When We Happened

By shattereign

67K 1.2K 123

Daffney Levanidez wasn't interested in dating guys not until the night she met Darlin Francisco, the guy that... More

E X C E R P T
Simula
I. My Type
II. How Cute
III. Childish
IV. Honey
VI. Not Your Chic
VII. Pregnant
VIII. Crazy
IX. Friend
X. Already Fallen
XI. Jealous
XII. Reward
XIII. A Little Push
XIV. Angel
XV. Timeline
XVI. Broken Hearted
XVII. Infatuation
XVIII. I'll Try
XIX. Somebody Owns You
XX. Happy Birthday
XXI. First Love
XXII. My Princess
XXIII. To Compromise
XXIV. Sorry
XXV. Be My Girlfriend
XXVI. Still Can't Have
XXVII. Eighteenth
XXVIII. I'm Braver Now
XXIX. Midnight Memories
XXX. My Darling
A/N

V. Too Young

1.8K 45 6
By shattereign

Kabanata 5

Too Young

"Ay ganda talaga nitong si Daffney oh! Ano nga ang name nun? Ang gwapo rin!" kinikilig na sabi ni Rienne, ang galing din talaga mag-segway oh!

Sinagot ko naman kaagad siya. "Honey," sabi ko sabay ngisi sa kanya at dali-dali nang lumakad palayo sa kanya.

"Ho—hoy! Daff! Natututo ka na!" pang-aasar niya na para bang hindi siya makapaniwala. Napa-iling iling na lang ako sa kanya.

Niyaya naman ako ni Darlin kumain pagkatapos nung game, ayaw ko pa nga sumama dahil nakakainis siya kaso ang kulit nina Kuya, wala naman daw malisya! Kami nga lang dalawa ang kakain, wala bang malisya 'yun ha? Kaya ayun pinag-aasar nanaman kami.

Akala ko sa restaurant niya ako dadalahin pero dinala niya ako sa isang park.

Mag-iisaw daw kami!

Nakain naman ako ng isaw, hindi ko lang inakala na dito niya ako dadalahin.

Si Mr. Darlin Francisco sa isang isawan ako dadalahin? Eh, isa pa rin 'tong RK!

Baka naman kuripot?

Bumili kami ng isaw, paa, dugo at umupo sa mga table sa paligid doon.

Feel na feel ko naman ang pagkain ng isaw, minsan lang ako makakain nito.

"May dumi!" natatawang sabi ni Darlin sabay nguso sa part kung saan may dumi raw.

Pinunasan ko naman kaagad gamit ang free hand ko. "Nandyan pa rin e, let me," sabi ni Darlin nang makitang hindi pa rin natatanggal ang dumi.

Pinunasan niya iyong dumi gamit ang thumb niya at iginawi iyon sa gilid ng aking labi.

Bakit parang uminit bigla dito? Pamaypay po, please! It's so hot kahit magda-dapit hapon na!

Nagkwentuhan lang naman kami tungkol sa game kanina habang kumakain kami.

"Pero, hindi nga... magaling ka kaya kanina," sabi ko sa kanya, which is really true.

Ang smooth niya lang maglaro. Malinis. Kaya dagdag points sa kanya 'yun. Sure na sure akong matatanggap siya doon.

"Syempre chineer mo ako eh!" sabi niya habang naka pa-cool smile siya.

"Sino nga pala 'yung natawag sa 'yo ng honey kanina?" tanong niya na para bang curious na curious siya.

"Ah wala, ka-block ko lang," kaswal kong sinabi yon sa kanya.

"Nako, chic boy 'yun!" paninira niya kay Stance.

Napatawa naman ako sa sinabi niya.

Wow! Darling! Coming from you?

Nang matapos kami kumain ay madilim na ang paligid, tanging mga lamp posts na lang ang nagbibigay ilaw dito sa park, pero sa tingin ko mga 6:30 pm pa lang naman.

Umupo naman kami sa mga swings dito sa eco park.

Nag-stargazing ako at ini-swing ang aking sarili nang bigla niyang binasag ang katahimikan.

"Ang ganda ano?" tanong niya, tumango-tango naman ako.

Ramdam ko namang sa akin nakatingin si Darlin o baka assuming lang talaga ako? Dami ko lang natanggap na papuri today assuming na agad ako.

"Nagka-boyfriend ka na ba?" tanong ni Darlin out of nowhere sa akin. Umiling naman ako.

"Sa ganda mong 'yan? Wala pa? Bakit?"

Napatawa naman ako sa kanya. I shrugged.

