Short Stories (Oneshots)

By purpleyhan

667K 17.9K 2.1K

Compilation || Short/one-shot stories about love and life. More

Dear Mom
Saving Her
Friendzoned
Checkmate
French Fries [1]
French Fries [2]
French Fries [3]
French Fries [4]
Long Distance Relationshit

Isang Daan

5.9K 230 12
By purpleyhan


Tapos na ang ilang klase. Nagsisilabasan na ang mga estudyante. Panigurado unahan na naman sa pagsakay sa jeep. Tumayo ako mula sa upuan at nagmadaling lumabas para makapila agad ako.

"Dani!" sigaw ni Rica, kaklase ko sa Kas 2, 'yong klase naming katatapos lang. Napahinto naman ako at lumingon sa kanya.

"Hmm?"

"Okay lang bang ikaw ang kumuha ng readings sa Berry's? May class pa kasi ako, eh."

Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. "Okay. Papunta rin naman ako sa Center para kumain."

"Talaga? Yehey! Thank you! Bye-bye!"

"Bye!"

Kumaway kami sa isa't isa at tumakbo siya sa kabilang building para sa susunod niyang klase. Medyo late kasi nag-dismiss ang prof namin kaya halos lahat ng estudyante ay nagmamadali.

Nang makalabas ako sa building ay pumunta ako sa shed para maghintay ng jeep. Pwede naman akong maglakad papuntang Center pero dahil tanghaling-tapat ay hindi ko na itinuloy. Bukod sa mainit ay nakakapagod din. Ayoko nang mag-aksaya pa ng lakas dahil gutom na ako.

Walang nagfa-facilitate sa shed na 'to kaya wala ring pila. Nang may dumating na jeep ay nag-unahan kami sa pagsakay at muntik pa akong hindi makaakyat dahil itinulak ako ng babae sa harapan ko.

"O, tig-dalawa pa sa kaliwa't kanan! Pakiayos ang upo!" sigaw ng driver.

Ako ang huling nakasakay at sa kamalas-malasang pagkakataon ay sobrang liit ng space na napunta sa akin. Isiniksik ko na lang ang sarili ko kahit na tail bone ko na lang ang nakaupo. Nakailang atras na ako pero wala pa ring pagbabago. Kaunting galaw ko lang ay siguradong malalaglag ako. Para lang akong nagkukunwaring nakaupo.

"Miss," tawag ng katabi ko. "Umurong ka na," sabay senyas niya na pumasok ako at in-adjust niya ang sarili niya.

"Oh. Thank you po," sagot ko naman.

At least, medyo okay na ang posisyon ko.

Kinuha ko ang phone ko sa bag at tiningnan kung may nag-text. Nakita ko ang message ng kapatid ko at nagpapauwi siya ng isang rim ng bond paper. Kita mo 'tong babaeng 'to, papahirapan pa akong magbuhat mamaya.

Oo na. May 5% interest 'to ha, reply ko na lang.

Binuksan ko ulit ang bag ko at akmang kukunin na ang purse pero napatigil ako sa paggalaw. Teka, anong nanyayari?

Kinapa ko ulit ang loob ng bag at hinalughog ko na pati ang mga bulsa pero wala roon ang wallet ko. Chineck ko na rin ang sarili kong mga bulsa para tingnan kung may naiwan akong barya pero saka ko naalala na nilagay ko rin pala roon lahat ng sukli kanina.

Inalala ko ang nangyari bago ako sumakay. Tumakbo ako papunta sa shed habang suot ko ang backpack. Nakipag-unahan ako sa pagsakay at tinulak ako ng isang babae. Teka, hindi kaya may kumuha no'n mula sa bag ko? Nilabas ko ba 'yon bago ako sumakay? Hala, hindi ko maalala!

"O, 'yong mga 'di pa nagbabayad diyan!" sigaw ng driver kaya lalo akong nag-panic. Pakiramdam ko ako talaga 'yong pinapatamaan niya.

Isang beses ko pang kinapkapan ang bag at sarili ko pero wala talaga. Wala akong kahit anong perang mahanap. Naiiyak na ako sa hiya dahil ayaw ko namang mag-123. Bumaba na lang kaya ako? Pero halos kalahati na ang nabyahe ko.

Ano na bang gagawin ko—?!

"Bayad po."

