Steal You (YouSeries #1)

By Thirteenth_Daughter

15.6K 301 16

I am the most famous and highest paid model of Victoria Secret. A woman of class, beauty and intelligence. I... More

Intro
1 - Vienna Jackson
2 - Reception
3 - Thick Faced
4 - Site
5 - Legally
7 - TimeZero
8 - Business Proposal
9 - Gym
10 - Birthday
11 - Mindlessly
12 - Annoyingly
13 - La Isla
14 - Sea Urchin
15 - Closer
16 - Drunk
17 - You and I
18 - Revelation
19 - The End
20 - Trace Villas
21 - There
22 - Airplane
23 - Abroad
24 - Paris
25 - The Past Had Passed
26 - Party
27 - Catch Up
28 - Coffee
29 - Orphanage
30 - Late Night
31 - Early Morning
32 - Dense
33 - Miami
34 - Work
35 - Apologize
36 - The Ring
37 - Rumors
38 - Photoshoot
38.2 - Photoshoot
39 - Intruder
40 - Issue
41 - Fight
42 - Bliss
43 - Disappearance
44 - Where It Ended
45 - Gathering
46 - After
47 - Birthday
48 - Say My Name
Epilogue
You Series

6 - Reality

275 7 0
By Thirteenth_Daughter

Kinailangan naming umuwi agad ni Brent isang oras pagtapos ng usapan namin ni Susan. Nagtext din kasi sa akin si Jaja na magingat daw muna ako. As much as I didn't want to leave, I know we had to. 

Nagviral na ako eh, kahit sabihing konti palang ang nakakita nun pero mabilis ang pakpak ng chismis.

"Hindi kami kasal!" Pagdedeny ko. Singsing ni Brent ang naramdaman ni Susan kanina. Which is, couple ring nila ni Jonnah.

Tumaas ang isa nyang kilay at halatang di naniniwala sa amin, "Talagaaaa?"

Tumawa si Brent ng bahagya at umiling iling. Napakamanly nya talaga, yung tipong pang ideal guy. Parang napaka perfect nyang tao.

"Sayang naman. Nasa edad na naman kayo para magpakasal."

Tumikhim si Brent at nagiwas ng tingin. Hindi naman ako nakasagot sa tanong nya. 

Second year college ako ng magkakilala kami ni Brent, advanced ako ng isang taon kaya maaga akong nakapag college dahil matalino ako. I have the brains, the body and the face but he didn't choose to court me earlier. Hindi niya ako nagustuhan aside sa pagiging buddy niya.

Maraming subjects na magkaklase kami, at parati kaming partner sa nga reporting o project at dun nagsimula ang pagiging close namin.

Natural lang na lumabas kaming dalawa para sa school purposes, pero di nagtagal ay nagkaroon kami ng bonding time. Yung tipong nakakaabot kami sa malalayong lugar at wala ng kinalaman sa projects.

At mas naging close kami nung nakipagaway ako sa isang babae dahil pinagbintangan akong nagnakaw ng pera nya na pangdate dapat nila ng boyfriend nya.

Nareport ako nun, sobrang laking issue ng nangyari. Pinatawag ang guardian ko, at dahil wala akong maipresenta ay nagpadala ng letter ang parents ko. Ganun sila kabusy noon na parang wala silang pake sa mga nangyayari sa buhay ko. 

Isipin mo yun? Ipinatawag ka ng prefect dahil pinagbintangan ang anak mo pero di ka pumunta dahil mas importante ang negosyo?

Ang mas malala pa ay hindi ako pinagtanggol ng sarili kong magulang, nagapologize lamang sila sa letter at sinabing ibabalik ang pera na ninakaw ko kuno. 

Pero si Brent... hindi sya naniwala. Pinagtanggol nya ako at naghanap ng pruweba na talagang sinet up nila ako.

"Paanong nawala ang pera mo, pero nakapagdate parin kayo?" Rinig kong tanong ni Brent sa isang recorder.

"A-ano?! " Sumigaw ang babae, "Nilibre ako ng boyfriend ko. Problema mo? Bawal ba? "

"Kasi... ang alam ko mahirap lang ang boyfriend mo." May panunuya sa boses ni Brent. Tumawa sya ng konti. "Nagbebenta lang ng balut."

"Kanino mo nalaman yan? Hindi mahirap si John!"

"Aminin mo ang totoo at ipagkakalat kong mahirap lang ang boyfriend mo."

Kaya ayun, napilitan syang dungisan ang sariling pangalan para sa isang kagagahang ginawa nya kesa malaman ng lahat na ang dinedate nya ay mas mahirap pa sa daga.

"Kararating lang daw nila sa airport." Sabi ko kay Brent na nasa driver's seat.

Nagdadrive sya ngayon para sunduin si Jonnah at ang parents nya na kararating lang sa flight nila galing sa Hawaii.

