I'm His Unwanted Wife (COMPLE...

Par akino_yoj

5.6M 91.8K 12.8K

The most painful feeling is being unwanted by the person you wanted the most. For me, he's my everything but... Plus

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Epilogue
Special Chapter
Another Special Chapter

Chapter 22

159K 2.6K 142
Par akino_yoj

Nagising ako dahil sa tumatamang sinag ng araw sa mukha ko. Wala na si Devin sa tabi ko. Napangiti ako ng makita kong nakadamit na ako. Pinakiramdaman ko kung nasa loob siya ng banyo, pero wala akong marinig na buhos ng tubig mula sa shower. Pagtingin ko sa orasan, 7:14 na ng umaga.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko, wala na akong lagnat kaya pwede na akong pumasok. Wala kasi akong mailalagay sa activity log ko kung aabsent nanaman ako ngayong araw.

Nadatnan ko sa kusina si Nay Esther.

"Good morning po Nay. Si Devin po?" Tsaka ako umupo sa isang upuan.

"Naku hija, maagang umalis ang asawa mo. Nagmamadali nga e."

Napakunot noo naman ako. Ang aga naman ata niyang pumasok tapos hindi pa niya ako ginising. Nakakatampo.

"Ganun po ba?"

"May lagnat ka pa ba hija?"

Umiling ako. "Wala na po Nay."

"Papasok ka na ba?"

Tumango ako. "Opo Nay. Baka hindi na po ako makagraduate kung panay ang absent ko sa internship ko."

"Naku e kahapon ka lang naman lumiban. Tsaka hindi ka naman siguro bibigyan ng mababang marka ng asawa mo." Aniya habang natatawa.

Natawa na rin lang ako. Pero posible nga ang sinabi ni Nay Esther, baka bigyan ako ng mataas na grado ni Devin, baka hindi maniwala ang practicum adviser namin.

"Oh siya kumain ka na." Sabay lapag nito ng plato, kutsara at tinidor sa harap ko. "Kailangan mong kumain ng marami."

"Salamat po."

HINDI KO mapigilang magtaka pagkapasok ko sa opisina. Hindi kasi magkandaugaga ang mga empleyado. Hindi nila malaman kung ano ang unang gagawin nila.

Pagkasakay ko ng elevator, may nakasabay akong dalawang babaeng empleyado. Umaga palang pero mukhang stress na sila. May problema ba ang kompanya?

"Narinig mo na ba yung bali-balita?" Rinig kong tanong nung isang babae sa kasama niya.

"Tungkol ba kay Astrid Monroe? 'Yung sikat na modelo?" Balik na tanong nang isa.

"Oo 'yun nga. Naku kung totoo man 'yun siguradong bagay na bagay sila." Kinikilig na turan nung isa.

"Tama ka bagay nga sila. Pero alam mo ba may chismis na may asawa na si Boss."

Hinampas ng mahina nung isang babae ang kasama niya. "Ano ka ba. Paanong may asawa na si Boss e wala naman siyang suot na singsing? Tuwing nakakakita ako ng mga gwapong lalaki palasingsingan nila agad ang tinitignan ko."

"Sabagay, may point ka girl."

Ewan ko ba pero bigla akong napahawak sa palasingsingan ko. Hanggang ngayon kasi hindi pa binabalik ni Devin ang wedding ring namin. Nahihiya namang akong magtanong sakanya kung nasaan na, gusto ko kasing siya ang kusang magbalik noon sakin. Pansin ko rin na hindi niya suot ang sakanya.

Tsaka bakit nila pinag-uusapan si Astrid? At sino 'yung bagay na bagay?

Nabalik ako sa kasalukuyan ng biglang bumukas ang elevator, tsaka lumabas ang dalawang empleyado.

"Good morning, Meg." Bati ko kay Meg nang nasa tapat na ako ng desk niya.

Pansin kong aligaga ito. "Oh, hi, good morning din sa'yo, ma'am este Mindy." Balik na bati nito tsaka pinagpatuloy ang ginagawa.

Pumasok ako sa opisina ni Devin pero napalabi ako nang hindi ko siya nadatnan sa loob.

Akala ko ba pumasok siya ng maaga?

Ibinaba ko muna ang dala kong gamit sa may desk ko tsaka ako lumabas ng opisina. Nadatnan kong may kausap sa telepono si Meg, kaya naghintay muna ako hanggang matapos ang phone call nito. Akmang haharap muli ito sa harap ng desktop ng mapansin ako nito na nasa tabi ng desk niya.

Humarap ito sakin at napalabi. Nginitian ko naman ito.

