumaling siya sa gilid at nakita ang dalawang lalaking papalapit na tila nakatitig sa kanya. Suot pa nila ang mga itim na coat at pawang nakasuot ng earphone sa parehong kaliwang tenga. Suot rin nila ang shades na halos standard issue na sa kanila. Alam niyang parte iyon ng seguridad sa pagbaba ni Alfred Beal mula sa eroplano. Nagpanggap na lamang si Rush na patingin-tingin sa labas ng airport na salamin lamang ang pagitan. Kinapitan niya rin ang kanyang bagahe na de gulong at inugoy ang katawan na tila ineenjoy ang music na pinapakinggan kahit wala naman. Bumagal lamang sa paglalakad ang lalaking iyon sa kanyang likuran ngunit agad rin silang umalis at bumulong mula sa kanilang mga radyo.


"Any minute now..." sambit ni Rush. Nakatitig pa rin siya sa hagdan na bababaan ni Alfred Beal. maya-maya pa ay lumabas na ang crew nito, ilang mga bodyguard at ang pinakahuli ay si Alfred Beal.


Sa kanilang hide-out ay naroon naman si Bishop at Leivah. Pawang nakatingin sa screen sa kanilang harapan at nagmamatyag din sa mga mangyayari.


"Okay...confirmed...bumaba na ang target..." bulong ni Rush habang napapangiti. Tumingin siya sa kabilang gilid kung saan dumaan ang mga security.  Naroon pa rin sila at tila nagmamasid. Sinamantala naman ni Rush ang announcement sa mikropono  ng isang tinatawag na pasahero upang sumakay na sa kanyang scheduled flight. Nagmadali siyang maglakad paalis at nagpanggap na siya ang pasaherong iyon.


"Goodness. It's hot in here, yah? I can almost feel the Manila heat!" wika ni Alfred Beal habang bumababa ng hagdan ng eroplano. Suot niya ang isang cotton na polo, shorts, sumbrero at shades. Nakangiti siya sa mga tao at staff na kanyang nakasabay habang naglalakad patungo sa isa sa mga van. Binuksan ng kanyang bodyguard ang van na iyon upang siya ay pasakayin. Ang kanyang mga gamit naman ay inilagay sa isa pang nakabukod na van.


"Okay..." sambit ni Bishop.


Inunat niya ang kanyang mga kamay sa pamamagitan ng paglapat nito sa kanyang harapan at muling nagtype sa keyboard. Doon ay zinoom-in niya ang kuha ng CCTV upang makita ang plaka ng sinakyang van ng kanilang target. Nakita naman iyon ni Aira mula sa screen ng kotseng sinasakyan ngunit duda siya sa plakang ipinapakita nito. Alam  niya kasing maaaring umikot ang plakang at magpakita ng iba pa dahil siya mismo ay gumagamit ng rotating plate sa  kanyang pagmamaneho dahil sa kanyang trabaho.


"Bishop, puwede mo bang izoom in sa likod?" tanong ni Aira. Agad naman iyong ginawa ni Bishop. Nakita naman ni Aira ang kakaibang disenyo ng rear bumper ng van na iyon. Hindi gaanong halata ngunit lahat sila ay magkakaiba ng bumper na ginamit. Iyon ang kanyang palatandaan.


"Salamat, Bishop," sambit ni Aira. Matapos ang ilang minuto ay umandar na ang tatlong itim na van samantalang ang van naman kung saan naroon ang gamit ni Alfred Beal ay nagtungo sa arrival area upang ichek ang kanyang mga gamit at dalhin na sa hotel na kanyang tutuluyan.


Nang lumabas ang tatlong van mula sa NAIA Terminal 3 ay agad na sinundan ni Aira ang mga iyon. Di kalaunan ay naghiwa-hiwalay ang mga ito. Nakita niya na ang van na mayroong palatandaan ay hindi nga ang naturang plate number na ipinakita ni Bishop. Gumagamit din iyon ng rotating plate. Napangiti na lamang siya habang sinusundan ang van na iyon sa distansya na hindi siya mahahalata.


"Sigurado ka bang 'yan  'yon?" tanong ni Harry dahil napansin rin niya na iba ang plate number na  naroon.


"Chill lang kayo dyan. Magready na kayo," wika ni Aira.


