10 Steps To Be A Lady

Galing kay Khira1112

11.7M 232K 32.6K

First Installment of Steps Series Si Rhea Louisse Marval ay isang babaeng hindi marunong magpakababae. Boyish... Higit pa

10 STEPS TO BE A LADY
CHAPTER 1 : BET
CHAPTER 2 : HER PUNISHMENT
CHAPTER 3 : THE STEPS
CHAPTER 4 : THE BLACKMAILER
CHAPTER 5 : TRIAL AND ERROR
CHAPTER 6 : DINNER WITH OLD FRIENDS
CHAPTER 7 : THE BEHOLDER
CHAPTER 8 : PIQUE
CHAPTER 9 : CEASEFIRE
CHAPTER 10 : PAST, PRESENT & FUTURE
CHAPTER 11 : THE GENTLEMAN
CHAPTER 12 : THE IMPOSSIBLE SIDE
CHAPTER 13 : STARTING POINT
CHAPTER 14 : ADMISSION AND CONFUSION
CHAPTER 15 : SOURCE OF IRRITATION
CHAPTER 16 : RETURNING BUDDIES
CHAPTER 17 : KILL
CHAPTER 19 : NIGHT AND DAY DIFFERENCE
CHAPTER 20 : TONS OF REMINDERS
CHAPTER 21 : NOTES AND LISTS
CHAPTER 22 : WITH HIM
CHAPTER 23 : PILLOW VS PUNCHING BAG
CHAPTER 24 : ENEMIES TO PERFECTION
CHAPTER 25 : THE UNBEATABLE
CHAPTER 26 : MATURITY
CHAPTER 27 : NOT A GOOD JOKE
CHAPTER 28 : WHEN NO ONE IS AROUND
CHAPTER 29 : ASSURE YOU
CHAPTER 30 : TWO IN ONE
CHAPTER 31 : BLACK AND WHITE
CHAPTER 32 : READ BETWEEN THE LINES
CHAPTER 33 : GETTING SERIOUS
CHAPTER 34 : MISMATCH
CHAPTER 35 : THE KISSING MONSTER
CHAPTER 36 : NAUGHTY SIDES
CHAPTER 37 : SECOND TEST
CHAPTER 38 : LAST QUESTION
CHAPTER 39 : RESULT
CHAPTER 40 : LEVEL UP
CHAPTER 41 : WELCOME AND GOODBYE
CHAPTER 42 : STYLE
CHAPTER 43 : WEIRD
CHAPTER 44 : DATE
CHAPTER 45 : THEMESONGS AND UNRECIEVED GIFTS
CHAPTER 46 : HOW TO BE SWEET
CHAPTER 47 : EXTRA LESSON
CHAPTER 48: KEEP YOU AWAY
CHAPTER 49 : COLD TREATMENT
CHAPTER 50 : NOODLES
CHAPTER 51 : FAIR FIGHT AND ELEVEN GIFTS
CHAPTER 52 : THE JUDGES AND THE AUDIENCE
CHAPTER 53 : JUST TELL
CHAPTER 54 : A MINUTE OF BEAUTY , CONFIDENCE AND ELEGANCE
CHAPTER 55 : STEP FOUR
CHAPTER 56 : REST DAY
CHAPTER 57 : DO THIS
CHAPTER 58 : FIND ANOTHER WAY
CHAPTER 59 : FIFTEEN
CHAPTER 60 : SORRY NOT SORRY
CHAPTER 61 : LET ME KNOW YOU
CHAPTER 62 : FORGOT
CHAPTER 63 : CONTINUE THE STEPS
CHAPTER 64 : MOON
CHAPTER 65 : INITIATE
CHAPTER 66 : DONE NOTHING
CHAPTER 67 : KISS MARK
CHAPTER 68 : BITTER
CHAPTER 69 : WAIT
CHAPTER 70 : HEADLIGHTS
CHAPTER 71 : MORE THAN MOST
CHAPTER 72 : RINGTONE
CHAPTER 73 : BARBIE
CHAPTER 74 : HELL IN MY HANDS
CHAPTER 75 : HORROR-ROMANCE
CHAPTER 76 : STEP 6
CHAPTER 77 : LET IT OUT
CHAPTER 78 : INVITATION
CHAPTER 79 : PROCESS OF GETTING BETTER
CHAPTER 80 : TWO MONTHS REMAINING
CHAPTER 81 : BREAK
CHAPTER 82 : STEP 7 AND 8
CHAPTER 83 : FIRST TIME WITH YOU
CHAPTER 84 : CHAT
CHAPTER 85 : FINISHED
CHAPTER 86 : PART-TIME JOB
CHAPTER 87 : WORKMATES
CHAPTER 88 : HOW I WISH
CHAPTER 89 : TREASURE AND PRECIOUS
CHAPTER 90 : GIRL OR LADY
LAST CHAPTER : WITNESSED IT ALL
EPILOGUE
NOTE

