Last Rose

By topally

85.8K 1.1K 109

Meet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always sk... More

Prologue
Chapter one
Chapter three
Chapter four
Chapter five
Chapter six
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter ten
Chapter eleven
Chapter twelve
Chapter thirteen
Chapter fourteen
Chapter fifteen
Chapter sixteen
Chapter seventeen
Chapter eighteen
Chapter nineteen
Chapter twenty
Chapter twenty one
Chapter twenty two
Chapter twenty three
Chapter twenty four
Chapter twenty five
Chapter twenty six
Chapter twenty seven
Chapter twenty eight
Chapter twenty nine
Chapter thirty
Chapter thirty one
Chapter thirty two
Chapter thirty three
Chapter thirty four
Chapter thirty five
Chapter thirty six
Chapter thirty seven
Chapter thirty eight
Chapter thirty nine
Chapter forty
Chapter forty one
Chapter forty two
Chapter forty three
Chapter forty four
Chapter forty five
Chapter forty six
Chapter forty seven
Chapter forty eight
Chapter forty nine
Chapter fifty

Chapter two

4.6K 41 0
By topally

JANUARY 2015

Its been a week since ng may mangyari saamin ni Kijan. After kong umalis sa condo unit niya, without a proper goodbye, saying that I had fun that we shared a great memories that night together... Wala na akong narinig sakanya.

Ang isiping gagawin ko 'yon, ay lubos na umapak sa dignidad ko. This was my first time, judge me all you want.

Hindi ko alam kung paano aalis sa ganoong sitwasyon. Required bang mag paalam pag tapos may mangyari sainyo? Do people doing one night stand have to say,

"Maraming salamat at pinaligaya mo ako higit pa sa inaakala ko! Hinding hindi ko ito makakalimutan!"

Full of happiness, pleasured at the same time. Like that? I don't think so. I've seen this in movies, I've red it in books. They just snap as soon as they wake up and LEAVE.

Pero iba pala kapag ikaw na mismo ang nasa sitwasyon. Hindi mo alam ang unang gagawin mo. Mag papaalam ba, mag iiwan ng note, o aalis nalang ng parang isang panaginip lang ang lahat. Pinili ko ang pangatlo.

We were drunk that night and fulfilled each others needs.

Tapos.

Sa kalagitnaan ng pag iisip ko, pinasadahan ko ng thumb finger ang labi ko at hinaplos iyon.

I can still remember the taste of his lips, his body scent, even his whole body slamming when we're in his bed. I remember it all. Iba siguro talaga pala kapag first time.

Nagpunta ako sa balcony ng kwarto ko at nag pahangin ng marinig ko ang pag bukas ng pintuan ng kwarto.

"Mikee, be ready. We'll go at exactly 7pm." Ani Mommy.

Lumingon ako sakanya at nakita kong kakatapos niya lang maligo dahil naka bathroom robe pa siya at may twalyang nakapulupot sakanyang ulo. Tumango lang ako at isinarado niya na ang pinto. Nagpunta na ako sa loob at kumuha ng dress sa cabinet ko.

It takes me thirty minutes para pumili ng damit ko. Until I decided na mag ripped jeans nalang at loose navy green shirt na itatali iyon sa harap. I don't feel wearing dress tonight. Kinuha ko nadin ang sneakers ko sa shoe closet ko.

"Mikee, tapos kana ba daw sabi ni Ma'am?" Narinig kong tanong ni Yaya Elen sa labas ng kwarto ko at kinatok ako ng tatlong beses.

"Ten minutes pa, 'ya." Sagot ko habang nagsusuklay ng basang kong buhok at bino-blower ito.

Pinatay ko ang blower at narinig ko naman ang mga yapak ng paa ni Yaya Elen pababa ng hagdan. Pagkatapos ko ay bumaba na ako at pumunta sa salas ng makita ko si Mommy na siyang naka suot ng white evening dress at sumasayaw ang likuran nito sa tuwing naglalakad siya. Inayos niya ang kanyang hikaw ng mapatingin siya saakin from head to toe.