"Ewan ko, hindi ko pa nahahanap 'yung type ko..." sagot ko sa tanong niya.

"Ano ba ang type mo?"

"Ewan," kibit balikat kong muli. "At saka hindi naman ako nagmamadali. I'm too young."

Love can wait, kaya hindi ko alam kung bakit ba palagi na lang nagmamadali ang mga tao na mahanap ang the one nila. Kusa namang darating 'yan sa buhay natin.

"Sige, hindi naman kita mamadaliin. I can wait."

Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya kaagad ko siyang nilingon pero nakatingin na siya sa mga bituin habang ngising-ngisi.

"Chic boy," pabulong kong sinabi 'yon pero alam ko namang narinig niya, napapa-tsk tsk na lang ako sa mga salitain niya.

Mga pinsan na pinsan at kuya na kuya ko 'yang mga ganyang pa-style at linyahan.

"Kaya namang maging loyal para sa 'yo," sagot niya sabay smile sa akin na nakakapanindig balahibo.

Ewan ko bakit?!

Darling! Stop it!

"Ikaw ba nagka-girlfriend ka na?" tanong ko sa kanya at pag-iiba na rin nang usapan.

Umiling-iling naman siya. "Weh? Bakit? Ikaw pa ba ang mawalan?" I asked. Nakakapagtaka ha or baka naman nagyayabang lang 'tong lalaking 'to. Baka rin naman hanggang fling lang talaga siya dahil ayaw niya ng commitment?

'Di ba uso 'yun?

"E kasi she's too young pa daw, kaya ayun hindi pa pwede," sabi niya sabay ngisi.

Bahagya namang nag-init ang pisngi ko kaya hinampas ko siya. "Loko!" at ayun nagtawanan na kaming dalawa.

Darling, sabihin mong joke lang 'yun, please? Lokohan lang naman 'to, hindi ba?

Inihatid niya pa ako sa bahay namin dito sa Arcen. Hindi ko na siya inimbitahan pa sa loob, aasarin lang ulit kasi ako nina Kuya at ng mga pinsan ko.

Ma-awkward pa ako lalo sa kanya.

"Kamusta date?" pambungad na tanong sa akin ni Terrence na nakahilata sa sofa na halatang inaasar lang naman ako. "Kayo na ba ni Darling mo?"

"Shut up, Terrence!" sabi ko sa kanya nang natatawa tawa.

"Iba talaga ang interaction pagdating kay Darling!" he teased.

"Tse!" sabi ko at naglakad na papalayo sa kanya.

Dumiretso naman ako sa kwarto, share kasi kami dito nina Val, Rienne and Tori. Malawak 'yung kwarto kaya tig-iisa kaming single bed. Binuksan ko naman ang aircon at sumalampak na agad ako sa kama ko, iyong nasa may bintana.

Ilang sandali pa'y pumasok na rin sina Val, Rienne at Tori habang nagtatawanan na napatigil din naman agad nang nakita na nila ako. "Ako muna maliligo? Kamusta date? Ha? Darling?" pang-aasar ni Tori sa akin.

Si Taylor at Ate Dexan ang magkasama dahil magkapareha din naman sila ng course kaya BFF talaga iyong dalawa.

Si Kuya Darry at Viniel naman doon sa isa. Si Vellix, Lincoln, Terrence at Kuya Daffin doon sa isa, at sa last ay si Leon at Raphael. By batch halos. All in all may ten rooms dito, malaki ang bahay na ito. Paminsan-minsan kasi dito natulog ang mga parents namin kapag nagugustuhan. Marami rin kasi kaming business dito sa Arcen City.

"Oo nga, kamusta kayo ng Darling mo, huh?" asar din naman ni Val.

"Darling pala ha," si Rienne naman ngayon. "I thought chinitos are not your type?" sabi niya habang tatawa-tawa.

Naalala niya pa pala 'yon!

"Well, hindi naman talaga, pinilit lang ako nina Kuya, no... and dinala niya lang ako sa isawan," sabi ko.

Natawa naman sina Val at Tori lalo na si Rienne, hindi lang basta tawa, hagalpak sa pagtawa pa ang luka.

"Seriously?" gulat na gulat na tanong ni Tori sa akin.

"Isaw kind of girl!" sabi naman ni Rienne na hagalpak pa rin sa pagtawa.

"Yeah, kahit ako nagulat," sabi ko sa kanilang tatlo.

"Well, type mo na ba?" tanong sa akin ni Val.

Umiling ako.

"Malayo siya sa type ko."

