Akirians: The Fourth Black Mo...

By eventuallyours

11 0 0

Let's say we are not much like humans. We have something that any humans do not have but just like a human cy... More

Prologue
Chapter 1
Author's Note

Chapter 2

4 0 0
By eventuallyours

CHAPTER 2: The Enrollment

PLACE: AKIRA UNIBERSIDAS, PHILIP (2012)

" There is no need for that." Lahat kami napalingon sa lalaking nagsalita na pamilyar sa mga tainga ko. He was the least person I expected to see. Nagulat si Sheryl nang makita niya ang mukha nung lalake same as yung red-haired guy. Bakit feeling ko mas OA ang reaksyon nila kaysa sa akin. Siya yung lalakeng naka black na cap kanina na biglang nawala nung pagkabalik ko mula sa pagkakapalit ng damit. Iniangat niya ang braso niya at pinatong ito sa balikat ko at inakabayan na ako." You see, madaling magalit ang girlfriend ko and breaks things especially nung tinitigan mo siya. She find it too uncomfortable dahil nga sa binibigay mong creeps and the fact that she has a boyfriend."

Nagulat ako nang lahat ng tao ay nakatingin na pala sa amin at nakuha namin ang atensyon nilang lahat." If you're challenging for a duel, I would gladly accept since I. Am. Her. Boyfriend." Lahat ng tao ay nagulat at nagkaroon na ng usap-usapan.

" Sam?" naguguluhang tanong ni Sheryl at para bang humihingi ng explanation ko. I raised a flat hand na sinasabi ko ay 'wait'.

" What?" tumawa ng malakas yung lalaki at para bang hindi niya ineexpect yung biglaang nangyari." Clinton, you? Magkakaroon ng girlfriend? Unbelievable. Kung magkakaroon ka man ng girlfriend, magsasawa kaagad sila sayo dahil sa hectic schedule mo at walang inisip kundi ang manalo sa combat and mag rank na una."

" Baka hinypnotize mo lang iyan and commanded her to be your girlfriend kasi kung girlfriend mo talaga siya someone should have known at matagal na itong kumalat." Sabi ni nung lalakeng pula ang buhok. Ngumisi lang yung lalakeng naka akbay sa akin at mas hinila pa ako papalapit sa kaniya." My GIRLFRIEND keeps a low-profile."sagot naman nung lalakeng nakaakbay sa akin at diniinan pa ang word na 'girlfriend'. Clinton ba ang pangalan niya, I think I heard the red guy call him Clinton.

" So what do you say, Keith? A duel?" tanong ni Clinton doon sa lalakeng pula ang buhok na tinawag naman niyang Keith. Masamang tingin ang itinapon ni Keith sa kaniya but in the end napalitan ito ng ngisi.

" I won't turn back." Sagot ni Keith. Sa sinabi niyang iyon ay mas nagulat ang mga tao at mas lumakas pa ang usapan. Tumalikod na si Keith at umalis na sinundan naman ng ilang mga lalaki. " People, please mind your own businesses." Sabi ni Clinton habang naka-akbay pa rin sa akin. Lahat ng tao nagsitalikuran at humina na rin ang mga usapan.

" Sam, your boyfriend is Zachary Clinton?" agad na tanong ni Sheryl nang mawala na sa amin ang usap-usapan. Naguluhan naman ako sa sinabi niya at napabalik sa reyalidad. Nang mapansin ko ang mabigat na nakapatong sa balikat ko ay agad ko itong inalis at lumayo mula kay Clinton.

" Who?" tanong ko. Walang sumagot sa akin but then realization hit me." He is? Zachary Clinton?"

Tumango-tango sa akin si Sheryl. Ngumiti naman sa akin yung Zachary like we were close and stuff." Sheryl, he's not my boyfriend." Bulong ko at sapat na marinig rin ni Zachary. Napalingon naman si Sheryl at tumango-tango si Zachary in approval.

" Totoo? Eh bakit sabi niya kayo?" tanong ni Sheryl.

