Last Rose

topally द्वारा

85.8K 1.1K 109

Meet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always sk... अधिक

Prologue
Chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter five
Chapter six
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter ten
Chapter eleven
Chapter twelve
Chapter thirteen
Chapter fourteen
Chapter fifteen
Chapter sixteen
Chapter seventeen
Chapter eighteen
Chapter nineteen
Chapter twenty
Chapter twenty one
Chapter twenty two
Chapter twenty three
Chapter twenty four
Chapter twenty five
Chapter twenty six
Chapter twenty seven
Chapter twenty eight
Chapter twenty nine
Chapter thirty
Chapter thirty one
Chapter thirty two
Chapter thirty three
Chapter thirty four
Chapter thirty five
Chapter thirty six
Chapter thirty seven
Chapter thirty eight
Chapter thirty nine
Chapter forty
Chapter forty one
Chapter forty two
Chapter forty three
Chapter forty four
Chapter forty five
Chapter forty six
Chapter forty seven
Chapter forty eight
Chapter forty nine
Chapter fifty

Chapter one

7.3K 60 3
topally द्वारा

"Go finish your thesis!" Sigaw saakin ni Mommy bago siya tuluyang umakyat sa hagdanang bato.

Nang mawala na siya sa paningin ko, napa irap nalang ako at padabog na sinarado ang laptop ko. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Yaya Elen saakin na dala dala ang isang baso ng pinapatimpla ko sakanyang chocolate milk.

"Hayaan mo na ang Mommy mo. Baka marami na namang naging problema sa Hospital." Mahinahong sabi ni Yaya Elen.

Kinuha ko na ang baso ng chocolate milk at nag pakawala ng buntong hininga.

"Thanks, 'ya." Sabi ko at umakyat narin papunta sa kwarto ko.

Bago pa man makapasok sa loob, namataan ko ang papalabas na si Mommy sa pinto ng kanyang kwarto. Mabilis na akong pumasok sa loob ng kwarto ko para hindi na kami mag pang abot pang dalawa.

Sawang sawa na ako kinse minutos o di kaya'y trenta minutos niyang pag bubunganga saakin. Paulit ulit nalang. Nilapag ko na ang laptop ko sa study table at 'yung baso ng chocolate milk.

"Mikee," hindi pa man ako nakakaupo sa kama ko ay narinig ko na naman ang boses ni Mommy sa likod ng pintuan.

Ano na naman kayang sermon ang sasabihin niya saakin? Hindi pa ba siya tapos?

Tamad akong pumunta sa harap ng pinto at binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Tumambad saakin si Mommy na suot ang kanyang puting sutlang roba at nakapusod ang buhok niya.

Tanggal narin ang make up niya ngunit may kaunti pang natitira sa mga mata niya. Mas bumabata talaga ang itsura ni Mommy sa tuwing wala siyang make up. Pinapakita nito ang bilugan niyang mga mata at kahit na may edad na, hindi mo 'yon makikita sakanya dahil sa ganda at kinis ng balat niya.

Satingin ko nga'y kaya niya mas tinatapangan ang make up niya sa tuwing papasok siya ay para mag mukhang superior ang tingin ng mga nag ta trabaho sakanya. Mas makita ang tapang nito kahit na sa likod ay ang kahinaan ni Mommy. Ang malambot niyang puso.

Napababa ako ng tingin sa hawak niyang apat o limang folders na siyang inaabot saakin. Tinignan ko naman ang mga iyon at tinanggap.

"Ano 'to?"

"Aralin mo lahat ng 'yan," Hindi ko pa man binubuklat ay may pinatong na siyang flashdrive sa ibabaw nito. 

"May power point presentation ka by tomorrow sa Company nila Mrs. Wartz. Don't be late. Be there at 8am—before 8am." She said with authoritative tone. It's like I'm one of her employees.