CHAPTER 18 : NOT SO GOOD

140K 2.4K 539
Galing kay Khira1112

RHEA POV

Patuloy ako sa pagtakbo sa threadmill. Tumatagaktak ng ang pawis sa buong katawan ko. Basang basa na rin ang t-shirt ko pero hindi ko 'yon pinansin. Hindi ako tumigil kahit hingal na hingal na ako. May nakasalpak na earphones sa magkabilang tainga ko. Tumutugtog ang kantang 'I'm sexy and I know it.'

Nakafocus lamang ang mata ko sa harapan. Hindi ko magawang lumingon. Kahit abutin ako ng umaga dito, hindi ako lilingon sa kaliwa o sa kanang gawi ko. Kahit pa mamatay ako!

Pumikit ako at pinakinggang mabuti ang kanta para madistract ako ng konti.

[ (Ahhh) Girl look at that body

(Ahhh) Girl look at that body

(Ahhh) Girl look at that body

I-I-I work out

(Ahhh) Girl look at that body

(Ahhh) Girl look at that body

(Ahhh) Girl look at that body

I-I-I work out ]

Nakakaramdam na ako ng pagod pero hindi ako hihinto hangga't wala pang humihinto sa dalawang 'to. Hindi pwedeng ako ang unang hihinto sa aming tatlo!

Oo, tatlo kaming nagwowork out.

Ako, si Delgado at si Coby.

Imagine, sumama talagang mag-work out si Coby! Kalahating side ng utak ko ay tuwang tuwa.

Ngunit ng maalala na kasama rin namin si Delgado, nabadtrip ako bigla. Sinong hindi mababadtrip?

Sumulpot siya dito tapos ipinagpilitan na magwowork out ako kasama siya. Kasama pa talaga siya, ha! Malalagutan ba siya ng hininga pag hindi niya ako pineste kahit isang araw lang? Grr! Ang kapal! Talagang nag-insist pa siya na dito na lamang kami magwork out total naman may gym rin naman dito sa bahay. Kung makapagsalita siya kanina, parang siya ang anak ng may-ari, eh. Hmp! Hiyang-hiya naman ako sa kanya.

Kung si Coby lang sana, mas okay pa. Hindi, eh! May kasama kaming 'panira ng moment.'

[ When I walk in the spot, (yea) this is what I see (okaay)

Everybody stops and is glancing at me (hell yeah!)

I got a passion in my pants and I ain't afraid to show it, show it, show it, show it. . .

I'm sexy and I know it

I'm sexy and I know it ]

Nafi-feel ko na para sa akin ang kanta. Oo, medyo feeling sexy ako ngayon. Magkakaroon din ako ng abs, muscles at curves! Hindi na ako lampayatot! Ipupush ko 'to.

Hindi ko alam kung nag-iimikan pa yung dalawa. Malay ko ba? Hindi ko naman sila naririnig dahil sobrang lakas ng tugtog.