" I only did it to save your friend."

" Then thank you, what should I call you then?" tanong ko at naiilang pang tumingin sa kaniya. Ngumiti na naman siya at inalok ang kamay niya." Call me Zach."

Tinanggap ko naman ang kamay na alok niya at kinamayan ito. Nakakailang naman na isipin na ang taong sumagip sa akin ay si Zachary Clinton pa." Zach, I do not wish to offend you pero I think this is the first time Sam has ever heard of you kaya hindi siya updated kung ano bang meron at kung anong gulo ang ipinasok mo sa kaniya."

" Really?"

" Feeling ko nga baguhan lang siya dito sa Akira at nanggaling sa Earth kasi kahit si Keith hindi niya rin ata kilala." Sagot naman ni Sheryl. Umayos na ako sa pagkakapila at hinayaan na lang silang dalawa mag-usap.

" Well, girls. I have to go now."

Ngumiti na lamang ako habang nag wave naman si Sheryl kay Zach. Sa pagalis ni Zach, doon ko lamang napansin kung gaano kalaking tao ang nakuhanan namin ng atensyon. Halos lahat ng lalake nakatingin sa akin ngunit hindi mo naman alam kung anong iniisip nila pero yung mga titig ng mga babae ay parang nakamamatay at nilulusaw ka nila sa tingin nila. Napansin siguro ni Sheryl ang pagiging akward ko kaya naman hinarangan niya ako at pinagtataasan ng mga kilay yung mga taong nakatingin sa akin.

May bigla namang nakabunggo sa akin kaya napalingon ako sa kaniya." I'm sorry.. " sabi niya, nagulat naman siya nang mapansin ang mukha ko." I apologize Zach's girlfriend."

Nahiya na ako kaya naman umiwas ako ng tingin at tinalikuran siya." I really am sorry by the way, you have beautiful apple eyes."

" Apple?" tanong ko.

" Red eyes." Sabi niya at umalis na kaagad.

" Red eyes?" tanong ko sa sarili ko. Kinuha ko ang salamin ko sa bag ko at pinagmasdan ko ang kulay ng mga mata ko na blue ang kulay." But I have blue eyes?"

" What's the matter, Sam?" tanong ng pinsan ko na napansin ang tahimik kong aura at habang nakatingin rin sa salamin at pinagmamasdan ang sarili ko.

" Nothing so much." Sabi ko at ngumiti sa kaniya ng malapad at ibinalik ang salamin ko sa bag ko.

Crystal.. Crystal Lorraine.. Dither

Out of a sudden, someone who had a longer white hair than me was standing somewhere and was intensely looking at me. Nakakaagaw ng pansin ang kulay ice blue na mata niya na sobrang tingkad at ang suot niyang napakasosyalin at para bang isang..

Arisian?

Oh no! A Dalmian! Gusto ko sanang isigaw yun sa lahat pero may nakapukaw ng atensyon ko. Her face... looked paler but familiar. She smiled me and then suddenly there was ice coming out from her hands. It was like mine but then I could sense a more powerful aura and power from her. Then suddenly, those ice pale eyes became red.

I will wait for you..

In the blink of an eye, she was gone. Sa paglipas ng oras muli at pagdaloy ng mahabang pila ng Secondary A+ unit, hindi ko alam pero may tumatak sa utak ko. I had a clue. May clue na ako kung sino siya at anong kinalaman niya sa buhay ko but for now, I'm not really sure. What I only have is assumptions not facts.

" Oh my god!" agad akong napatingin kay Sheryl nang tumili siya." Next na ako!"

Tumingin na ako sa area ng enrollment at nagulat ako nang hindi entrance examinations ang nakita kong ginagawa ng limang taong nandoroon sa unit area. Lahat sila ay naglalabanan at ginagamit ang ability nila. Hardcore! Yun ang masasabi ko.