Habang iniisa isa kong tignan ang mga 'yon. Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan. "Please anak, huwag mo akong pahiyain doon." Dagdag pa ni Mommy kaya napatingin ako sakanya.

Kunot ang noo kong napatingin sakanya. Yung mukha niya ngayon ay bihira ko lang makita sakanya sa tuwing kausap niya ako. Ang mga mata niyang natural na nakikiusap saakin na mag punta ako bukas sa kompanya nung Mrs. Wartz what–so–ever na hindi ko naman kilala.

"Marami akong gagawin bukas, Ma. Hindi ako makakapunta dyan." Sabi ko at ibinalik sakanya ang mga folders na binigay niya. Kita ko ang mariin na pagpikit niya na parang pinapakalma niya ang sarili niya.

I know her, ayaw na ayaw niyang tinatanggihan ang offer niya lalong lalo na kapag nag exert talaga siya ng effort para dito. At satingin ko, malaking effort ang ibinigay niya dito. 

It's a big company, I guess, but I don't give a damn about it.

"Alam mo ba kung ano itong tinatanggihan mo?" Nanliliit ang mga matang sabi niya.

"Marami kang gagawin? Anong gagawin mo? Pupunta ng mall kasama ang mga kaibigan and then what? Mag papang abot hanggang madaling araw sa club? Mikee, you're 21 but you're still acting like a teenager! You supposed to have a Job by now kung tinapos mo lang 'yang thesis mo at on time kang naka graduate!" Bulyaw niya saakin na para siyang nagiging dragon na dahil sa init ng ulo. 

Nakakarindi na, ito na naman paulit ulit na naman.

"Ma, I have my own band. Wala na akong kailangan pa and besides by doing that nakikilala kami." Dahil paulit ulit siya sa sermon niya saakin, inulit ko lang din ang ilang beses kong katwiran sakanya.

Nakita ko ang madalas na ekspresyon ng mukha ni Mommy. Iyong galit na galit na halos maputol na lahat ng ugat sakanyang noon. Nagmistulang isang terror na teacher na kinakaayawan ng lahat ng estudyante kapag nagalit.

"Natutuwa ka pang pa-banda banda ka nalang?" Nag pintig ang tainga ko sa narinig mula sa sarili kong ina. 

"Kapag mayroon lang mga events dun lang kayo nakikilala. Minsan may pera, minsan wala! Hindi ganyan tumakbo ang mundo, Mikee! Don't you wanna have a permanent job at gusto mong dyan ka nalang lumaki? C'mon, Mikee! Hindi ka aasenso niyan!"

Sa mga sinabi ni Mommy wala na dapat pang nakakagulat o nakakainsulto. Tatlo o apat sa isang araw ko atang naririnig ang mga ganyan niya saakin. Depende nalang sa haba ng oras niya sa pag stay dito sa bahay. 

Sanayan nalang at paulit ulit nalang din ang nagiging sagot ko.

"This is what I like, Ma." Tila pinal na sagot ko.

"Matutulog na po ako." Dagdag ko at sinarado na ang pinto. 

Alam kong pang babastos ang ginawa ko pero sanayan nalang siguro. Parati naman kaming ganito ni Mommy so what's new?

Darating siya galing sa trabaho, pupuntahan ako sa kwarto ko para pilitin na tapusin ang thesis ko para maka tapos na ako. Tutal ay 'yon nalang naman ang kinakailangan para mabigyan na ako ng diploma na nakatapos ako sa eksklusibong paaralanan na 'yon at makapag trabaho sa kilalang kompanya. 

Just like what my Mom suggest. Ayaw niya 'yong puchu-puchung kompanya lang na pu-pwede mong pabagsakin ng wala kang ginagawa.

What to expect? I'm Nydia Ortego's daughter. 

Kilalang mga tao ang pinanggalingan ng pamilya ko lalong lalo na ang Lola't Lolo ko dahil sa kasaysayang naidulot nila sa business world. Kaya't nararapat lang na magtrabaho ako sa malaki't kilalang kompanya. But I won't use my family's power para lang makapasok ako sa posisyon na 'yon. 