"Where are you going?" Kunot noong tanong niya ng may nakakairitang tingin niya sa naging porma ko. 

"Magpalit ka doon. We're going to your Grandpa's birthday. Please, Mikee, please wear dress, accessories and make up."

This makes me comfortable! Ako naman itong mag susuot at hindi siya!

"Marami rin namang naka jeans lang doon. This is way to go, Mom." I answered. She just rolled her eyes bago kuhain ang pouch niyang nakapatong sa sofa.

"Nako bahala ka, Mikee. Wala na tayong oras to argue about this. Tara na, male-late tayo." Aniya at nauna ng maglakad pa-palabas. Nag ngisian naman kami ni Yaya Elen at nakipag appear pa siya saakin.

"Ang ganda ganda kaya ng baby girl ko kahit anong damit pa ang suotin." Puri niya saakin habang sinusuklay nito ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. 

Napangiti naman ako at humarap sakanya. "Thanks, ya! You know naman kung saan ako nag mana." Sabay kindat ko.

"Mikee!"

Nawala ang pangingitian at pag hihigikan namin ni Yaya Elen ng tawagin na ako ni Mommy sa labas at binusina pa nito ang sasakyan niya. 

Nagpaalam na ako kay Yaya Elen at nagpunta na sa labas. Naabutan ko si Mommy na siyang nasa loob na ng kotse.

Nakarating kami sa isang fancy italian restaurant. 

As my Mom parked her car, I notice na walang ibang kotse ang naka park doon at ng tumingin ako sa loob ng nasabing resto, wala ring tao doon kundi ang Lola't Lolo ko lang na masayang nagku-kwentuhan habang hinihintay kami. 

Mayroon dalawang bodyguards din ang nasa likod nila sa 'di kalayuan. Tila ba nakaantabay lang. Doon ko lang napagtantong, It was reserved for my Grandpa's birthday tonight.

Bumaba na ako sa kotse at nag tungo na kami ni Mommy sa loob. Ang ngiti sa labi ni Lola ay mas lalong umaliwalas ng makita niya kami. Ganun rin si Lolo. Lumapit kami sakanila at bumeso, I even hugged them like I've never seen them for such a long time. I missed them both.

"Lol—" Before ko pa matawag si Lolo ng 'Lolo' my Mom squeezed my hand. "Happy Birthday, Grandpa!" Masayang bati ko sakanya.

He doesn't want calling him Lolo, para kasi sakanya doble dobleng edad ang nadadagdag sakanya kapag tinatawag siya ng ganun. Ewan ko, siguro kapag talaga tumatanda na parang normal nalang ang pag sisinungaling sa edad mo.

"Thank you, hija." He says smiling. Nakasuot ito ng light blue long sleeve habang naka tuck in ito sakanyang itim na slacks.

I admit that he looks younger now kaysa sa huling kita namin noong bumisita ako sa kompanya nila kasama si Mommy. Siguro ay stress na stress siya sa mga trabaho kasabay ng naging problema din noon at para lang mapagaan ang loob ni Lolo, we decided to pay him a visit.

Nagpunta na si Mommy sa tabi ni Lola at bumati ito ng beso. Umupo na siya pagkatapos ng ilang kamustahan. Bago pa man ako mapaupo, hinawakan ni Lola ang kamay ko.

"Why are you wearing like that, Mikee?" Lola said while looking at me from head to toe as she sip to her wine.

Napatingin naman ako kay Mommy at parang binigyan niya ako ng tingin na I-told-you-look. Nakakainis na. Bakit ba pati ang suot ko pinoproblema nila?

"It makes me feel comfortable po, Mamita." Mahinahong tugon ko at ngumiti ng pilit.

Lola is more strict than my Mom. Sobrang luwag nga ni Mommy saakin kaya't nakakaya ko pang kumawala kumpara kay Lola. Kwento saakin noon ni Yaya Elen na grabe nalang kung mag higpit si Lola kay Mommy. Masakit mag salita si Lola. Wala siyang pakialam sa nararamdaman mo hangga't masabi niya ang gusto niyang iparating sa'yo. Direkta, wala ng paligoy-ligoy pa.