Napatingin ulit ako sa katabi kong lalaki at iniabot niya sa akin ang seven pesos. Akala ko ay para sa kanya 'yon pero nagulat ako nang ngumiti siya sa akin.

"For some reasons, mukhang wala kang pamasahe. Kunin mo na," sabi niya at saka niya inilapag iyon sa palad ko.

Una kong naisip? Baka siya ang kumuha ng wallet ko. Hindi ko rin alam kung bakit. Pero mukhang nagmamagandang-loob lang siya kaya bigla akong nahiya. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa naisip kong 'yon.

Siguro ay nakita niya ang pinaggagawa ko kanina sa bag at bulsa ko kaya naisip niyang nawawala ang wallet ko. Akala ko sa social media ko lang makikita ang ganitong sitwasyon. Hindi ko akalaing makaka-encounter ako ng isang mabait na tao na tutulungan ako sa ganitong dilemma.

"T-thank you po," bulong ko.

Kahit nakakahiya ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Ibinayad ko 'yon sa driver kaya naman nakahinga na ako nang maluwag. Pero hindi pa ro'n nagtatapos ang problema ko.

Paano ako kakain? Paano ko kukunin ang readings namin? Paano ko bibilhin ang kailangan ng kapatid ko?

Nakakainis naman kasi! Saan ba napunta ang wallet ko? Bakit ngayon pa kung kailan ang dami kong kailangang bilhin?

Tumingin ulit ako sa katabi kong lalaki at saktong nakatingin din siya sa akin kaya umiwas ako. Teka, nag-thank you na ba ako sa kanya? Nakakakaba talaga ang mga ganitong uri ng sitwasyon lalo na't hindi ko siya kakilala.

Hay. Mukhang 'di ako magla-lunch ngayon. Well, hanggang 4 P.M. lang naman ang klase ko ngayon. Siguro naman kaya ko pang tiisin ang gutom ko hanggang hapon. Nag-text na lang din ako kay Rica at sa kapatid ko na hindi ko na nawala ang wallet ko kaya hindi ko makukuha ang readings at hindi ako makakabili ng bond paper.

"O, lahat ng Center diyan! Center!"

Napatingin naman ako sa labas nang isigaw 'yon ng driver at kaagad akong bumaba kahit na wala naman akong gagawin dito. Habang naglalakad ay napayuko na lang ako dahil sa kamalasang naranasan ko ngayon. Baka maglakad na lang ako papunta sa kabilang klase ko, which is, nasa Science Complex na sobrang layo mula rito. Iniisip ko pa lang ang distansya na lalakarin ko ay nawawalan na ako ng lakas.

"Miss!"

Napalingon naman ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking katabi ko kanina sa jeep na naglalakad papunta sa direksyon ko. Wait, dito rin siya bumaba?

Ilang segundo akong nag-isip kung ano ang dapat kong reaksyon at kumunot na lang ang noo ko noong nasa gilid ko na siya.

"Sorry, I just want to ask if may pang-lunch ka?" tanong niya at lalo akong na-weirduhan sa kanya. I admit, na-touch ako sa ginawa niya kanina pero ang creepy na ngayon. Sinundan niya ba ako rito?

"Uhm . . ."

"Oh, sorry if I sound like a creep," dagdag niya. Wow, alam niya. "It's just that, naranasan ko na rin 'yan dati at alam ko ang pakiramdam kaya . . . ayun, I just want to help. Promise, no other intentions," sabay taas niya pa sa kamay niya.

Nakaramdam na naman ako ng hiya dahil na-judge ko na naman siya tulad kanina. Bakit ba ang judgmental kong tao? Buti na lang at kaya kong kimkimin ang mga naiisip ko kung hindi, ang tagal ko nang napahamak.

Sakto namang kumalam ang sikmura ko at nagkatinginan kami. Hindi ko alam kung pinipigilan niya lang ngumiti o ano kaya naman lalo lang akong nahiya at tumalikod.

"Here," sabi niya at nasa gilid ko na pala siya. Pagtingin ko, inabutan niya ako ng isandaang piso kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Hala, t-teka . . ."

Inilagay niya ulit 'yon sa palad ko at pagkatapos no'n ay naglakad siya palayo.

"Don't worry about it," dagdag niya. "Isipin mo na lang, napulot mo lang 'yan. Bye!"

Hindi pa rin ako makapaniwala na bigla na lang siyang magbibigay ng pera sa hindi niya kakilala. I mean, yes, naranasan na niya dati na mawalan ng wallet pero nakakahiya pa rin. At least let me . . .