Tahimik kaming dalawa kanina pa. Nakakalungkot lang dahil hindi naging sapat ang isang linggong pagkawala ni Jonnah. Gusto kong mas matagal ko pang masolo si Brent, yung tipong tuluyan naming makalimutan si Jonnah, na girlfriend nya.

Kaso hindi eh, may limitasyon parin. Babalik at babalik parin sya kay Jonnah at wala akong ibang magawa kundi maghintay ng susunod na pagkakataon.

Ang pagpunta namin ni Brent sa grandfair ng school ay ang panghuli naming labas nung nawala si Jonnah. Palagi nalang kaming nasa office nya or sa condo.

Desisyon naman naming dalawa yun para maging ligtas kami sa chismis at hindi ako masyadong makita ng mga tao.

"Sabihin mo malapit na tayo." Sagot nya habang focus sa pagdadrive.

Ginawa ko ang sinabi nya at nagtipa sa cellphone kong latest. Hindi na nagreply si Jonnah dahil narin siguro sa pagod.

"Hi babe." Bati ni Brent kay Jonnah at hinalikan ito sa pisngi. Umiwas ako ng tingin, nagsuot ng sunglasses at lumabas sa passenger's seat para tulungan sila sa mga bagaheng dala nila.

Humalik rin ako sa kabilang pisngi ni Jonnah at nagmano kila Aunt Brenda at Tito Vic. Nagtulungan ang dalawang lalake para ilagay sa pickup ang dala nilang maleta.

"Kamusta ang Hawaii?" Tanong ko kay Jonnah.

Ngumiti sya ng malawak pero halatang bangag, kulang sa tulog at pagod. "Maganda! Sobra. Yun ata ang pinakagreen at malinis na lugar na nakita ko!"

Pumasok kaming dalawa sa backseat, sumunod si Auntie. Sa harapan naman pumwesto si Tito.

"Talaga? "

"Oo! Tska, ang daming gwapo at sexy dun. "

Nakita ko ang paglingon sa amin ni Brent sandali dahil sa sinabi ni Jonnah. Napatingin din ako sa kaniya sa ginawa niyang paglingon. He's very protective of her, yung tipong palaging nakamasid, palaging may alam sa lahat ng ginagawa ni Jonnah.

He used to be like that to me. Noong hindi pa sila ni Jonnah at kami pa ang magkasangga noong college. As I said before, palagi akong hot topic, palaging nachichismis kaya grabe ang protekta niya sa'kin dahil sa kung anong issue ako nasasangkot kahit na wala naman akong kinalaman.

May mga pinakita sya sa aking pictures na ang nasa background ay mga taong nakaswimwear. At totoo nga ang sinasabi nyang maraming gwapo at sexy. Sobrang liberated ng mga tao roon, which is sobrang rare dito sa Pinas dahil halos yata lahat ng galaw mo ay pinagchichismisan.

"May pasalubong nga pala kami ni mama. Galing Hawaii."

Binigay nya sa akin ang bag na kanina nya pa hawak hawak. Dalawa yun actually, kay Brent daw ang isa.

Nagsimulang magmaneho si Brent paalis ng airport at ako ay isa isang tiningnan ang nasa loob ng bag.

Mga branded na chocolate, coin purse, wallet, necklace, at kung ano ano pang mabibili doon.

Magabal ang naging byahe namin, pasulyap sulyap naman si Brent sa rearview mirror at di ko alam kung ano at sino ang tinitingnan nya sa'ming dalawa ni Jonnah.. Maya maya lang ay naramdaman ko ang pagdantay ng ulo ni Jonnah sa balikat ko.

Hinayaan ko lang sya. Siguro sobrang pagod sa byahe. Nakita kong hawak nya ang cellphone na nasa hita nya. Kumunot ang noo ko at kinuha iyon. Alam ko naman ang password kaya inopen ko.

Inuna kong tingnan ang gallery para makita ang pictures nya sa Hawaii. May mga isla silang pinuntahan, snorkeling din at banana boat.

Sunod ay ang messenger. Inuna ko ang messages nila ni Brent at nagbasa. Nakaramdam ako ng konting selos sa pinaguusapan nilang maliliit na bagay at sa sweetness nila.

Bbyquh:
Babe, kain na :)

Peachmuffin:
Ikaw rin babe. I miss you na :(((((

Bbyquh:
I miss you too sugarpiehoneybunch :*

Nagbrowse pa ako at may nakitang interesting na convo nila.

Peachmuffin:
Nagpunta kayo sa grandfair?

Bbyquh:
Opo, babe. Nakita namin si Susan kanina :D

Peachmuffin:
Ah.

Bbyquh:
Okay ka lang?

Peachmuffin:
Yep.

Bbyquh:
Sorry.

Peachmuffin:
Okay lang haha.

Bbyquh:
Galit ka parin babykomylovessosweet?

Tinigil ko na ang pagbabasa at pinatay ang cellphone. Di ko maatim basahin ang kakornihan nilang dalawa lalo pa't sobrang nakakaselos.