"But you're in a fancy restaurant, hija. You shouldn't be wearing like that. You should wear a beautiful evening dress just like your Mom. Put accessories too and not some boyish style watch. You looked pale. Matuto kang mag make up."

Napatungo nalang ako at pinasadahan ng tingin ang suot ko. My Lola looks dashing in her color navy blue princess scoop neck tea length chiffon dress with matching of her silver spring stilettos.

Hindi ko maintindihan why do I need to be like my Mother? I don't want to be like her. 

"Cristina, wife..." Hinimas ni Lolo ang likod ni Lola kaya't napabaling ito ng tingin sakanyang asawa. "Let her body decide what she wants to wear. She looked fantastic on her ripped jeans!" Nakangiting sabi ni Lolo at itinuro ang ripped jeans ko habang nakatingin saakin.

Si Lolo lang talaga ang kayang mag tanggol saakin sa tuwing pinupuna ako ni Lola. I smiled at him bago umupo.

The dinner was served and we started eating. Nag uusap usap sila about business kaya't ginawa ko nalang busy ang sarili ko sa pagkain. 

Hindi ko rin naman kasi sila maintindihan at wala din akong balak makisali sa usapan nila. More on sa trabaho ni Mommy sa ospital hanggang sa mapunta ang pag uusap nila sa pag aaral ko. It makes me sick hearing those words all the time kay Lola telling na...

"Mikee, you should be like your Mom. She's successful now. Malay mo after a year, your Mother has her own hospital."

Ano naman kung mag karoon siya ng sarili niyang ospital? Edi mas lalo lang hindi ko na nakita si Mommy dahil sa sobrang busy niya na parang bahay niya na 'yung ospital.

"By the way, what are you taking now, Mikee?" Grandpa asked as he wipe the sides of his lips using a table napkin. Napatingin ako sakanya at binitawan muna ang hawak kong kubyertos.

"Business Management po." Sagot ko at tumigil muna sa pagkain.

"Oh, that's great! After you graduate you can be a part of my company. I'm sure you'll do great on your job in the near future. I will soon give your reward kaya't pag butihan mo!" Maligalig na sabi ng matanda at nag tinginan sila nila Mommy at Lola kaya't napangiti nalang din ako.

Lolo supports me all the time. Kahit anong desisyon ko ay palagi lang siyang sumasang-ayon na para bang mas mabuti nalang maging suportado kaysa ang paulit ulit na husgahan ang ginagawa ko. 

Pakiramdam ko ay palagi lang siyang nasa likod ko para gabayan at pangaralan ako sa bawat hakbang na gagawin ko sa buhay ko and I think, I'm in the right path...

I think?

Itinuloy ko ang pag kain ko pero bigla ulit nag salita si Lola.

"Why don't you take medicine?" Lola said without looking at me as she cuts her steak with a knife.

"You know she can't do it, Ma. Ilang beses ko na nga iyan ipinasok sa med-school, pero wala talaga. Nasasayang lang ang pera." Mariin akong napahawak sa knife ng marinig ko iyon kay Mommy.

Bakit pa kasi niya ako pinag aaral eh alam naman niyang wala ako sa wisyo mag-aral. Business Management? Pinili ko lang 'yan dahil 'yan ang pinili ng mga kaibigan ko. Kaya nga lagi akong nagcu-cutting at hindi nag papasok sa school dahil hindi ko naman alam ang pinagsasabi ng prof sa harapan.

Matapos ang dinner ay umuwi narin kami ni Mommy. Ang daming tanong ni Mommy about sa school ko. 

Nag imbento nalang ako ng mga kwento dahil hindi naman ako nag papasok at lagi lang akong tambay sa studio ni Yiko. Yung mga kwentong sinabi ko ay ang kwento lang saakin ni Valie lagi pag nag kakasama kami sa mall kapag weekends. 

Every night naman, nasa Club ako at doon na nakikitulog kay Valie. Hindi naman kasi umuuwi si Mommy at paminsan minsan lang.

Bumaba na ako ng kotse pagkarating namin sa bahay. Pagkapasok ko ay nag diretsyo na agad ako sa loob ng kwarto ko. 

