The Badass Babysitter Vol.2 ✓

By Nayakhicoshi

1.1M 51.6K 38.3K

[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The... More

Volume 2
Chapter One: Date
Chapter 3: Tinola
Chapter 4: Endearment
Chapter 5: Haup Beast
Chapter 6: Night Hug
Chapter 7: Jealous
Chapter 8: Nanang & Tatang
Chapter 9: Kiss me
Chapter 10: Meet
Chapter 11: Landlord
Chapter 12: Kapitan
Chapter 13: Serpens
Chapter 14: Her Throne
Chapter 15: Cloud 9
Chapter 16: Protection
Chapter 17: Bitch
Chapter 18: Costume Party
Chapter 19: How are you?
Chapter 20: Wish granted
Chapter 21: Bruises
Chapter 22: Forgive and Forget
Chapter 23: Wounded
Chapter 24: Apple for a day
Chapter 25: Favor
Chapter 26: Holdapers
Chapter 27: Farewell
Chapter 28: Luggage
Chapter 29: Housemate
Chapter 30: Junakis the sixth
Chapter 31: Baby Tiger
Not an update!
Chapter 32: Ella es la muerte
Chapter 33: The little compass
Chapter 34: Cuddles and I love you
Not an Update
Chapter 35: Alien
Chapter 36: Old Friend
Chapter 37: Back to School
Chapter 38: Colours
Chapter 39: Ruin
Chapter 40: Embrace
Chapter 41: Officer
Chapter 42: Hemisphere
Chapter 43: Princess Tatiana Quvenzane Schleswig of Greece and Denmark
Chapter 44: Heat
Chapter 45: Dagger
Chapter 46: Quarantine
Chapter 47: Grounded
Chapter 48: Reunion
Chapter 49: Isaiah's Birthday
Chapter 50: Sneak peak
Chapter 51: Home run
Chapter 52: Family Dinner
Chapter 53: Lose
Chapter 54: Moving on
Chapter 55: Explode
Chapter 56: Back to the old times
Chapter 57: War zone (part 1)
Chapter 57: War zone (Part 2)
Chapter 58: Final plan
Chapter 59: Welcome-Goodbye
Chapter 60: Genesis
VOLUME 3
Book 3 is out!

Chapter 2: Party

29.4K 1.2K 407
By Nayakhicoshi

CHAPTER TWO


NOAH CRANE

"Tiiiit baaaaa!"

"Tweet tweet tweet!"

Kyaaaah! Ang cute-cute talaga ng Baby Tiger namin!

"Ako naman!"

Hinila ni Peter ang damit ko para maka-alis ako sa harap ni Baby Tiger. Pumwesto ito sa harap niya at ginaya ang ginawa ko. Tinakpan ang dalawang mata gamit ang mga kamay saka tatanggalin ito.

"Tiiiiit Baaaaaa!"

Tumalon-talon ang sisiw na parang tuwang tuwa sa ginawa ni Peter.

"Ako rin!"

Pumwesto rin si Psalm sa harap ni Baby Tiger. Excited ito na mapatawa ang sisiw. Imbes na matuwa si Baby Tiger ay nagtago siya sa likod ng baso at naiiyak na tumingin sa amin.

Masama ang tingin na nilingon namin si Psalm.

"Pinaiyak mo si Baby Tiger!" asik ni Peter.

"Ang pangit mo kasi Psalm. Alis nga diyan!"

Kinuha ko si Baby Tiger sa lamesa at dinala sa palad ko. Umiiyak parin ito. Pakiramdam ko nadurog ng dalawang piraso ang puso ko. Hindi ko kayang tignan ang mga luha niya. 

"Tahan na Baby, 'wag mong titignan si Daddy Psalm para hindi ka matakot."

Tumango ito saka tinalikuran si Psalm.

"Bakit umiiyak ang Baby ko?"

Lumabas si Isaiah galing sa kusina. Naka-bestida ito ng kulay pula at nakatali ang ilang buhok sa ulo. Sa kamay ay may hawak-hawak siyang gatas ni Baby Tiger. Inaalog niya iyon.

"Si Psalm tinakot niya!" sumbong ni Peter.

Kaagad tumalim ang mga mata ni Isaiah.

"Bakit mo tinakot ang anak ko, ha? Gusto mo bang pingutin kita sa tenga?" Namewang ito sa harapan ni Psalm.

Nangatog si Psalm sa takot at ngumuso. "Sorry na Kaps. Gusto ko lang naman patawanin si Baby Tiger," suminghot siya. "Kaso hindi siya natawa. Waaah! Bad Daddy na ako!"

Tumigil sa pag-iyak si Baby Tiger, kumikislap ang mga mata niyang tumingin kay Psalm.

"Tweet tweet tweet~"

"Anong sabi niya?"

"Sabi niya, 'wag ka na raw umiyak. Hindi ka naman Bad Daddy," sabi ko.

Nagningning ang mga mata ng kapatid ko. "Talaga? Sinabi niya 'yon?"

Tumango ako.

"Yabayabayu Baby Tiger!"

"Tweet tweet tweet~"

"Awww!" Naantig ang puso ko. Ang sarap sa pakiramdam na may puso ka.

"Oras na para kumain anak!" sabi ni Isaiah kaya binigay ko sakanya ang sisiw.

