Too Young to be Married (Hard...

By Maria_CarCat

3.8M 107K 11.4K

"Walang mangyayaring kasalan!" Asik sa akin ni alec. Napairap ako sa kawalan at kaagad na padabog na tumayo s... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Special Chapter

Chapter 35

64.8K 1.8K 306
By Maria_CarCat

"Umalis ka na nga at nakakaistorbo ka na sa akin dito" pagtataboy ko kay Tristan dahil pagkatapos makikain ng tanghalian ay gusto pa atang dito mag mirienda.

"We should atleast need to try, Brenda" pakiusap pa din niya sa akin. Hindi ko siya pinapansin, nagpatuloy lamang ako sa ginagawa ko sa may garden.

"Marriage is sacred" giit pa niya sa akin kaya naman napahinto ako sa aking ginagawa.

"I know Tristan pero..." hindi ko na naituloy ang dapat sanang paliwanag ko ng kaagad ako nitong pinigilan.

"You have all the rights to Alec, asawa ka niya...if he needs to make a decision kasama ka duon" pagpapaintindi pa nito sa akin na akala mo eh kuya ko siya at nakababata niya akong kapatid na pinapangaralan niya.

"Ewan...hindi ko pa alam, basta kung gusto mong makuha yung asawa mo, bahala ka sa buhay mo. Kung hindi mo lang sana sinasaktan si Ate Eva edi sana hindi tayo ganito ngayon" nakabusangot na pagsita ko sa kanya.

Hindi nagsalita si Tristan kaya naman napatingin ako sa kanya. Bagsak na bagsak ang magkabilang balikat nito. "Cause I know that she never loved me" paos na sabi nito sa akin at konting konti na lang ay parang maiiyak na.

Napakunot ang aking noo. I know that, minsan na ding sinabi sa akin ni Ate eva na mahal pa din niya si Alec kahit ngayong may asawa at mga anak na siya.

Imbes na maging masungit kay Tristan ng maghapong iyon ay pinakinggan ko na lamang ang mga hinaing niya. Alam ko naman kung gaano kasakit na ni hindi ka magawang mahalin ng taong mahal na mahal mo dahil mayroon siyang ibang gusto.

"Ma'm brenda, andito na po si Sir Alec" anunsyo ng kasambahay kinagabihan.

Hindi ko siya pinansin, busy ako sa pagkain ng avocado at buko. Nasa may kitchen counter ako at prenteng prenteng nakaupo ng marinig ko na ang boses ni Alec. Tinatanong nito sa isa sa mga kasambahay kung nasaan ako. Iiyak na sana ako sa sobrang touch ang kaso ay pagod na akong makipaglaro sa kanya.

"C'mon let's eat" parang tamad pang pagyaya niya sa akin kaya naman bago pa niya ako tuluyang matalikuran para pumunta sa dinning ay kaagad ko na siyang sinagot.

"I ate breakfast and lunch Alone, eat your dinner by yourself, I'm still full" sagot na may kasamang panunumbat sa kanya.

Busy ako kakasubo ng matamis kong avocado ng iritado itong lumingon sa akin, kaya naman imbes na matakot ay tinaasan ko na lamang siya ng kilay.

"I want you to eat with me..." seryosong sabi niya sa akin pero inirapan ko lamang siya.

Dahil sa aking ginawa ay kaagad na kumunot ang noo nito, "Did you roll your eyes on me, Maria Brenda?" May pagbabantang tanong niya sa akin at hindi pa siya nakuntento dahil nilapitan pa ako nito sa may kitchen counter.

"And what are you eating?" Nakakunot na noong tanong niya sa kinakain kong avocado at buko.

"Dessert...duh" sambit ko sabay layo ng plato sa kanya dahil baka makikain din siya. I don't want! I only want the avocado and buko only for me.

"Let's eat a real dinner" sabi niya sabay hawak sa palapulsuhan ko.

"Ayaw ko nga eh!" Sabi ko sabay bawi ng kamay ko sa kanya.

"Brenda" pagbabantang tawag niya sa akin pero sinimangutan ko lamang siya.

Nilabanan ko ang tingin niya sa akin. "Hindi tayo bati noh! Ayoko sayo!" Sabi ko sabay alis.