[ Yo, when I'm at the mall, security just can't find them all

When I'm at the beach, I'm in a speedo trying to tan my cheeks (whaat?)

This is how I roll, come on ladies it's time to go

We headed to the bar, baby don't be nervous

No shoes, no shirt, and I still get service (watch!) ]

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang paghinto ni Coby. One down! Dahil sa sobrang tuwa ko, nakalimutan ko ang rule kong 'bawal lumingon.'

Tumambad sa akin ang pawisang dibdib ni Coby.

Parang nag-slow motion ang pag-ikot ng mundo. Napahinto ako sa paghinga. Oh, my wonderland . . .

Nagtaas baba ang dibdib nito sa paghinga. Nakahawak siya sa kanyang buhok at itinaas iyon. Nakapikit ito at bahagyang nakaawang ang labi. Ang pawis nito sa noo ay bumababa patungo sa leeg, pababa sa dibdib, pababa sa abs. . .Chicken! May abs siya! Napalunok ako sa nakikita ko ngayon.

[ (Ahhh) Girl look at that body

(Ahhh) Girl look at that body

(Ahhh) Girl look at that body

I-I-I work out

(Ahhh) Girl look at that body

(Ahhh) Girl look at that body

(Ahhh) Girl look at that body

I-I-I work out ]

Iyon ang narinig ko mismo sa kanta. Timing na timing lang sa moment. Ang. . .ang init bigla! Aircon! Kailangan ko ng aircon!

Natigagal ako. Baka nga tumulo na ang laway ko at humalo sa pawis. Bumagal ang pagtakbo ko at dahil roon lumagapak ako sa threadmill.

Packing sheet!

Doon lang bumalik ang huwisyo ko. Muntik na akong mapamura ng malakas kung hindi ko lang naalala agad na nandito si Coby.

Totoo pala ang kasabihang : Bawal lumingon, nakakamatay.

Agad akong dinaluhan ni Coby. Narinig ko rin ang pag-off ni Ren sa threadmill na gamit niya. Napapikit ako sa kahihiyan. Argh! Ano ba naman 'to?!

Masakit ang tuhod at palad ko. Sama na pati yung baba kong sumayad rin sa threadmill. Shit! Plus pa ang kahihiyan. Sa lahat ng mapapakitaan ko ng aking katangahan, silang dalawa pa?!

Natanggal ang earphone sa tainga ko. Narinig ko ang nag-aalalang tanong ni Coby. "Rhea, saan ang masakit?"

Ngumiti na lamang ako sa kanya ng pilit at kumawala sa pagkakahawak niya. Pakiramdam ko kasi napapaso ako. Literal kasi na mainit ang katawan niya. Dagdag pa na tinablan ako ng matinding hiya dahil sa nangyari. Ang saklap naman! Ba't kasi kailangan pa niyang makita 'yon, eh!

Ang tanga mo kasi, Rhei!

Si Ren nakatayo lamang sa tapat ko at nakatingin sa amin ni Coby. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya. Tss. Hindi naman 'yan magiging concern sa akin kahit kailan. Hindi na dapat ako magtaka kung blanko lamang ang mukha niya. Pakialam niya ba sa akin?

Inalalayan ako ni Coby patayo. Pinaupo niya ako sa stool at hinaplos-haplos ang tuhod ko. Muntik na akong mapasipa. Nakiliti ako!

"Hindi ata maganda ang bagsak mo."

"O-okay lang. Okay lang ako." umiwas ako ng tingin sa kanya dahil pakiramdam ko malulunod ako sa titig niya sa akin. Tao kaya 'tong si Coby? Hindi kaya anak siya ng isang Greek God?

Patago kong kinurot ang aking sarili. Hindi na ako 'to! Ibalik ang dating Rhei!

Ba't pa kasi naka-topless ang isang 'to? Binigyan ko naman siya ng damit kanina, ah?