I will start from the scratch and by creating my band, iyon na ang simula ko.

Minsan sobrang nakaka bore nalang, meeting her everyday. Kahit na ang sama sama pakinggan pero yun ang totoo. Inaagahan ko nalang minsan ang tulog ko para hindi kami ulit mag bangayan ni Mommy or kaya, umaalis ako ng bahay without telling her.

Depende pa 'yon kapag sobrang stress na siya sa work niya sa ospital. 

Ako ang nag su-suffer sa mga katangahan ng mga nurse na pinapagalitan niya. She's strict, terror and really organized sa lahat ng bagay. She's almost perfect, but there is something to her that is empty. 

Her heart. 

I don't see her as my Mother everytime na makikita ko siya, nakakausap ko siya at nakakasama ko siya sa napakalaking bahay na 'to. I see her as the most greatest Doctor here in the Philippines.

It took me years to realize na hindi sa lahat ng bagay may magulang akong palaging nandyan para saakin. 

Never ko din namang naramdaman na nandyan sila para saakin. Kapag pag may mga events sa school, palaging si Yaya Elen ang nag pupunta at uma-attend. Kapag may nagawa na naman akong hindi maganda sa school, siya padin ang nag pupunta.

Wala eh, siguro na bo-bored lang akong makita araw araw ang mga kaklase ko. 

I was a new born baby since my parents seperated. Lumaki akong walang Ama. I don't have any communication at him at all. 

Para bang nilagyan ni Mommy ng pader ang pagitan namin ni Daddy para hindi na kami makapag usap pa o makita pa ang isa't isa. Napapagod narin akong tanungin pa si Mommy sa kung anong naging dahilan kung bakit wala akong tatay na nakita at sinubay-bayan ang pag laki ko, narinig ang boses pati ang pagkalong ng isang Ama sa anak niya. 

Wala. Lahat ng pag aaruga, kay Yaya Elen ko lang lahat naramdaman.

Hindi ko na siya nakita pa, hindi ko din alam ang mismong amoy niya. Kahit pa ang mismomg pangalan niya. He remains unknown to me and asking myself ever since I was born. Baka nga wala na siya? Baka patay na?

Kaya never na talaga akong nag seryoso sa pag aaral. Pag rerebelde ba? Iyong thesis na tinutukoy ni Mommy, nganga lang sa laptop ko at binasura ko na sa recycle bin. Kaya sa pag babanda at pa gig-gig nalang ume-extra.

Ito ang gusto kong gawin at ayokong matulad kay Mommy na hindi niya nagawa ang gusto niya dahil kino-control siya ni Lola. Never niyang tinanong kung ano ang gusto ko, basta gusto niya, yun dapat ang masusunod at ayoko ng ganun.

Nag ring ang cellphone ko kaya nawala ako sa pag iisip. Tinignan ko muna kung sino ang tumatawag syaka ko kinuha. Si Les lang pala.

"Oh bakit?" May iritasyon sa boses ko dahil sa naging bangayan namin ni Mommy kanina.

"Mikee, ano tuloy ba tayo bukas?" Tanong nito sa kabilang linya.

Sandali akong napaisip kung anong meron bukas. Birthday celebration pala ng kabanda namin na si Jaydy. Nag-oo lang ako sakanya at ibinaba ko na ang cellphone.

Kinaumagahan, bumaba ako para mag breakfast at sabi ni Yaya Elen, umalis na si Mommy. As always.

Kumain nalang ako mag isa, sa napaka habang table dito sa dinning area, sa napaka laking bahay at nakaka binging katahimikan. 

Tinawag ko si Yaya Elen, para siyang sumabay saakin ngayon. Nagusap lang kami ni Yaya at sinabi ko rin sakanyang aalis ako today at late na naman makakauwi para 'yon ang sabihin niya kay Mommy kapag dumating.