Inayos muna nito ang nahulog na tali ng bestida sa balikat bago kinuha si Baby Tiger, inalog saglit ang bote ng gatas saka sinubo sa bunganga ng sisiw. Ang kaso, hindi kasiya. Mas malaki pa ang bote kesa kay Baby Tiger.

"Hala, paano 'yan?" Tumingin siya sa akin.

"Ilagay na lang kaya natin sa plato 'yung gatas?"

Iyon ang ginawa namin. Nilipat namin ang gatas sa plato at hinayaan si Baby Tiger na uminom doon. Pero may problema ulit.

"Bakit ayaw niya uminom ng gatas?"

"Tignan mo nga, baka expired na ang gatas," kinakabahan kong sabi.

Binaba ni Peter ang ulo sa plato at dinilaan ang gatas na parang aso. Ilang sandali nitong nilasahan ang ininom.

"Hindi pa naman. Sa 2019 pa ang expiration nito," confirm niya.

"Kung gano'n bakit ayaw ni Baby Tiger?" Nag-aalalang tanong ni Isaiah. Hinaplos nito ang sisiw na maingay. "Kain ka na anak."

"Baka gusto niya ng Juice. Magti-timpla ako ng juice para sa Baby natin!"

Tumakbo si Peter sa kusina, ilang sandali lang ay bumalik na siya. May dala-dala itong isang baso ng orange juice.

"Heto na ang juice mo, Baby Tiger! Inom ka na!"

Sinubukan naming painumin si Baby Tiger pero ayaw niya parin. Mas lalo lang siyang nag-ingay, nag-wala.

Nagkatinginan kaming magkakapatid at katulad ko nag-aalala rin sila.

Ngayon lang kami nagka-baby. Huhuhu, ang hirap pala maging isang Ama.

"Anong gagawin natin? Umiiyak na si Baby Tiger!" nagpapanic si Isaiah. Nilagay niya sa palad ang sisiw saka hinele ito, baka sakaling tumahimik. "Tahan na Baby ko. Gusto mo bang dumudo sa dodo ni Mommy?" Tumingin siya sa amin nang nanlalaki ang mga mata. "Tama! Naalala ko! Sabi sa nabasa ko, ang mga Baby daw ay dapat pinapakain sa dodo! Kaya siguro ayaw kumain ni Baby Tiger kasi hindi galing sa dodo ang pagkain niya!"

Oo nga 'no? Ang talino talaga ni Isaiah, hindi ko naisip 'yon. May iba kasing umu-ukupa sa isip ko, hehe.

"Ibig bang sabihin, dapat ilagay natin ang mga pagkain sa dodo natin?" tanong ni Psalm.

Tumango si Isaiah.

"Lagyan natin ng gatas ang dodo mo, Kaps" sabi ko.

"Sandali!"

Nagtatakang tumingin kami kay Peter.

"Sabi sa dodo dapat. Pero ang tanong, may dodo ka ba, Isaiah?"

Sinilip ni Isaiah ang dibdib sa loob ng bestida pagkatapos ay naiiyak ito.

"Wala!"

Bumagsak ang mga balikat namin. Paano 'yan?

"Psalm, may dodo ka ba?" baling ni Peter kay Psalm.

Sinilip din nito ang dodo sa loob ng damit.

"Wala rin!"

"Ikaw, Noah?"

LKinapa ko muna ang dibdib ko hanggang sa biglang lumaki ang mga mata ko. Nagtaka sila.

"Bakit, Kaps?"

"Nawawala ang dodo ko..."

Natataranta kong kinapa ang katawan, sinilip sa kili-kili pati sa loob ng brief. Nasaan ang dodo kooooo?!

"Hanapin natin!"

Nagsimulang maghanap sa paligid ang mga kapatid ko. Si Isaiah ay inangat ang mga unan sa sofa at siniksik ang kamay sa gitna ng mga upuan, baka sakaling nandoon ang hinahanap. Gano'n din si Psalm, sinilip silip nito ang bawat sulok ng sala namin. Si Peter naman ay naghanap sa loob ng mga flower vase. Tumingin naman ako sa sahig, baka sakaling nalaglag lang.

"Baka naiwan mo sa kwarto mo, Noah?" sabi ni Peter.

Umiling ako. "Hindi Kaps, sigurado ako nandito pa 'yon kanina. Wala sa kwarto ko."

"Hahanapin ko sa kusina!" sigaw niya. "Isaiah, dito lang kayo ni Baby Tiger. Maghanap kayo dito sa sala," Lumingon siya kay Isaiah. Kaagad tumango at sumaludo ang kapatid ko. "Ikaw naman, Psalm, doon ka sa may Pool area. Baka nag-swimming lang!" Sunod ay sa akin siya tumingin. "Noah, tignan mo naman sa sako ng dumihan ng mga damit natin baka napasama 'yon doon."

Sumaludo ako kaagad. "Yes, Kaps! Yes, Kaps!"

Nagkanya-kanyang gawain kami. Ginugol namin ang oras namin sa paghahanap sa nawawala kung dodo. Pagkatapos ng limang oras ay wala pa rin kaming mahanap. Bagsak ang mga balikat kong bumalik sa sala. Nandoon na rin ang iba, pagod katulad ko.