Nang pumarada ang  itim na van sa harap ng The Manila Peninsula ay agad na luminya ang mga staff nito na pawang nag-aabang sa kanilang bisita. Bumaba ang mga bodyguard at hinintay ang pagbaba ni Alfred Beal. Ipinarada naman ni Aira ang kotseng dala sa likod ng van. Tiningnan naman niya si Miss Amanda mula sa rear view mirror. Kasalukuyan itong nag-aayos ng buhok, inilalagay ang maliit na wireless earphone sa kanyang kanang tenga at tila hinahanda ang kanyang nakakaakit na ngiti.


"Ayan na pababa na siya," wika ni Harry.


Mula sa itim na van ay bumaba si Alfred Beal. Agad lumapit sa kanya ang mga ng hotel staff at sinabitan pa siya ng mga bulaklak na kwintas sa kanyang leeg. Nakikipagngitian naman si Alfred Beal sa mga sumalubong sa kanya.


"Ngayon na," wika ni Aira.


"Goodluck..." pahabol naman ni Harry. Tila kinakabahan ngunit sinusubukang ngumiti.


Kinabig ni Miss Amanda ang pinto ng kotse at bumaba. Sa unang galaw niya pa lamang ay agad na siyang napansin ng iba pang mga taong naroon.


"Oh my...si Miss Amanda 'yon 'di ba?!"


"Si Miss Amanda!"


"She's still gorgeous. Woooow!" sambit ng ilang mga taong nakapansin. Maging ang mga hotel staff na sumalubong kay Alfred Beal ay agad ding napansin ang kanyang pagdating.


"Oh nooo! Nakabook ba ngayon si Miss Amanda?" tanong ng isang lalaking staff habang nakatitig sa kanya. Dahil sa komosyong nangyari ay agad napansin ni Alfred Beal ang babaeng kadarating pa lamang. Nginitian niya si Miss Amanda at yumuko nang kaunti.  Tinitigan niya pa ito mula ulo hanggang paa. Tila hindi naman pinansin ni Miss Amanda ang kanilang target, naglakad lamang siya papasok at ngumiti ng simple habang ang iba naman ay abala sa pagkuha ng kanyang litrato.


"Haay nako...galing talaga magpakipot," wika naman Harry.


"Shut up..." bulong naman ni Miss Amanda sa mikropono habang siya ay nakangiti at patuloy na nakikihalubilo sa kanyang mga fans.


"Okay na tayo...next stop?" wika ni Aira.


"Go...Harry?" tanong naman ni Rush mula sa kabilang linya. Hinawakan naman  ni Rush ang maliit na earphone na nakakabit sa kanyang kaliwang tenga.


"Ahhh...hoooo!" hinga ni Harry nang malalim.


"Easy ka lang. Marami pa tayong oras," sambit ni Rush na sa pagkakataong iyon ay nakasandal na sa kotseng dala sa parking lot ng terminal 3.


Agad kinabig ni Aira ang itim na magarang kotse upang unahan ang van na sinundan. Tuluyan namang pumasok si  Alfred Beal sa loob ng hotel. Sa dulo ay kinabig ni Aira ang manibela pakanan. Inayos naman ni Harry ang kanyang suot, naglagay ng cap at idinikit ang ID na gagamitin sa  kanyang pagpapanggap. Agad siyang bumaba sa blindspot ng CCTV camera ng mabilis. Halos hindi naman tumigil si Aira sa pagmamaneho upang hindi nila mahalata na nagbaba pa ito ng tao sa likod ng hotel.


______________________________


Isang banda na tumutugtog ng jazz music ang sumalubong kay Amanda  nang pumasok  siya sa loob ng magarang hotel. Patuloy ang mga tao sa pagkuha ng kanyang litrato. Nakita niya ang mga escort na nakahilera sa tabi at hinihintay ang pagpasok ng kanilang bisita. Ang iba sa kanila ay hindi rin napigilan ang sarili at kumuha ng selfie sa kanya. Matapos ang ilang minuto ay tuluyan nang pumasok si Alfred Beal. Pahapyaw na tumingin si Amanda sa bisitang pumasok, inayos ang buhok nang kaunti at umalis  papasok sa loob ng bar. Animo'y naglakad siya na parang isang modelo. Patuloy naman ang pagkakagulo ng mga tao sa loob.


"W-who is she?" tanong ni  Alfred Beal sa isang staff ng hotel.


"O-oh...that's Amanda Wright. She's an artist here in the Philippines. Beautiful right?" sagot ng staff.


"More than a beauty. She's gorgeous," sambit ng banyagang lalaki. Tila napakagat labi pa siya habang tinititigan si Amanda. Sinabayan pa iyon ng senswal na musika mula sa bandang tumutugtog ng jazz.