Pagtapos kong kumain ng umagahan ay nag bihis na ako para mag punta sa Studio namin. Nag text kasi saakin si Les na may surprise kami para kay Jaydy. Ginawa ko lang ang daily routine ko, nag suot lang ako ng white shoes, loose shirt at jeans. 

Pumunta ako sa cabinet ko at kinuha ang yellow velvet cap ko sa may naka hang na iilang mga caps doon. Binitbit ko narin ang guitar ko at bumaba.

Binuksan ko na ang kotse ko na naka park sa labas ng bahay. Pumasok na ako sa loob at inilagay sa passenger seat ang gitara ko. Hindi ko pa man iniis-start ang makina ng kotse ko, bigla ng bumuhos ang malakas na ulan.

"Kung minamalas ka nga naman oh." Hampas ko sa manibela.

Mahirap pa naman mag maneho palabas dito saamin kapag malakas ang ulan dahil may inaayos na kalsada at bangin na madaraanan kaya't kailangang maging maingat.

Nag text ako kay Les at sinabi kong male-late ako dahil sa lakas ng ulan kaya mag start nalang sila. Alam na niya ang ibig sabihin nun dahil naka ilang punta na sila dito at ang worst pa dahil laging naulan at nakita nila kung gaano katakot takot ang bangin dito saamin. 

Tinignan ko ang relo ko at nakita kong quarter to one palang. Siguro naman at hindi aabutin ng hanggang ala sais ang pesteng ulan na 'to. Bwiset.

Habang hinihintay ang pagtila ng ulan, nag stay lang ako sa loob ng kotse ko habang pinapatugtog ko ang paborito kong playlist at hindi ko alam na nakatulog pala ako.

Naalimpungatan nalang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Fuck! What time is it? Agad akong napabalikwas at tinignan ang relo ko at nakita kong alas kwatro na pala. Ang haba ng itinulog ko!

Nag start na akong mag maneho and it takes me less than an hour para makarating sa studio. Hays, buti abot pa.

Sinalubong naman ako nila Les, Valie, Polo. Ang mga kabanda ko kasama ang Manager ng grupo namin na si Yiko. Kaya din namin siya ginawang Manager dahil sa siya ang nag push samin na bumuo ng grupo. 

Dalawa lang kami ni Valie ang babae sa banda. Siya ang Guitarist namin at dahil sa talented ako, biro lang. Guitarist and Vocalist din ako ng banda.

"Kala namin hindi kana darating eh." Panimula ni Yiko saakin at tinapik ang balikat ko.

"Pasensya na, alam niyo naman bawal mag drive samin kapag umuulan unless nalang kapag nalampasan mo na ang bangin doon." Sagot ko at tumango tango nalang silang apat.

Matapos ang konting pag uusap, nagpunta na kami sa venue kung saan gaganapin ang celebration ni Jaydy na talagang pinag handaan ng syota niyang si Eunice.

Nang makarating kami doon, malakas na tugtog agad ang sumalubong saamin at ang napaka liwanag ng nagsisilbing mga ilaw sa gilid gilid. Sa garden ginanap ang selebrasyon ng kaarawan ni pareng Jaydy. 

May mga bisita narin dahil 6pm na. May mga nakahanda naring starters para hindi magutom ang mga panauhin. Kaunti palang naman pero ang ilan sakanila ay nakikilala kami. Hindi naman ganoon ang kasikatan ng grupo namin pero tama lang din.

Yung tinatawag tawag ni Mommy na "pa-banda banda lang" ay minsan naring lumabas sa TV at naimbitahan ng mag concert sa mga schools.

Nagtungo kami sa isang room na attached lang din sa venue. Pagkapasok namin ay nandun si Eunice at ang pamilya ni Jaydy. Aba para ang engrande naman ata ng birthday ng mokong na 'yon?

"Ayan na pala sila!" Natutuwang salubong saamin ni Eunice. Nagbatian kami at matapos nun ay nag ready na kami.