Nanghalukay ako ng sando dun sa baul ng mga kuya ko.

"Uhm, Coby? Pwedeng magdamit ka muna? Hindi ka ba nilalamig?" marahan kong tanong. Hindi pa rin makatingin sa kanya.

"Ahh, basa na kasi yung sando kaya ko hinubad. Susuotin ko na lang ulit yung polo ko kanina. Pwedeng pa-shower muna? Nanglalagkit na ako, eh."

Girly side of me saying : Oo nga, eh. Lumalagkit na rin ang tingin ko sayo. . .

Agad may komontra.

Boyish side of me saying : Ano ba ? Hindi ka ba titigil sa kamanyakan mo?

Okay. Ang katapusan ng istoryang 'to ay ang pagkabaliw ko. The end.

"Rhea?" untag ni Coby.

"H-ha? Ano ulit 'yon? May sinasabi ka ba?"

Ngumiti siyang muli sa akin. Lumitaw ñaman ang mga dimples niya. Ang lalim no'n, gusto kong haplusin.

"Okay ka na ba?"

Kahit hindi ay tumango ako. Wala, eh. Nabaliw.

"Uhm, saan ang shower niyo? Pwedeng makigamit?"

"M-meron do'n sa kwarto ni Kuya Rex. Dyan lang sa unang pinto paglabas mo dito. Sabihin mo lang sa katulong na pinayagan kita."

"Okay ka lang talaga, ha? Tell me kung may masakit sayo."

"Wala. Okay lang talaga ako." pilit akong ngumiti. Nag-thumbs up ako sa kanya para makumbinsi ko siya. Ipinatong niya ang kanang kamay niya sa ulo ko at ginulo-gulo ang aking buhok.

"Hey!" saway ko sa kanya. Marahan naman siyang tumawa bago lumabas ng kwarto. Hindi ko namalayang sinusundan ko siya ng tingin at habang ginagawa ko 'yon ay may ngiti sa labi ko.

Ibang klase talaga ang epekto ni Coby sa akin. . .

"Someone looks stupid. Smiling alone."

Agad-agad na nawala ang kilig sa atmosphere. Napalitan ng walang kapantay na inis na isang tao lang ang nakakapagparamdam sa akin.

Sumulyap ako kay Delgado.

Nakasandal siya sa mahabang metal bar , nakahalukipkip at matiim na nakatingin sa akin.

"Panira ka, alam mo 'yon? Sarap mong bigwasan." inikutan ko siya ng mata.

"Anong nangyari sayo kanina at inatake ka na naman ng katangahan?" taas kilay nitong tanong.

"Wala ka na do'n!" asik ko sa kanya sabay ingos.

"Talaga, ha? Kaya pala kung makatitig ka kay Ramirez, parang kakainin mo siya. Akala ko ba boyish ka? Ba't umaasta kang bakla kanina?"

Napanga-nga ako sa narinig kong huling sinabi niya. Sinabihan niya ako ng 'bakla?' Bakla ako?! Aba't-

"Sa totoo lang, ang manyak mo tignan kanina." dagdag pa niya.

Namula ako ng sobra sa hiya. Seriously?! Napansin niya 'yon?! Damn!

Hindi ko alam kung anong itatapon kong banat pabalik sa kanya. Shit! Hindi ako pwedeng mapipi ngayon! He just called me 'gay.' Pagtapos naman ay 'manyak.' Though, I could not complain on the second word dahil totoo namang minamanyak ko si Coby kanina.

Pero hindi ko talaga matanggap na tinawag niya akong bakla!

Shit. Dati tomboy , ngayon bakla ang ipang-aasar niya sa akin. Grr!

"Speechless?" nakangising sabi pa niya na tila mas lalong nang-aasar.

"Bakit pa kasi pumunta ka pa dito? Alam mo bang hanggang ngayon hindi ko matanggap ang presensya mo dito sa pamamahay ko? May nakapasok na peste." humalukipkip ako.

