10 Steps To Be A Lady

By Khira1112

11.7M 232K 32.6K

First Installment of Steps Series Si Rhea Louisse Marval ay isang babaeng hindi marunong magpakababae. Boyish... More

10 STEPS TO BE A LADY
CHAPTER 1 : BET
CHAPTER 2 : HER PUNISHMENT
CHAPTER 3 : THE STEPS
CHAPTER 4 : THE BLACKMAILER
CHAPTER 5 : TRIAL AND ERROR
CHAPTER 6 : DINNER WITH OLD FRIENDS
CHAPTER 7 : THE BEHOLDER
CHAPTER 8 : PIQUE
CHAPTER 9 : CEASEFIRE
CHAPTER 10 : PAST, PRESENT & FUTURE
CHAPTER 11 : THE GENTLEMAN
CHAPTER 12 : THE IMPOSSIBLE SIDE
CHAPTER 13 : STARTING POINT
CHAPTER 14 : ADMISSION AND CONFUSION
CHAPTER 15 : SOURCE OF IRRITATION
CHAPTER 16 : RETURNING BUDDIES
CHAPTER 17 : KILL
CHAPTER 18 : NOT SO GOOD
CHAPTER 19 : NIGHT AND DAY DIFFERENCE
CHAPTER 20 : TONS OF REMINDERS
CHAPTER 22 : WITH HIM
CHAPTER 23 : PILLOW VS PUNCHING BAG
CHAPTER 24 : ENEMIES TO PERFECTION
CHAPTER 25 : THE UNBEATABLE
CHAPTER 26 : MATURITY
CHAPTER 27 : NOT A GOOD JOKE
CHAPTER 28 : WHEN NO ONE IS AROUND
CHAPTER 29 : ASSURE YOU
CHAPTER 30 : TWO IN ONE
CHAPTER 31 : BLACK AND WHITE
CHAPTER 32 : READ BETWEEN THE LINES
CHAPTER 33 : GETTING SERIOUS
CHAPTER 34 : MISMATCH
CHAPTER 35 : THE KISSING MONSTER
CHAPTER 36 : NAUGHTY SIDES
CHAPTER 37 : SECOND TEST
CHAPTER 38 : LAST QUESTION
CHAPTER 39 : RESULT
CHAPTER 40 : LEVEL UP
CHAPTER 41 : WELCOME AND GOODBYE
CHAPTER 42 : STYLE
CHAPTER 43 : WEIRD
CHAPTER 44 : DATE
CHAPTER 45 : THEMESONGS AND UNRECIEVED GIFTS
CHAPTER 46 : HOW TO BE SWEET
CHAPTER 47 : EXTRA LESSON
CHAPTER 48: KEEP YOU AWAY
CHAPTER 49 : COLD TREATMENT
CHAPTER 50 : NOODLES
CHAPTER 51 : FAIR FIGHT AND ELEVEN GIFTS
CHAPTER 52 : THE JUDGES AND THE AUDIENCE
CHAPTER 53 : JUST TELL
CHAPTER 54 : A MINUTE OF BEAUTY , CONFIDENCE AND ELEGANCE
CHAPTER 55 : STEP FOUR
CHAPTER 56 : REST DAY
CHAPTER 57 : DO THIS
CHAPTER 58 : FIND ANOTHER WAY
CHAPTER 59 : FIFTEEN
CHAPTER 60 : SORRY NOT SORRY
CHAPTER 61 : LET ME KNOW YOU
CHAPTER 62 : FORGOT
CHAPTER 63 : CONTINUE THE STEPS
CHAPTER 64 : MOON
CHAPTER 65 : INITIATE
CHAPTER 66 : DONE NOTHING
CHAPTER 67 : KISS MARK
CHAPTER 68 : BITTER
CHAPTER 69 : WAIT
CHAPTER 70 : HEADLIGHTS
CHAPTER 71 : MORE THAN MOST
CHAPTER 72 : RINGTONE
CHAPTER 73 : BARBIE
CHAPTER 74 : HELL IN MY HANDS
CHAPTER 75 : HORROR-ROMANCE
CHAPTER 76 : STEP 6
CHAPTER 77 : LET IT OUT
CHAPTER 78 : INVITATION
CHAPTER 79 : PROCESS OF GETTING BETTER
CHAPTER 80 : TWO MONTHS REMAINING
CHAPTER 81 : BREAK
CHAPTER 82 : STEP 7 AND 8
CHAPTER 83 : FIRST TIME WITH YOU
CHAPTER 84 : CHAT
CHAPTER 85 : FINISHED
CHAPTER 86 : PART-TIME JOB
CHAPTER 87 : WORKMATES
CHAPTER 88 : HOW I WISH
CHAPTER 89 : TREASURE AND PRECIOUS
CHAPTER 90 : GIRL OR LADY
LAST CHAPTER : WITNESSED IT ALL
EPILOGUE
NOTE

