ZAFIRA: The Princess of Wizar...

By ariathatsme

882K 21.7K 866

STARTED: June 03, 2014 ENDED: February 22, 2015 Highest Rank in Fantasy #11 BOOK 2: Falling Inlove with a Vam... More

OLD BOOK COVER
DISCLAIMER
PROLOGUE
Chapter 1: Enrollment Paper
Chapter 2: Wizard Academy
Chapter 4: The Lost Princess
Chapter 5: Intruder
Chapter 6: Dark Sorcery
Chapter 7: The Princess' Birthday Revelation
Capter 8: Missing Princess
Chapter 9: Spy
Chapter 10: The Princess Returns Part 1
Chapter 10: The Princess Return Part 2
Chapter 11: Abducted
Chapter 12: Master Haurvat
Chapter 13: Finding the Princess
Chapter 14: Coronation
Chapter 15: Impostor
Chapter 16: Love Story
Chapter 17: Sleeping Dragon
Chapter 18: Goddesses
Chapter 19: Elements
Chapter 20: Confession
Chapter 21.1: First Kiss
Chapter 21.2: Bad Welcome
Chapter 22: In his arms
Chapter 23: Chosen One
Chapter 24: Party or Tragedy
Chapter 25: Distraught
Chapter 26: Guest
Chapter 27: Gone
Chapter 28: Gate of Intelligence
Chapter 29: Sila na?! Kami na! Kayo na!
Chapter 30: Egret
Chpater 31: The Voice
Chapter 32: Seiryuu
Chapter 33: Regrets
Chapter 34: Fire (Suzaku)
Chapter 35: Leaving
Chapter 36: Trap
Chapter 37: Sacrifice
Chapter 38: Fight
Not an Update
Chapter 39: The End
Chapter 40: Last Chapter
EPILOGUE
Author's Note sana basahin niyo
PLUG!PLUG!PLUG!
About the book 2
Special Chaptersssss
Book 2
Special Chapter #1

Chapter 3: Prince Flint Stone

38.7K 857 21
By ariathatsme

Saktong tanghalian ng matapos siyang mag-ayos ng gamit kaya dumiretso na agad sila sa Cafeteria. Sa bawat madadaanan nila ay pinagtitinginan siya ng mga tao. Siguro'y kumalat na ang nangyari kanina. Isinawalang bahala niya na lang iyon dahil nagugutom na rin siya.

Kumuha siya ng tingin niya'y mauubos niya bago naghanap ng mauupuan. Malaki ang Cafeteria kaya hindi siya gaanong nahirapan.

"Lucia hindi ka ba kakain?" Tanong niya ng mapansing wala naman itong kinuha.

"Kakain pero mamaya pa ko. Hihintayin ko pa yung ipakikilala ko sa'yo. Mauna ka na dahil mukhang gutom na gutom ka na."

Napaisip siya. Gutom na siya pero ang bastos naman kung mauuna siya kumain.

"Ano bang kinakain niyo?" Usisa niya

"Depende kung anong kind ka ng fairy. Kagaya ko na isang Flower Fairy, pinakamadals na kinakain naming ay nectar ng flower dahil mas masustansiya 'yon pero mahilig din kami sa Sweets, wild berries and milk."

"Ah, sabi mo din may different kinds ng Fairy. Ano 'yun?"

"Ah, yun ba? Water Fairies, Flower Fairies, Eventide Fairies, Forest Fairies and Snow Fairies. Ung mga Water Fairies nangangalaga sila sa tubig. Kaming Flower Fairies nagiging mga guardian ng mga estudyante dito. Ung mga Eventide Fairies naman parang kami lang din pero sila naman ang nangangalaga sa mga flowers kasi nga hindi namin magagawa. Forest Fairies of course sa Forrest sila at sila din ang pinakamatakaw sa berries. Snow fairies, sa snow." Tuloy-tuloy na sagot nito.

"Ang dami niyo pala kung ganon. Teka, gusto mo ba kuhaan kita ng sweets?" Nakakita kai siya ng garapon ng asukal kanina habang kumukha siya ng pagkain. Nagtaka pa nga siya kung bakit may ganoon at kung bakit kumukuha ang ibang estudyante doon. Iyon naman pala ay para sa mga fairies.

