Chapter --- 23 ^The half
*Rain's POV*
Pagkatapos ng araw na yun. Hindi muna ako nagpakita sa dalawa, tutal rehearsal naman para sa darating na graduation. At ako ang Salutatorian. Si Paulo ang Valedictorian. Pero di ko siya pinapansin, dahil same kameng busy. Umiiwas ako. Kasi kailangan ko munang mag isip.
Sino nga ba pipiliin ko? Naguguluhan ako. Pareho kong silang gusto. Sila naman, pareho nila akong mahal.
Ano nga ba sinisigaw ng pusu ko? Ano ba?
Wala naman sinasabi pusu ko eh.
Kakatok sana ako kay Papa para humingi ng advice ng marinig kong nag uusap silang apat.
Nakinig lang ako. Baka kasi pinapagalitan na naman ni Papa yung mga kapatid ko. Ibang magalit si Papa. Pero.. Iba narinig ko.
"Pa. Bakit di pa natin sabihin kay ate." -Rian
"Hindi pwede." -Papa
"Eh hanggang kelan natin to itatago?" -Renzo
"Yep! Kami nga natanggap namin eh siguro ok lang din kay ate." -Ronald
Tinatago? Tanggap? Huh? Patuloy lang ako sa pakikinig.
"Pero iba siya sa inyo. Kayo. Matatanggap niyo naman na patay na talaga mama niyo." -Papa
Patay na si Mama?
Natahimik sila. Pati ako. Ke-kelan pa?
"Sempre pa. Masakit pa rin naman na patay na si mama kahit 7years na." -Renzo. Malungkot yung boses niya.
7years ng patay si Mama? Teka. Bakit di ko alam? O di ko lang naiintindihan?
Nag bu-blur na paningin ko habang nakikinig sa usapan nila.
Parang unti unting binubuhusan ng acido yung katawan ko.
At sinasaksak ng patalim ang pusu ko. Lalo na sa usapang ito..
"Oo nga. Di talaga matatanggap ni ate. Lalo na di natin siya tunay na kapatid." -Renzo
Bigla na lang akong nanlambot at napaupo sa harapan ng pinto.
"Buti nandiyan si Kuya Paulo. Sana maprotektahan niya si ate." -Rian
"Kelan natin sasabihin kay ate pa? Malay mo maintindihan niya." -Ronald
"Ewan ko anak. Sa tamang panahon. Kapag ikakasal na siguro sila ni Paulo. Baka ikamatay niya kase pag nalaman niyang patay na ang mama niyo. Alam niyo ng may sakit sa puso ang ate niyo" -Papa
Imbis na pakinggan ko pa ang susunod nilang usapan. Tumayo ako. At sa di ko inaasahan. Bumukas yung pinto at nakita ko si Renzo.
"A-ate?"
Pero tumakbo ako. Kailangan kong puntahan si Paulo! Gusto kong malaman! Lahat! Masakit marinig kung si Papa pa! Sa tamang panahon pa daw niya sasabihin pero gusto ko na ngayon na mismo!!
YOU ARE READING
Mister Manyak meets Miss Nerd
FanfictionANONG MANGYAYARI SA BUHAY PAG IBIG NI RAINBOW CRUZ AT JESSE ALAYA? Magugustuhan kaya ng isang NERD ang isang MANYAK?