CHAPTER 21 : NOTES AND LISTS

141K 2.8K 525
By Khira1112

RHEA POV

- Don't eat too much. Start a healthy lifestyle. Harris will have your diet plan since he'll be your instructor for this month. Exercise regularly. I adviced him to make you eat a lot of fruits and veggies. Hope you don't mind. Mas maganda ang natural food than vitamins. This is a big help for you to gain weight.

- First rule in the morning: Wash your face. Use the facial wash and cream we bought. Same rules for the night. And every other night, use facial mask to remove remaining dirt in your face. This is to avoid pimples, acne, remove black heads and dark spots .

P.S. - Sleep early. BAWAL MAGPUYAT. Have 6-8 hours of sleep.

- Don't stress yourself. Keep the goodvibes. Avoid negative thoughts. Magkaka-wrinkles ka. Tips : Read positive quotes and positive news. Effective 'to.

- For your skin, use the moisturizer para mawala ang dryness. Pag lalabas ka ng bahay and the weather is hot, use SPF-24. Last but not the least, drink 8-10 glass of water everyday. Pahabol. Use the milkbath soap.

- Masanay ka na maglagay ng powder and lip balm.

- Wear dress. Kahit practice lang para comfortable ka na when I get back.

- Practice wearing heels. Tips : Begin with 2-3 inches heel para makita natin ang improvement.

- Since I'm going to let you wear your 'usual' clothes until I return, kahit mag-browse ka lang ng dress, skirts or any girl attire sa internet. Browse lang. Hope you'll do this.

- I left some of my accessories to Harris. I told him to give it to you.

- Magpa-manicure and pedicure ka. Medyo nasisira na kasi ang kulay ng nails mo.

- Be confident. Sometimes, kulang ka lang sa confidence and minsan nasosobrahan. Kapag pumalpak ka sa part na 'to, gagawan natin ng paraan 'to sa August.

- Maintain your personal hygiene. Looking and smelling at your best.

- I don't advice you to drink alcohol. Also avoid eating junk foods. Too much sweet is bad too.

- Smile and be charming. I rarely see you smile, Rhea. Please smile. You look more beautiful when you do.

Remember this, smile is the best make up ever.

- Last advice, this is not an overnight process. So, I understand if it will be too much for you. But I'm begging you to stick with this plan. This will work if you won't see it as a burden.

List to remember when Shai is away :

* Behave

* No need to protest.

* Always remember that this is for your own good.

* Set this as your main goal.

* Accept the fact that you are a girl.

* Practice to act like a real girl.

* Think that you are one step away from being a lady.

* Do what Shai asked you to do.

* Don't be stubborn

* Read this note everyday 'til you memorize it.

* Don't give Harris a headache.

* Keep your faith in yourself.

* Being good is just enough, being better is better but nothing will beat the BEST. So, try to be the BEST.

* Oh, don't just try. Do it.

* And don't ever think of backing out or giving up if you don't wanna be a loser.

* This list has ended but being a lady doesn't.

* Last but not the least, I BELIEVE IN YOU, RHEA LOUISSE!

Halos nakanga-nga na lang ako habang binabasa ang mahabang note and list ni Shai.

Talagang ni-list down niya lahat ng kailangan kong gawin!