"Talaga? Kukuhaan mo ko?" Hindi makapaniwalang sabi nito. Nakangiting tumango siya. "Sige!"

Kumilos na siya para kumuha ng asukal. Nakakita din siya ng honey kaya napagdesisyunan niyang kumuha na rin noon. Papabalik na siya ng makita niyang may kinakausap si Lucia pero mukhang hindi ito naiintindihan ng kausap. Magkasalubong kasi ang kilay ng lalaki. Napagdesisyunan niyang lumapit na.

"Zafira!" Nagulat siya sa sigaw na iyon ni Lucia, ang lapit kasi nito sa bandang tainga niya. "Siya ung sinasabi ko sa'yo si Flint" Itinuro nito ang lalaking may brown na mga mata. Kung sa iba ay magmumukhang itim, dito ay brown na brown talaga. Nakatitig ito sa kaniya kaya umiwas siya ng tingin. "Kasama ung Guardian Fairy niya na si Roland."

"H-hi Flint!" Nautal siya dahil naiilang siya sa titig nito. "Hi Roland! Ako nga pala si Zafira." Inilahad niya ang kamay na parang gustong makipagshake hands, tinanggap naman ito ni Flint pero hindi agad binitiwan. Narinig niya ang bulungan ng mga tao.

"How dare she hold Flint's hand?"

"Duh! She's a bitch!"

At kung ano-ano pang masasamang nasabi sa kaniya. Sikat ba si Flint dito sa Wizard Academy?

"Hi Zafira!" Si Roland iyon. Ngumit siya dito. "Hello!"

Kinulbit ni Roland si Flint at itinuro ang kamay nilang magkahawak pa din. Agad siyang napabitaw, hindi niya napansin! Napayuko siya ng maramdamang uminit ang pisngi niya. Siguradong namumula siya. Nakakahiya ka Zafira alam mo ba 'yon?!

"Hi, ako ng pala si Flint. Tara kain na tayo?" Cool nitong sabi na parang wala lang ang awkward na sandali kanina sa pagitan nila. "Ah, sige" Nakakuha na din pala ito ng sariling pagkain. Inabot niya kay Lucia ang kinuha niyang honey at sugar. Magiliw namang nagpasalamat ang fairy.

Patuloy silang kumakain ng magsalita si Flint, "Ikaw diba ung bagong enroll?" Tumango lang siya bilang tugon. Hindi pa rin kasi nawawala ang hiya niya dahil sa ginawa nitong pagtitig kanina.

"Hmm, paano mo nagawa ung kanina?" Kuryosong tanong nito. Mukhang mabilis ngang kumalat ang balita sa nangyari kanina. Hindi siya sumagot agad. "Kung ayaw mo sagutin, ayos---" Pinutol niya ang sasabihin nito.

"Ang totoo niyan hindi ko din alam kung anong nangyari. Basta pagtingin ko ayon, sumabog na. Mabuti pa wag na nating pag-usapan."

"Mabuti pa nga."

Napatingin siya sa dalawang fairy na kasama nilang dalawa. May sariling mundo ang mga ito. Lumipat ang tingin niya sa pagkain ni Flint at nakakakita ng weird na bagay doon kaya hindi na niya napigilan ang sariling magtanong.

"Teka ano yan?" Tanong niya ng makita ang pagkain nito na mukhang putik. Kadiri iyong tignan, hindi mo aakalaing pagkain.

"Ah, mud pie ang tawag dito. Masarap yan, nag-uunahan pa nga ang mga estudyante makakuha lang nan. Kahit mukha 'tong putik gawa ito sa chocolate at blueberry na pinaghalo. Gusto mong tikman?"

Tinanggap niya ang alok nito. "Sige! basta hindi 'to nakakalason." Biro niya pa, na tinawanan lang ni Flint.

Tinikman niya ang mud pie, si Flint ay nakaabang lang sa magiging reaction niya. "Hmm, masarap!"