Lima silang naglalaban-laban sa loob. May tatlong babae at dalawang lalake. Dalawa doon ang pamilyar sa akin at para bang nakita ko na sila. Doon ko napagtanto kung sino ang dalawang yun.

" Si Loisa yun ah!" sabi ni Sheryl. Isa siya sa mga naging kaibigan namin ni Sheryl at ang ability niya ay Dalchemos, doll manipulation. Napangiti ako nang mapansin kong may hawak siyang mga doll sa braso niya at tinapon ito kung saan-saan.

Napangiti naman ako nang mapakla nang mapansin ko naman ang ability nung isang lalakeng pamilyar sa akin. Magsasalita na sana si Sheryl nang may napansin siya pero naunahan ko siya." Anemos." Banggit ko. Napalingon naman si Sheryl sa akin at tila nag-alala. Anemos are people who are capable to control air.

" William Ventus." Banggit ko sa pangalan niya. It's been a long time, Will.

Hindi pa nagsisimula yung laban. Napatigil si Will at parang nagulat. Agad siyang napalingon sa gawi ko at kita ko ang gulat sa mga mata niya." Hindi ko alam na nakabalik na pala siya mula sa Philippines!" rinig kong usapan ng ibang tao sa likod ko." Ang cool niya since galing siya sa Earth."

It's been a long time, Sam.

Nagulat ako at the same time nang may kumausap sa akin. Is this what they call o psychos tou anemou? This is what they call the wind's whisper, where anemos communicates to people who are far away or to talk secretly. Ngumiti lang ako sa kaniya at nag wave since may konti naman kaming pinagsamahan. At first, he didn't know what to react pero kinatagalan ngumiti na siya pabalik at ngumiti rin sa akin. Tiningnan muli ako ni Sheryl at para bang naguguluhan doon sa inaksyon ko kanina." Nagkabalikan kayo?" she asked.

" No." mabilis kong sagot.

Nakuha ng atensyon ko ang isang babaeng Terra, isang ground user, napakatalim ng tingin niya sa akin. Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko ang kulay brown niyang mga mata. Nakaclose fist masyado yung mga kamay niya at baka mamaya-maya ay susugurin niya na ako. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at pinagmasdan ang iba. Ang isa naman na lalaki ay Diaresi, kaya niyang paramihin ang sarili niya at pag nangyari iyon ay mas lumalakas ang katawan niya hanggang sa period lang na marami siya. Lastly ay ang isang babaeng Telum, a person who summons weapons.

In 5 seconds, magsisimula na ang labanan.

5.. 4.. 3.. 2.. 1..

Agad na gumalaw ang babaeng Terra at pinaakyat ang lupa na inaapakan niya at unang sinugod si Loisa. Agad namang nakita ni Loisa ang paparating na kalaban." Rage!" mabilis at malakas na banggit niya. Agad namang nagtransform na isang malaking bear ang hawak niya na cute na stuff toy. Mas naging realistic ito kaya naman nang nasa air ang babaeng Terra ay nasampal ito ng malaking bear. Akala ko babagsak na yung Terra sa lupa pero agad siyang nakagalaw at maayos na nakaapak at nakatayo sa lupa at nagpalutang ng mga malalaking bato at itinapon doon sa malaking stuff toy.

Napalingon ako sa ibang gawi kung saan bente na ang bilang nung lalaking Diaresi. Isa-isa silang lumalapit kay William pero agad naman silang tumutumba bago pa makalapit sa kaniya. William was using air blade to take them all down. Napakagaling ng move na ito dahil hindi ito visible sa ibang opponent. May tumalon naman sa likod niya at I can sense that it was the original guy at umamba para suntukin si William. Agad namang napatalikod si William at pinagform ang kamay niya sa triangle at ito ang pinangharang niya sa sapak nung lalakeng Diaresi. Parehas silang tumalsik dahil rin sa pinaghalong impact nung suntok nung Diaresi at ang malakas na air component ni William sa kamay niya na pinanggamit niyang alternate punch.