Dumiretso ako paakyat sa kwarto namin. I feel relief ng hindi kaagad sumunod si Alec sa akin para kulitin ako dahil nasisigurado kong pag nagpilitan pa kami ay magaaway lang kaming dalawa at pasensya siya dahil hindi ko siya uurungan.

Naglinis ako ng katawan at mabilis na tumalon papunta sa may sofa at namili ng mapapanuod na movie. Hirap akong matulog one of these days dahil sa hindi ko malamang dahilan. Naguumpisa na ang movie na napili ko ng marinig kong bumukas ang pintuan sa aming kwarto. Hindi ko inalis ang aking mga mata sa tv para tingnan ang pagpasok ni Alec.

Hindi rin siya nagsalita pero alam kong nakatingin ito sa akin kanina bago pa siya pumasok sa bathroom at naligo. I hate him but at the same time I miss him too.

How ironic it could be that you love and hate one particular person. But still in the end of it, you will love them...you're still loving them despite of everything that they've done.

"What are you watching?" Tanong niya sa akin habang pinapatuyo nito ang kanyang buhok na medyo may kahabaan na gamit ang tuwalya.

"Cartoons" tamad na sagot ko sa kanya.

Kumunot ang noo ko ng narinig ko ang pagngisi nito. "Cartoons ka diyan" natatawang sabi niya sa akin kaya naman inis ko siyang binato ng unan.

"Wag ka ngang bwiset!" Inis na sabi ko sa kanya pero hindi pa din siya tumigil.

"Kimi no nawa isn't a cartoons, Maria" natatawang sabi pa din niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin.

I don't know what happend to him dahil bigla bigla na lamang ako nitong kinausap. Tapos kung makaasta siya akala mo naman bati kaming dalawa.

"Umalis ka na nga dito, matulog ka na..." inis na utos ko sa kanya.

"Sasamahan kita, I won't go to work tomorrow" sabi niya sa akin kaya naman medyo nagulat pa ako.

"Hindi na baka makaistorbo pa ako sayo...no thanks" seryosong sabi ko sa kanya.

Ramdam na ramdam ko ang bigat ng titig nito sa akin. "Do you want to have a vacation?" Tanong niya sa akin na lalo ko lamang ikinagulat. What happen to this man?

"What...why?" Hindi rin makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Napaiwas ito ng tingin sa akin. "I realize that...lately, napapabayaan na kita" sabi niya kaya naman halos parang gustong sumabog ng aking puso.

Gusto ko siyang sigawan na oo Alec your right! Pero napiwas na lamang din ako ng tingin sa kanya dahil baka maiyak pa ako sa harapan niya.

"Ikaw ang bahala" sabi ko na lamang sa kanya.

Hindi umalis si Alec sa bahay kinaumagahan pero hindi rin naman iyon nagtagal dahil nagkaroon ng emergency sa opisina. "I'll make it up to you...let's have dinner outside" nagmamadali ng sabi niya sa akin.

Nakatingin lamang ako sa kanya, walang nararamdaman at wala ding pakialam. "Ikaw ang bahala" sabi ko na lamang sa kanya at hindi ko na hinintay na makaalis siya dahil kaagad na akong umakyat sa taas.

Hindi lang naman si alec ang may karapatang lumabas kung kailan niya gusto. I was not looking forward to the dinner, kung aasa lang ako ay madidisappoint lang ako pag hindi iyon na tuloy.

"Feeling ko may kasalanan!" Si Ivoree nang magkita kaming tatlo sa bagong bukas na pastry restaurant ni chatterley.

"Pssst! Ayan ka nanaman" sita ni Chatterley sa kanya pero inirapan lamang ito ni ivoree.

"He's cold, tapos biglang vacation daw? Natural guilty kaya bumabawi! What do you think Brenda?" Pagbaling ni Ivoree sa akin kaya naman nabato ako. What could it really be?

Nagkibit balikat na lamang ako sa kanilang dalawa. "I don't know, naguguluhan na din ako" malumanay na kwento ko.

"Wala ka pa bang Wife's instinct?" Inosenteng tanobng ni Chatterley kaya naman tinawanan siya ni Ivoree.