He shrugged his shoulders. "That's just fine. Ikaw lang naman ang pinepeste ko."

"May kasalanan ka pa sa akin."

Tumalim ang mata niya. "Ikaw ang may kasalanan sa akin."

"Wow! Ako pa! Hiyang-hiya naman ako sayo, boy!"

"Dapat ka lang mahiya. Talagang nag-cut class ka pa para lang makatakas sa community service, huh? Nice move." sarkastikong wika nito.

"Excuse me! Hindi ako nag-cutting class!" depensa ko.

"Ows? You want me to believe that crap? Talagang gumamit ka pa ng ibang tao para makatakas ka sa parusa mo? That's unfair. Alam mo bang pwede kang ma-suspend dahil sa ginawa mong 'yon?"

Nanggigil ako sa sinabi niya. Inaakusahan niya ako ng isang bagay na hindi ko naman ginawa. Cutting class?

Tss. Si Coby ang nagpunta sa academy at hindi ako nagpatulong sa kanya para makaalis at makatakas sa community service. Sa pagkakaalam ko, maayos niya akong ipinaalam sa admin. Kasalanan ko bang pumayag ang admin at nakalimutan nito ang tungkol sa parusa ko?

Natural, hindi maniniwala 'tong si Delgado kahit ano pa ang gawin kong paliwanag. Like duh! Mag-aaksaya ako ng oras mag-explain tapos hindi naman niya pakikinggan. Lagi ng nakatatak sa isip ko na si Ren Delgado ay pinanganak sa mundo para kontrahin ako. Ipaglalaban niya na tama siya kahit wala naman talaga siyang alam. Tse! Isipin niya ang gusto niyang isipin. Wala na akong pakialam!

"Enough. Alam ko na kung anong ending ng usapang 'to. Okay. Fine! Magko-community service na ako bukas. Happy?"

"Aren't you gonna defend yourself?" kunot noo nitong tanong sa akin na muntik ko ng ikatawa.

"I won't bother. Sayang ang sa oras at laway. Hindi ka naman maniniwala." walang gana kong sagot sa kanya. Totoo naman 'yon, eh.

Kinuha ko ang towel na nasa stool at akmang magmamartsa palabas ng hawakan niya ang braso ko.

"What?!" pilit kong iwinawaksi ang braso ko sa pagkakahawak niya ngunit masyado siyang malakas. "Ano ba?!"

"Huwag mo sana kalimutan ang deal natin. Yung mga away nating personal, hindi kasama do'n. Matuto kang tumupad sa usapan. Hindi sa lahat ng oras nakakapagtimpi ako." binitawan niya ang braso ko pagtapos ay huminga siya ng malalim. "Huwag kang talkshit dahil nag-aabala akong hintayin ka o kaya'y puntahan para lang matuloy ang usapan."

Natigilan ako. Muli ay wala akong nasabi. Nakatingin lamang ako sa kanya. Parang kanina lang nag-iinisan kaming dalawa, ba't ngayon sobrang seryoso na?

At bakit nakakaramdam ako ng kurot ng guilt? Ako pa talag ang magi-guilty sa oras na 'to? Eh, siya nga 'tong nagsimula ng away namin kaninang umaga sa academy.

"Hindi na sana maulit 'to, Rhea."

At ang sumunod niyang ginawa ay hindi ko inaasahan.

Hinawakan niya ang laylayan ng shirt niya at itinaas niya. H-he'll gonna strip in front of me?

What the fudge?!

Ano 'to? Parusa niya sa akin?

"Hoy! Anong ginagawa mo?!"

He frowned at me. "Naghuhubad. Bakit? Pawis na kaya ako." napatigil siya sa pagtanggal ng t-shirt.

"Naghuhubad ka sa harap ko?!" nenerbyos ako sa ginawa niya.