Hinubad ko na ang sapatos ko at tinapon nalang sa kung saan pati narin ang ripped jeans ko at t-shirt ko. I'm now only wearing undies and bra. Humiga ako sa kama and at binalot ang sarili ko sa comforter. 

"Psst,"

Nagulat ako ng marinig ko ang pagsitsit na nagmumula sa may balcony kaya napahawak ako ng mahigpit sa comforter k o at dahan dahan inangat ang ulo ko para matanaw ang balcony na siyang napaka dilim.

"Mikee..." Kinilabutan na ako ng pabulong nitong tinawag ang pangalan ko.

Nag aalangan akong lumapit dahil malalim na ang gabi at mahirap humingi ng tulong dito dahil kaming tatlong babae lang ang nasa malaking bahay na 'to at dahil narin sa naka bra't panty lang ako!

Baka ma rape pa ako ng 'di oras nito!  One week palang after I lost my virginity pero kung may gagawin man ang kung sino mang hayop na 'to, huwag naman sana!

Ayan nalang ang tumatakbo sa isipan ko habang nag lalakad papunta ng balcony. Dahan dahan kong binuksan ang switch ng ilaw sa balcony ko. Puno ng pangangatog ang buong katawan ko at halos manlambot ang tuhod ko habang naglalakad papalapit doon.

Nang mabuksan ang ilaw, halos mapa upo nalang ako sa sahig at kumawala ng malalim na pag hinga. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ng makita ko si Valie.

"What are you doing here in the middle of the night! Aatakihin mo ba ako sa puso?" Pasigaw ngunit pinipilit kong lakasan ang boses ko.

Kaya't naging mariin ang pag kakasabi ko nun sakanya habang hawak hawak ang dibdib ko at pinipilit na pakalmahin ang sarili ko.

"Sorry naman, girl! Hindi mo kasi sinasagot ang phone mo! What are you doing ba?" Tugon ni Valie habang pinapagpag ang tuhod niyang nadumihan. Nakaakyat na kasi siya.

Wala naman dapat ipag alala dahil mahilig itong mag hiking at wala din takot ang babaeng 'to sa heights!  Nakaka relive daw kasi ng stress when you reach the top. Kaya't pati ang balkonahe ko, nagagawa niya ng akyatin. Hindi na ako mag tataka kung makapag nakaw na ito sa ibang bahay. Easy-peasy lang ito sakanya.

"Nag dinner kami dahil birthday ni Lolo." Sabi ko at naupo na sa kama.

Pinasadahan ko ng tingin ang suot ni Valie ngayon dahil nakasuot siya ng isang red dress at sobrang hapit na hapit ito sa katawan niya like it was her own skin. 

Kaya naman lumuluwa't nag susumigaw na yung cleavage ng babaeng 'to! With her white stilettos, it matches her smokey eyes and red lipstick on her lips. She looks damn seductive! Alam ko na kung saan pupunta 'to.

"Tara?" Tanong niya habang nakatingin sa full length mirror ko habang nakapamewang.

"I don't think makakasama ako. My Mom's here. Baka mahuli niya tayo." Tamad kong sinabi at humiga sa kama habang naka pulupot parin ang buong katawan ko sa comforter.

"Ten palang naman eh. We'll wait 'till twelve then party party na!" She moves her body like dancing at a club.

Natawa naman ako. I think it's a good idea too kaya agad akong tumayo mula sa pag kakahiga ko sa kama and just found myself facing my cabinet looking for clothes that will fit in the place I called heaven. 

Club.

We wait until twelve midnight. Nag make up ako ng night make up and Valie picked good and seductive clothes for me that she founds in my closet. I wear high heels too. 

Kinatok ko naman si Yaya Elen sa kwarto niya bago pa man kami umalis ni Valie at binuksan niya 'yon. I know she's awake pa dahil nanonood siya lagi ng K-drama. Kinuha ko kay Yaya Elen ang susi ng kwarto ko dahil iniwan ko 'yon ng lock kung sakaling pumasok si Mommy sa loob ng kwarto ko. 