"What will the wife's instinct do? If yung wife ay ayaw aminin sa sarili niya ang totoo" patama ni Ivoree sa akin kaya naman napaiwas na lamang ako ng tingin sa kanila.

"Bakit? Ano bang conclusions niyo?" Tanong ni Chatterley sa amin.

Napabuntong hininga si ivoree bago niya diretsahang sinabi ang sagot sa tanong ni Chatterley. "That Alec still love Evangeline...you know first love never dies" seryosong sabi nito sa amin.

Napatakip si Chatterley sa kanyang bibig. Ivoree is right, I know that I feel it...the way Alec look at Ate evangeline. I sense longing.

Sometimes, what we have now is not going to be ours forever. Just like what i've seen in the movie last night. It was all according to destiny. It's either you will follow or you will change it.

And right now, I choose to follow...

"Baka naman nagoover conclude lang kayo, hindi naman siguro ganuon si Alec" sabi ng ever supporter ni Alec na si Chatterley. Sa aming tatlo, she is the one that tries to look at the bright side of everything.

Hindi nagpatalo si Ivoree sa kanya. "C'mon let's try...sundan natin si Alec one of these days" panghahamon niya sa amin kaya naman napaiktad si Chatterley.

"Ano spy? Ayoko nga, I don't want to break my heart from it" nakangusong saad niya cause she is always Alec and Brenda's supporter.

"See! Even you are doubting about it!" Pagmamayabang ni Ivoree sa kay Chatterley dahil sa magkasalungat nilang ideya at paninindigan.

We're test tasting Chatterley's pastries when suddenly mayroon kaming hindi inaasahan na bisita.

"Brenda" tawag sa akin ni Daniel tio. I just roll my eyes because of frustration, ito nanaman siya.

"What is it? Wag mo na ngang guluhin si Brenda, move on Daniel...kasal na yung tao" galit na suway sa kanya ni Ivoree kaya naman mas lalong tumigas ang mukha ni Daniel.

"I'll stop kung ang nababalitaan ko ay masaya siya...it isn't a happy marriage" seryosong sabi nito while directly looking at me.

"Daniel...tama na please, you can never have me. I'm already married to Alec Herrer" seryoso at madiing pagpapaintindi ko sa kanya.

Pero nginisian lamang ako nito bago kumunot ang kanyang noo. "No one can have you unless it is Alec, but your husband can be available for someone else?" Mapanuyang tanong niya sa akin kaya naman nagkatinginan kaming tatlo nila Ivoree at Chatterley.

"What do you mean by that?" Tanong ni ivoree sa kanya dahil mukhang hindi na ito makapaghintay pa.

"I won't tell, ikaw ang dumiskubre Brenda. Kung sa akin manggagaling, siguradong iisipin mong i'm bias because i want you back" may puntong sabi niya sa akin bago niya kami tinalikuran.

"That asshole" inis na inis na sambit ni ivoree dahil mukhang nabitin din siya sa impormasyon.

Sumikip ang dibdib ko dahil sa aking narinig, kung ganuon pala ay marami na din ang nakakaalam? Am I too preoccupied that hindi ko man lang alam ang mga nangyayari.

"We're going on the first plan" seryoso at pinal ng sabi ni Ivoree sa aming dalawa kaya naman nagkatinginan kami ni Chatterley.

"Are you serious about it?" Kinakabahang tanong ko pero mukhang desidido na siya.

Just like what I expect, hindi natuloy ang dinner namin kinagabihan. Alec became so busy na kahit ata ang matulog ay hindi niya magawa.

"I'm going to an out-of-the-country bussiness trip" sabi niya sa akin.

"Wh...where?" Tanong ko sa kanya.

"Spain, dad is already there Axus is missing I need to atleast go" paliwanag niya sa akin habang binubuttones niya ang suot na long sleeve.

"Kailan?" Tipid na mga tanong ko sa kanyang cause I don't want him to feel that im too clingy and controlling.

"Bukas ang alis ko" sabi pa nito sa akin kaya naman tinanguan ko na lamang siya.