"Wait!" sigaw ko at 'yon na yata ang pinakamalakas kong nagawa sa buong buhay ko. Kinabahan tuloy ako dahil ang daming tumingin sa akin.

Napahinto naman siya at mukhang nagulat siya sa ginawa ko. Tumakbo ako papunta sa kanya at habang mayroon pa akong lakas ng loob (na siguro ay galing doon sa pagsigaw ko) ay tumingin ako sa kanya.

"At least, let me know your name. Babayaran ko bukas. Promise," sabi ko sa kanya.

"No need—"

"Please? Ayaw kong nagkakautang."

Pagkasabi ko no'n ay bigla siyang natawa kaya napakunot ang noo ko. Anong nakakatawa ro'n? Uulitin ko sana ang sinabi ko pero napahinto ako nang iharap niya sa akin ang ID niya.

"Here," sabi niya at binasa ko naman 'yon.

"Isaac Gonzales. College of Engineering. Okay."

"How about you?" tanong niya kaya ipinakita ko rin ang ID ko. "Danielle Valera. College of Science, huh? Medyo magkalapit tayo."

"Uhm, anong free time mo bukas para mabigay ko sa'yo?" tanong ko ulit.

"Hmm, may class ka ba sa Math building bukas?"

"Meron, 11:30 A.M. Ikaw?"

"Sakto. Pareho tayo. So, after na lang no'n?"

"Okay. Uhm, thank you ulit," mahina kong sabi at ngumiti ulit siya.

"No worries. So, see you tomorrow, I guess?"

"Yeah."

"Bye, Danielle."

"Bye, Isaac," sabi ko habang naglalakad siya palayo sa akin.


***

Hindi kami nagkita kinabukasan. Hindi ko inasahan na magkakaroon kami ng meeting sa isang subject pagkatapos no'n at wala rin naman akong contact number niya dahil hindi ko kinuha kahapon. Saka ko lang na-realize na wala rin kaming definite na meeting place kaya hindi ko rin sigurado kung saan ko siya makikita.

Nalaman ko rin na naiwan ko pala sa room ang wallet ko kahapon at isinauli 'yon ng kaklase ko kanina. Ni hindi ko 'yon naisip kahapon at kung sinu-sino pang pinagbintangan ko.

Si Rica na rin ang kumuha ng readings namin kahapon kaya medyo nahiya ako pero tinawanan niya lang ako. Sinabi ko na lang sa kapatid ko na ngayon ako bibili at nag-okay naman siya.

Bigla akong na-guilty dahil hindi ako nakatupad sa usapan namin kaya kahit 2 P.M. na ay pumunta pa rin ako sa Math building, nagbabakasakaling mahanap ko siya. Pero hindi ko nakita si Isaac.

"Sorry," bulong ko at hindi ko alam kung makikita ko pa ulit siya.


***

Ilang araw ang lumipas at hanggang ngayon ay kinakain pa rin ako ng guilt dahil sa hindi ko pagtupad sa usapan. Sa loob ng ilang araw na 'yon ay naiisip ko siya dahil pakiramdam ko ay nagalit siya sa akin. Siya na nga itong nagmagandang-loob, siya pa itong naapektuhan dahil sa sinabi kong babayaran ko siya. Ang sama kong tao.

Pagkatapos ng klase ko sa Math building ay iniisip ko kung ano ang parusang matatanggap ko sa ginawa ko sa kanya. Balak kong kumain na lang ulit sa Center pero dahil do'n ay mas naisip ko siya at lalo lang akong na-guilty.

"Isaac! Bukas ha!"

Napatigil naman ako sa paglalakad nang marinig ko ang pangalan na 'yon. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, umaaasang makikita ko ang isang pamilyar na mukha at . . .

. . . nakita ko siya.

Nagkasalubong ang mga mata namin. Hindi kami gumalaw sa kinatatayuan namin at biglang nag-iba ang pakiramdam ko. May ilan siyang kasama pero para bang siya lang ang nakikita ng mga mata ko. Ang weird. Isang beses lang naman kaming nagkita pero hindi ko akalaing ganito ang magiging epekto ng pangalawang beses.

Lumapit siya sa akin habang nakatingin ang mga kasama niya sa kanya. Hindi agad ako nakapagsalita at tiningnan ko lang siya.