"Hindi ko makita..." naiiyak kung sabi.

Nasaan na ang dodo ko? Kinapa ko ang mga bulsa—wala pala akong bulsa dahil naka-brief lang ako kaya sinilip ko nalang sa ilalim ng mga paa ko, baka naapakan ko.

"Dodo kooooo!" sigaw ko nang nakaliyad, nakatiklop ang mga kamao na naka-taas sa gilid ko na parang magsu-supersayan. "Nasaan kaaaaa!"

"What's happening here?"

Sabay-sabay kaming lumingon sa nagsalita at nakita si Rucc at Coby na kakapasok ng bahay. Nagtataka ang tingin nila sa amin.

"May problema ba?" tanong ni Coby. "Bakit mukha kayong namatayan?"

Bagsak ang mga balikat na napayuko ako.

"Nawawala kasi 'yong dodo ni Noah. Kanina pa namin hinahanap," si Psalm ang sumagot.

"Dodo?"

Inangat ko ang tingin sakanila at tumango.

"Kailangan na sa dodo namin kumain si Baby Tiger. Ang kaso ay nawawala 'yong dodo ni Noah" sabi ni Peter.

"Ha? Tinignan niyo ba ng maayos sa paligid? Baka nandiyan—" tumigil sa pagsasalita si Coby nang batukan siya ni Rucc.

"Gago, isa ka rin, eh," Ngumiti si Rucc sa amin. "Guys, walang dodo na nawawala. Nakadikit na ito sa katawan natin kaya hindi ito natatanggal," paliwanag niya.

Kinapa ko ulit ang dodo ko. "Pero bakit 'yong akin nawawala?" takang tanong ko.

"Kasi Noah, una sa lahat wala ka naman talagang dodo."

Kusang napaatras ang isang paa ko, natulala ako at panay ang iling.

"Impossible! Meron akong dodo! Nakita ko pa iyon kaninang umaga! Apat sila! Si Dodo A, Dodo B, Dodo C at Dodo D!"

"Hala, hindi naman pwede 'yon, Rucc. Hindi pwedeng walang dodo si Noah!" giit din ni Psalm.

"Ipaglalaban namin ang karapatan ng dodo ni Noah!" tinaas ni Isaiah ang isang kamao kaya tinaas din namin ang amin.

Sinapo ni Rucc ang noo, bahagyang hinilot iyon, may binulong siya pero hindi namin narinig. Ilang sandali lang ay tumingin ulit siya sa amin ng nakangiti.

"Guys, that's not what I mean," mahinahon ang boses nito. "Listen, wala naman talaga tayong dodo na mga lalaki. Oh well, meron pero hindi katulad sa mga babae na pwede nating gamitin sa pagpapadede ng baby. Hindi tayo nakakapag-produce ng milk katulad nila."

"Parang magic?" tanong ni Psalm.

Napangiwi si Rucc. "Well, yeah. Magic ng mga babae ang mag-breast feed para sa mga baby."

"Sabi ni Dada hindi lang pang-baby ang dodo nila. Pwede rin daw sa adult," sabi ko, naalala ang sinabi ni Dada noon.

Napaubo si Coby at namula naman ang buong mukha ni Rucc.

"Please, Rucc, sabihin mong sinungaling si Dada."

"Ah, kasi..." Kinamot niya ang batok at tumingin kay Coby na pinandilatan naman siya ng mga mata. Tumikhim siya saka umiling. "Anyway, bakit ka naka-bestida, Isaiah?" tanong niya.

Lumapad ang ngiti ni bunso.

"Mommy na kasi ako at oo nga pala, nakalimutan kung ipakilala ang Baby namin," Inangat niya ang palad kung nasaan si Baby Tiger. "Coby, Rucc, meet Baby Tiger. Baby, meet Tito Rucc at Tito Coby!"

Tumalon-talon ang sisiw na parang nasisiyahan makilala ang mga Tito niya.

^ o ^ ---> mukha ni Rucc at Coby.

"Wow! Ang cute naman niya!"

"Oo nga! Hi, Baby Tiger, ikaw na pala 'yan. All this time akala namin bugok na penoy ka, hindi pala!"

Dinampot ni Rucc ang sisiw at tinitigan ng malapit. Malaki ang ngiti niya.

"Hi, Baby Tiger—ouch!" Napangiwi si Rucc nang biglang tukain ng sisiw ang kamay niya. "Hey, what is it?" tanong niya rito.

"Gutom na siya, Rucc," Ngumuso si Isaiah. "Ang kaso ay ayaw niyang uminom ng gatas. Ayaw nga rin niya ng juice, eh. Ayaw niyang kumain."

Bumuntong hininga muli si Rucc at inangat ang tingin mula kay Baby Tiger.

"Guys, hindi pwedeng painumin ng gatas o juice ang sisiw."

"Pero baby pa naman si Baby Tiger," takang sabi ko.

"Baby pa nga siya, pero hindi siya pwede sa mga liquid foods."

"Anong ipapakain namin sakanya kung gano'n?"

Hinaplos ni Rucc ang ulo ni Baby Tiger. "May bigas ba kayo?" tanong niya.

Tumingin kami kay Peter. Siya kasi ang taga-saing namin kaya siya lang ang nakakaalam kung may bigas pa.