Yung tipong gusto kong baliin ang leeg ni Jonnah na nasa balikat ko ngayon sa sobrang selos. Yung tipong masusunog na ang kaluluwa ko sa mga masasamang bagay na pinagiisip ko ngayon.

Napuno ng pait ang pakiramdam ko at tumingin sa bintana. Kapag naalala ko yung pinaguusapan nila ay umiikot ang mata ko. Nakakaselos ng sobra! Bakit ang sweet nila? Bakit ang sweet ni Brent kay Jonnah? Bakit sa akin hindi?

Girlfriend nya rin ako!

Humalukipkip ako. Nakakabanas ng sobra. Ibig sabihin ba nun ay pinagseselosan ako ni Jonnah? Pero akala ko ba may tiwala sya sa akin?

Di kaya alam nya?

Pero paano? Edi sana nakipagbreak na si Brent sa akin ngayon, pinaninindigan nya ang pagiging santo sa paningin ni Jonnah eh. At baka matagal ng nageskandalo si Jonnah pag nalaman nya.

So nagseselos nga sya?

Napangisi ako sa naisip. Edi maganda, unti unti silang magkakalabuan ni Brent at tuluyan ko na syang masosolo.

Sana pala pinilit kong lumabas labas kami ni Brent para mas lalong magalit si Jonnah.

Nakarating kami sa bahay nila Jonnah ng lunch. Nauna kaming mga babae pumasok sa loob at hinayaan sila Brent sa mga maleta.

Huminga ng malalim si Jonnah, "Namiss ko tong bahaaaaay!" Ngumiti sya ng malapad at kumaripas ng takbo papunta sa kwarto nya.

"Vien, mags-stay ka ba dito? Hindi kasi kami maglalunch dahil sa pagod. Wala rin si manang dahil naospital ang anak nya." Sabi ni Auntie.

Tumango ako ng konti, "Okay lang Auntie. Aalis narin naman ako eh."

Wala lang ako sa mood para magstay ng matagal dito. Parang mas napagod pa ako sa byahe kesa sa kanila na galing pa ng Hawaii.

Nakatriggered lang talaga sa akin yung nabasa kong sweetness sa convo nila Brent at Jonnah. Nakakaselos lang na nawalan ako ng gana.

"Talaga? Magpahatid ka nalang kay---"

Pinutol ko na agad ang sasabihin nya dahil alam ko kung sino isu-suggest nya, "Ay, huwag na po! Kaya ko namang magcommute."

Though, nakakatakot rin naman dahil baka may makakilala sa akin. Pero ayokong makasama si Brent ngayon, at panigurado namang mas gugustuhin nyang kasama si Jonnah kesa sa akin.

"Ha? Sure ka ba?" Paniniguro ni tita.

"Opo."

Nagpaalam na ako sa kanila at tumalikod. Palabas ako ng gate at nakitang busy parin si Tito Vic at Brent. Napatingin sa akin si Brent pero hindi ko sya pinansin at dinaanan lang. Lumabas ako ng subdivision para mag-abang ng taxi.

Buong araw akong hindi tinext ni Brent, at nung pagopen ko ng instagram account ko ay unang bumungad sa akin ang picture nilang dalawa ni Jonnah sa kama.

Napaismid ako sa nakita. Ganun nalang yun? Kakalimutan nya agad ako na parang hindi ako nag-eexist? Na parang hindi ko sya sinamahan sa isang linggong pagkawala ni Jonnah? Ni hindi man lang sya nag-offer na ihatid ako kahit alam niyang delikado para sa'kin ang umuwing mag-isa!

Sobrang unfair talaga. Pakiramdam ko tuloy hindi mangyayari ang pinangakong tiyempo ni Brent sa'kin. Na balang araw ilelegal niya raw ako. 

Kinabukasan, nagulat ako ng nakitang nagriring ang cellphone ko. Unregistered number kaya hinayaan ko nalang at naligo. Hindi naman kasi talaga ako sumasagot ng mga tawag sa di ko kilala dahil baka stalker o ano. 

Pagbalik ko galing banyo at chineck ang cellphone ko kung may text ba ni Brent, nakita ko ang message ng isang number.

09********:
Told ya.

Yun lang at wala ng iba. Parehong number nung tumawag sa akin. Sino ba to at anong sinasabi nya?

Hindi ko sya nireplyan at tinext nalang si Brent ng goodmorning. Wala paring reply.

So yun, back to reality ulit ako.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7K 155 24
Amara Hemery is a hopeless romantic girl. She was hurt in her past and decided to take a vacation after her graduation. She met a cold and a mysterio...
127K 2.8K 34
Cojuangco Series #2: Aicelle Danica Cojuangco A queen will never bow down to anyone, well maybe up until the moment she falls deeply, madly in love...
924K 31.7K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.5K 158 32
"I am his best friend. Just best friend, no more no less." Plagiarism is a crime. P.s: The picture's not mine. CTTO.