Ilang sandali siyang natigagal, pagtaos ay nanunuksong ngumis. "Bakit? Mamanyakin mo rin ako tulad ni Coby?"

The hell?! Lahat ng dugo ko ay umangat sa mukha ko. Pulang pula na ako nito! Walang hiyang, Delgado!

"H-hoy! Wala namang maganda sa katawan mo kaya huwag kang feeling dyan! Mas mamayakan ko pa unggoy kesa sayo."

Napangiwi si Ren sa sinabi ko. "Yuck! Pati ba naman unggoy pagdidiskitahan mo?" Kahihiyan overload! Hindi ko na kaya 'to! Ngunit nagawa niyang ngumisi muli ng nakakaloko. "Lets see kung anong magiging reaksyon mo sa katawan ko?"

Packing sheetness over and over again! Wala na bang katapusang ang kahihiyang mararanasan ko? Lubog na lubog na ako,ah!

"A-ano bang-" nabitin ang mga salitang bibitiwan ko nang tuluyan niyang hubaran ang t-shirt niya.

AAAHH~! Ayoko nito!

Tatakbo na sana ako palabas ng pinto ngunit naramdaman ko ang pag-angat ko sa lupa at sinampay niya ako sa balikat niya.

"Delgado, ibaba mo ako!"

"Ayoko nga."

"Isa! Ibaba mo sabi ako, eh!"

"Saan ba ang kwarto mo? Tara! Shower tayo. Sabay!" Sinabunutan ko siya. "Aray! Shit!"

"Ibaba mo na ako kung hindi wala ka ng buhok bukas!"

Ang lakas ng loob ng taong 'to na akusahn akong manyak! Eh, mas manyak pala siya sa akin! Ako pa talaga ang napagdiskitahan niya, ha? Walang hiya!

Nang na-realize niya may balak na talaga akong kalbuhin siya, ibinaba niya ako. Pero hindi niya ako nilayo sa katawan niya.

Wala sa loob na dumantay ang kamay ko sa dibdib niya.

Yuck! Basa! Pero wow, ayos,ah! Muscle man.

Halos magkadikit na ang dibdib naming dalawa. Ang mga kamay niya ay nasa bewang ko.

Nagkatitigan kaming dalawa at tila hindi makapaniwala sa posisyon namin.

At doon bumukas ang pinto.

Sumungaw si Luke na halos lumuwa ang mata ng makita kaming dalawa ni Delgado. Na-estatwa rin kami nang makita namin siya.

Ilang segundong pagkakatigagal muna ang nangyari. Ngang ngumisi na si Luke, pakiramdam ko ay nanlamig ang paligid.

Oh no. . . Maybe, he thinks-

"Wow! Porn!"

Napanga-nga kami ni Delgado at nagkatinginan. Sabay kaming kumawala sa isa't-isa na tila diring-diri.

Pumalatak si Luke. "Pwede ba akong sumali?"

Umusok ang tainga at ilong ko sa sinabi niya. Inabot ko ang isang bottled water na nasa tabi at malakas na ibinato sa direksyon niya. Sapul siya sa mukha.

Ayun, tumba! Hah! Porn ka pa, ha!

-

"Ba't mo kailangang batuhin ang pinsan mo, Rhea Louisse? Hindi ba pwedeng pagsabihan mo na lamang siya? Alam mo namang mapang-asar si Luke. Sana pinagpasensyahan mo na lamang siya."

Napangiwi ako ng marinig ang buong pangalan ko.

Heto ako ngayon. Sinesermunan ni Papa dahil nawalan ng malay ang pobre kong pinsan matapos ko siyang batuhin ng bote ng tubig.

Nakayuko lamang ako at kinikiskis ang mga kuko ko. Hindi ko kasi alam kung anong idadahilan ko kay Papa. Wala akong pandepensa. At hindi ko talaga siya sinagsagot pag pinapagalitan o sinasabihan niya ako pag may nagawa akong kapalpakan o kasalanan. Tahimik lamang ako. Tikom ang bibig.

