Chapter --- 29 ^Goobye 'Rain the Nerd'
*Rain's POV*
Walang humpay ang pagtulo ng luha ko. Ewan ko. Siguro mauubusan na ako ng tubig sa katawan ko. Sobrang saket.
"Ate? Bakit ka nandito?" Familiar na boses ni Renzo. Di pa rin kasi ako umaalis sa pwesto ko eh.
"Wag mo akong kausapin." I said in a cold voice.
"Ate pumasok kana." Hinawakan niya kamay ko.
"Pwede ba?! Bitawan mo ko! Wag mo kong kausapin!" Napa angat ako ng ulo. At galit ang itsura ko.
Nakakainis! Bakit ba lahat ng mga lalake manloloko?!
"Ate concern ako sayo!"
"Hello! Kailan pa kayo naging concern ah?! Sa panloloko niyo saken ng 16 years?! Concern ba yon?!"
Tumulo ulit ung mga peste kong luha! Kainis! Kainis! I mocking myself.
"Ate! Tama na!" Basag na boses ni Renzo. Umiiyak na siya.
"Oo! Tama na talaga! Pabayaan niyo na lang ako! Pwede?!" I said. Sabay takbo sa loob ng bahay.
Humagulgol ako ng iyak habang papasok ng bahay.
"Anak napano ka?" Hinawakan ako ni Papa.
"Wag mo nga akong hawakan tanda!"
Natigilan ako? Tanda? Natawag kong tanda si Papa? Napapano na ako? Di ko na kaya ang stress na to. Nanghihina na ako.
Yung mga tuhod ko parang gustong bumigay anytime.
*SLAP!*
Nagulat ako lalo sa ginawa ni Papa.
"Wala ka ng galang ah!"
"Dapat ba kayong galangin?!"
Sasampalin pa sana ako ni Papa kaso hinawakan ko yung kamay ni Papa at pinigilan. Pero binitawan ko ulet.
"Sige! Sampal! Eto naman gusto niyo eh! Ang saktan ako! SAMPAL!!!"
Hiningal ako sa kakasigaw.
Ayoko na. Parang gusto ko na lang mamatay.
*Renzo's POV*
"Nak. Tapon mo na to. Hihintayin ko pa ang ate mo." Binigay ni papa yung isang plastic bag na may basura.
May napansin akong babaeng nakayuko. At basang basa dahil na din sa ulan.
Ng marinig kong umiiyak. Familiar. Si ate.
"Ate? Bakit ka nandito?"
"Wag mo akong kausapin." Sabi niya na malamig ang tono.
"Ate pumasok kana." Hinawakan ko kamay niya at pilit hinila para makatayo. Pero nabigla ako ng itabig niya ito ng malakas.
"Pwede ba?! Bitawan mo ko! Wag mo kong kausapin!" Umangat yung ulo niya at kitang kita na magang maga ang mata at galit na galit na mata.
Parang lahat ng pain hawak ni Ate. Pati naman ako nasasaktan ah.
"Ate concern ako sayo!"
"Hello! Kailan pa kayo naging concern ah?! Sa panloloko niyo saken ng 16 years?! Concern ba yon?!" Tumulo luha ni Ate. Kaya hindi ko din mapigilan at tumulo na din ang luha ko.
Alam kong nagtago kami sakanya ng 16 years. Pero hindi namin alam na mapapalapit sila kuya Paulo samen.
Kaya tinago namin to. Kase ayaw namen mawala si ate samen. Mahal namin si Ate kahit di namin siya kadugo.
"Ate! Tama na!" Basag ang boses ko ng masabi ko yon. Naiinis na ako.
Pwede bang intindihan ni ate ang lahat? Pwede naman diba?
"Oo! Tama na talaga! Pabayaan niyo na lang ako! Pwede?!"
Tumakbo si Ate.
Naiwan ako na tulala.
Kung pwede lang diktahan lahat ng nanguyayari nagawa ko na.
*SLAP!*
Ng narinig ko ang malakas na sampal na di ko alam sino.
Bigla akong pumasok sa loob.
"Wala ka ng galang ah!" Sigaw ni Papa
"Dapat ba kayong galangin?!" Sigaw ni Ate.
Sasampalin pa sana ni Papa si Ate kaso nahawakan ni ate yung kamay ni papa at tinabig.
"Sige! Sampal! Eto naman gusto niyo eh! Ang saktan ako! SAMPAL!!!" Paos na si Ate pero sumisigaw pa rin siya.
Biglang tumakbo si Ate paakyat ng kwarto.
Tinignan ko si Papa. Kaya tinignan ko siya.
Niyakap ko si Papa.
"Intindihin na lang po natin siya Papa." Naramdaman kong tumango lang si Papa.
*Rain's POV*
Dumapa ako sa kama ko at umiyak. Na parang bata na hindi binili ng paborito niyang laruan.
Naiinis ako.
Hindi rin sa kanila. Kundi pati sa sarili ko.
Bakit ba ang hina hina ko?
Napatayo ako ng kama.
Dapat mawala na ang dati kong image.
Tumingin ako sa salamin.
Hindi ako lampa.
Hindi ako mahina.
Kumuha akong gunting.
Di ako magpapakamatay ah? Tatapusin ko pa ang istoryang to. -___-
Tinaas ko yung buhok kong mahaba. Nanginginig akong ginupit ang nasa left side. Hanggang shoulder ko.
Next. Sa kabila. Hanggang mapantay ko. Pwede nakong taga gupit ah?
Ayoko ng makita ulit ang image ko na umiyak.
Actually yung buhok ko mahaba pa. Lagpas pa sa shoulder ko.
Nakita ko yung mga salamin ko.
Naiyak ako. Ng hawakan ko sila. At unti unting...
Binale at sinira.
Lahat ng image ko.
Mga libro ko..
Tinapon ko sa trash can ko.
Bukas. Pangako..
Iba na ako. Ibang iba.
Dahil wala na ang nerd na tulad ko.
Goodbye Rain the Nerd.
Hello..
Rain the Casanova.