Alam ko naman na may bussiness sila sa Spain, their Dad is spanish. Wala akong magagawa dahil family matter iyon. Mabait si Tito austin sa akin kaya naman hindi ko maaatim na pigilan si Alec na pumunta duon lalo na at baka kailangan nga talaga siya ni Tito austin.

Wala pang ilang minutong nakakaalis si Alec ay dumating na sina Ivoree at Chatterley sakay ng isang kulay itim na hiace van.

"Gagawin ba talaga natin ito?" Kinakabahang tanong ko sa kanila pero imbes na sumagot ay hinila na lamang ako ni Ivoree papasok sa van.

"Kuya greg sundan mo lang yung sasakyan na yun ha" desididong sabi ni Ivoree sa kanilang driver.

Tahimik lamang ako habang nakasunod kami sa sasakyan ni Alec ng kumunot ang noo ko ng makitang hindi tama ang daan na dinadaanan namin.

"Teka hindi ito ang daan papunta sa office ah" sabi ko sa kanila kaya naman kaagad na nagliwanag ang mukha ni Ivoree.

"Sinasabi ko na nga ba!, kuya greg wag mong papakawalan ha" sabi ni Ivoree dito kaya naman maging ako ay nakatutok sa sasakyan nila Alec.

Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko dahil sa halos naghuhumerentado na ang aking puso. "Palabas na tayo ng Manila" anunsyo ni Chatterley kaya naman napukaw ang aking atensyon sa daan.

Pahirapan pag pasok namin sa north luzon express way. Pero mukhang magaling talaga ang dalang driver ni Ivoree dahil hindi namin nawala sina alec.

"Sino naman ang pupuntahan niya sa bulacan?" Malungkot na tanong ni Chatterley na ni isa sa amin ay walang kayang sumagot.

Hanggang sa nakalagpas na kami ng bocaue bulacan at nakarating na kami sa Sta. Maria bulacan.

"Bukid na ito ah..." sabi nila kaya naman napatingin ako sa paligid.

Malawak na palayan ilang mga alagang hayop ay base na din sa paggalaw ng mga puno ay malakas ay mukhang sariwang sari ang hangin.

"Ano ba yan...hindi na ka ready ang outfit ko" pagrereklamo ni ivoree dahil sa halos 5 inches na suot nitong heels.

Huminto ang sasakyan namin hindi kalayuan sa pinaghintuan ng sasakyan nila alec. "Tara na sugurin na natin" paganyaya ni Ivoree at mukhang handang handa ng sumugod ng kaagad na humarang si Chatterley sa amin.

"Teka teka, maghintay tayo ng tamang tiempo...wag kayong sumugod agad agad" pagpapaalala niya sa amin kaya naman kahit papaano ay kumalma kami.

"Basta kahit anino lang ni Ate evangeline ang makita natin, sugod na kaagad!" Desididong sabi ni ivoree na tutok na tutok sa bahay na pinasukan ni alec.

Parang sasabog ang puso ko dahil sa sobrang kaba. Maya maya lamang ay nakita na namin na lumabas si alec at halos manlaki ang mata ko ng makita kong si Elaine at Axus ang kasama nito.

"Dito ba nakatira yung kakambal niya?" Gulat na gulat natanong ni Ivoree pero hindi ko iyon pinansin dahil bumalik sa akin ang realization na taga bulacan si elaine.

"See...I told you" ngiting ngiting sabi ni Chatterley na para bang nanalo siya at hindi namin nakita si Alec with Ate eva. She really like Alec for me.

Bagsak ang balikat ni Ivoree habang pabalik kami ng Manila. Pero mixed emotions ang nararamdaman ko half of me was relief but half of me was still anticipating na baka mali lang kami ng tiempo, pano kung sa ibang araw? Hindi naman uubra na araw araw naming susundan si Alec para lang hanapan siya ng kasalanan.

Tahimik kami sa loob ng van ng napansin naming hindi mapakali si Chatterley sa likuran. "Lumiko sila...lumiko sila" sabi niya sa amin kaya naman kaagad na naging active si Ivoree at inutusan ang driver niya na bumalik.