"Tignan mo, nagkabukol pa ang pinsan mo." napailing si Papa habang sinasabi iyon. Medyo guilty ako. Medyo lang. Tarantado kasi yung si Luke. Nagpanting ang tainga ko ng marinig ang salitang 'porn'. Mukha ba kaming gumagawa ng milagro ni Delgado?!

At yun namang si Delgado, sa lahat ng trip niya, yung kanina ang pinaka hindi ko nagustuhan. Bwisit na 'yon! May pabuhat-buhat pang nalalaman! Nadatnan tuloy kami ni Luke sa hindi magandang posisyon.

"Mag-sorry ka sa pinsan mo mamaya."

"But, Pa-" ang pagpoprotesta ko ay nabitin dahil binigyan ako ni Papa ng warning look. Muli akong nanahimik at labag sa loob na tumango.

Ako pa tuloy ang magsosorry ngayon! Nakakainis!

"Bilisan mo na at maghahapunan tayo ng sabay-sabay."

Iyon na ang huling sinabi ni Papa at lumabas na siya ng aking kwarto.

Napabuntong hininga ako at binasak ang likod ko sa kama. Paano na 'to? Nandoon pa naman si Coby at kasama naming kakain. Nandoon din si Delgado at nandoon rin ang utak-porno kong pinsan. Wala akong lusot mamaya.

Ilang sandali pa akong nanatiling nakahiga bago naisipang bumangon at lumabas ng kwarto. Pag dating ko sa dining area ay nandoon na silang lahat. Ako na lamang ang hinihintay.

"Maupo ka na, Rhea. Para makapaghapunan na tayo." utos ni Papa. Tumango ako at umupo sa gilid ni Papa. Hindi pa rin siya nagpapalit ng suot. Nakabusiness suit pa rin siya. Kaharap ko si Coby at katabi ko naman si Luke. Katabi naman ni Coby si Delgado. Parehas silang bagong ligo. Naalala ko na naman yung mga eksena doon si gym.

Enough, Rhei! Hindi iyan ikakaganda ng utak mo! Kalimutan mo na ang nakita mo roon. Erase. . .erase. . .esase

Pagtapos namin magdasal ay nagsimula na kaming kumain. May ilang topics na binuksan si Papa para kina Coby at Delgado.

Tungkol sa mga ama nito, business, college courses at kung anu-ano pa. Minsan sumisingit si Luke pero ako ay nanatiling tahimik at nagfocus sa pagkain. Hindi kasi ako maka-relate sa pinag-uusapan nila. Wala naman akong alam sa business. Bahala na silang mag-usap usap tungkol doon.

Usap lamang sila ng usap. Namalayan ko na lamang na ako na pala ang topic nila.

"Itong si Rhea wala pang napupusuang course."

Napalingon ako kay Dad. Totoo 'yon pero para kasing maaga pa naman at marami pa akong oras para makapag-isip. Hindi ko kailangang magmadali. I still have months to think of a course which will fit on me.

"Natatandaan ko po magaling po siya arts." sabi ni Coby na ikinagulat ko naman. Wow! Naaalala pa pala niya iyon? "Magaling po siyang mag-drawing nung mga bata kami." tumingin siya sa akin at ngumiti. Namula na naman ako. Damn that killer dimples!

"That runs in the family, hijo."

Yes. Magagaling kami sa arts. Maski si Papa. Iyon ang naman naming makakapatid sa kanya. Ang pagiging artistic at creative.

Tingin ko ay kailangan kong i-consider iyon sa pagpili ng course na ite-take sa college.

Muling nagsalita si Papa. "Mukhang makakapag-aral naman siya ng mabuti dahil wala namang distraction sa kanya. I mean, boyfriend." humalakhak si Papa.

Napalingon kaming lahat kay Luke dahil nabilaukan ito . Agad kong tinapakan ang paa niya sa ilalim ng lamesa. Napasinghap naman siya.