"Mukhang natulala na..." natatawang sambit ni Harry. Sa pagkakataong iyon ay nasa loob na siya at umarteng nagmo-mop ng sahig malapit sa hagdan.


"I told you..." sagot naman ni Miss Amanda mula sa communicator.


"Well...alam mo na ang gagawin mo Miss Amanda...I'll be in touch any moment. Kung kailangan niyo ako, nasa paligid lang naman ako," wika ni Rush habang nakasakay sa loob ng kanyang kotse.


"This will run smooth Rush. Huwag kang mag-alala. Just enjoy the day," sagot naman ni Miss Amanda na sa pagkakataong iyon ay nakaupo na sa harap ng bar at umiinom ng margarita.


Nakangiti namang tinanggal ni  Rush ang earphone mula sa kanyang tenga ngunit humulas din iyon nang makita kung sino ang tumatawag.


"Hello?" sagot niya.


"Rush...mukhang may problema tayo. Pasensiya na kung ngayon ko lang sinabi pero...haay pambihira," wika ni Attorney Rojo mula sa kabilang linya.


"Bakit anong problema attorney?"


"Binuksan na pala ulit ng CIDG ang kaso ng kuya mo. Kailan lang ay hiningi nila ang last will and testament niya. Pasensiya na. Kinailangan kong ibigay 'yon para hindi  sila maghinala...na nakabalik ka na," paliwanag niya.Napangiti naman si Rush at napapikit.


"Kaya pala. Ngayon malinaw  na."


"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Attorney Rojo.


"May nagbabantay sa akin...o kung hindi man sa akin ay sa mga ari-arian ni kuya at sa mismong puntod niya. Nagbigay ka pa ba ng iba pang papeles sa kanya? Ang mga pinirmahan ko?" tanong ng binata.


"Wala. Wala na. Ang mga pinapirmahan ko sa'yo ay ginawa ko lang para maitransfer ang mga ari-arian ng kuya mo...pero sa kasulatan ay ako pa rin ang nakapangalan doon. Wala kang dapat ipag-alala. Ang kailangan mo lang ay alalahanin sa ngayon ay ang sarili mo kung minamanmanan ka ba talaga nila. Baka kasi makaapekto 'yan sa mga plano mo. Alam mo na, kahit hindi ako boto diyan sa plano mo...pero ikaw yan eh..."


Napangiti na lamang si Rush at natahimik. Tumingin siya sa side  mirror ng kotse niya maging sa magkabilang gilid. Sinisigurong walang kahit na sinong nagmamanman sa kanya.


"Baka lumabas na rin naman ako sa publiko," sagot niya.


"Ha?! Eh pero...paano ang mga plano mo?"


"Walang problema. Mas magiging problema kung pati ikaw ay madamay rin. Ako na ang bahala. Bago ko gawin ang mga susunod kong plano ay lalabas din ako," wika ni Rush.


"Hindi ko alam kung ano ang iniisip mo pero...haay. Ikaw talagang bata ka. Ikaw na ang bahala. Basta mag-iingat ka lang," huling sambit ni Attorney Rojo. Tuluyan namang ibinaba ni Rush ang kanyang cellphone at napatulala  nang kaunti. Pinaandar niya rin ang kanyang sasakyan at umalis sa parking lot ng terminal na iyon.


_______________________


Patuloy sa pagtutok sa monitor ng computer si Bishop habang  nakapulupot ang mga bisig sa bawat isa. Nakatitig siya sa mga kuha ng live na CCTV footage ng The Manila Peninsula. Nakatutok lamang ang isang camera kay Amanda at ang iba naman ay nakatutok kay Alfred Beal. Si Leivah naman ay nakaupo sa kanyang upuan at nakapikit. Hindi siya tulog ngunit tila ba  inaalis niya sa kanyang isipan ang kahit na ano mang bagay.


"Heto na...palapit na  siya," wika ni Bishop nang makitang siya ay tumayo mula sa dining area ng hotel. Panay rin ang tingin niya sa bar. Alam nya sa pagkakataong iyon na naroon si Miss Amanda.


"Okay...let him come," sambit naman ni Miss Amanda.


Pumasok nga ang banyagang lalaki sa loob ng bar habang nakasunod sa kanya ang halos apat na gwardya. Tila nagpupunas naman ng mesa sa loob ng bar na iyon si Harry. Minamatyagan ang kanilang bawat galaw.