Nang matapos kong basahin iyon ay tila nagpunta ang utak ko sa ibang planeta. Grabe, eh! Ang lalim! Sapul na sapul ako. Hindi ko man lang nagawang ilagan ang mga sinulat niya rito.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Sa unang tingin ko palang kanina sa note, alam ko sa sarili ko na imposibleng ma-achive ko 'to sa loob ng isang buwan. Madaling basahin pero sobrang hirap umpisahan ng ibang nakalagay dito. Siguro, kung normal na babae ang gagawa nito, sisiw lang. Eh, ako, hindi naman ako pinanganak para sa ganitong kaartehan. Napakamot na lamang ako sa kilay. Pero infairness, nakaka-motivate ang lists niya. But still, I can't promise na magagawa ko 'to lahat.

I'll stick with this plan hanggang sa kaya ko.

Kinuha ko ang scatch tape na nasa drawer at idinikit ang mga note sa pader ng kwarto ko. Para lagi kong nakikita at maaalala.

Napabuntong hininga ako nang maidikit ko na lahat ng mga notes at napatitig ako ng matagal doon.

Ang tingin ko tuloy kay Shai ngayon ay isang henyo. Hindi ko alam kung bakit gano'n na ang tingin ko sa kanya. Bigla ko na lang nasabi sa sarili ko na magaling at matalino siyang babae.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. 8 days bago matapos ang month na 'to. Ano nga ulit yung susunod na step?

Napabangon muli ako sa kama at hinalughog ang mga drawers.

"Saan ko ba nalagay 'yon?" sambit ko nang hindi makita ang kontarata. Kung kailan naman naisip kong i-check ang mga steps, saka naman nakipagtaguan sa akin yung papel na 'yon. Bwisit. "Argh! Nasaan na ba 'yon? Kainis!"

Tinaas ko ang cover ng kama at tinignan ang ilalim no'n. Aha! "Nandyan ka lang pala!" Ginapang ko ang papel sa ilalim ng kama. . .

REN POV

"Yaya Martha, Si Rhea po?" bungad ko sa katulong ng mga Marval na namataan kong naglilinis sa sala.

"Nandyan ka pala, Ren, hijo. Nasa taas si Rhea. May kailangan ka ba sa kanya? Teka, at tatawagin ko muna."

"Huwag na po." awat ko katulong. "Ako na lang po ang aakyat sa taas. May ibibigay lang po ako sa kanya." sabi ko.

Dala ko ang mga abubot na iniwan ni Shai para kay Rhea. Nagmamadali kasi ito kagabi sa pag-alis at hindi na naibigay ang mga ito kay Rhea. Kaya heto, ginawa akong sender.

Nang tumango ang katulong ay agad akong nagtungo sa ikalawang palapag.

Huminga ako ng malalim nang nasa tapat na ako ng kwarto niya. Balik kami ni Rhea sa normal. Parang balewala ang pagkapahiya niya kahapon nang magka-'red spot' na naman siya sa coffee shop. She's the dumbest girl I ever met. Paano ba naman? Hindi ata narinig yung compliment ko bago yung - Ah, shit! Nevermind.

Naramdaman ko na lang na bumalik na kami sa dating Rhea at Ren na solid mag-asaran at mag-bangayan. Nakapag-work out rin kami kagabi pero maikli lamang ang session at mas madali compare sa mga dating ine-exercise namin dahil sa lagay niya. Considerate naman ako pag may valid na rason.

Pagtapos ay hinatid ko na siya pauwi.

Hindi na ako kumatok nang malamang bukas ang door knob. Nang sumilip ako sa loob ng kwarto, walang tao. Nasaan na ang babaeng 'yon? Tahimik akong pumasok sa kanyang kwarto. Bukas ang pinto ng banyo at patay ang ilaw kaya sigurado akong wala siya doon.

Agad kong napansin ang mga papel na nakapaskil sa dingding ng kwarto niya. Lumapit ako roon at binasa ang mga nakasulat.

Nasa gitna na ako ng note nang maramdaman kong may tumama sa paa ko. Agad akong napatingin sa baba.