"Sus!" si Rienne.

"Kakain muna ako. Gutom pa ako e," sabi ko kay Val nang naramdaman kong nagugutom na ako, paano ba naman isaw lang talaga ang kinain namin.

Lumabas ako sa kwarto at nagpunta sa kusina kung saan nandoon sa table sina Raph at Leon.

Naghanap ako sa refrigerator nang pwedeng lutuin and may mga ingredients naman doon na pang-Adobo. Magaling din kasi ako magluto. Second choice ko sa course ay culinary.

"Damihan mo na luto ah!" utos pa sa akin ni Leon. Tsk, takaw talaga! Payat payat naman.

Nang matapos naman ako magluto, tinawag ko na sila. Ang kakain lang naman daw ay ako, si Leon, Raph, Vellix, Taylor at Terrence, busog daw 'yung iba. Buti at hindi ko gaano nadamihan ang luto.

"Wow! Ansharap mo tologong mogluto, Doff!" sabi sa akin ni Terrence habang may laman pa ang bibig niya.

"Terrence! Don't talk when your mouth is full!" suway ko sa kanya na para bang bata ang pinapagalitan ko.

Kaagad naman niyang nilunok ang kinakain niya. "Sorry po, madam!" sagot niya sa akin habang naka-saludo pa. Lakas talaga nang tama!

Nang matapos naman kami kumain ay nagka-ulukan pa kung sino ang maghuhugas.

"Oh, si Vellix maghuhugas!" sabi ko at sumangayon naman kami lahat, si Vellix lang ang hindi. Kahit anak mayaman kami tinuruan naman kami sa mga gawaing bahay, ganoon rin sa bukid kaya hindi kami sa siyudad nag-highschool para na rin more bonding time with our families.

Sa isang catholic private school naman kami sa Florencia nag-highschool na pagmamay-ari nina Terrence.

Tinulungan ko na magligpit si Vellix, nakakaawa naman siya.

"Kaya ikaw ang paborito kong pinsan, e! Oh, ikaw na rin maghugas tutal nag-date naman kayo!" pagpapalakas pa niya sa akin.

Inirapan ko na nga lang.

Pagka-punas ko naman ng lamesa ay nagpunta na ako sa kwarto at naligo bago ako pumunta sa kama at nag-cellphone na.

Nag-facebook ako, dalawang araw din akong hindi nakapag-open.

450 new friend requests.

What the? Ang dami!

Tiningnan ko kung sino-sino, ang dami! Nandoon mga kabarkada ni Kuya Daffin na sina Isaac, Chan, Christian, Leo at Gion na agad ko namang ini-accept. Then si Deninn, tas si Darlin.

Hindi ko naman ini-accept si Darlin.

Ini-add din ako ni Chienna, at iyong iba  ay puro lalaki na mga taga-SFA rin. Iyong ilang babae na namukhaan ko naman pero hindi pa rin ako nag-accept.

Nag-scroll pa ako and then I saw Kross dela Vega. I-aaccept ko ba? Ini-stalk ko siya dahil na-curious ako sa kasikatan niya. I opened his profile picture and goodness! Sikat nga. Napakadaming likers, e!

Picture niya 'yon nang naka-serious face lang at may nakasakbit na camera sa kanya. Gwapo talaga siya. Maputi, brown eyes, manipis na labi, matangos na ilong at ang buhok niyang clean cut – mukha talaga siyang goodboy. Halata mo rin sa kanya na maganda ang hubog ng katawan niya, ang tangkad pa niya.

Nag-home button na ako at nagpunta sa ibang application.

Nagpunta ako sa messenger, baka sakali may nagchat sa akin, gulat ko nang napakarami lalo na ng message requests! Hindi naman na ako nag-abala na tingnan pa ang mga 'yun dahil baka puro hi lang!

Pero mas nakakagulat na may groupchat! Nangunguna-nguna at pop-up nang pop-up. Kami 'yon, iyong magkakasama lagi sa lunch ang naroon.

Isaac: Thanks sa accept, Daff! <3

Chan: Oo nga! Akala namin di ka nang-aaccept! Miss ka na agad namin. :(

Christian: Kamusta kaya ang date? Ehem!

You: Friendly date. :)

Deninn: Hi, Daff! :)

You: Hello den!

Gion: Uy "Den" may nickname!

You: Haha! I mean hello "din", malisyoso ka Gion!

Darlin: Hoy, Daff! Bakit ako di mo ini-accept? :(

Christian: HAHAHAHA! Chicboy ka daw kasi Darling! Gumaya ka sa amin oh.