"Meron pero limang sukat na lang 'yon. Saktong sasaingin ko mamayang hapon."

"Wala ba kayong bigas, Rucc? Kawawa naman kayo. Gusto niyo umutang muna kayo sa tindahan. 43 pesos ang isang kilo," sabi ni Psalm.

"Nah. Marami kaming bigas sa bahay kailangan ko lang ng kahit kunti ngayon."

"Okay, kukuha lang ako!" sabi ni Peter at mabilis na tumakko sa kusina. Pagbalik niya ay may ilang butil na bigas itong dala. "Heto na!"

"Great! Ngayon ay durugin mo ito ng maliliit."

Sinunod ni Peter ang utos ni Rucc. Nakasubaybay lang kami sa mga nangyayari. Nang matapos nang madurog ni Peter ang bigas ay binigay niya ito kay Rucc.

Lumapit kami sa lamesa nang ibuhos ni Rucc ang ilang durog na bigas doon at saka binitawan si Baby Tiger sa lamesa. Nagulat kami nang mabilis niyang tinuka ang mga durog na bigas.

"K-kumakain na siya."

Tumango si Rucc at ngumiti.

"Bigas, tinapay o mais ang ipakain niyo sakanya. Iyon lang muna ang appropriate na pagkain ng mga sisiw. Just make sure that you crush it into pieces para hindi mabulunan si Baby. Dapat meron naka-standby na tubig niya."

Kaagad kaming tumango. Sinigurado kung naka-save ng maayos ang sinabi niya sa utak ko.

"Paano kapag nagkasakit siya? Paano namin siya aalagaan?" tanong ko.

"Just contact me. Kahit magkasipon lang siya ay kailangang ipaalam niyo kaagad sa akin. Dadalhin natin siya sa clinic ng Mommy ko. She's a Veterinarian."

Wow! Ang ganda naman pakinggan.

"Ano 'yong veterinarian?"

"Doctor ng mga hayop."

Hmm...

"Kapag nagkasakit ba si Genesis, dadalhin natin siya sa clinic ng Mommy mo?" tanong ni Isaiah.

Nangunot ang noo nina Rucc at Coby.

"Bakit? Hindi naman siya hayop, eh. Dapat sa clinic ng mga tao."

Ngumuso si Kaps. "Kasi narinig kung tinawag na hayop ni South si Genesis."

"Pfft."

Oo nga, madalas tawaging hayop ni Timog si Genesis, lalo na kapag galit ito. Akala tuloy namin hayop talaga siya. Pero minsan mukha talagang Dinosaur si Genesis kaya hindi na ako nagtaka.

"Speaking of South. Nandito ba siya?" tanong ni Coby at lumingon sa paligid ng bahay.

"Pumunta siya sa Palasyo. Baka mamaya pa 'yon uuwi," sabi ko.

Anong oras na ba? Dapat nandito na si Timog. Miss ko na siya.

"Gano'n ba? Hihintayin na lang namin siya. May importante kasi kaming sasabihin." Nagpalitan nang tingin si Coby at Rucc.

"Ano 'yon?" Nakuryos ako.

Kaagad ngumiti si Coby at umiling-iling. "Wala, hehe. Gusto ko lang sanang umutang ng pera niya. Medyo gipit kasi ako ngayon."

Napansin ko ang pagsiko ni Rucc sakanya kaya kaagad tumahimik si Coby. Bakit kaya niya sinaktan ang kaibigan niya?

"Kawawa ka naman Coby. Gusto sana kitang tulungan kaso wala akong pera." Ngumuso ako.

"May two pesos ako sa bag ko pero tinatago ko 'yon in case of emergency," bagsak ang mga balikat ni Peter. 

"'Yung one peso ko, pinambili ko na ng lollipop," sabi naman ni Psalm.

"Hindi pa ako nakakahawak ng pera," naiyak si Isaiah.

"He he, naku, salamat pero 'wag niyo na akong alalahanin. Sure naman ako na tutulungan ako ni South!" Malakas ang tiwala ni Coby sa sarili.

Ngumiti na lang kami. Hehe, sana nga tulungan siya ni Timog, wala pa namang puso 'yon.

***

SOUTHERN BENEDICTO

"Wala na bang mas ibibilis pa? Ilang sasakyan na nag-take over sa atin."

Imbes na mas bilisan ang takbo ng sasakyan ay binagalan pa niya ito saka ako masamang tinignan.

"We're not rushing and even if we are, I won't exceed the speed. I'm not going to fly the car when I'm with you."

"Dapat naglakad nalang ako," himutok ko. Nabwi-bwisit na naman ako. Ang ilang minuto lang na biyahe ko kapag ako ang nagmamaneho, tumagal na ng ilang oras dahil sa kabagalan niya. Kanina pa sana kami naka-uwi kung hindi lang siya nag-iinarte sa pagmamaneho. Langya, inaantok na ako, kailan ba kami makakauwi nito?

"Witch."

Humugot ako ng malalim na hininga, nauubusan na ako ng pasensiya. Kanina pa namamanhid ang pwet ko sa tagal kong nakaupo dito. "Itabi mo ang sasakyan."

"What? Why?" Kumunot ang noo niya.

"Ako na ang magmamaneho! Aabutin pa tayo ng siyam-siyam sa bagal mo! Itabi mo na!"