"Holy shit!" napatalon ako nang makakita ako ng ulong lumilitaw sa ilalim ng kama. Halos sumampa na ako sa side table sa sobrang pagkawindang at gulat.

"Holy shit ka rin!" sagot nung ulong lumitaw sa ilalim ng kama.

"R-rhea?"

Inayos niya ang kanyang buhok at tumingala siya sa akin. May papel na nakaipit sa kanyang bibig. What the- ?! Anong bang ginagawa niya roon sa ilalim?! Shit! Hangang ngayon pakiramdam ko sasabog ang puso ko, eh.

Tinanggal niya ang papel na nakaipit sa kanyang labi. "Oh? Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?"

"Damn it! What are you doing under your bed?" iritadong sabi ko.

"Eh, ba't ka galit? May kinuha ako sa ilalim ng kama ko, eh. Pake mo ba?" gumapang siya palabas. Damn! Para talaga siyang si Sadako na maikli ang buhok! Nakaputi pa naman siyang oversize t-shirt. Kung may sakit lang ako sa puso, kanina pa ako namatay.

Ilang sandali pa ay tumayo na siya at pinagpagan ang sarili. Napailing na lamang ako.

"Anong ginagawa mo dito sa bahay? Hindi pa naman oras ng work out natin, ah!" reklamo niya. "Pwede bang bigyan mo muna ako ng break? Kahit ilang oras lang?"

Inihagis ko sa kama niya ang paper bag. Napatingin siya doon. Pagtapos ay muling bumaling sa akin. "Ano 'yan?"

"Accessories ni Shai. Iniwan niya sayo? Gamitin mo raw."

Napangiwi si Rhea. Tila hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Ahh. Okay."

Muli naman akong napatingin sa mga papel na nakadikit sa dingding. "Si Shai ba ang gumawa niyan?"

Namula si Rhea. Hinagisan ako ng malaking unan. "Huwag mong tignan!"

"Masama ba?" taas-kilay kong tanong.

Tumayo siya sa kama at sinandalan ang pader para hindi ko makita ang mga nakadikit na papel doon.

"Huwag ka na mag-inarte dyan. Nabasa ko na."

Inirapan niya ako. Hindi siya nakinig sa akin. Nakatayo pa rin siya at nakasandal sa pader.

"Oh? Ano pang kailangan mo? Tsupi na!" pagtataboy nito sa akin.

Napangisi na lamang ako sabay iling. Humalukipkip. "Nakalimutan kong sabihin sayo yung about sa diet plan. Nagakagawa na ako. Susundin mo na lang."

Napangiwi si Rhea. "Anong klaseng diet plan naman 'yan? Baka naman puro damo ang ipakain mo sa akin? Sinasabi ko sayo, Delgado. Sasapakin talaga kita!" pinanlakihan pa ako ng mata. Natawa ako dahil parang diring-diri siya sa gulay.

"Don't worry. Hindi naman kita gagawing kambing. Pero babantayan ko ang pagkain mo."

Napaawang ang labi niya. "Ano ako? Baby na kailangang bantayan sa pagkain?!"

"Sabihin na nating hindi ka sumusunod sa akin at sobrang tigas ng ulo mo. I don't think, masusunod mo lahat 'yon."

"Natural! Hindi ako robot, okay?" inis niyang sagot.

"I know. I know. But you need to follow it para masanay ka na. Ayaw mo ba ng healthy lifestyle?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Ipaliwanag mo sa akin kung anong koneksyon ng pagiging 'lady' sa pag-turn ko into 'healthy lifestyle.' Sige nga! I-convince mo ako na dapat kong isama 'yon sa 10 steps. Saka , ano ba naman 'yan! Pati ba naman pagkain? Hindi ba pwedeng yung mga pesteng steps mo na lnag at wala ng dagdag pa? Para naman matapos na ang labanang 'to. "

Sandali akong natigilan. Ngumiti naman siya ng nakakaloko na parang tuwang tuwa na hindi ko siya agad na nasagot. Lumipas ang isang minuto pero hindi pa rin ako nagsasalita.