Luckly naabutan pa din namin sila dahil na din sa traffic pagbalik ng Manila, pumasok ang sasakyan nila Alec sa isang exclusive subdivision.

"Saan po sila Ma'm?" Tanong ng guard sa amin kaya naman nagkatinginan kaming tatlo dahil wala naman kaming kakilalang nakatira dito.

Bayolente akong napalunok dahil sa aking naisip na ideya. "Si...Evangeline Wilson" sabi ko sa guard kaya naman napatingin sina ivoree at chatterley sa akin.

Parang biglang nawasak ang puso ko ng ngumiti ang guard ng subdivision sa amin at pinayagan na kaming pumasok. Hindi pa siya nahusto at tinuruan pa kami nito ng direction.

Hindi ko namalayang unti unti napalang tumulo ang luha sa aking mga mata. Huminto ang sasakyan sa kung saan muling huminto ang sasakyan nila Alec.

And after a long wait, it's confirm. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano siya nito ihatid pasakay sa sasakyan, kung paanong yumakap ang pinsan ko sa asawa ko. Sa kung paano siya tumingkayad para mahalikan si Alec.

"Wag kang uuwi, wag kang uuwi sinasabi ko sayo Brenda..." galit na galit na sabi ni Ivoree.

How shameful it is na kitang kitang ng mga kaibigan ko kung paano ako lokohin ng asawa ko.

"Iuwi niyo na ako" seryosong sabi ko sabay pahid sa mga luha ko.

"Pero Brenda..." pagtanggi pa sana nila ang kaso ay buo na ang aking desisyon. He need to choose now, Alec need to choose. He can't have it all.

Umiyak ako ng umiyak pagkauwi ko sa bahay. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lahat ng luha ko pero walang tigil na tumulo iyon hanggang sa marinig ko ang pagdating ni Alec.

"Wh...what happen?" Kinakabahang tanong niya sa akin pag kabukas na pagkabukas niya sa pintuan ng kwarto namin.

"Ayoko na Alec, let's stop this" umiiyak at seryosong sabi ko sa kanya.

Kitang kita ko kung paano nanlaki ang mga mata nito. Ni hindi nga niya nagawang magsalita kaya naman ako na mismo ang lumapit sa kanya. Napatingala ako ng humarap ako sa kanya bago ko siya dinuro sa dibdib.

"Traydor ka! Sinisisi mo ako dahil nawalan tayo ng anak, pero kinukupkop mo naman ang dahilan kung bakit nangyari iyon" paninisi ko din sa kanya.

Ang kaninang gulat na mga mata ay biglang nanlumo. "Dapat sinabi mo na lang...tatanggapin ko naman eh, kahit mahirap! Sana sinabi mo na lang na si Ate Evangeline pa din ang mahal mo...para hindi na tumagal sa ganito" umiiyak na sabi ko sa kanya. At sobra na talagang nanlabo ang aking mga mata dahil sa pagluha.

"Maria..." paos na tawag niya sa akin at pilit niya akong hinahawakan pero pilit ko ding tinatanggihan.

"You choose...ako o si Ate evangeline?" Tanong ko sa kanya.

"Ofcourse i'll choose you...ikaw ang pipiliin ko Maria" mabilis at seryosong sagot niya sa akin.

"Then why!? Bakit hindi mo pa din siya mabitawan!?" Sigaw ko sa pagmumukha niya.

Hindi niya magawang sumagot. "Do you love her? Do you still love her!?" Sigaw na tanong ko kahit alam kong pwede lang akong masaktan sa sagot na pwede kong marinig.

"No" sagot niya sa akin.

"Then why Alec...tell me" pamimilit ko sa kanya.

"She's pregnant" sagot niya halos ikalagot ng aking paghinga.










(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 80.9K 60
"Why can't you accept it? Hindi kita magagawang mahalin. It's always been Katrina."
1M 4.7K 6
Eris, a wife and a mother, has to forgive her husband after she caught him cheating on her with her best friend, in order to give her son a complete...
1.2M 18.5K 23
I never had any experience dating men. Never had the chance to enjoy my life on my own. Never experienced to be an ordinary girl. Parties. Dates. Fir...
5.3M 136K 62
Can I be the missing piece, if he was damn broken?