"Haay pambihira...sana hindi sumabit," bulong niya.


"Chill...hindi naman ikaw ang star dito," bulong ni Miss Amanda.


"I think it's too early for margarita," wika naman ng lalaking kadarating lang. Pumwesto siya sa likod ni Miss Amanda. Ang apat na gwardya naman  ay kumalat sa paligid at nagmanman.


"Well, you can call me a woman who is a fan of margarita," sagot ni Miss Amanda.


"And you can call me Alfred...Alfred Beal. At your service," banat naman ng banyagang lalaki habang nakangiti. Napangiti naman si Miss Amanda at muling uminom ng margarita.


"Champagne please, 2...on  me," wika naman ni Alfred sa bartender. Agad namang naglabas ng dalawang baso ang bartender at nagsalin ng champagne.


"First time to meet and here you are. Getting me drunk. And it's still afternoon," nakangiting sambit ni Miss Amanda.


"Well let's just say I'm a fan of champagne, and I want to savor it with a gorgeous lady like you," sagot ni Alfred Beal. Napailing naman si Bishop habang pinapanood ang kuhang iyon mula sa monitor.


"Kung alam mo lang..." bulong niya.


"Nako...kung alam niya lang talaga. Haha," sambit naman ni Harry. Tila nakita naman sa mukha ni Miss Amanda ang pagkairita.


"Is there a problem?" tanong ni Alfred  Beal.


"Oh...nothing. It's just a little hot in here," wika ni Miss Amanda. Tila ibinaba niya pa ang neckline ng kanyang dress dahilan upang lalong makita pa ang kanyang cleavage. Kinuha niya ang champagne sa mesa at sa isang tunggaan lamang ay naubos niya ang laman nito.


"Wow...someone's thirsty," natatawang sambit ni Alfred.


"I'm sorry about that...haha," natatawang sambit ni Amanda.


"Kamandag talaga ng mga babae..." wikang muli  ni Harry. Sa inis ay palihim namang tinanggal ni Miss Amanda ang earphone sa kanyang kanang tenga.


"Shit..." bulong ni Bishop at napapikit nang makita iyon sa kuha ng CCTV.


"Naloko na.  Bakit niya tinanggal?" bulong naman  ni Harry.


"Do you still want another one?" tanong ni Alfred Beal.


"No...maybe I should go," akmang aalis si Miss Amanda at inaayos ang kanyang pulang bag.


"Anong ginagawa niya?" tanong naman ni Aira na sa pagkakataong iyon ay nanonood din ng kuha ng CCTV sa nakaparadang kotse kung saan siya naroon.


"Wait, I know a place where we can talk a little more," wika ng banyagang lalaki. Napatigil naman si Miss Amanda at tumingin sa kanya.


"Where?"


"Maybe in my room? I know it's really hot in here..." sambit ng lalaki habang napapatingin sa kanyang dibdib.


"Well...we can fix that out maybe?" dagdag pa niya.


"Hmm. That is a nice offer," sambit ni Miss Amanda habang napapakagat ang labi.


Agad tumayo ang lalaki, nauna naman ang mga bodyguard na naglakad. Inilapat pa ng lalaki ang kanyang kamay upang alalayan sa pagtayo si Miss Amanda, ang earphone naman na hawak niya sa kanyang kanang kamay ay pasimple niyang itinapon sa baso ng champagne. Tumayo siya at naglakad kasabay ang banyagang lalaki.



"Naloko na..." wika ni Aira.


"Sir Harry. Wala  na tayong magagawa. Kayo na lang po ang taong na'ndyan para magbantay sa kanya. Hindi na siya makakakuha ng command galing sa communicator," wika naman ni Bishop.


"Pasaway talaga...imbis na mapadali ang trabaho ko eh," wika ni Harry. Agad siyang lumapit sa mesa sa harap ng bartender. Kukunin na sana ng bartender ang mga baso ng champagne na iyon ngunit agad kinuha ni Harry ang baso at nilagok ang laman nito. Tumango siya habang nakangiti at nang wala na ang alak sa kanyang bibig ay saka niya niluwa ang maliit na eaphone.


"Eehhk!" sambit ni Harry na tila nandidiri pa. Tila naweirdohan naman ang bartender sa ikinikilos niya.


"Salamat ah? Medyo uhaw na kasi ako eh haha..." pagbibiro niya na lamang.