"Uy," sabi niya habang nakangiti.

"Uy," sagot ko at nakaramdam na ako ng matinding kaba lalo na't nakatingin na rin sa akin ang mga kasama niya.

"Isaac, sunod ka na lang!" sigaw ng isang lalaki. Itinaas naman ni Isaac ang kamay niya at nanatiling nakatingin sa akin.

"Sorry!" sigaw ko at napapikit ako dahil sa guilt na naramdaman ko sa loob ng ilang araw. "May nangyari kasing hindi ko inaasahan kaya hindi ako nakapunta noong nakaraan. Sorry kung hindi ako nakatupad sa usapan. I mean, ikaw na nga 'tong nagmagandang-loob, tapos ako 'tong—"

"Whoa, whoa, slow down, Danielle," sabay hawak niya sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin at lalo lang akong kinabahan. "It's okay, really. Don't worry about it."

"Pero . . ."

"Nakita mo na ba ang wallet mo?" tanong niya naman kaya doon ako natauhan.

"Ah!"

Agad kong binuksan ang bag ko at kinuha mula roon ang wallet ko pero napatigil ako sa nakita ko. Wala akong barya. Wala akong isandaan.

Napatingin ulit ako sa kanya at hindi ko alam kung ngumiti siya dahil sa expression ko o dahil nakakatawa para sa kanya ang sitwasyon ko ngayon.

"S-sorry!" sigaw ko. "Wala akong barya. Hindi ko in-expect na makikita kita ngayon kaya . . ."

"Okay, ganito na lang."

"Hmm?"

"How about you treat me for lunch?"

Ilang segundo akong natulala sa sinabi niya at hindi ko alam kung 'yon ba talaga ang sinabi niya o nagkamali lang ako ng rinig.

"H-ha? Pero 'di ba 'yong mga kaibigan mo," sabay turo ko sa direksyon kung saan sila pumunta kanina.

"Ah." Napahawak naman siya sa batok niya at pagkatapos no'n ay may tinext siya. Makalipas ang ilang segundo ay ngumiti ulit siya. "Okay na."

"Ha?"

"Game? Libre mo na ba ako?"

Hindi ko alam pero parang ang bagal ng thought processing ko ngayon. Tumango na lang ako dahil gusto ko na ring mabayaran ang utang ko sa kanya.

"Uhm, saan pala tayo kakain?" tanong ko naman dahil baka may preferred place siya.

"Hmm, sa Center?" sagot niya at bigla kong naalala ang araw na 'yon.

"Oh. Okay."

Sabay kaming naglakad palabas sa Math building at sumakay ng jeep papunta sa Center. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero kabado pa rin ako at hindi ako makahinga nang maayos. Dahil ba 'to sa sitwasyon? O dahil sa kanya? Pero ang weird. Hindi ko naman siya kilala at pangalawang beses pa lang namin 'tong pagkikita. Ayoko ng ganitong pakiramdam.

Nang makarating kami sa Center ay pumunta kami sa isang kainan. Pagka-order namin ay naghanap kami ng table at mabilis namang na-iserve ang pagkain. Tahimik kaming kumain at ang awkward dahil wala naman kaming mapag-usapan. Well, ito lang naman ang kailangan namin sa isa't isa. Pagkatapos nito, paniguradong hindi na magtatagpo ang landas namin. Pagkatapos nito, hindi ko na siya makikita.

"Okay ka lang?" biglang tanong niya.

"Ah, oo," saka ako ngumiti. "Quits na tayo," dagdag ko.

"Yup."

Tumahimik ulit kaming dalawa at mabilis na inubos ang pagkain namin. Pagkatapos no'n ay tinawag niya ang isang staff at hiningi ang resibo namin. Nagbigay ako ng 500 pesos at matapos ang ilang minuto ay ibinigay sa amin ang sukli. Kukunin ko na sana 'yon pero nagulat ako nang biglang kinuha ni Isaac ang isang 100 pesos. Tiningnan niya 'yon nang seryoso at bigla siyang ngumiti.

"Wow," sabi niya at iniharap niya sa akin ang 100 pesos na hawak niya.

"B-bakit?"

"Ito 'yong binigay ko sa'yo," sabay ipinakita niya ang maliit na sulat sa gilid. Nakasulat doon ang pangalan niya. "Napagtripan lang namin ng mga kaibigan namin na pangalanan lahat ng pera namin pero hindi ko akalain na makikita ko ulit 'to."