Humawak ito sa magkabilaang pisngi. "Mukha na ba akong haggard? Harassed na harassed na ako."

"Pansin ko nga 'nung papasok ako ng building. May problema ba?"

Lumapit naman ito at bumulong sakin. "May malaking problema ang kompanya. Ang alam ko hindi na matutuloy 'yung itatayong toy industry, may problema kasi financially. Nagkaproblema sa lahat ng businesses. May traydor ata sa mga board members."

May problema sa kompanya? Pero bakit walang nababanggit sakin si Devin. To think na magkasama lang kami kagabi.

"Alam mo ba kung nasan si Boss Pogi?"

Napataas ito ng kilay. "Hindi mo alam? May business trip siya ngayon."

"Business trip? Saan?"

Nagkibit'balikat ito. "Hindi kasi nakalagay sa schedule ni sir na nasakin kasi siya mismo ang nagsingit nun sa schedule niya. Baka tungkol sa problema ng kompanya."

"Ganun ba, sige balik na ako sa loob. Sorry sa istorbo."

"Wala 'yun ano ka ba, sige na kailangan nang kumayod."

Pagbalik ko sa loob ng office ni Devin. Sinimulan ko nang mag-encode ng mga files na hindi ko pa natatapos. Maya't maya ang pagsulyap ko sa cellphone ko. Psh, hindi man lang  niya ako naalalang tawagan o itext man lang.

LUNCH BREAK. Mag-isa akong kumakain sa pinakamalapit na cafe sa opisina. Busy kasi masyado si Meg kaya ako lang mag-isa.

Wala sa sariling umiinom ng iced tea habang nakatitig sa cellphone ko. Tanghali na pero kahit isang text wala. Napabuntong hininga ako.

Napabalikwas ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. My hopes went up but it immediately went down when I saw the caller ID. Si Saddie.

Umorder ulit ako ng chocolate cake at iced tea habang hinihintay sila Barry at Saddie. Gusto kasi nila akong makita at marami silang kwento sakin.

"Mindy!!!" Napatingin ako sa bukana ng café. At nakita kong papasok sina Barry at Sadie.

Siniko ni Sadie si Barry. "Ang ingay mo bakla." Rinig kong sabi nito. Malapit lang kasi ang pwesto ko sa pintuan.

Pagkaupo nila. Umorder na rin sila ng pagkain nila.

"So anong atin?" Tanong ko sa dalawa. "Kumusta ang internship?"

Pagkatanong ko pansin kong namula si Sadie at biglang umasim naman ang mukha ni Barry.

"Hay naku. Nakakainis, gusto ko nang matapos ang OJT natin." Maktol ni Barry.

"Bakit naman e kakaumpisa lang natin noong lunes."

"Nakakainis kasi." Aniya tsaka pinandilatan ng mata si Sadie. Nagkibit-balikat naman ang huli at sinenyasan akong 'wag mo nalang pansinin at nababaliw lang'. Bigla tuloy akong nacurious kung anong nangyayari sakanila sa site nila. Sa kompanya nina Aero Griffith, best friend/ business partner ni Devin.

"Bakit naman?" Natatawang tanong ko. Nakakatawa kasi 'yung facial expression ni Barry parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Ang layo kasi sa office ni fafa Aero 'yung office na napunta saakin. Nakakainis, hindi ko masa-sight palagi 'yung bebe ko. Pero ang nakakainis. At hindi ko matanggap hanggang ngayon ay kung paanong naging assistant secretary ni bebe ang mangkukulam na iyan." Sabay nguso nito kay Sadie.

Sadie flip her hair. "Inggit ka lang bakla. Mamatay ka sa inggit."

"Argh. I cannot. I cannot accept this. Lagi kasi silang magkasama. Kung nasaan si bebe Aero ay nandoon din ang bruhang 'to. 'Wag na 'wag mo lang gagayumahin at talagang ipapakulam kitang babae ka."

"Sira. Saating dalawa ikaw ang mukhang mangkukulam."

"Teka lang babae, bakit hindi ka sinama ni bebe Aero ngayon."

"Ewan, basta ang sabi lang niya magtambay lang ako sa office ngayon."

Bigla akong napaisip. Magkasama kaya sina Devin at Aero ngayon? Malamang dahil business partner sila.

"Alam mo ba kung saan pumunta si Aero Griffith?" Taking ko. May malaking posibilidad kasi na magkasama ang dalawa.

"Sa La Union." Sagot ni Sadie.

La Union? So baka nandoon din si Devin.

"Ah tungkol ba sa balak na ipatayong beach resort sa La Union?" Tanong ni Barry.

"Oo 'yun nga, gusto kasi niyang makita 'yung site mismo bago simulan ang project."