"Wala tayong surveillance sa loob ng kwarto. Wala na rin akong marinig sa kabilang linya. Pati yata ang mic ay tinanggal na niya," sambit naman ni Bishop habang tinititigan ang mga kuha pagpasok sa loob ng hotel room ni Alfred Beal. Ang mga gwardya naman ay nagbantay sa labas ng  kwarto. Ang dalawang iba  pa ay nagbantay sa elevator at fire exit.


"Buwisit..." bulong na lamang ni Aira. Lumabas siya ng kotse,  kinabig ang pinto nito at nagsindi ng yosi.


"Wala tayong magagawa. Wala tayong mata sa loob," sambit ni Bishop.


"Then let's wait!" malakas na  sambit ni Rush na sa pagkakataong iyon ay kadarating lamang. Iminulat naman ni Leivah ang kanyang mga mata at tumingin sa kanya.


"May diskarte siya...magtiwala na lang muna tayo. For now...I want you, Bishop, to check on something," wika ni Rush. Tumango naman nang marahan  si Bishop at muling nagpipindot sa keyboard.


___________________________


"Lahat ng log-ins ay naconfirm sir. Pero wala ang kanya," sambit ng isang pulis na kakalapag lamang ng ilang mga dokumento sa harap ng mesa ng imbestigador na  si Ronald Karingal. Kahit siya ay abala rin sa  pagkalkal ng iba pang mga dokumento sa kanyang mesa.


"Ang lahat, kahit sa IP address ng De Louvre? Sa mansyon ng mga dela Tore?" tanong ng imbestigador.


"Sir wala po talaga. Ang lahat ng log-ins ay wala. Kahit ang mga kuha ng CCTV camera nila. Wala rin," sagot ng pulis na nakauniporme pa.


"S-sige...salamat," wika ni Senior Investigator Ronald Karingal. Agad namang umalis ang pulis sa kanyang mesa at naglakad palabas ng kwarto.


Huminga siya nang malalim, napaupo at hinilot ang kanyang sintido. Iniisip niya ang lalaki na nakita niya sa cafe sa tuktok ng De Louvre Tower maging ang lalaki na nagtungo sa isang sementeryo kung saan nakahimlay ang katawan ni Ernesto dela Tore. Hindi siya maaaring magkamali. Hinugot niyang muli ang litrato na  nakaipit sa mga papel, naroon ang litrato ng isang binata kung saan  nakalagay ang pangalan at impormasyon sa gilid nito: Rush dela Tore, 28, younger brother of Ernesto dela Tore. Missing. Napailing na lamang siya at muling inilapag ang litratong iyon. Kinuha niya naman ang isa pa. Isang litrato ng bala ang makikita. Ang bala ng sniper na tumama sa bungo ni Ernesto dela Tore. Nakapaloob din ang impormasyon na iyon sa gilid: Bullet: Raufoss NM140 MP (.50 BMG). Rifle: Barett M8241.


"Haaay pambihira..." sambit ng imbestigador. Isa pang litrato ang kanyang hinugot mula sa tumpok ng mga papel sa mesa. Nakapaloob doon ang litrato ng sniper rifle at ang litrato ng babae na tila naglalakad lamang at nakasumbrero pang itim. May tattoo siya sa kaliwang leeg at mapapansin din ang pilas mula sa kanyang kaliwang tenga. Nakasulat kamay lamang ang pangalan niya sa ibaba.


"Leivah..." bulong niya nang basahin ang pangalang iyon. Nasundan naman sa ibaba ng kanyang pangalan ang ilan pang mga kataga: No records.


Sa inis ay ibinato ni Ronald ang papel na iyon at napatayo. Napatitig na lamang siya sa salamin na pader ng kanyang opisina kung saan makikita ang liwanag ng papalubog na araw.


"Sir naistorbo ko po ba kayo?" tanong ng isa pang pulis na kadarating lamang at tila may dalang brown envelope.


"Hindi naman. Bakit...ano 'yon?"


"Mga bagong records po. Naka-high alert po kasi tayo after 5 days. Dito dadalhin ang The Bloody Mary para sa isang exhibit," sagot ng pulis.


"Sige...ilagay mo na lang diyan." Hindi na lumingon pa ang imbestigador matapos iyong sabihin.

Continue Reading

You'll Also Like

290K 17.7K 39
SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't l...
537K 23.6K 91
Khali Vernon took the risk and came back to Tenebrés City, will she come back as the infamous Shadow of the Gangster Society, too? The society ruled...
4.3M 121K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
7M 236K 50
Erityian Tribes Series, Book #4 || Taking spying to an extraordinary level.