"Oh, ano na, Mr. Perfect? Tounge-tied? Tsk tsk. Hindi ka makasagot, ano?"

Umiling ako. "I'm just disappointed."

A frown formed in her forehead. "Disappointed saan? Kanino? Sa sarili mo?"

"No. I'm disappointed to you because I thought you knew the exact reason why are we doing this shits." huminga ako ng malalim. "I thought it's clear. I thought I made up my point. I thought you already understand. But, damn it! I was wrong. Akala ko pa naman hindi na 'to masyadong pabigat para sayo. Natanggap mo na talaga."

"W-what are you-"

"No. Wait. Listen, Rhea. Listen carefulIy. I can't believe na kukwestyunin mo pa ako about that." napanga-nga siya sa sinabi ko. "But to tell you the answer, this not a game for me, Rhea. You should know that by now. If you're thinking about the price you will get once you completed the steps, you will just be a disappoinment for me. I won't even see you as a lady kasi ang iisipin ko napilitan ka lang , nagpursigi ka lang na matalo ako. You did not pursue this dahil gusto mong maging babae. Gusto mo lang manalo sa akin." huminto ako sandali. "Am I right?"

Siya naman ang hindi makasagot sa akin. Tila nawindang sa mga sinabi ko. Nagpatuloy ako sa pagpapaliwanag. "Alam kong hindi ka maniniwala sa akin pag sinabi ko 'to but I want you to know that I'm starting to think na magagawa mo and there's a big possibility na matalo mo ako. We're fair, Rhea. We both have a 50/50 chance of winning. Kung iniisip mong dehado ka kaagad, you're bloody wrong."

Lumapit ako sa kanya. Napatayo siya ng tuwid. Tila gustong umatras ngunit wala na siyang aatrasan dahil nakasandal na siya sa pader. Nakorner ko siya. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa gilid niya. I heard her gasp.

Nanlalabo ang paningin ko. Hindi ko talaga matanggap ang mga sinabi niya kanina. Akala ko talaga ginagawa niya 'to para sa sarili niya. Hindi para matalo ako o dahil lang sa pesteng deal na ginawa ko. Shit! Nakakainis! Oo, alam kong ito ang plano ko pero nagawa kong tanggapin sa sarili ko na matatalo na niya ako. I would gladly accept it basta satisfied siya sa kakalabasan ng deal na 'to dahil alam na niya ang gagawin niya para makita siya ng lahat bilang isang babae. Hindi dahil gusto niya lang makaungos sa taong hindi niya magawang talunin.

"H-hindi mo sinagot yung tanong ko. . .H-hindi naman 'yon yung tanong ko sayo. Ang dami pang. . .Ang dami mo pang sinabi. N-nakakainis." utal-utal na sabi niya. Hindi siya nag-angat ng paningin. I guess, hindi talaga siya makatingin sa akin.

"If you can't figure out why, we're just wasting our precious time then. There's no need for us to continue doing this crap." sabi ko. Napalunok siya. "First tell me, ano ba 'to para sayo? Competition ng pride? That's bullshit."

Sunud-sunod siyang huminga ng malalim bago tumingin sa akin. "Ano bang gusto mong isipin ko? You forced me to do this!"

"I forced you because I believe in you! Itatak mo 'yan sa isip mo." Nanlaki ang mata niya habang nakikipagsalubong ng tingin sa akin. Natahimik siya. "Kung wala kang tiwala sa sarili mo, ako meron. . .The steps is just a formality. The other reason is just secondary. Ayokong sayangin mo ang sarili mo sa pagiging tomboy o boyish. Tingin mo ba may pinagkaiba 'yon? Para sa akin, wala. Kung hindi mo kayang magpakababae, hindi ka babae para sa akin. This is for your own sake, Rhea Louisse Marval. We make you fit and healthy to make you glow. Ayokong matulad ka sa mga babaeng maganda nga pero malala. Walang masama sa pagiging Prim and Proper."

"This is not just about being fit and healthy, you know. This is the best way of testing your self-discipline. Isa 'yon sa mga malaking kulang sa'yo. Walang magagawa ang pagiging reklamador mo. Got it?"

