Under His Hoodie

By bratmind

12.1M 559K 374K

(Published under Pop Fiction) Hellary Angeles was head over heels for her long-time crush, Neo. And her obse... More

Note
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Nazareth's POV (Part 1)
Nazareth's POV (Part 2)
Nazareth's POV (Part 3)
Special Chapter

Chapter 7

216K 13.7K 9K
By bratmind

Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking mga palad. Patuloy akong humihikbi at hinayaang umagos ang aking luha. Ang bigat ng dibdib ko. Pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa. It was too painful and too hard to carry.

Pero nang sabihin ko ang mga salitang 'yon ay parang nawala ang tinik sa aking dibdib. Siguro ito na ang tamang panahon para itigil ang kahibangan ko. Siguro ito na ang tamang panahon para respetuhin ko ang sarili ko.

Tamang panahon para palayain ang sarili ko.

After so many years, I had finally set myself free from this love. Siguro hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Pinana siguro ako ni Kupido kaya tinamaan ako sa kaniya, pero hindi naman siya pinana para tamaan sa 'kin. Hindi ba't kapag nagmamahal ka dapat kang maging masaya? Pero sa akin iba, eh.

Durog na durog ang puso ko.

Narinig ko ang boses ni Hera. "Hellary?"

Mabilis niya akong dinaluhan. Kinuha niya ang palad ko't tinitigan ang aking mukha. Parang dinudurog ang puso ko na makitang naluluha rin si Hera. Awang-awa siya sa sitwasyon ko at halata iyon sa kaniyang mukha.

Agad rumehistro ang galit sa mata ng kaibigan ko nang balingan niya nang tingin si Neo.

"You're a jerk, asshole! Gumagawa ng paraan ang kaibigan ko para mapansin mo! She's fucking desperate because she fucking love you!" sigaw ni Hera. "Tangina mo ka. Nakuntento na lang sa pasulyap-sulyap itong kaibigan ko simula pa lang noon sa dati niyong school. At oo gago ka, sinundan ka ng kaibigan ko sa Elron High dahil nga mahal ka niya!"

Tumayo si Hera at dinuro ang gulat na si Neo. "Akala mo kung sino kang gwapo." Tiningnan ni Hera si Neo simula paa hanggang mukha. "Gwapo nga, jutay naman!"

Hinila ako ni Hera palabas doon. Nagsihawi ang mga tao nang dumaan kami. And Hera was hugging me the whole time. Tinawag niya ang kanilang driver at pinasakay ako sa kotse nila.

Hindi ko mapigilan ang paglabas ng hikbi sa aking bibig. Nagulat ako nang sumakay din si Hera sa loob ng kotse.

"Hera, I'm sorry I ruined your birthday party..."

Niyakap ako ni Hera. "You didn't, bi. Okay? You didn't."

Nang dumating kami sa bahay ay agad akong nagpaalam. Gusto pa sana akong samahan ni Hera, but I wanted to be alone. I just didn't know but I really feel exhausted. Tama lang ginawa ko. Dahil simula ngayon, kakalimutan ko na ang pagmamahal ko kay Neo. Kakalimutan ko na siya. Kakalimutan ko na ang lahat.

Nag-vibrate ang aking pouch. Pinunasan ko ang aking luha at dinukot ang telepono roon.

Nazareth:

Sorry.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at di-nial ang numero niya. Matapos ng ilang segundo ay sumagot ito.

"H-hello?"

"Lady..." he whispered huskily. Napahawak ako sa aking dibdib.

"C-can we meet?"

I heard a long deafening silence.

"Hello?"

"I didn't know your voice is this beautiful at night." Humalakhak siya sa kabilang linya.

Nag-init ang aking pisngi.

"Let's meet."

"I'm here outside, miss."

Nanlaki ang mata ko. Agad kong pinatay ang ilaw sa kwarto at pasimpleng sinilip ang bintana nang hindi nahahalata. Halos tumalbog ang puso ko nang makita si Nazareth na nakasandal sa isang kotse habang nakapamulsa. Suot-suot niya ang kaniyang grey hoodie.