Yaya Elen is the best partner in crime. Alam na niya lagi ang plano namin kapag aalis kami ni Valie at mag wawalwal.

She gave the key of my room. I waved her a goodbye. Mga tanghali na ako makakauwi because I'm staying at Valie's house. There's no way I'll end up again on someone's bed. Magkamatayan na.

Nagpunta na kami sa loob ng kotse niya pag kalabas at napa sigaw nalang kaming dalawa dahil nakaalis na kami sa bahay. 

Nakaramdam ulit ako ng freedom after a week. Pagkarating namin sa Club, sumalubong na agad ang loud music at ang nakakahilong ilaw. 

Nandoon narin sila Polo, Les at Yiko na silang nag iinuman sa may couch. Hindi na sila nagulat ng makita nila kami. Mayroon din silang ibang kasama sa table na hindi namin kilala personally pero madalas namin makita rito sa Club.

We're drinking like there's no tomorrow. Nag sayaw din kami mag babarkada sa dance floor. Puro tawanan lang at wala ni isa pa saamin ang nalalasing. 

Matapos ang pag sasayaw, bumalik na kami sa couch at ng makita ko si Polo na siyang kumuha ng isang stick ng yosi sa isang pakete ng yosi niya, humingi ako agad ng isang stick. 

Nakakapagod din maging good girl ng isang linggo sa bahay. I can't do whatever I want.

When my favourite song comes on, agad akong napatayo sa couch at nag sasayaw sa dance floor. Sumama naman saakin si Valie pero may kasama siyang isang guy na I think, nahugot niya lang 'yon dito sa Club. They're dancing seductively, touching each others body. Mag isa nalang akong sumayaw at hinayaan ko sila.

I love this song kaya wala akong pake kahit wala akong kasayawan. Until I felt someone's hitting on me behind my back. His warm hand landed to my butt. His touch... It was so familiar that I couldn't process my mind anymore. 

Dala ito ng alak o kung ano pero pamilyar ang hawak na iyon.

"Hey," Agad akong naalarma kaya't humarap ako sakanya pero nakatalikod ito saakin at nakaharap sa grupo ng mga kalalakihang nagsasayawan at nag tatawanan.

"Chas!" Ang baritono nitong boses ang nagsalita. Pagbabanta sa kasama nitong hindi matigil sa paghahagikgikan.

Ibinaling niya ang mata niya saakin. I was surprised when I saw him. Now I know why it was very familiar to me.

"Sorry, para kasing mga bata 'tong kasama ko, nag tutulakan pa." He explained. 

Umiling ako. It was Kijan. "No, it's okay." I stuttered. Tumalikod ulit ako at nag tuloy mag sayaw kahit dama ko ang panlalambot ng mga tuhod ko.

Bakit parang hindi niya ako naaalala?  The way he talks to me, parang walang something na ngyari saamin... o ganun talaga ang ngyayari pagkatapos? But that wasn't the scenario I've red and seen in movies and books.

I shook the idea that came up. I don't wanna be friends with him, more like with benefits.

Buti nalang at hindi niya ako maalala dahil baka iwasan ko lang din siya buong magdamag dito.

"Kijan," Kahit sa lakas ng music, rinig na rinig ko ang malalim nitong na boses or I'm just preoccupied to think other things knowing that his presence is just behind me.

Napaharap ako sakanya at laking gulat ko nalang na sobrang lapit niya saakin. Invading my personal space... Uso pa ba 'yon? We're in a club, wala ng personal space na tinatawag dito! Goodness gracious, Mikee!

He offer his hand in front of me. Parang 'yon lang ang pagitan naming dalawa.

Why is he doing this? Ang pormal naman ata masyado? Parang wala namang ngyari saamin para mag pakilala siya ng ganto saakin. Like a friend? Damn, Mikee! Ayoko naman maging insnaberang bitch, so I grabbed his hand.

"Mikee," hilaw na ngiti ang iginawad ko rito.

Dahil sa pang aasar ng nga kasama niya, nag punta kami sa couch at nag usap doon. Kahit na maingay ang buong paligid, we're talking like a friendly introduction?