"Gusto mo pa? Sa'yo na lang." Tinitigan niya ito. Tinatantya kung seryoso ba ito sa sinasabi nito. Hindi na siya tumangi ng ibigay nito sa kaniya ang mud pie. Masarap kasi talaga. Pinagpatuloy na lang nila ang pagkain pagkatapos noon.

"San kayo sunod na pupunta?" Tanong ni Flint ng matapos sila. Nakaupo na lang sila at nagpapababa ng pagkain.

"Ito-tour ako ni Lucia dito sa school."

"Oh, I see. Pwede akong sumama?"

"A-ah huwag na baka may klase ka pa." Nakakahiya kasi baka makaabala pa siya dito.

"Na'ko wala na. Sige na payag ka na para maintindihan mo kung saan talaga ung mga pasikot-sikot. Alam mo na magkaiba ang lenggwahe natin sa kanila baka hindi kayo magkaintindihan." Napakamot ito sa ulo ng makatanggap ng tig-isang batok mula kay Lucia at Roland.

Nakasimangot lang ang dalawang fairy.

"Kahit kalian nakakabwisit itong si Flint. Gusto ko na ng bagong babantayan Lucia." Hindi niya napigilang mapatawa sa sinabi ni Roland.

Nagtataka ang tingin pinupukol sa kaniya ni Flint. "Anong nakakatawa?"

"Ayaw ka na daw bantayan ni Roland." Aniya

Nanlalaki ang matang tinignan siya ng dalawa na para bang may multo sa harap ng mga ito.

She sighed. "Naiintindihan ko ang mga sinasabi ng mga fairies." Paliwanag niya. "Pero sana hindi na kumalat pa."

Tumango lang ang dalawa. "Tara na?"

Habang naglalakad sila ay kung ano ano ang kinukwento ni Roland sa kaniya. Pati na rin ang mga nakakahiyang karanasan ni Flint kaya hindi niya mapigilang mapahagalpak ng tawa.

"Hoy Roland! Baka kung ano-ano kinukwento mo kay Zafira." Puno ng pagdududang sabi ni Flint.

Pero hindi ito pinansin ni Roland. "Zafira may gusto ata sa iyo si Flint." Napatigil siya sa pagtawa,

"Hindi naman siguro. Ngayon lang kami nagkita e."

"Hindi tingnan mo kung mamula ung mukha niya. Ngayon lang din nangyari yan." Sapaw pa ni Lucia.

"Ewan ko sa inyo, nahihiya lang yan."

"Uy! Kayong tatlo ano ba ang pinag-uusapan niyo?" Reklamo ni Flint. Hindi niya napansin na nakatingin pala silang tatlo sa huli. Masyadong halata na ito ang pinag-uusapan nila.

"WALA!!" Sabay-sabay na sabi nilang tatlo.

"Hmp!" Pinagkrus ni Flint ang dalawang braso bago nag-pout. Hala ang cute! Napailing siya sa naisip.

"Flint? Para kang bakla." Si Roland iyon na paniguradong hindi naintindihan ni Flint.

Hindi niya napansin ang paglapit ng kaniyang kamay sa pisngi nito para pisilin iyon. "Ang cute mo!" Nasapo niya ang bibig. Anong ginawa ko? Pareho silang namula dahil doon. Si Flint ay nag-iwas ng tingin pero namumula ang tainga nito.

Inayos niya ang sarili. Ang kaninang namumula niyang mukha ay seryoso na, ganoon din si Flint. Nagpatuloy sila na parang walang nangyari. Tahimik din ang dalawang fairy sa kanilang tabi.

Lahat ng madaanan nila ay sinasabi ni Flint kung para saan gaya ng garden, gym, potion room, spell room, library at iba pa. May binanggit din itong Archway Market na pupuntahan daw nila mamayang gabi. Mas masaya daw kasi doon pag gabi. Sa buong maghapon ay nilibot lang talaga nila ang buong school.