At nang tumama ang aking mata sa kaniyang mukha ay nalaglag ang panga ko. He was looking at me, and there was a smirk plastered on his face. Shit!

Agad akong bumaba. Hindi na ako nag-abala pang magbihis. I didn't know, though. I just felt like I wanted to meet him—ewan ko. Naguguluhan ako sa sarili ko. Dapat ko siyang sisihin sa palpak niyang plano. Pero naisip ko na kahit anong gawin ko, kung hindi talaga ako makita ni Neo bilang ako, wala rin. It will only be heartbreaking if I blame anyone for my failed attempt at a relationship.

Kumaway siya sa 'kin nang makita ako. Kahit madilim ay lumilitaw ang kaniyang nakakasilaw na ngiti. He lightened up the whole place... like the stars surrounding the moon.

Hindi ako ngumiti. I was just amazed. Nakangiti siya kahit na malungkot ako. Pero paano siya nakakangiti ng ganiyan kung may tao sa harapan niya na halos durog na ang puso? Was he pretending that he was happy? Or he was hiding it through his smile?

A long silence conquered between us. Naghanap ako ng maaring pagtuonan ng pansin. Hindi ko alam. Naiilang ako sa titig niya sa mukha ko.

Oh god! I was unreasonable!

Sabi ko, gusto ko siyang makita. Pero ngayong nasa harapan ko na siya ay wala na akong masabi. Bakit ko nga pala siya tinawagan? Hindi ko alam! Baliw na yata ako dahil gusto ko siya makita!

"U-uhmmm..." I tried to build up a conversation. Pinaglaruan ko ang daliri ko sa aking likod at nahihiyang ginalaw ang aking paa habang nakatingin sa sahig.

"Yes?" wika niya na tila nanunuya. Ngunit nagulat ako nang marinig ang panibagong tono ng kaniyang boses. "I hate your dress, Hellary."

Tumingala ako sa kaniya. Nakatiim bagang niyang pinanood ang mata ko. I saw a glint of anger in his eyes. Huh? It made me confused. Bakit siya galit? Bakit siya nagagalit? I don't get him. He was too hard to distinguish. Too hard.

"It's too revealing..." sambit ko.

Tumango siya at tiningnan ako mula paa hanggang sa aking mukha. Nagkasalubong ang makakapal niyang kilay. "That's why I hate it."

Kumalabog ang puso ko. Tumikhim ako at pinaglaruan ang labi.

"I hate it too."

"Bakit mo sinuot?"

"Kas—"

"Nevermind! Aish!" Ginulo niya ang kaniyang buhok. "I'm sorry, miss. I don't want to see you dress like that. Hindi siguro ako sanay."

It melted my heart. "I understand, Naz."

Lumapit siya sa 'kin. Nagulat ako nang bigla niyang hawiin ang sagabal na buhok sa aking mukha.

"Did you cry?" he whispered right in my face.

Dahan-dahan akong tumango. Tinitigan niya ang mukha ko. "Sisisihin mo pa rin ba ako?" tanong niya na tila bata.

Tumitig ako sa mata niya na kulay abo. Bahagya itong nasisinagan ng buwan na lalong nagbibigay buhay dito. Ang ganda ng mata niya. Kapag tumititig ako sa mata niya hindi ko talaga maiwasan na purihin siya.

Umiling ako.

Dahan-dahan siyang tumango. Wala siyang pinakitang reaksyon. He just stood there and watched my every move. I know. Tama ang sinabi ko dahil umpisa pa lang ay si Neo naman talaga. He was hard to please. Mahirap mapansin niya. Tila kailangan mo pa talagang gumawa ng katangahan sa kaniyang harapan para lang mapansin ka. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit siya ang minahal ko. Siguro ay dahil suplado siya at gwapo? Siguro nga. Ideal man ko kasi ang mga lalaking suplado. Kaya siguro nahulog ako ng sobra pero walang sumalo.

"Wag mong ipilit ang sarili mo sa taong hindi ka gusto. Tao ka, hindi insekto," aniya.

