INCUBUS

By Thyriza

666K 22.4K 3.4K

"He saw the darkness in her beauty. She saw the beauty in his darkness." Si Araceli Felices ay lumaki sa re... More

Foreword
Prologue
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
CHAPTER V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
CHAPTER IX
Chapter X
Chapter XI
CHAPTER XII
CHAPTER XIII
CHAPTER XIV
CHAPTER XV
CHAPTER XVI
CHAPTER XVII
CHAPTER XVIII
CHAPTER XIX
CHAPTER XXI
CHAPTER XXII
CHAPTER XXIII
CHAPTER XXIV
CHAPTER XXV
CHAPTER XXVI
CHAPTER XXVII
CHAPTER XXVIII
CHAPTER XXIX
CHAPTER XXX
CHAPTER XXXI
CHAPTER XXXII
CHAPTER XXXIII
CHAPTER XXXIV
CHAPTER XXXV
CHAPTER XXXVI
CHAPTER XXXVII
CHAPTER XXXVIII

CHAPTER XX

13.1K 407 15
By Thyriza


CHAPTER XX

Isang mahabang sermon ang ibinigay sa kaniya ng ama kinabukasan. Mabuti na lamang at pinigilan ito ng kaniyang mama at lola Soledad. Kaya kahit wala siyang ganang pumasok sa opisina ay pumasok pa rin siya. She could bear the stress from work than to endure her father's judgement.

Dahil din sa ginawa niya ay mas lalong naging istrikto ang papa niya. For the first time in her life she was grounded. Opisina-bahay lang ang rota. Kaya naman ay wala siyang ibang pagpipilian nang ihatid siya nang kuya Mason niya, kesa naman sa imungkahi na naman ng papa niya na mag-resign siya.

Nang makarating sa opisina ay agad siyang sinabat ni Jecca na para bang kanina pa siya inaabangan.

"Girl!" she said to her with concern. "Are you okay? 'Di ka naman mag-re-resign, 'di ba?" halata ang kaba sa mga mata nito.

"No. I'm just grounded," nakalabi niyang sabi. Nakahinga naman ng maluwang ang kaibigan niya.

Naupo siya sa may cubicle niya pero ang kaibigan ay lumapit sa kaniya habang naka-upo sa swivel chair nito.

"Sorry kung napahamak ka namin, ah? Kahit nagsinungaling ako sa parents mo alam kong hindi sila naniniwala sa akin. Kaya 'ayun, si Jerry ang tinanong nila. Eh, hindi naman kilala ni Je ang pamilya mo kasi akala niya raw ay may naghahanap lang sa'yo. Si kuya Mason daw ang nag-tanong kung nasa seminar ka, sagot ba naman ni Je, eh, nag-leave ka lang raw." Mahabang paliwanag ng kaibigan kahit hindi naman niya iyon hinihingi.

"Ano ka ba, Jec, ayos lang. Pa-minsan-minsan mag-rebelde naman," napapangiti niyang sabi.

Her friend Jecca stared at her as if it was the last thing she could hear from her.

"OMG! Ano'ng ginawa mo sa kaibigan ko? Ilabas mo ang totoong Ara," she said dramatically.

"It's me, Ara. The real Ara," she couldn't helped but said.

"What that man had done to you?" she said amused.

"Man?" nakakunot-noo niyang sabi.

"Bago ka raw mag-leave, no'ng absent ako, may sumundo raw sa'yong lalaki. Ito raw ang nag-apruba ng vacation leave mo at walang nagawa si Miranda—oh my God! I totally forgot to tell you may bago na tayong manager!"

Bigla niyang naalala ang huling text sa kaniya ng kaibigan nang nasa Manor pa siya ni Thorn. Sinabi nga nito natanggal sa trabaho ang babae.

"Bakit nga pala natanggal sa trabaho si Miranda?" she asked.

She's curious, too. Kasi naman kung umakto ang babae ay para bang malapit ito sa may-ari kaya naman lahat sila ay sindak sa kaniya.

"Hindi ko rin alam, eh. Pero sabi nila ay naging disrespectful daw ito sa may-ari. Actually wala naman akong pakialam. Lalo na't kabaliktaran niya ang pumalit sa kaniya. At guwapo pa!" pagmamalaki nito.

"Lalaki ang pumalit kay Miranda?"

"Hmm. Tahimik lang siya. Every morning ay nagpapa team meeting siya para sa mga updates. Pero okay na 'yon, 'di ba? At least hindi toxic. Hindi naninigaw at hindi mahilig mangpuna," Jecca said dreamily. If she knew better, crush ito ng kaibigan. At hindi na siya magtataka kung maging sina Mae ay kasama.