Beach resort? kung iyon ang sadya ni Aero sa La Union imposibleng kasama niya si Devin dahil toy industry ang balak ipatayo ni Devin.

"Ikaw Mindy, kumusta naman sa site mo? Lagi mo bang nakikita si fafa Devin?" Nabalik ako sa huwisyo dahil sa tanong ni Barry.

"Huh?" Napatingin ako sa kanilang dalawa na parehong nakatitig sakin.

"Tulala ka ata. Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Sadie.

Tumango ako at ngumiti ng alanganin. '"Okay lang ako. Tsaka wala namang problema sa opisina." Sagot ko tsaka uminom ng iced tea. Napakagat labi ako. "Siya nga pala nagtext nga pala sakin si Enoch. Iniimbitahan niya tayong manuod ng game nila this coming Saturday sa campus." Pag-iiba ko ng usapan.

Napataas ang kilay nilang dalawa.

"Tayo ba talaga o ikaw lang?" Barry.

"Tsaka pwede din naman niya kaming itext, bakit ikaw lang ang tinext niya?" Sadie.

I rolled my eyeball heavenwards. "Kung ano-ano nanaman 'yang iniisip nyo. Tayo okay."

"Asus. Malakas talaga ang kutob naming sabit lang kami diyan. I'm sure ikaw lang ang invited pero since mga kaibigan mo kami sinabi niyang pati kami para may kasama ka manuod." Konklusyon ni Sadie.

"Ewan ko sainyo. Bahala kayo kung ayaw niyong maniwala."

"Ikaw. Bahala ka kung ayaw mong maniwala." Sadie. Napabuntong hininga nalang ako bilang pagsuko. "Anong oras raw ba?"

"Nine am sharp. Kita-kita nalang tayo sa may main gate ng school sa Saturday." Napatingin ako sa relo ko. "At kailangan ko nang bumalik sa office, kayo rin malapit nang matapos ang lunch break. Bye guys, see you this Saturday." Paalam ko sakanila bago umalis.


BUONG MAGHAPON ay nag-encode lang ako sa office hanggang mag-uwian. Naghahanda na ako para matulog pero wala pa rin si Devin. Kahit isang text mula sa kanya ay wala akong natanggap. I already texted him, but no reply. I even call him several times but his out of coverage area. Mag-aalala na ako.

Eleven o'clock na pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi kasi ako mapakali, napatingin ulit ako sa screen ng cellphone ko, nagbabasakaling may text mula sa kanya pero napabuntong hininga nalang ako ng makitang wala.

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito. Nakita kong dahan dahan nitong sinara ang pinto.

"Why are you still awake, wife? It's late" tanong nito pagkakita sakin. Agad itong lumapit sakin at hinalikan ako sa noo.

"Hindi kasi ako makatulog dahil wala ka pa." Sagot ko.

Sinalat nito ang noo, pisngi at leeg ko. "Do you feel better now?" Tumango ako. "Have you eaten?"

Tumango ulit ako. "Ikaw kumain ka na ba?" Balik tanong ko sakanya.

"Yeah." Sagot nito at sinimulang hubarin ang coat niya.

Bumangon ako at tinulungan siyang hubarin ang necktie niya. Agad naman itong humakap sa bewang ko.

"Saan ka nga pala galing? Maghapon kang wala sa opisina."

Umiwas ito ng tingin. "I'm with Aero."

So tama ang hinala kong magkasama nga sila ni Aero.

"Saan kayo pumunta?" Tanong ko ulit. Kinalas nito ang pagkakayakap sa bewang ko.

He cleared his throat before answering. "In Davao. We went in Davao." Sagot nito tsaka ito pumasok sa walk in closet.

Naiwan akong tulala sa kinatatayuan ko.

Bakit? Bakit nagsisinungaling ka nanaman sakin?

◈∞◈∞◈∞◈
ms. akino
◈∞◈∞◈∞◈

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

4.5K 215 13
(COMPLETED) Kapag natapos na ang lahat ng sakit. Kapag buo na ako ulit. Baka magkaroon na ako ng lakas ng loob. Baka sakaling sa dulo ng lahat ng ito...
935K 30.2K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
48.5K 1.2K 55
Alam mo na namang masasaktan ka sa huli ay sumugal ka parin. Alam mo ng niloloko kana nag bubulagbulagan ka parin. Alam mo ng mali ginagawa mo paring...
560K 9.1K 96
C O M P L E T E D WARNING: THIS IS AN R-18 STORY! "He is Dashiel Davin Carter and he is my Psychopath Professor." ________________ Synopsis: Aiming...