Kung tatanungin siya ay hindi naman nalalayo ang Wizard Academy sa mga pangkarinwan na kolehiyo. Ang pinagkaiba lang ay ang pag gamit at pagtuturo nila ng mahika. Iyon ang hindi pangkaraniwan.

Alas kwatro ay natapos sila.

"Susunduin kita mamayang 6:00 para sabay ulit tayo magdinner. Tapos diretso tayo sa Archway Market.

"Sige! Salamat!" Kumaway siya dito bago dumiretso sa dorm niya.

Nahahapong napaupo siya sa kama, ganoon din si Lucia. Mabuti na lang talaga at nag-ayos na siya ng gamit kanina.

"Lucia, bakit iba ang lenggwahe niyo?" Hindi niya na kasi naitanong iyon kanina. Ngayon niya lang ulit naalala.

Lumikot ang mata nito. Parang nag-iisip kung magsasalita o hindi. Ngunit nagsimula itong magkwento. "Noon pa man iba na ang lenggwahe namin. Naiintindihan kami ng mga wizards at normal na tao lang ang hindi nakaiintindi samin. Pero simula ng mawala ang aming prinsesa labing-limang taon na ang nakararaan hindi na kami maintindihan ng mga wizards."

"Prinsesa ng mga fairies? Siya ang dahilan?"

"Prinsesa ng mga wizards, Zafira." Malungkot na sabi nito.

"Bakit siya nawala?"

"Ah, eh. Kailangan ko palang kausapin ang kaibigan kong fairy." Pagpapalusot nito. "Mamaya na lang."

Bigla itong umalis. Nagkibit balikat na lang siya. Siguro'y hindi pa ito handang magkwento. Pero bakit nawala ang prinsesa nila?

Sa pagod ay hindi niya napansing nakatulog na pala siya. Naalimpungatan siya ng maramdamang parang tumatapik sa pisngi niya.

"Ano ba natutulog ung tao." Naiinis na sabi niya. Nagtalukbong pa siya ng kumot.

"Zafira! Anong oras na!" Boses iyon ni Lucia. "Malelate ka na!"

Napabangon siya at agad na napatingin sa orasan. 5:30 na. Dali-dali siyang naligo at nag-ayos. Hindi siya pala make-up pero naglagay siya ng lip balm para sa nanuyo niyang labi. Eksaktong alas sais ay tapos na siya, sinabi din ni Lucia na nasa labas na si Flint.

"Tapos ka na? Tara na?" Aya ni Flint. "Sige." Iyon lang ang naitugon niya.

Pumunta muna sila sa Cafeteria para kumain. Hindi natahimik ang lamesa nila dahil puro kwento ang dalawang fairy. Ilang beses na din silang sinusulyapan ng iilang estudyante na kasabay nila kumain. Nagtataka siguro kung paano nila naiintindihan ang dalawang fairy. Tinatranslate niya kasi ang sinasabi ng mga ito kay Flint. Habang nagkukwentuhan ay bigla niyang naalala ang tungkol doon sa prinsesa.

"Ah, Flint." Tawag niya sa pansin nito. Agad naman siyang nilingon ng huli. "May itatanong lang sana ko tungkol sa nawawala niyong prinsesa."

Natahimik ang lamesa. Natigilan ang tatlo. Para bang may sinabi siyang hindi angkop at karapatdapat. Bakit? May mali ba sa sinabi ko?

ariathatsme

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 94.7K 68
Witness the magical journey of Kathylina Amara Ferrtollo! Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Magical #1 in Academy #1 in Elite #78 in Teen-Fi...
536K 19.5K 67
Status: COMPLETED. EDITING (ON HIATUS) Zypher Venus Halmington was destined for greatness. But doubts and fears stop her from being the person who s...
643K 17.5K 40
Si Harmony ay nagtataglay ng kakaibang katangian na hindi mo aakalaing mageexist. Lahat ng tao sa mundong kinalakhan niya ay itinataboy siya, tinataw...
744K 25K 35
Highest Ranks #1 in Mages as of September 23, 2019 #1 in Mages as of June 28, 2020 #1 in Fantasy-Romance as of June 18, 2020 #2 in fantasy adventure...