Leo: Aw FRIENDly date! HAHAHA.

You: Lahat kayo babaero! TSS!

Vellix: Wag mo naman kaming ilahat ohh!

Chan: Nakuha mo! First time mareject? HAHA! Karma! #FRIENDZONED

Terrence: Ano, Daffney? May sinasabi ka?

You: Stop it, Terrence!

Darlin: Uy, Daff! Accept mo na po ako please.. :'(

You: I don't accept strangers!

Daffin: Ohhh! Panis sa kapatid ko ang chicboy ng taon.

Terrence: Accept na! Gusto din naman.

Rienne: Oo nga!

Isaac: Aww! Nakaka-hurt ng ego yun pare! Stranger ka daw?

Leo: Kung ako yun papakamatay na ako.

You: HAHAHAHA! Nice one Leo.

Darlin: Buti pa si Leo napapatawa ka. Akala ko ba friends na tayo? :'(

Deninn: Sabay tayo bukas, Daff! :)

Darlin: Hoy, Deninn! Tayo ang sabay!

Chan: Selos ka lang!

Val: Si Daff namumula na rito, Deninn!

Kaagad ko namang nilingon si Val. "Hoy! Langya ka!" sabi ko at tinawanan lang ako ng luka.

Tori: Wag nyo pakakiligin baka di makatulog.

Chan: Hi, Tori!

You: Yan Tori diba tampo ka kasi di ka pinapansin ni Chan? Ayan na!

"Daff!" sita naman sakin ni Tori. Crush nga talaga nito si Chan.

Matapos ang marami pang chat inaantok na ako, maaga pa ang pasok bukas. Clubs naman daw ang pupuntahan bukas. Balak ko sana sa Art Club, Dance Club, at Music Club. Hindi naman sa pagmamayabang pero singer at dancer din ako.

Palaging sinasabi sa akin ng mga tao na ang perfect ko na raw. Plus points na lang daw ang talent ko.

Well, masyado nga akong maputi, maputi kasi ang parents namin. Ako ang pinakamaputi sa aming magkakapatid and even magpipinsan. Matangkad din ako, 5'7 to be exact, lahat naman kami matatangkad magpipinsan.

Ang buhok ko naman ay medyo wavy parang kulot, mahaba. Di katangusan ilong ko tama lang, ganoon rin ang kilay ko hindi makapal - hindi rin manipis. Medyo matambok cheeks ko, kaya mas napapansin lalo ang aking rosy cheeks. Manipis at mapula rin ang labi ko ewan ko natural din kaya hindi na ako kinakailangan maglipstick o magmake-up. Malaki rin ang mga mata ko and brown eyes. At mahaba rin ang mga pilik ko.

Sa Florencia, palagi akong sinasabihang mukha raw akong manika, at nakamukha ko rin daw si Mama Mary sapagkat napakaganda ko raw.

Ready naman na akong matulog ng nag-ring cellphone ko.

Calling...

Sino pa ba ang natawag?

Edi si Darling!

"Hello? Ano ba naman, Darling? Tutulog na ako oh," pambungad ko sa kanya.

"I-accept mo na ako oh, please? Dadaff?"

"Ew! Darling! Stop it!" sabi ko at narinig ko namang na-ubo ubo sina Tori at Val. Nakatalikod kasi ako sa kanila.

"Sunduin kita d'yan ah!"

"No! Bakit mo naman ako susunduin! Hindi naman kita boyfriend!"

"Soon! Bye! Good night, Dadaff! Sleep tight!" at in-end niya naman ang tawag bago pa ako may masabi. Sa halip na magalit ako ay napatawa ako.

Palagi niya na lang ini-end ang tawag!

Wait...

Napapatawa ako ni Darling?

Oh no.

Continue Reading

You'll Also Like

69.5K 2.1K 42
UAAP FF 3 Maria Micaela Hernandez always has a list for everything. May it be her top schools, ambitions, books, crushes o ano pa iyan. But what she...
48K 1.8K 26
The fun and sporty couple lets us in on their love story. Starring: Jeron Teng & Mika Reyes Start Date: June 28, 2016 End Date: October 12, 2017
21.5K 994 34
ARCHER SERIES 2 Cashcade Lyle Montage, a girl who's afraid of taking risks and commitments after a great heartbreak from JH never expected to meet so...
103K 2.8K 36
Serendipity Series II (TAoLG book two): Aly's choice has been nothing but pure bliss. But when love is not enough to keep her heart, will she reconsi...