"Pero mabalik sa'yo. Sino ba 'yong misteryosong lalaking iyon, ah? Nakakatampo ka na. you're keeping secrets from me," her friend said feining a sad face.

Bumuntong-hininga muna siya bago napag-desisyunan na mag-kuwento sa kaibigan.

"His name is Thorn Valverde," panimula niya. "I think he also works here kasi kilala niya si Miranda,"

"Saan kayo pumunta? Sabi ni Mae, ito raw mismo ang nag-approve ng leave mo. Siguro mas mataas ang posisyon niya kay Miranda,"

She couldn't tell her that the only thing she knew about Thorn besides his name was his manor and his tree house. No. Ayaw niyan isipin ng kaibigan na sumama siya sa isang lalaki na halos hindi niya lubos kilala. She couldn't tell her that she likes him even though she barely know him.

"Kumusta naman siya? Mabait ba siya? Guwapo? Mayaman? Total package, gano'n? Sabi kasi ni Jerry ay magkasing-guwapo sila kaya hindi ako naniniwala. I trust your standards, girl," sabi nito 'saka humalakhak. Maging siya ay natawa na rin sa kaibigan.

"Well, oo, guwapo siya. Medyo misteryoso pero ayos naman siyang kausap. Nosebleed lang ng kaunti kasi panay ang English kaya pati ako napapa-english din ng marami. Kung yaman naman ang pag-uusapan, hindi naman 'yon ang habol ko sa kaniya," kuwento niya sa kaibigan at para itong inggit na inggit sa kaniya.

"Ipakilala mo naman ako sa kaniya. Naku-curious kasi talaga ako. At 'saka baka may mga kaibigan pa siya, kamo ipakilala niya ako," kinikilig nitong sabi.

"Baliw ka talaga,"

"Pero kayo na ba? Anong ginawa niyo sa bakasyon niyo? Did you...you know..."

She literally cringe with Jecca's actions lalo na nang ngumiti ito ng makahulugan.

"Hindi kami nagtabi ng higaan kung iyon ang tinatanong mo," pa-irap niyang sabi at tumawa lang ang baliw niyang kaibigan.

"Pati kiss? Hindi man lang kayo nag kiss?" dismayado nitong sabi.

"H-hindi," mabilis siyang humarap sa computer niya at binuhay ito. "Mag-trabaho ka na nga. Marami akong tatapusin, 'kita mo 'to?" she showed her a pile of folder pero inismiran lang siya nito.

"Fine!" she said. "Pero hindi pa ako tapos sa'yo,"

Bumalik si Jecca sa cubicle niya at hindi naman mapigilan ni Ara na mapailing.

Hinayaan niya ang mga ingay nina Jerry, Mae, Joan, at Krizza na busy sa pag order sa isang online shop. Maging si Jecca ay nakisabay dahil mag-o-order din daw ito.

Siya naman ay nakatulala lang sa mga gagawin niya. Masyado itong madami at hindi alam kung alin ang uunahin. Siguro mag-e-extend na lang siya ng oras.

She silently grunted when she remembered that she's grounded. Ilang beses niyang narinig sa kuya niya na susunduin siya nito.

Napansin niyang biglang natahimik ang lima kaya similip siya sa may pinto at nakita niyang may lalaking nakatayo ro'n.

"Good morning, Sir Sin!" bati ng lima.

Agad na nahulaan ni Ara na ito ang bago nilang manager kaya tumayo siya. Lumabas siyang cubicle para batiin din ang bagong boss.

"Good morning, Sir," she said politely.

Tumingin sa kaniya ang lalaki at tumango lamang ito sa kaniya. Nalagpasan na siya nito nang tumigil ito at nilingon siya.

"Ms. Felices, right?" he asked.

"Yes, Sir, that's me," she answered.

Sa totoo lang ay kinakabahan siya. Paano kung pagalitan siya nito dahil nag leave siya? Pero aprubado naman iyon, eh.

"Follow me inside," sabi lang nito at tuluyan ng pumasok sa opisina nito.

Agad siyang napatingin sa kaibigan at sa mg aka-opisina.

"Pasok ka na, girl," her friend said smiling.

"Papagalitan kaya ako?" tanong niya pero tumawa lang sila.

"Gano'n din ginawa niya sa amin no'ng first day niya. I-interview-hin ka lang naman niya," sagot ni Krizza.