Nakisali naman ang babaeng Telum na weapon summoner sa mga kababaihan na katulad niya. Agad siyang nag summon ng malaking axe at umamba para hampasin si Loisa. Nakita naman ni Loisa na paparating ito at ngisi lamang ang sinagot niya sa paparating na kalaban. " Telum!" banggit ni Loisa. May isang doll na naging matulis at parang espada at ito ang ginamit ni Loisa pang harang sa ihahampas sa kaniya nung Telum.

Now I get it! Telum! She used her doll to become a weapon! What a smart move! Rinig na rinig ang maingay na tunog nito. Patuloy lang silang naglalaban pero parehas na natigilan nang may malakas na sumabog. May lumipad na malaking bagay papunta kila Loisa pero mabilis ang instincts ni Loisa at nakaiwas sa mahuhulog na bagay, instead nadaganan yung babaeng Telum. Yung malaking bagay na iyon ang naging halimaw na stuff toy ni Loisa.

Mukhang natalo na ng babaeng Terra ang halimaw ni Loisa. Agad namang nagtransform ang monster ni Loisa sa isang maliit na stufftoy pero gutay gutay na. Nakahiga ito sa nadaganan na Telum user at ito na rin ay naghihingalong tumayo at nagsummon ng panibagong weapon.

" I enrolled here to fight a person, not your monster!" galit na sabi nung Terra user at nagpalutang ng mga bato. Mukhang nainis na rin ang Telum user at nag summon pa ng weapon sa kabila niyang kamay bale dalawa na ang hawak niyang weapon.

" Hindi ako pumunta dito para madaganan ng walang kwentang stuff toy."

" Hindi rin ako pumunta dito para palamigin yung mga ulo niyo." Sagot naman ni Loisa.

Napalingon ako sa gawi ng mga lalake at nagulat nang nakitang bumagsak na ang lalakeng Diaresi at hingal na hingal si William. Sabay sabay na umamba ang tatlong babae para magpatayan pero biglang tumunog ang malakas at maingay na bell. Tapos na ang labanan.

Lumabas na ang resulta sa kawanan ng pintuan.

William Ventus (Anemos) = 94.67% PASSED

Natasha Xylo (Terra) = 93.97% PASSED

Loisa Dal (Dalchemos)= 91.57% PASSED

Clea Oplo (Telum) = 85.77% FAILED

Miguel Dairon (Diaresi)= 72.99% FAILED

" Failed?" parehas naming tanong ni Sheryl. Napatingin naman sa amin ang isang staff at nginitian kami bago niya kami sagutin." 88% ang basehan ng passing."

Continue Reading

You'll Also Like

62.5K 1.6K 63
"mom, dad, Im married!" lahat ng relatives namin ay nagulat sa announcment ko. Sino ba naman kasi ang mag aakala na ang unica ija ng pamilyang Letpr...
32K 2K 21
𝐁𝐨𝐨𝐀 # 𝟏 𝐨𝐟 π“π‘πž π‘πšπšπ³ 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬. Love or betrayal? Consumption of betrayals. Internal betrayal? Yes! Will they be overcome? Or W...
125K 3.5K 25
Warning: 18+ ABO worldα€€α€­α€― α€‘α€α€Όα€±α€α€Άα€›α€±α€Έα€žα€¬α€Έα€‘α€¬α€Έα€•α€«α€žα€Šα€Ία‹ α€…α€­α€α€Ία€€α€°α€Έα€šα€‰α€Ί ficα€œα€±α€Έα€™α€­α€―α€· α€‘α€•α€Όα€„α€Ία€œα€±α€¬α€€α€”α€Ύα€„α€Ία€· များစွာ α€€α€½α€¬α€α€Όα€¬α€Έα€”α€­α€―α€„α€Ία€•α€«α€žα€Šα€Ία‹
53.8K 1.6K 41
Maenya Targaryen. Born in 96 AC, The first child of Aemma and Viserys Targaryen, All seemed well, Maenya was "The gem of the Kingdoms" her younger si...