Nagtagis ang bagang niya habang nakatingin sa kalsada. Tinapunan niya ako saglit ng matalim na tingin.

"No. I'll drive while you shut your mouth and relax. Let your boyfriend drive for you."

Hinilot ko ang sintido ko. Gabi na nasa kalsada pa kami. Gabi na at hindi ko alam kung nakakain na ba ang mga Crane sa bahay. But knowing them, they won't eat unless we're complete.

"Paano ako tatahimik kung mas nauuna pa ang nagjo-jogging kesa sa atin!" asik ko at tinuro ang magjo-jogging na matanda sa bike lane. "Now please, allow me to drive. Gusto ko nang lumipad pauwi."

Humigpit ang kapit niya sa manibela, ang mga ugat niya sa braso ay lumitaw, tumigas. His jaw clenched. I thought he was going to explode, but he took in a deep breath and gave me a soft glance.

"Witch, please, don't argue with me. I'm just being extra cautious. What if something bad happens when I exceed my speed?" sabi niya. "Okay lang sana kung ako lang ang madi-disgrasya pero kasama kita. I can bear any pain, but I cannot bear the pain of seeing you hurt. So, no car flying tonight, Witch. We'll go home slowly but surely." Lumingon siya sa akin at binigyan ng matamis na ngiti.

Nakagat ko ang dila, hindi nakapagsalita at napatitig lang sakanya. Blurry streetlights flashed in his background, giving him that sparkling effect. A soft, melodious voice sings on the radio as we drive down the highway, cars speed past us. Nagmamadali ang lahat makauwi o makarating sa pupuntahan nila habang eto kami, ninanamnam ang bawat lubak ng kalsada at numero sa stoplight.

I shook my head, smiling discreetly. Pambihira ang tama ko. Kailan ko pa na-appreciate ang stoplight? Flashback to the South Benedicto cursing the person who invented the stoplight.

"K-kailan ka pa naging praning?" nauutal kong tanong nang mahanap ang boses.

Lumingon siya sa akin at malamlam na tinitigan. "Since I fell in love with you."

*thump*

*thump*

"Siraulo." Blushing, I shifted my gaze outside the window and clutched my chest, where my heart was located.

It's good to know you're still functioning, heart.

Genesis chuckled. Hindi ko na lang ito pinansin at nanahimik na. Hinayaan ko na lang din na mas mabilis pa ang takbo ng pagong kesa sa takbo ng sasakyan namin. Sinandal ko ang likod sa sandalan at dinala ang dalawang kamay sa likod ng ulo para gawing unan.

Nakaka-corny pang pakinggan pero, tangina, ang sarap ng feeling.

Tila isang taon ang byinahe namin bago kami nakarating sa bahay. Sa bagal ng takbo niya, talaga namang iwas iyon sa disgrasya. Langyang tokmol na 'yon, ang daming alam sa buhay.

"Ah, finally!" Nag-inat ako ng mga braso at nag-squat ng tatlong beses. Genesis shook his head, smiling at me. Hindi ko ito pinansin at pumasok sa loob ng bahay, nakasunod lang sa akin ang tokmol.

Unang bumungad sa akin ang ingay ng mga Crane. Nagkukumpulan sila sa sala—take note: Topless—nagkakasiyahan. Papalakpak sana ako katulad ng ginagawa ko kapag umuuwi para malaman nilang nandito na ako pero lumabas mula sa kusina si Rucc at Coby, puno ng chicheria ang mga kamay.

Anong ginagawa ng dalawang 'to rito?

"Shawt?"

Lumingon si Psalm sa akin, puno ng pagkain ang bunganga niya, tumalsik pa ang iba nang magsalita siya.

"Kyaaaah! Timog nandito ka na!" hiyaw ng panganay na Crane. Nakataas pa ang dalawang kamay sa ere na parang tumanggap ng isang kampiyon na bisita.

Dahil sa sigaw niya sunod-sunod na ring nag-react ang mga katulad niyang tokmol.

"Timoooog! I missed you!"

"Yown, oh! Master!"

"Hi, South!"

"Timoooog" Nabitin sa ere ang paghakbang ng isang paa ni Peter para sana tumakbo payakap sa akin pero nang makita ang taong nasa likuran ko ay kaagad siyang umatras. "He he, Hi, Genesis! Musta?" Dahan-dahan itong umupo sa sofa at siniksik ang pwet sa tabi ni Noah. Naninigas ang buong katawan niya at hindi gumalaw na tila sasabog ang bungo niya kapag ginawa niya ito.

Hays.

"Anong ginagawa niyo dito?" baling ko sa dalawang kaibigan ko. Katulad ni Psalm, punong puno rin ng mga pagkain ang bunganga nila.

Lumunok muna si Coby bago sumagot. "May sasabihin lang kami," Sumulyap siya kay Genesis saka ngumisi ng nakakaloko. "Saan pala kayo galing para abutin kayo ng gabi?"

Umiwas ako kaagad ng tingin, hindi ko alam pero pakiramdam ko guilty ako sa isang krimen. 

"We had a date," si Genesis ang sumagot.

"Hmm, date." Nagkatinginan ang dalawa at sabay na ngumisi. Kung ano man ang tumatakbo sa isipan nila, pagod na akong i-entertain ito.