"I hate you." she hissed. Hindi na naman makatingin sa akin. "You love proving me wrong. You love to humiliate me. You love to embarass me. Ano pang gusto mong mangyari? Yeah ,right! We're fucking enemies!" nakikita ko na ang pagsungaw mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. She bit her lower lip to stop her tears from falling.

"Because I'm guilty, Rhea."

Alam ko na darating ako sa puntong 'to. Yung ipapaalala ko na naman sa kanya yung dati. Yung dahilan kung ba't siya nagkaganyan. Kung bakit iniisip niyang mahina ang mga babae. Ang pinakaunang dahilan kung bakit gusto niyang maging lalaki.

"I am the reason why you want to be a guy, right?"

She sucked her breath. Her eyes went wide, almost occupying her whole face. Her jaw dropped. She stiffened.

Nakamasid lamang ako sa kanya. Binabasa ang kanyang mukha. She was shocked na alam ko ang bagay na 'yon.

It started when we were kids. Years ago, I was a bully. I bullied little girls. I loved making them cry. Kindergarten hanggang grade school ay gano'n ako. Iyon ang pinakagusto kong trip. Ang magpaiyak ng mga batang babae na kasing edaran ko.

Lumaki ako kasama sina Coby, Artemis at Rhea. There was also Anne but we were never close. Artemis is nosy, when I want to annoy her, ako ang naiinis niya. I can't bully her because she's my bestfriends sister. So, I chose another target. Si Rhea. Yung batang babaeng laging may bitbit na bear. Mahinhin. Tahimik at walang imik. She's pretty but a weak one, just like the girls I was bullying.

Nakikita ko siya madalas sa bahay because our fathers are bestfriends. Minsan naman kami ni Papa ang pumunta sa kanila where I get to play with her brothers. They were so cool. Unlike her na walang alam kundi manahimik sa isang tabi at manuod sa amin ng mga kuya niya.

Hanggang sa isang araw, nabasag niya yung pinakapaborito kong laruan na kotse. That was the first time I bullied her. I told her she's weak. She's ugly. She's nothing compared to her brothers. She's uncool and boring. I hurled numerous insults to her I can't even remember. Every time we would see each other, I will bully her worse than the first time. Then, iiyak ng tahimik sa isang tabi o tatakbo kay Coby.

Hanggang sa isang araw nagbago siya. She's not as the same as before. It was like I'm seeing a different person. Natuto siyang lumaban. Hindi ko na siya nakilala. She turned to being boyish. Then, the rest is history.

Habang lumalaki ako at natututong mag-isip sa paglala ng mga pag-aaway naming dalawa, na-realize ko kung gaano kalaki ang naging impact ng pambubully ko sa pagbabago niya. Hanggang sa nasabi ko sa sarili ko yung salitang 'kasalanan mo 'tong lahat.'

Sobrang nakaka-guilty na dahil sa nagawa ko, she lost her old self.

That's why I creat a plan na makakabawas sa guit ko.

Lahat ng kasalanan ko, binabawi ko sa deal na 'to. It's for her own good.

My peace offering.

She changed herself, her point of view in life, her attitude, everything just to get back at me.

Gusto ko siyang ibalik sa dating 'Rhea.'

Kung kaya ko lang ibalik yung oras. . .

I sighed. The damage has been done but it is not too late to reconcile.

May magagawa pa ako.

Kaya nga pinipwersa ko siya. Naiinis lang ako dahil hindi niya makita ang point ko. Kailangan ko pang umamin.

Damn this girl!

"Oh, ano? Na-gets mo na ba kung bakit ko 'to ginagawa sayo?" mahinang tanong ko. Nakatunganga pa rin siya sa akin na parang hindi makapaniwala. "Sorry for the past. Sorry for everything that I did to you, for bullying you." Huminga muli ako ng malalim.

Ang hirap nito. Hindi ako handa. Nadala ako sa inis. I'm totally fucked up.

"I know this is a strange thing for a peace offering but could you please accept it? Huwag mo na lang isipin na another competition 'to between us."

"P-peace offering?" untag niya. Hindi pa rin nakakabawi sa pagkabigla.

