Chapter --- 4 ^Pervert! Manyak!
At ako'y kinikilig ulet!! Nagpagulong gulong ulit ako sa kama at nagtitili at sabay kagat sa unan ko. Naalala ko tuloy. Di pako nagsipilyo.
Yuck. Naku. Nalawayan ko pala yung unan ko. Kahiya naman.
Teka? Kelan pa ba ako nahiya ? Ok lang naman na tumulo ang laway ko eh!
Ganito ba nag epekto ng kinikilig? Ayba. Ni salitang lovelife hindi ko alam. Eto ba yun?
Haaaaay! Makaligo na lang at sipilyo! Papasok pako.
"Goodmorning Ate!" Bati ni Ronald habang nahihikab. Batang to. 7 na at kakagising lang niya? 7 pasok nito ah. Ay ang batugan talaga.
Kumain na ako para maka alis na. 7:30 palang. Naku. Back to normal na naman. Bully again.
Sinuot kong salamin eh black na. Para terno kame ni Paulo. Ahihi!! HAHAHA!
After kasi nung kwek-kwek moment sinabi niya na panget daw pag pa iba iba eye glasses ko kasi parang jejemon daw. Narealize ko. Oo nga no! HAHA! Pero date hindi ko naman pinapansin kung mukha na ba akong ewan o jejemon sa mga eye glasses ko.
Pero dahil isa akong dakilang inspired kay Paulo! Ayba! Black nalang para partner kame. XD ang landi ko na ah?
"Aba Rainbow! Black naman ang frame ng salamin mo ah!"
As usual. Kaya eto na naman ang payuko yuko effect ko at kunwari nagbabasa habang naglalakad. Bakit feel ko parang hindi ako welcome sa Academy na to? Laging pag bubully naaabot ko araw araw. Kulang na lang pati sa panaginip ko makita ko sila. Pwede bang kahit isang araw sa tanang buhay ng highschool life ko makaramdam ako ng...
Isang tahimik na pagpasok sa school. Hanggang maglunch. Pag lunch kasi kinukutya ako ng dahil sa nagbabaon ako! Eh! Anung bawal dun?! Pambata daw kesyo ang baduy! Eh masarap magluto si Papa eh!
Hanggang pag uwi ko. Relax lang ang tenga ko sa pag bu'bully.
"Hi Rainbow." Sino ba bang expect niyo na tatawag saken ng Rainbow? Edi si Paulo.
Puro Rain, Nerd at Manang ang tawag nila saken sito sa campus eh.
"Hehe. Hi Paulo." Bati ko na nakayuko.
"Oh. Nahihiya ka pa rin saken? Friends tayo diba?"
"Hehe. Oo." Inangat ko ulo ko. "G-goodmorning." Then nag smile ako.
Napakalaking pasasalamat ko at nagbaba ng isang napaka gwapong nilalang si Lord dito sa harapan ko. Simula 1st year to present. Ngayon lang ako nagkaroon. Super bless ko!
"Una na ako ah? Ingat ka." He wave then he smile at me.
Yung mga choir sa puso ko tumutunog na naman.
*sigh* "Ang gwapo talaga."
"HOY!"
"Ay palaka!" O_____O Watta!
Nagulat naman ako sa humawak sa likod ko! Alam naman na matatakutin ako at magugulatin eh! Kaya sarap na sarap ang mga pamilya ko na pang aasar saken ng ganun!
"Date kabayo. Ngayon palaka. Pwes." He pulled me. Hanggang makardam ako ng matigas sa likuran ko. It means. Natrap po ako.
Nilapit niya mukha niya. Eto na naman ang palapit lapit ng mukha eh! Nabibiktima tuloy ako na akala ko hahalikan ka! Hindi naman pala! HOY! Pwedeng isa ngang scene na hahalikan ako ng gwapong nilalang!
"Since palaka ako. Can you be my princess? Halikan mo ang palakang tulad ko para ang palakang tulad ko maging tunay na..." Nilapit pa niya hanggang maramdaman ko ang hininga niya. "Prince charming.."
>///////< ANO?!
Mukhang hahalikan na nga niya ko. Pero tinulak ko siya. Kasabay ng pag hawak niya sa tiyan at humalagpak sa tawa!
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Nakita kong nangingilid na ang luha niya pero tawa pa rin siya ng tawa! Eh kung sipain ko kaya ang below the belt niya?!