You better shut your mouth, cousin. . .

"You okay, Luke?" pakunwaring pag-aalala ko sa kanya. Pero sa totoo lang, gusto kong ismiran siya kung hindi lamang nakatingin sa amin si Papa at kung hindi ko lamang kaharap si Coby. Napatingin ako sa gawi ni Delgado. Wala na namang reaksyon ang lalaking 'to. Hindi ko na naman mabasa ang mukha niya. Ano na naman kayang problema niya? Agad akong nagbawi ng tingin.

"You okay, dude?" tanong naman ni Coby sa pinsan ko. Pilit na ngiti ang isinagot nito at nagthumbs up pa.

"Hinay-hinay kasi sa pagkain, hijo. Hindi ka naman mauubusan." natatawang sabi ni Papa. Yeah, right.

Napakatakaw kasing lumamon. Hindi nagsalita si Luke at nagpatuloy na lamang muli sa pagkain.

Good boy. . .

Buti na lamang at na-drop na ang topic tungkol sa akin. Ewan ko ba dito kay Papa. Alam naman niyang boyish ako at wala sa life plan ko ang mag-boyfriend. Sakit lamang sila sa ulo. But I can make exceptions, basta ba gusto ko yung lalaki.

Oh, di ba? May improvement na ako!

"By the way, ba't hindi na lamang kayo rito magpalipas ng gabi? Nandito naman si Luke."

Hala! Hindi pwede!

Gusto kong magprotesta ngunit hindi ko agad nagawa dahil nakita kong nagkatinginan ang tatlong lalaki at pare-parehas na ngumisi.

Oh, no. This is not a good sign!

Hindi pwede 'to! Ngayon ako madidistract. Baka hindi ako makatulog. Argh!

"Hindi po ba kami magiging abala , tito Robi?" tanong ni Coby kay Papa.

"Oo nga po. Nakakahiya." wow naman! Kailan pa nahiya ang isang Lawren Harris Delgado?

"Of course not!" sabi ni papa. "Maganda ngang may lalaki na ulit dito sa bahay. Lahat kasi ng mga anak kong lalaki ay umalis na."

May bahid ng lungkot ang boses ni Papa. Halatang namimiss niya sila Kuya. Ako rin naman. But it doesn't mean na kailangan naming maghanap ng replacement.

"Sige na mga 'tol! Xbox tayo sa taas. Ngayon na lang ulit ako maglalaro no'n. Pumayag na kayo!" sulsol pa ni Luke.

Okay. Fine! Mukhang wala na akong magagawa. Apat sila. Mga lalaki pa. Eh,ako - isa lang. Feeling lalaki lang. No match.

Napagkasunduan na nila na dito sila magpapalipas ng gabi. Si Papa na lamang daw ang magpapaalam sa kanila. Tatawagan nito ang mga ama nila. Mukhang natuwa naman ang tatlo.

Ako naman ay tila sasakit ang ulo. Argh! Ayoko ng ganito. Goodluck na lang sa akin mamayang gabi. Hindi pa naman ako mapakali kapag may ibang tao rito sa bahay.

Kay Coby, may tiwala ako. Pero kina Ren at Luke, with their creepy smiles. Hindi talaga karapat-dapat na pagkatiwalaan.

>>next update

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

5.7K 147 23
"It is not being perfect what we used to be, it is what our hearts desire to show who we really are." - Reena Francesca Campbell
1.4M 56K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
5.1K 357 13
PUBLISHED AS PART OF ILYWAMYHAK ANTHOLOGY BOOK UNDER UMPRINTABLES! Isang symposium ang ginanap sa barangay nina Vina. Hindi naman siya iyong tipo ng...
548K 10.9K 186
#WATTYS2015 winner! -Instant Addiction and TNT Katropa Favorite One boy. One Girl. Endless possibilities. Book 1 of Endless Series #1 Short Story...