She took a deep breath before walking towards the manager's office. Dahan-dahan niya itong binuksan 'saka pumasok sa loob.

Dati, kapag pumasok siya sa loob ng opisinang ito, it's either sesermunan siya ni Miranda o kaya naman ay may iuutos.

"Have a seat, Ms. Felices," he pointed the seat in front of the table.

She obediently sat at the chair. Her hands clasping on top of her legs trying hard not to tremble.

Nakitang may hawak na white folder ang boss niya at nakita niya ang pangalan niya sa tabbing.

Oh, God! He's reading my credentials! She said to herself almost shrieking.

"So..." he said without even looking at her. He skimmed a few pages before closing the folder and stared at her for a second.

Mas lalo siyang kinabahan. Halos dumaan siya sa butas ng karayom makapasok lang sa kumpanyang ito. Kaya hindi niya sukat akalain na muli ay ma-i-interview siya.

"I'm Sindred Dantalion, the new manager in accounting department. The owner of the company personally asked me to be Miranda's replacement," sabi nito at tumango lang siya.

Many months ago, ganito rin siya. Nakaupo sa harap ng isang intimidating boss. Ang Abbys ay isa sa mga malalaking kumpanya sa Albay kaya gusto niya rito. Sana man lang ay nabanggit sa kaniya ng kaibigan na i-interview-in pala siya. Sana ay nakapag-handa siya.

"Yesterday the department managers had a meeting with the big boss and he wants us to review and re-evaluate the performance of the employee..."

Her heart skipped a beat. Matatanggal ba siya sa trabaho?

"Same day yesterday, the HR gave me profiles of my employees. According to the said office, one of my employee will be transferred to Internal Audit Office," he said then quickly handed her a piece of paper.

Kinuha niya ang papel at pinigilang hindi manginig. She carefully read the letter.

It is said na isa siya sa mga top performing employee kaya malilipat siya sa Internal auditing team.

"S-sir...hindi ba...masyadong mataas ang makasama sa AI team?" naguguluhan niyang tanong.

"Your new designation is indeed high if we will base your experience specially that you're in an entry level and fresh graduate, if I may add," he said then grin. "Maybe you have a white horse in the company?"

"White horse?" nakakunot-noo niyang sabi.

"White horse," kibit nito. "Kapit. Back-up. Backer. Or whatever you wanna call that."

"Wala po akong white horse, kapit, back-up or backer, kung iyon ang paniniwala niyo. I'm surprise myself," she answered.

"Well, that is good for you," he stood from his seat then offered her a shake. "Congratulations on your first promotion, Ms. Felices."

Nakipag-kamay siya rito.

Lumabas siyang opisina nito na maraming tanong sa isipan.

***

"Internal Audit team?!" bulalas ng kaibigan niya nang ikuwento niya ang biglaang promotion niya habang nasa canteen sila at pumipila sa counter.

"I swear I was shock, too," pag-aamin niya rito.

"Pero bakit ikaw? I don't mean to offend you, ha? Pero kung experience ang pag-uusapan si Krizza dapat ang na-promote kasi matagal na siya sa office," Jecca said.

"Hindi ko rin talaga alam. Kung ako ang papipiliin ay ayaw kong malipat. Ayaw kong mahiwalay sa'yo at—"

Napatigil siya nang lagyan ng maraming ulam ng food server ang tray niya.

"Pakibawasan po..." she said politely bago bumaling kay Jecca. "Kakausapin ko si Mr. Dantalion kung puwedeng hindi ko tanggapin ang promotion."

"Mansanas na lang po, Ma'am Ara?" tanong ng babae kaya tumango na lang siya.

"Naku, girl, don't do that. Maku-kuwestyon ang professionalism mo niyan. Besides, whatever the reason, ayaw mo bang tumaas ka? Kung ako 'yan grab ko na ang opportunity," sabi ng kaibigan habang palinga-linga kung saan sila pupuwestong mauupo.

Pumwesto sila sa malapit sa entrance ng cafeteria. Sila lang na dalawa ni Jecca ngayon dahil ang mg aka-opisina nila ay nag lunch out.

"Pero grabe, girl. Audit team. Ibig sabihin ay makikita mo na ang boss natin," parang naiinggit na sabi ni Jecca kaya napatingin siya rito.

"Paano mo naman nasabi iyon?" nag-tataka niyang tanong.