I didn't find it boring kahit ang tingin ng iba'y boring ngang makipag kilala ng ganto ka pormal sa club. It's not a fucking coffee shop, dumbass!

Ano bang pinupunta ng mga tao sa club? Unang una, malasing, mag saya hanggang sa makalimutan ang problema, uminom ng alak ng parang wala ng bukas. 

Makihalubilo sa mga tao, makipag kilala pero walang interes na kausapin kinabukasan. 

I'm sure people here don't really remember the names of the people they're talking to right now. Sa dami ng nakakausap nila, sa dance floor, sa mga table, sa nakakasalubong sa CR, may pagkakataon ka pa bang malaman ang lahat ng 'yon dala ng nakakahilong alak?

But now, I'm here. Talking to him like I'm in a fancy restaurant. Not minding the loud music and lights that there's no dimensions. Crowd's singing, people's staring. I don't mind it at all.

Gusto ko 'to. Yung tipong kung anong salita lang ang lumabas sa bibig niya, nahihilo ako sa mga kwento niya. Hindi sa alak na iniinom naming dalawa, kundi sakanya. Tila parang isang musika saaking tainga at tawa nito sa tuwing nagku-kwento ako.

He seems attentive even though some people are approaching him, waving at him. Para bang regular nga talaga siyang nandito dahil ang daming nakakakilala sakanya.

Well, hindi naman na talaga kami nag uusap noon pa man, madalas ko na talaga siyang nakikita dito sa club but I've never tried to approach him. He has this freakish aura to me, his eyes were icy. The build of his body looks frightening that he could break me in a blink of an eye.

Kahit nga batian ay hindi namin ginagawa sa isa't isa. Ngayon gabi palang talaga ang masasabi kong kauna unahan. I can tell right now that my speculation about him wasn't true at all. He seems gentle and prudent...

Wala siyang nabanggit having sex with me a week ago, kahit ako'y ganun din. Para bang naging alaala nalang ang ngyaring 'yon, or maybe, nakalimutan niya na 'yon but for me, I still remember it all.

"So Mikee, saan ka umuuwi?" He lean forward so I can hear him.

Hindi kami magkarinigan dahil sa lakas ng music pero hindi naging problema iyon saaming dalawa.

"Sa veredict subdivision, malapit lang dito. But I'm staying the night with my bestfriend's house." Sagot ko naman sakanya. Tumango tango siya. "Ikaw?" Tanong ko kahit na alam ko na sa isang condo siya nakatira.

"I just got back here in Manila a few months ago. Near BGC lang ang tinitirahan kong condo." Sagot niya. See? I was right. I just nodded as an answer

I can't help but to look at his lips. Hilig niya kasing ang basain ang labi niya kapag nag sasalita siya kaya mas lalong lumalabas ang pamumula nito. Ang maituturing ko lang sigurong malambot sa katawan niya ay ang labi niya.

We pause for a minute, analyzing each others faces. Ngayon ko lang nakita ng malapitan ang mukha niya.

Hindi ko kasi masyadong nakita ang mukha niya noon dahil sa madilim ang kwarto at tanging lamp shade lang ang naging ilaw namin dalawa. 

May nunal siyang maliit sa may taas ng makapal nitong kilay. Ang istraktura ng mukha niya'y mapaghahalataang may lahi itong banyaga. Kulay abo ang mga mata niya at mayroon ding matangos na ilong.

"Mikee, sayaw na!" Nawala ang pag tititigan naming dalawa at agad akong nag iwas ng tingin sakanya at pinukaw ang mga mata ko sa maingay na dance floor.

Hindi mapakali ang mga mata ko at para akong nahihilo sa walang dimensyong mga ilaw na pumapalibot sa buong club. Tumingin ako sa sahig and I heard him chuckles. Natawa nalang din ako. Panira naman 'tong si Les oh! 

"Sige, I won't interrupt you guys! Continue with what you're doing!" Nagbalik na siya sa dance floor at parang wasted na nag sasayaw kasama sila Polo at Yiko. 

These guys are so drunk na siguro! Nasan naba si Valie?