Lumakad ako sa upuan at pinagsak ang pang-upo sa tabi ni Noah, pinagigitnaan namin siya ni Peter. "Kumain na ba kayo?"

My eyes landed on the half-empty boxes of pizza, snacks, and sodas on the coffee table.

"Kumakain na kami, Timog, hehe," si Noah ang sumagot sabay subo ng malaki sa slice ng pizza na hawak. 

Nagsalubong ang mga kilay kong tinignan muli ang mga kalat saka sa mga Crane.

"Masustansya ba 'yang kinakain niyo? At sinong nagsabi sa inyo na pwede kayong uminom ng soda sa gabi? Ano 'tong chicheria na 'to, ha? Healthy ba 'to?" Dinampot ko ang mga Doritos at pabagsak na binitawan din.

Walang umimik. Noah swallowed loudly beside me as he nudged Peter on the leg.

"T-Timog kasi—"

Marahas akong tumayo at sininghalan sila. "Itapon niyo lahat 'to! Langya, nawala lang ako saglit kung ano-ano na ang kinakain niyo! May sinabi ba akong kumain kayo ng hindi masusustansya?!"

Pinanlakihan sila ng mga mata bago natatarantang pinagdadampot ang mga pagkain at tinapon sa basurahan. Nakita ko pang dumukwat muna ng pagkain si Psalm at mabilis na sinubo iyon bago itapon sa basura ang hawak. Tinignan ko ito ng masama kaya naiiyak niyang niluwa ang kinain.

"Sinong nagsabing kumain kayo niyan?!"

Yumuko sila saka sabay-sabay na tinuro sina Rucc at Coby. Hindi pa ako nakakalingon sa dalawa ay kumaripas na sila ng takbo palayo yakap-yakap ang mga pagkain.

"Shit! Ayoko pang mamatay!"

Pambihira, sinasabi ko na nga ba.

"Timog, sorry hehe!"

"Hindi na ulit kami kakain ng hindi healthy na foods, 'wag ka lang magalit sa amin!"

"Last na 'to, promise!"

Binalik ko ang tingin sa mga Crane na nagmamakaawa, dumikhay pa si Psalm kaya siniko siya ni Noah. Psalm looked at me guiltily. Tss. Mga patay gutom kasi, sinabi ko na ngang tigilan nila ang pagkain sa mga hindi masusustansya dahil hindi iyon maganda sa katawan. Sakit lang ang dulot nito pero heto sila. Mga pasaway.

"Where's Isaiah?" tanong ni Genesis.

Ngayon ko lang napansin na wala pala si Isaiah. Ang tatlong 2 percent na matino lang ang nandito. Nasaan naman kaya ang isang abnormal na 'yon?

"La la la la la~"

Sabay-sabay kaming nag-angay ng tingin sa taas ng hagdanan. Mula roon bumaba si Isaiah habang kumakanta. Habang papalapit ay siya naman unti-unting pagkunot ng noo ko.

Naka-bestida ito ng pula. Laglag pa ang isang strap nito kaya kita ang isang dibdib niya. Nakatali rin ang buhok nito pataas at may naka-ipit na kulay pink na pusa.

"La la la la la la~"

Tangina, anong kagaguhan 'to?

Nang makababa ito ng hagdanan ay agad nagningning ang mga mata niya nang makita ako.

"Kyaaaah! South, nandito ka na!" Tumakbo siya papalapit sa akin pero agad ding huminto nang makita ang delubyo sa mukha ko. "He he, South—" Tumigil ang mga mata niya sa likuran ko, nawalan ng kulay ang natural na maputlang mukha.

"What the fuck do you think you're doing?!" Umalingawngaw sa buong kabahayanan ang mapanganib na boses ni Genesis.

Hindi ko siya kailangang lingunin para kompirmahin ang panganib sa mukha niya.

"K-kumakanta?" Inosenteng sagot ni Isaiah. "Waaah! Bakit nakakatakot 'yang mukha niyo?"

Gritting my teeth, I pulled the dress' neckline, yanking him towards me. "Gago ka ba? Ano sa tingin mo 'yang suot mo, ha?"

"Waaaag! Ang cute naman ng suot ko, ah!" Lumayo ito sa akin at agad niyakap ang sarili.

"Oo nga Timog, cute naman si Isaiah," sabi ni Noah.

"Hehe para siyang Barbie," si Peter.

"Ang cute! Nag-selfie nga kami tapos pinadala kay Dada—"

"Goddammit!"

They flinched at Genesis' outburst. Napayuko ang tatlo at sumiksik namam sa pader si Isaiah. Nanginginig, naiiyak pero nandoon pa rin ang katigasan sa mga mata.

"Cute naman ako, eh!"

Hinilot ko ang kumikirot na sintido. Bigla ay pakiramdam ko tumanda ako ng sampung taon. Huminga ako ng malalim, nagpapasensiya at saka siya binigyan nang isang nakakamatay na tingin. Napalunok ito.

"Tangina, bakla ka ba?"

Mabilis itong umiling nang may nanlalaking mga mata.

"Hindi!"

"Bakit ka naka-bestida? Gusto mo bang sakalin kitang punyeta ka?!"

Nanginig ang mga labi niya, mga luha ay nagbabadyang tumulo.