"Mamatay ka sana sa kakatawa!"
"Aba. Ang sungit mo ah RAIN THE NERD." Napatigil ako bigla. Yung boses niya iba eh. Anubayan!! Nalelerki ako! Bakit ang gwapo nito!
"Halika." Hinawakan niya kamay ko at hinila at dadalhin sa death end ng school at kakatayin. T^T Joke lang. Baka mangyari!
"San moko dadalhin!?!" Pinilit kong alisin yung kamay ko at bigla naman niyang binitawan kaya na out of balance ako.
Pero... Nasalo niya ko kaya ang lapit na ulit ng mukha niya. Bakit parang yung choir sa loob ng puso ko tumutunog ulet? Naman eh!
"Saan pa ba? Edi sa pulang building."
Errr?
"Pulang building?"
Ano yun? Nakakatakot ata dun. Bakit pula yung building?
[A/N: Sa katayuan ng ating character ngayon ay isang malaking tanga sa buhay. HAHA! Charing! Nerd po yan diba? Kaya hindi alam ang pulang building kaya loading ang utak ng ate niyo. HAHAHA!]
*Jesse's POV*
Binitawan ko siya kaya nagkaroon ng tendency na ma out of balance siya. Kaya nasalo ko siya. Nakita ko direkta ang mata niya. Parang may naalala ako. Pero ang ganda niya siguro.
"Saan pa ba? Edi sa pulang building." I tease her. Pero parang laglag panga ang isang to!
"Pulang building?"
Anak ng?! Hindi niya alam yon?! Pero imbis na magulat ako. Napangiti tuloy ako.
I smile at her at nilapit ko mukha niya sa mukha ko.
"Doon nangyayari ang isang bagay na masarap gawin."
Grin.
"A-ah. Ano?" Halatang nabibigla siya sa mga sinasabi ko. ANG SLOW NG BABAENG TO!
"Alam mo na yung ano." I pouted.
"Baliw ka na. Anong 'ANO' Sabihin mo na lang!" HAHAHAHA SLOW TALAGA.
"Sex." Bigla siyang napatayo at pinag hahampas ang kamay niya!
Hahahahahhahahaha! Mga babae talagang slow masarap lokohin! As if naman makikipag sex ako dito sa Nerd na to!
*Rainbow's POV*
Nakakatakot siya. Haist. Parang hindi maganda ang pagkakasabi ng mga salita ah.
"A-ah. Ano?" Tapos pangiti ngiti pa siya. ABAT!
"Alam mo na yung ano." He pouted.
"Baliw ka na. Anong 'ANO' Sabihin mo na lang!" Kahit kinakabahan ako. Nilakasan ko boses ko.
"Sex." Bulong niya.
O______O
HUWAAAAAT THE!!! Bigla akong napatayo at pinag hahampas siya! Kung pwede lang gulpuhin siya ngayon eh! Pero baka magka violation ako na "Paggugulpi ng babae sa lalake." Pwede ren? Pero walangyahinayupak nga naman oh!!!
Bigla nalang siyang natawa! Wala na ba tong magawang matino sa buhay!
Ang manyak niya!
"Bakit ba? Ayaw mo?" Sabay tawa!
"Pervert! Manyak! Ang pervert mo! Pervert! Pervert! Mamatay kana!!" Hinagis ko yung librong hawak ko kaso hindi natamaan. -_______-
Ano ba yan? Apat na mata ko hindi ko pa natamaan? *clap* *clap* how nice!
"Halika na kase! Sa pulang building!"
WalangAsdfghjkasdfghjkl!
"PERVERT!! Lumayo ka sakin baka mapatay kita!!!"
"Woa! Woa! Mabilis lang yun!"
Asdfghjkl!! Isa pa sisipain ko below the belt nito!
Nakita ko maluluwa na siya sa sobrang pigil ng tawa.
"HAHAHAHA! Ang sarap HAHAHA lokohin ng babaeng HAHAHA slow HAHAHA!" Sige lang. Mamatay ka diyan.
"MANYAK!! PERVERT!!"
Bigla akong tumakbo papuntang classrom at umupo.
Nakuuuuu!!!! Napaka manyak niya! Kumukulo dugo ko!
Makabasa na nga lang..
Teka?? Yung libro ko NASAAN?!?!
OMG!!!!! Naibato ko kay Jesse!! Naku kung mamalasin ka nga naman oh! -_____-