Nawala siya sa paningin ko dahil sa kausap ko si Kijan buong mag damag. Napatingin ako sa phone ko at nagulat ako na quarter to four na ng madaling araw. Oh God! 2 hours kaming nag uusap ni Kijan? 

Yes, we're drinking beer pero wala akong init na nararamdaman while talking to him. Init na nag mumula sa alak, pwede pa.

Napatingin ako kay Kijan and I saw him drinking his beer. He doesn't smoke, sabi niya. Kaya nagulat siya nung nakita niya akong humugot ng isang stick sa isang pack ng sigarilyo ni Polo.

"Hindi ako pwedeng umuwi sa bahay nito. Asan kaba Valie?" Tanong ko sa sarili ko while contacting her. She didn't answer her goddamn phone! Gosh, Valie! Saan ako uuwi?

Nandito ako sa parking lot at nasa harap ng kotse ni Valie but she wasn't here even inside the Club. Nakita kong paparating na sila Yiko, Les at Polo na siyang may dala dalang mga babae. Tig iisa pa sila, actually.

"Have you seen Valie inside?" I asked them pero parang mas masarap pang kumausap ng baliw kaysa sa mga 'to. 

Mga lasing ang mga hayup. Pagewang gewang pa ang mga babaeng nakapulupot sakanila na parang ahas.

"Mikee, saan ka uuwi niyan?" Ah, good thing at wala pa masyadong tama si Yiko. 

Napaisip naman ako sa tanong niya. Wala naman ako matutuluyan. Hindi ko nahingi kay Yaya Elen ang susi ng bahay kaya di ako makakapasok. For sure pag nalaman ni Mommy 'to, mabubuhay na naman ang dragon sa pag kakatulog. 

Nakakainis naman 'tong si Valie eh! Sinabi ko ng hindi siya pwede munang sumama sa iba kasi dun ako matutulog sakanila. Bawal naman ako makitulog sa mga ulupong na 'to. Maganda ng wala silang inaalalang tatlo.

"I'll find a way." Yan nalang ang sinabi ko at tuloy lang sa pag contact kay Valie.

"You sure?" Yiko asked.

I nodded. "Sige na, ingat kayo ha? Mag check in nalang ako sa hotel." Sabi ko para hindi na sila mag alala.

"Okay, mag ingat ka. Text one of us—no, text me." Paalala ni Yiko at gumapang ang labi ng babaeng kasama niya sa leeg niya kaya't nakikiliti itong hinawakan ang baywang ng babae para tumigil.

"Sige na, sige na." Pagpapaalis ko sakanila. Umalis na silang tatlo at sumakay na sa kani-kanilang kotse.

After calling her several times, I gave up. Maglalakad na sana ako para tumawag ng taxi when someone grabbed my arm. It's Kijan.

"Where's your friend?" He asked.

Oo nga pala nabanggit ko sakanya na mag stay ako sa bahay nila pero ngayon, ito ako. Mag isang nag lalakad habang 'di alam kung saan pupunta.

"It sucks. Sumama ata siya sa lalakeng nakilala niya kanina." Nahihiyang sabi ko. Ipinamulsa niya ang kamay niya sa loob ng itims na slacks na suot suot niya.

"I won't let you take a cab while you're wearing that dress. I'll drop you off." I felt relieved when he says that.

"I'm sorry, I can't." Umiiling ako sakanya at napababa ng tingin.

Hindi ako pwedeng umuwi. Malalagot lang ako.











follow me on my social media accounts:

twitter: @amedc_

instagram: @amedc_20

Continue Reading

You'll Also Like

32.1K 628 51
Precious Chavez has everything that anyone could asked for. In her young age she lives in such an opulent lifestyle, but everything she has isn't wh...
3.1K 219 48
Season Series 1: Summer [COMPLETED] After she got into an accident, she lost her memories. She doesn't remember everything, even what was her life be...
1.3M 18.9K 41
Dice and Madisson
8.6K 582 33
Scarlett Ysela Alvior is the prettiest girl in High school. She's all about her body and appearance. Rich and famous, all men want her. Everyone thin...