"Change your clothes. Now," Genesis growled dangerously.

Isaiah shook his head stubbornly. "Pero—"

"Isa!"

Napatalon ito sa sigaw ko. "Dalawa tatlo apat lima!" pagtutuloy nito sa bilang.

I clenched my fist. Susugurin ko na sana ito pero kumaripas na ito nang takbo paakyat sa hagdanan.

"Waaaah!"

"Bumalik ka dito pipigain ko 'yang itlog mo!"

"Wala akong itlog!"

Peste!

Mariin kong pinikit ang mga mata at sunod-sunod na humugot ng malalalim na hininga para kumalma. I counted from one to ten and backwards. The tightness in my shoulders loosened after the count. 

Hindi ko talaga alam kung anong utak ang meron sa bunsong 'yon. It's surprising to see his stupidity stretch this far. Nasuyod ko na ang buong botika pero wala pa rin akong nahahanap na gamot para sa utak nila.

Iniling ko nalang ang ulo at lihim na natawa sa sarili. Pinagpapasalamat ko na kulang-kulang ang turnilyo nila sa utak pero minsan pinagsisihan ko rin ito. Sakit sa ulo, stress ang dala nila sa akin pero langya, masaya ako sakanila. Nakaka-drain sila ng utak pero nakakapuno sila ng puso.

"Master."

My head whipped to Coby's direction. Sisinghalan ko sana ito sa ginawa nilang pagpapakain ng hindi masusustansyang sa mga Crane pero napansin ko na seryoso siya.

"Kailangan ka naming maka-usap."

Pumagitna agad si Genesis sa pagitan namin.

"Anong pag-uusapan niyo?" Kunot ang noo nito.

"It's confidential." Rucc made eye contact with me.

Hinawakan ko sa braso si Genesis. Lumingon siya sa akin nang nagtataka. "Matulog ka na."

Sa sinabi ko ay tumalim ang mga mata niya. "No! I have to know why you have to talk to them! I'm not going to let this—"

"Hindi ikaw ang magde-desisyon kung kakausapin kami ni South o hindi. Kaibigan niya kami," pagsasalita ni Rucc dahilan para magtagis ang bagang ni Genesis.

"I'm her boyfriend, so I have all the rights to say things!" Genesis snapped at them.

"B-boyfriend?" Rucc and Coby laughed sarcastically after they recovered from the shock.

"Nice try. It's funny but—"

"Boyfriend ko na siya kaya manahimik na kayong dalawa," putol ko sa sinasabi nila.

My friends' eyes enlarged as they stared at me as if I had sprouted horns on my head. Sinalubong ko ang mga tingin nila hanggang sa unti-unti ay sila rin ang umiwas. Napailing.

"See? I told you. She's my girlfriend," nakangising pagmamalaki ni Genesis pero hindi siya pinansin ng dalawa.

They gave me a disappointed look before turning and walking outside. Mariin akong napapikit nang makalabas sila.

Nalintikan na naman.

"Witch." Hinawakan ni Genesis ang isang kamay ko. Minulat ko ang mga mata at pagod siyang tinignan.

"Matulog ka na Genesis. Kakausapin ko lang sila."

He protested, but I gave him a stern look. Nagtagis muli ang bagang niya bago nagdadabog na umakyat sa hagdanan. Napailing na lang ako at sinabihan din sina Noah na mag-toothbrush bago matulog.

Tumulak ako palabas ng bahay para sundan ang dalawa. Hindi ko na kailangan pang lumayo dahil nadatnan ko ang mga ito sa Garden. Naka-upo sa kahoy na upuan at tumutungga ng beer.

Madilim na at tahimik. Tanging tunog lang ng mga kulisap ang maririnig. Lumapit ako sakanila pero sinimangutan nila ako.

"Sasabihin ko naman kaagad," sabi ko at naupo sa bakanteng silya.

Hindi ako pinansin ni Rucc kaya bumuntong-hininga ako. Naglapag ng beer si Coby sa lamesa at walang pagdadalawang-isip na kinuha ito at binuksan gamit ang ngipin. Dinura ko ang tansan sa damuhan saka tumungga. Kailangan ko ito ngayon.

Walang nagsalita sa amin ng ilang minuto, pare-parehong ninamnam ang lamig ng hangin at huni ng mga kulisap habang lunod sa kanya-kanya naming isipin.

"Hindi ako galit. Nag-aalala, oo," Rucc began and looked at me. "Alam mo naman siguro ang pwedeng mangyari sakanya 'di ba? Pwede siyang mapahamak, South," He sighed, looking through the bushes as if I were there. "They will use him against you. Alam mo namang hindi basta-basta ang sinalihan natin. Nababalutan ng inggit ang mga tao doon, hindi mo alam ang kaya nilang gawin para pabagsakin ka."

"Ngayon pa lang ay hiwalayan mo na siya."

Humigpit ang hawak ko sa bote, nanunuot ang lamig sa balat ko pero hindi ko iyon maramdaman. I feel like I'm on fire, and I want to burn everything I touch.

"Kakasagot ko pa nga lang, hihihiwalayan ko na agad? Gago ba kayo?"