Tumango ako bilang sagot. "Huwag ka na umangal, okay? Hindi kita pagbibigyang magreklamo."

Napayuko siya. Ilang saglit pa ay naramdaman kong pinupukpok na niya ang dibdib ko. Una, mahina lang. Hanggang sa palakas ng palakas. Pumikit na lang ako kahit nasasaktan ako sa ginagawa niya. I think I deserve it. Kasalanan ko naman talaga. . .

"Putang ina mo. Putang ina mo, Delgado. . .Baliw ka. Baliw. Baliw. Baliw. Siraulo. Bakulaw ka! Namo!" hindi ko man nakikita yung mukha niya, base sa tono ng boses niya, alam kong umiiyak na siya.

Humina rin ang mga hampas niya. She keeps on calling me names hanggang sa hindi ko na marinig 'yon. Nang tumigil siya, dumilat ako. Tinatakpan niya ang mukha niya. She's sobbing.

Parang bumalik ako doon sa panahon na lagi ko siyang pinapaiyak. Laging binubully.

Hindi alam 'yon ng lahat. She kept in herself dahil iniisip niya marahil na mas weakling pa siya kapag ginawa niya 'yon.

I'm such a jerk.

Nananakit ang dibdib ko sa mga hampas niya pero mas masakit pala na makita siyang ganito. Parang kinukurot ng nailcutter ang puso ko. Minura ko na lang ng paulit-ulit ang sarili ko.

Nakailang buntong hininga ako bago muling nagsalita.

"Sorry na. Pwede mo pa rin naman ako awayin para makabawi ka sa akin." napaisip ako sandali. "Pero syempre, aawayin pa rin kita kasi ayaw kitang ma-miss."

Hinampas niya bigla ang mukha ako. Napa-aray ako. Shit. Hindi ko naiwasan 'yon, ah! "Gago." she hissed.

Nakakagat pa rin siya sa labi niya, bakas ang luha sa kanyang mata at pisngi. "Sorry na. Magalit ka na sa akin pero hindi ko babawiin ang plano ko." ako naman ang nag-iwas ng tingin. "Tingin ko naman worth it 'yon. Masarap maging babae. . ."

"Paano mo nalamang masarap? Bakla ka ba?" bumanat na siya.

Tinignan ko siya ng masama. "No. Nasabi ko 'yon kasi gusto kong bumawi. Sa dami ng babaeng binully ko dati, sayo lang ako makakabawi." She sucked her breath and blushed.

Nagpatuloy ako. "Masarap maging babae kasi kahit mahirap kayong intindihin, meron pa ring isang lalaki na willing kayong pasayahin." Pakshit! Ang bakla ng linya ko. Naihilamos ko tuloy ang kamay ko sa aking mukha sa sobrang hiya. I bet namumula na rin ako tulad niya. "A-and I'm willing to make you happy. Makabawi man lang ako sa kasalanan ko dati. Basta. . .basta, mapapangako mo sa akin na magiging babae ka na talaga." napakagat ako sa aking labi habang nakatingin sa labi niya.

Damn. Damn. Damn. I'm losing my control. . .

"B-baliw ka. H-hindi masarap maging babae dahil hindi ko naman kailangan ng . . .ng lalaking tulad mo!"

"No. Papatunayan ko sayo na masarap maging babae. You missed a lot of things when you changed, Rhea. Ipapakita at ipaparamdam ko sayo kung ano ang na-miss mo." determinado kong sagot. "And I will start it now."

Hindi ko na siya hinayaang magsalita. Hinila ko siya at hinalikan.

This is just the start.

>>next update

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 113 8
Hi, mga mahal ko! If you are new to my stories, here is the list of how you should read them in order. I also have a list of my important announceme...
1.1M 26.2K 38
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
33.3M 406K 49
The less you reveal the more people can wander. Raziel Dwight Salvador story.
16.4M 232K 60
Sa kwentong ito, malalaman mong hindi lahat ng tinatawag na "freak" ay dorky, nerd, or just generally not nice-looking. Dahil minsan, may mga freak d...