Buong araw na hindi pinansin ni Eunice si Jaydy dahil nga sa gagawing surprise nito sa nobyo. Typical. Walang kaalam alam si Jaydy sa gagawin naming surpresa sakanya. 

Kaya nga magdamag nalang ang text saamin ni Jaydy at nagaamok saakin na uminom dahil birthday niya pero wala kaming lahat para sakanya, pero wala kaming mga paramdam. Isa o tatlong reply lang ang ginawa namin sakanya sa dami ng tanong niya kung nasaan kami. Para din hindi siya gaanong makahalata.

Ilang sandali pa, tinawagan ni Yiko si Jaydy na pumunta dito sa venue dahil mayroong biglaang tugtog kaming natanggap. Itinext ni Yiko ang address at ang walang ka-alam alam na si Jaydy ay agad namang nag punta.

Tahimik, madilim ang sumalubong sakanya. Tanging kuliglig lang ang maririnig at ang lahat ng bisita ay nag tago sa iba't ibang parte ng garden na 'to.

Ilang sandali pa, nagulantang ang lahat ng biglang marinig ang malakas na pag iyak ng sanggol. Napalinga linga si Jaydy at hinahanap kung saan nanggagaling ang iyak na 'yon, Pilit naman pinapatahimik ng Ina ang batang kalong kalong niya. Tita ata iyon ni Jaydy? 

Lahat tuloy kami napa-pikit nalang dahil mukhang alam na ni Jaydy na susurpresahin siya. Huminto ang pag iyak ng sanggol at nagtuloy sa paglalakad si Jaydy.

"I'm going first then sunod na kayo, okay?" Bulong ni Eunice saamin. Nag si-tanguan naman kami pero napaatras ang pag lakad ni Eunice ng biglang mag salita ang bata.

"Mommy, nilalamok na ako! Bakit ang lalakeng 'yon mukhang tanga na naglalakad habang tayo nag tatago dito?" Hindi na namin mapigilan ang inis dahil anak din iyon ng babaeng may kalong na sanggol kanina.

"I knew it!" Natatawang sabi ni Jaydy at dahil sa hindi na surprise, naiinis na pinabuksan ni Eunice ang ilaw at dismayadong nagpunta sa harap ng boyfriend niya habang hawak hawak ang cake.

"Happy 25th birthday, babe." Matamlay na sabi niya habang sinisindihan ang kandila. "Make a wish." Dagdag niya ng masindihan ang mga kandila.

Sa pag lapit palang ni Eunice ay lumapad agad ang ngiti ni Jaydy at halatang kilig na kilig ang gago.

Kinurot niya ang mag kabilang pisngi ni Eunice. "Ito talagang girlfriend ko! I love you!" 

Nagkatinginan kaming mag ba-barkada sa sinabi ni Jaydy, tila pare-parehas ng nasa isip kaya natawa nalang. 

Nagsimula na ang celebration ng birthday ni Jaydy. Dahil sa napaka daming pasabog ng girlfriend niya, pati kami ay na surprise dahil umappear sa harap gamit ang projector ng makita namin ang tatay ni Jaydy na matagal ng nawawala. Nakangiti ito habang binabati ang anak niya ng maligayang kaarawan.

Halos lahat kami ay napaluha dahil ilang years ng nawawala ang tatay niya. Si Jaydy kasi sobrang malapit sa kay Tito Frank kaya nga ng sabihin ko sakanya na wala akong kinagisnang Ama, pinaranas saakin ni Tito Frank ang pag kakaroon ng Ama at saksi kami sa pag hihirap ni Jaydy at ng pamilya niya sa pag hahanap dito but this time, It finally comes sa tulong ni Eunice.

Lahat kami ay walang alam dito kaya grabe nalang din ang hagulgol ni Jaydy habang nakikita ang Daddy niya habang yakap yakap si Eunice. 