"Gawin mo na ngayon bago pa nila malaman ang tungkol sakanya. Tiyak na hindi mo gugustuhin ang bangungot na nangyari din kay Zackari. Nang siya ang nahalal na Rank 1 at nalaman ng mga kaaway niyang may nobya ito, kinidnap nila ang Girlfriend niya at walang awang pinagahasa at sinaktan. They even threatened to kill his girlfriend if he didn't give up his position. Alam mong gagamitin nila ang kahinaan mo para mahila ka pababa."

I shot death glares at the beer bottle in my hand as I clenched it tightly, my hand shaking in force. Alam ko ang bagay na iyon, naka-imprenta iyon sa utak ng bawat myembro ng organisasyon na iyon. It was a nightmare, but also a lesson.

Pero hindi ako nasisindak. Ang tungkol naman kay Zackari, naging mahina lang siya at nagpasindak sakanila kaya madali siyang na-argabyado. Nilamon siya ng takot, nang kahinaan, kung lumaban lang siya ay hindi mangyayari 'yon sakanya.

People would use your weakness to drag you down. It's just up to you if you turn that weakness into strength.

"South, hindi ka ba natatakot?" nagtatakang tanong ni Coby.

Inangat ko ang blankong tingin sakanya. "Bakit ako matatakot?"

"Paano kung saktan nila si Genesis para mapabitiw ka sa pwesto mo? You're the Dynasty's highest Ranker, maraming gustong umagaw sa posisyon mo, South."

Walang emosyon akong ngumisi.

"Subukan nila at sa impyerno ang bagsak nila."

Lumunok ang mga ito at tensyonadong napainom sa mga beer nila. Hindi na sila umimik kaya tahimik kaming nag-inuman.

I was in deep thought when Rucc broke the silence. "Did Vape mention the invitation to you?"

Pinatong ko ang bote ng beer sa gilid ng lamesa nang maubos ito. Kumuha ako ng panibagong beer at binuksan ito gamit ang gilid ng ngipin. Tumango ako kay Rucc bilang sagot.

"Gusto ni Atarah na nandoon tayo pero ang desisyon ay nasa sa'yo parin."

Tumango ako. Wala pa akong desisyon.

"Maraming umaasa na makita tayo doon, lalo ka na South. Bilang Rank 1, ikaw ang pangunahing bisita na kailangan nilang makita," tumingin sa akin si Coby. "At balita ko, pupunta doon si Lachlan."

"Pupunta siya?" Nangunot ang noo ko.

He nodded.

Sumandal ako sa kinau-upuan ko at humugot ng hininga. Nanakit ang ulo ko kaya hinilot ko iyon. Bigla kong naramdaman ang stress.

"Sigma Dynasty is expecting us, Milagrosa."

Sigma Dynasty.

Kung noon ay na-e-excite ako kapag naririnig ko 'yan, ngayon ay wala na itong epekto sa akin. Like an ex lover, the feelings were forgotten.

It was an underground organization. Mundo ng mga tunay na Gangsters, Mafias, or whatever you call it. Pero hindi iyong uri ng grupo na gumagawa ng krimen o may kinalaman sa mga illegal na gawain.

Isa itong organisasyon na tanging ginagawa ay ang maglabanan. Labanan ng lakas, abilidad, impluwensiya at reputasyon. Karamihan sa mga kasali rito ay ang mga anak ng mga personalidad at politiko. Kami iyon.

Two years ago, isa lamang kaming mga street Gangsters na tanging ginagawa lang ay makipagbasag-ulo sa kalye. Basta siraulo, babasagin ang ulo—iyon ang pananaw namin. But everything changed when someone approached us and invited us to be part of their organization.

It was Lachlan. Head Minister ng Sigma Dynasty. Dahil mga dakilang adventurous Gangsters kami, pumayag kami nang hindi pinag-iisipan ang impyernong papasukin namin. Akala namin isang normal na organisyon ng mga barumbado ang sinalihan namin pero hindi pala. Komplikado, iyon ang tamang salita para rito. Namulat kami sa karahasan, sa gyera kung saan walang kasiguraduhan ang tagumpay mo.

Natuto akong maghangad ng higit pa sa loob. Natuto akong lumaban. Kada-taon may nangyayaring laban para sa rank. Ranking signifies your reputation, your crown. If your name was on the list, you are respected, and people respect you as a sovereign. Sasambahin ka nila pero hindi ko hinangad sambahin. Hindi ko hinangad mapunta sa posisyon na ito.

Isa lamang itong pagkakamali na hindi ko na maitatama.

"South, hindi mo naman siguro iniisip iyong..." Rucc trailed off, staring at me worriedly.

Iniwas ko ang tingin at tumungga sa beer. "Nakaraan na iyon. Tapos na. Tanggap ko na."

"Kinailangan mo iyong gawin South dahil iyon ang nararapat," sabi ni Coby.

Tumango ako, hindi na nagsalita.

Because of what I did, I was crowned Rank 1 by force.

 
~

Continue Reading

You'll Also Like

21.4K 1.3K 21
-Sam is the most ritches family in the word. She's a gangster queen. And they mission is to find the group who killed her bestfriend.
15.1M 677K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
3.1M 87K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
418K 15.1K 40
We have symbol, we have fang, we bite, we kill, we study. Welcome to Bloody Hell University. A school for Vampires. Date finished: November 20 2020 L...