Tumitig lang ako sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi ba bawal sulatan ang pera? Naka-lapis lang naman ang sulat pero sinulatan pa rin nila. Pasaway pala ang isang 'to.

Pero nakakagulat nga na hindi naman ako kumain dito noong ibinigay niya 'yon at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bumalik sa akin ang perang ipinautang niya.

"It must be fate, if that's true," biro niya.

"It's true," sabi ko naman at pareho kaming nagulat. Hindi ko sinasadyang masabi 'yon at mukhang hindi niya rin inaasahan na marinig 'yon sa akin. "Uhm, I mean, uh, the concept of fate. Yeah, that. Uy, saka burahin mo 'yan. Bawal 'yan," sabay turo ko sa sulat sa perang hawak niya.

Uminom na lang ako ng tubig para kalmahin ang sarili ko dahil nawalan ng preno ang bibig ko pero naramdaman kong nakatingin pa rin siya sa akin kaya nag-init ang mukha ko. Kasi naman siya!

"You're cute," sabi niya habang nakangiti at hindi ko alam kung ano ang naging itsura ko nang marinig ko 'yon.

Ilang segundo akong nakatulala lang pero matapos no'n ay natauhan ako. "A-akin na nga 'yan," sabay agaw ko sa 100 pesos ko mula sa kanya at akmang tatayo na ako pero napatigil ako dahil sa sinabi niya.

"I take it back," sabi niya at hindi ko alam kung maiinis ako o ano. Sa huli, nangibabaw ang inis ko.

"Ayan, bayad na ako. Sige, mauna—"

"What I said last time, I'm taking it back." Napatigil ako sa pagsasalita at tiningnan ulit siya. "Maybe I really have some intent, though, I just realized that few minutes ago."

"Ha?"

"Fate or not, that money returned to you."

"Like you?"

Kinurot ko ang sarili ko dahil sa biglaan kong pagsabi no'n at lalo lang akong lumubog sa kahihiyan habang pinipigilan naman niya ang pagtawa niya.

"Uhm, walang meaning 'yon. I mean, 'yong ano . . ." dagdag ko pero lalo lang siyang natawa. Bakit ba ang defensive ko? At bakit parang unti-unting nawawala ang filter ng bibig ko? Mapanganib 'to.

"Yes, like me," sagot niya naman. "So, Danielle, pwede bang makilala kita?"

Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong nakatitig sa kanya. Hindi ko rin alam kung gaano kalakas at kabilis ang pagtibok ng puso ko matapos niyang sabihin 'yon. Ang alam ko lang, tumango ako at nakita ko ulit ang ngiti niya.

"Well then, let me formally introduce myself," sabi niya. "Isaac Gonzales," sabay lahad niya ng kamay niya sa harapan ko. 

Weird. Hindi mabilis gumaan ang loob ko sa mga taong kakikilala ko pa lang pero sa kanya, medyo comfortable na ako. Siguro dahil na rin sa personality niya. He seems like the kind of person that you can be at ease with. Kahit na para na akong sasabog sa kaba at hiya ay inabot ko ang kamay niya at ngumiti rin.

"Danielle Valera. Nice meeting you, Isaac."

"And I'm looking forward to knowing you, Daniella."

Pagkatapos no'n ay napagdesisyunan naming magkita ng isang daang beses para makilala ang isa't isa. Tuwing tanghali. Dito sa Center, kung saan kami unang nagkakilala.

"So, see you next time?" sabi niya noong malapit na siyang bumaba mula sa jeep.

"Yeah. See you again, until the hundredth time."

At doon nagsimula ang kwento naming dalawa.


***

note:

This is the raw and unedited version of my Riderata entry. Hope you enjoyed it!


Ann.

Continue Reading

You'll Also Like

218K 1.6K 7
Book 3: Mystique Academy: The Cursed Academy After the tragedy that falls upon them. Hel and Kreios, being the most vulnerable, were targeted by some...
Fear Thy Pact By bambi

Mystery / Thriller

3.3M 109K 45
Pact Series # 2 | "To defeat the monster, I must become a monster."
The Midnight Murders By bambi

Mystery / Thriller

3.2M 140K 32
Waking up from coma, Kendra finds out that not everything in Redwood is what it seems nor is her picture-perfect life.
3.4M 106K 44
[REVISED] They thought it was over, little do they know, it was only the beginning.