"Under ng Executive office ang VP offices. Under naman ng VP offices tayong mga admin department. Pero ang Audit team, under sila sa executive office. Hindi kailangan dumaan ang Audit team sa VP offices kasi directly sila sa executve office. Audit manager directly answers to the boss, ganern."

Napatango-tango lamang siya sa kaibigan. Ang alam niya lang kasi, annually ay nag-su-surprise visit ang audit team para i-audit ang isang department para masigurado ang standardized procedure at syempre para malaman kung may anomaly sa isang office.

"Kailan ka raw malilipat?" Jecca asked pero nagkibit balikat lamang siya..

"Wala namang sinasabi si Mr. Dantalion,"

"Change topic nga pala," nangingislap na wika ng kaibigan. "What can you say about Sir Sin? Guwapo, 'no?" kinikilig na sabi nito.

"Hmm, guwapo nga," she agreed.

"Kasing guwapo ba siya ni mysterious guy mo?"

Bigla ay napangiti si Ara.

Sindred Dantalion is a beautiful man. Pero naiiba si Thorn. He couldn't be compared to anyone. Her friend will even laugh at her if she'll tell her that his face is beyond handsome. Well, who could compete to his sharp jet black eyes? Or even his tight purse lips. His perfectly pointed slope nose that looks as if God Himself molded it.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Naiisip mo siya, ano?" her friend teases her.

"H-hindi, ah," nag-iwas siya ng tingin dahil pakiramdam niya ay nag-iinit ang pisngi niya.

***

True to his word, her brother was waiting for her outside the entrance of the building. Walang imik na sumakay siyang kotse. Gusto niyang ikuwento sa kapatid na na-promote siya sa trabaho pero mas pinili niyang manahimik. Kagaya ng kaniyang ama ay gusto na rin nitong mag-resign siya sa trabaho. Kaya alam niyang hindi ito matutuwa sa ibabalita niya.

Nang makarating silang mansion ng mga Felices ay agad siyang tumakbo paakyat sa silid niya. She lock the door of room para hindi makapasok ang gusting mangialam sa kaniya.

She keep on thinking about him. She wanted to see him but how? Ni hindi niya alam ang numero ng binata...or does he even own a cellphone dahil kailanman ay hindi niya 'to nakitang may hawak na phone.

Hanggang sa sumapit ang gabi ay hindi lumabas ng silid si Ara. Nang tawagin siya ng Tita Belen niya para kumain ay sinabi niya lang na busog siya.

Sa sobrang pag-iisip ay hindi niya namalayan na nakatulog na siya.

***

Nagising siya nang marinig ang tunog ng grandfather's clock sa salas ng mansion. Nakaramdam siya ng pagkalam ng tiyan dahilan para hindi niya pagtakhan ang malakas na tunog ng malaking orasan.

Bumangon siya sa kama at halos kapain niya ang higaan sa sobrang dilim. Inabot niya ang lampshade sa bedside table niya pero hindi niya ito naramdaman.

Her eyes adjusted from the darkened room and she could feel her heart suddenly stopped.

"Oh, no," she muttered nervously.

Napatingin siya sa suot niya at nakahinga siya ng maluwang na makitang suot na niya ang damit na ipinantulog.

This is not her room. Ito ang silid ng lalaking laging dumadalaw sa kaniya sa panaginip.

She saw a red robe made of silk and she immediately wore it to cover her body. She was about to go back to bed to wake up from her dream when she heard a soft knock on the door. She hesitantly walk towards the door and opened it.

A middle-aged woman carrying a tray full of different kinds of foods and fruits greeted her.

"Miss Ara?" the woman said half beaming at her.

"B-bakit po?"

"Ito po ang hapunan niyo,"

"Bakit niyo po ako bibigyan niyan?" tanong niya.

She could feel her stomach growling with hunger.

"Ang sabi po ng Chief ay padalhan kayo ng pagkain dahil naguguton kayo," sabi nito at bahagyang yumuko.

"Nasaan siya?"

Instead of answering ay mas lalong inilapit ng babae ang tray kaya wala siyang nagawa kundi kunin ito. Mabilis din itong naglakad palayo at naiwan siyang nakatayo sa pintuan.

The room started to lit brightly with the help of a candle hanging on the chandelier.

Inilapag niya ang tray sa mesa na nasa gilid lamang ng bintana then she started eating. Halos nakakalahati na niya ang pagkain nang mapansin niya ang nakatiklop na note sa ilalim ng mainit na kape. Kaagad niya itong binuksan at binasa.

I told my chambermaid to serve you food if ever you try and visit me again in your dream. –Raguel

She scoffs as she read the note.