Nagulat ako ng bigla niyang halikan ang aking noo. "Don't waste your time on someone like him. Waste it on someone like me."

Ngumiti siya.

"Hellary."

"Y-yes?"

"I think..."

"A-ano?"

Umiling siya at lumayo. Kitang-kita ko kung paano niya muling guluhin ang kaniyang buhok at ang mariin niyang pagpikit. Hindi ko mapigilang pagmasdan ang kaniyang mukha. Bahagyang gumulo ang kaniyang buhok ngunit ang kagwapuhan niya ay nakakasilaw pa rin.

Napatalon ako nang bigla siyang dumilat at tiningnan ako.

"Hellary," he asked calmly.

"Bakit nga?"

"Answer me honestly, please."

Bigla akong kinabahan. What's with him? Ano na naman ba?

"Okay."

"Are you seducing me?" he asked huskily. Tumingin siya sa aking labi papunta sa aking mukha.

Kitang-kita ko ang kaniyang paglunok. Umalon ang kaniyang adam's apple at ang pagkislap ng kaniyang mata. Nagulat ako sa tanong niya. "S-seducing you?"

"Y-yes," wika niya. "Please stop."

"I'm not seducing you!"

"Hindi ba?" tanong niya. "Your lips look lonely. Would they like to meet mine?"

Nalaglag ang aking panga. Namula ang aking buong mukha. Malakas siyang humalakhak at dinuro ang aking mukha. Kinagat niya ang kaniyang labi at tila tuwang-tuwa sa reaksyon na pinakita ko. Akala ko naman kung anong tanong niya dahil masyado siyang seryoso. 'Yon naman pala ay kabalastugan ang itatanong!

"I'm just kidding." He chuckled.

Umirap ako sa kaniya na ikanatawa niya. He was making fun of me. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngunit tila sanay na ako sa panunuya niya.

Tumingala siya sa langit. Tumingala rin ako sa kaniyang tabi. The stars were shining bright above us. Nagulat ako nang biglang may dumaan na bulalakaw. Oh my god, it was my first time to see a falling star!

Mabilis akong pumikit at humiling.

Hinihiling ko na sana ay may lalaking mamahalin ako tulad ng pagmamahal ko sa kaniya. Hinihiling ko na sana ay dumating na siya habang maaga pa. Hinihiling ko na sana ay maging masaya naman ako pagkatapos ng lahat na sakit na naidulot sa 'kin.

Please, give me a sign.

Nang dumilat ako ay nagulat ako dahil nagtama ang aming mata ni Nazareth. Nakatitig siya sa 'kin.

"Anong hiniling mo?"

Tumingala ako sa langit. Wala na roon ang bulalakaw.

"Hindi pwede sabihin dahil hindi matutupad."

He chuckled. "Spill it."

"Fine." Umirap ako. "Hiniling ko na sana ay mahanap ko na ang lalaking para sa 'kin."

Tumingin ako sa kaniya, "Ikaw, anong hiniling mo?"

Tumingala siya sa langit at ngumiti. Tumaas ang balahibo ko sa katawan dahil ang ganda niyang pagmasdan sa ayos na iyon. Tila isa siyang abstract painting na pinapaligiran ng mga bituin.

"I wished I can fix your heart with my love." He looked at me. "I wished I'm the right guy for you."

Continue Reading

You'll Also Like

915 120 8
[The chapters of this story can be found on MajCreationsʼ profile. To continue on reading, kindly visit her profile, thank you!] Ang gusto lang nama...
CLOSURE By 🥀

Teen Fiction

384K 19.5K 38
Bri and Gani. How long would it take for you to realize that something changed? Book cover by @heysedayu 🌸 Highest rank: #4 in Teen Fiction (June 3...
20K 2.5K 17
Ito na ba ang hangganan? © 2021 isipatsalita.
934 225 20
Blogs For My Baker: An Epistolary A student who hides under the pen name Lyle write blogs that summarizes what happened for the whole day. Lyle tend...