Ilang sandali pa, lumabas ang Daddy niya mula sa stage. Una ay hindi makagalaw si Jaydy sa kinatatayuan niya pero ilang segundo lang ay napatakbo siya at agad niyakap ang Ama.

Hindi matigil ang luha ko sa pag iyak habang pinapanood ang mag Amang mag kayapak. I wish I had a father too. Hindi ko pa nararanasan ang ganyan ka-emosyonal sa maraming tao.

Pinunasan ko nalang ang mga luhang kumawala sa mata kong hindi mag tigil gamit ang mga daliri ko at napangiti. Pumalakpak kami nila Les at pati narin ang iba pang bisita ay natutuwang pumapalakpak habang patuloy lang sa pag lapit ang mga kamag anak ni Jaydy sakanila.

Dinner time na pero nandito kami ngayon sa stage para alayan ng kanta ang mga tao ngayon na abalang abala sa pag kain. Puno ng ngiti at tawanan ang nakikita ko habang kumakanta at ang iba ay kinukuhanan kami ng litrato.

Napukaw ng atensyon nila ng dumating sa chorus ang kanta. Narinig ko naman ang iba na binabanggit ang pangalan ng banda namin kaya napangiti ako ng bahagya. Habang kumakanta ay nakita ko ang isang pamilyar na mukha at kadarating palang.

Para akong dinaluyan ng sangkaterbang kaba sa buong katawan. Walang pumapasok sa isip ko na tila napako ako sa kinatatayuan ko at hindi makagalaw. 

Walang mga salitang lumabas sa bibig ko habang hindi ko maalis alis ang tingin ko sakanya na siyang patuloy parin ang pag lakad.

His freakish but charismatic aura filled my system. His build is well define now, from the last time I saw him. His eyes were cold as he looked at me, iyon ang nagkapag paalala saakin ng pakiramdam na makakaya niya akong durugin ng isang pikitan lang. There was no humor on his lips as he continue walking towards the stage, blocking my view.

Parang dinampian ng mainit na tubig ang puso ko ng maramdaman ko ang pagkislot nito. He's wearing dark blue slacks, tuck in with white long sleeves na nakabukas ang tatlong butones nito revealing his damn big hard chest, nakapulupot ito hanggang siko. Kuminang ang kanyang wrist watch at ang suot suot nitong gold necklace sa tuwing natatamaan ito ng ilaw na nagmumula sa likuran namin.

"Mikee, ako na dito." Bulong saakin ni Polo sa gilid ko.

Mukhang nahalata niyang nahinto ako sa pag buka ng bibig para sabihin ang susunod na linya ng kanta kaya si Polo na ang nagpatuloy. 

Wala namang naging problema dahil sa ganda ng boses niya at bagay na bagay lang din. Ako lang talaga ang lead vocalist ng banda.

Pinagpatuloy ko lang ang pag strums sa gitara kahit na hindi na magawang pumasok ng mga chords sa isip ko. Kahit pa gaano ko kabisado ito, parang naninigas ang mga kamay ko. Nagkunwarian nalang akong nag s-strum at hindi idinidikit ang daliri ko sa string.

Dumating na sa linya na kahit masaya ang pinaparating nito ay sobra sobrang sakit ang nararamdaman ko.

Nag angat ako ng tingin and there I saw him. Looking at me, directly. Tila walang planong tanggalin ang mga tingin niyang 'yon saakin. 

Sa kahit na ano, sa kahit na sino. 

Totoo pala 'yon. Yung alam mong ang lakas ng tibok ng dibdib mo kahit ang ingay ingay sa paligid mo...

Hindi ko na dapat nararamdaman pa 'to.
















पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

1M 32.9K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2.6K 170 47
Nothing is scarier than the voices and personalities inside your mind.
4K 3.9K 35
Three faces Three personalities Three bodies One heart Tripple Shots Si Ariana ay hinahabol ng mga terorista, sinundan siya ng kapatid niyang si Cria...