"Ako talaga ang bumisita sa kaniya?" hindi niya makapaniwalang sabi.

Buo ang loob na lumabas siyang silid. Nilakad niya ang pasilyo na tanging kandila ang nagpapailaw. Hindi niya maalala kung bakit pamilyar sa kaniya ang lugar at kung bakit alam niya kung saan siya pupunta.

Bumaba siya sa dalawang malaking hagdan at kahit nakapaa ay pumunta siya sa may salas. Walang tao. Tahimik na para bang siya lamang ang tao sa loob. Inilibot niya ang paningin sa buong salas pero wala siyang makitang pintuan. Sumilip siya sa bintana pero kadiliman lamang ang nakita niya.

Sunod niyang hinanap ay ang dining hall. She swear nakapunta na siya sa lugar na ito.

Wala ring tao sa hapag-kainan pero may naririnig siyang ingay sa kusina kaya pinuntahan niya rin ito.

Nakita niyang may dalawang babae na naghahanda ng pagkain. Nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi siya nito makita. But from the looks of them, they're all middle aged woman.

"Uhm, excuse me," tumikhim siya at parehong natigilan ang dalawa. Humarap ito sa kaniya at biglang yumuko.

Bigla siyang naawa sa mga hitsura nito. They're all wearing a servant's clothes—tattered dress and a soiled apron. Gumalaw ang isa at may narinig siyang kalinsingan ng mga bakal. Tumingin siya sa baba at halos manlaki ang mga mata niya na makitang nakatali ang mga paa nito. They're wearing a legcuffs but enough for them to move around the kitchen.

Hindi niya alam ang sasabihin. What kind of person will do this to poor women. This is cruelty! This is unacceptable to the law!

Nagtatagis ang bagang niya sa sobrang galit. She wanted to see him and reprimand him. Kung siya ay inaabuso ng Raguel na iyon sexually, hindi siya papayag na maging ang mga kawawang babae na ito ay alilain niya. Obviously, they're being slave unwillingly.

"Saan ko puwedeng makita si Raguel?" she asks them but they only flinched as an answer.

Siniko ng babae ang kasama at itinuro siya. May binulong ito at biglang nanlaki ang mata ng isa na para bang gulat itong malaman kung sino siya.

"Wala po rito sa ngayon ang pinuno, Miss Ara," wika ng isa.

"Saan siya nagpunta? Anong oras siya babalik?" sunod-sunod niyang tanong.

"Hindi po namin alam, Miss Ara," parang maiiyak na sabi ng babae na medyo may kapayatan. "Pakiusap po, Miss, bumalik na kayo sa silid. M-mapaparusahan po kami kung magtatagal kaming makipag-usap sa inyo."

She noticed a wound on both of their wrist and a straight violet line on their calf, which could mean that they were hit by something long—a whip perhaps.

Wala siyang nagawa kundi ang umalis. Hindi niya gugustuhing maparusahan ang dalawang kawawang babae dahil sa kaniya.

Babalik na sana siya sa taas nang mapansin niya ang makipot na pasilyo sa ilalim ng hagdan. Sinilip niya ito at tanging tangkaw na may sulo ang nagpapailaw sa pasilyo. Hindi pa man siya rito nakakapasok ay may naaamoy na siyang kakaiba.

Nakita niyang lumiwanag sa pinakadulo ng pasilyo. Nakarinig siya ng ingay ng mga lalaki kaya agad siyang umatras at tumakbo paakyat.

Hindi niya alam kung paano siya nakabalik sa silid kung saan siya nagising. Sobra siyang hinihingal sa sobrang kaba. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kaniya kung nakita siya ng mga 'to.

Ipinikit niya ang mga mata niya at nang mag-mulat siya ay nakita niyang nakahiga na siya sa kama niya. Sa totoong silid niya.

It was just a dream. She thought. But she was still panting. She knew she wasn't just dreaming. For some reason it feel so real. Hindi na niya talaga maintindihan ang sarili. Something is happening to her. And no science could explain it.


To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

473K 30K 144
Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could ever imagine---being a slave to the Sev...
895 35 71
Sa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang mga namayapa na. Natuklasan ni Enney na...
285K 8.6K 19
The red moon - also called by the elders as the blood moon - hover above a silent, small town. Tulad ng isang masamang signos, sunod-sunod ang pataya...
39.5K 2.4K 50
A group of students, worked together to tackle different paranormal mysteries and entities and solving them, to this journey they have formed a bond...